logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 2: DREAM

Sapphire's POV
Isang linggo na matapos ang unang araw ng pasukan. Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang nagiisip kung ano ba ang dapat kong paniwalaan at gawin sa mga bagay na napagusapan namin ni Ms.Aster. Yung bagong teacher na nakilala ko noong first day.
Flashback
Habang naglalakad ako papunta sa huling klase ko ay pinatawag ako ni Ms.Aster kaya naman dumiretso na ako doon at nagpaalam nalang sa next professor ko.
Kumatok ako para ipaalam ang pagdating ko bago pumasok. Nagawa ko pang huminga ng malalim para kumalma.
As far as I remember wala pa naman akong offense na nagagawa?
Napatingin sa akin si Ms. Aster kaya ngumiti ako at yumuko.
"Ah Ms. bakit niyo po ako pinatawag?"agarang tanong ko.
Ngumiti ito sakin pero feeling ko ang creepy ng ngiti niya.
Oh god! Sapphire you're being paranoid!
"Take a sit first Ms.Vestra,"ani niya kaya umupo ako.
"Ah Ms. ano po ba talagang kailangan niyo?"tanong kong muli dahil nawiwirdohan na ako sa kaniya.
Nagulat ako nang biglang sumeryoso ang muka niya bago huminga ng malalim.
"I want to ask you some personal things," sagot niya na ipinagtaka ko.
"A-anong tanong po iyon?"kinakabahang tanong ko sa kaniya.
'May alam ba siya?'
"Alam mo ba kung saan ka nagmula?"seryosong tanong niya kaya napalunok ako.
"Sa mga magulang ko po syempre. Sila Sylvia at Chase Vestra, sila ang magulang ko," napapatawang sagot ko pero mas lalong sumeryoso ang mukha niya.
"Sigurado ka ba sa sagot mo?" Tinaasan ko siya ng kilay sa tanong niya.
Damn! Ano ba ang gusto niyang iparating?
"Ma'am if you don't mind why are you asking me like that?"nagpipigil kong tanong.
Umiinit na ang ulo ko.
"Uulitin ko ang tanong ko Ms.Vestra. Alam mo ba kung saan ka tunay na nagmula?" Pumikit ako bago huminga ng malalim
"Bakit ho pa kayo nagtatanong ng ganiyan?May alam ba kayo?"tiim bagang kong tanong dahil nararamdaman kong umiinit na ang mga mata ko.
Tumitig ito sa akin na para bang pinagaaralan ang bawat reaksyon ko bago ito ngumiti. Hindi ko alam kung bakit tila kumalma ang puso ko sa ngiti niyang iyon.
Bumaling siya sa drawer at may kinuha. Binigay niya sa akin ang isang envelope na may tatak na labing tatlong constellation.
"Para saan po ito?" tanong ko.
"Huwag mo sanang isipin na pinanghihimasukan ko ang buhay mo Sapphire pero marami ako ng nalalaman tungkol sa pinagmulan mo at kung gusto mong malaman kung ano at sino ka talaga kailangan mong magtiwala sa akin," masuyong sabi niya kaya lalong nagulo ang isip ko.
Magsasalita na sana ako nang biglang tumunog ang bell kaya naagaw nito ang atensyon niya. Tumayo na lang ako pero bago ko buksan ang pinto ay inilabas ko muna ang nilalaman ng isip ko kanina pa.
"Kung ako nga hanggang ngayon di pa kilala ang sarili ko ikaw pa kaya?"sarkastiko kong saad.
"At oo, tama ka hindi ko alam kung saan ako nag mula dahil bata pa lang ako alam ko na ampon lang ako. Kaya kung may alam ka wag mo na akong pahirapan dahil buong buhay ko daig ko pa ang sanggol na walang alam sa nangyayari sa paligid niya."
Tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ngunit pinunasan ko ito kaagad bago lumabas ng office niya.
End of flashback
Napatawa ako nang maramdamang tumulo na naman ang mga luha ko.
Siya?alam niya ang pagkatao ko?
Alam niya kung ano at sino ako?
Nakakaloko,nakakatawa at nakakagalit. Ako nga hindi ko kilala ang sarili ko eh tapos...tapos siya?
Bakit sino ba siya? Kung may alam siya bakit di niya nalang sabihin?
Umupo ako at tinignang maigi ang envelope na binigay niya sa akin
'ZODIAC ACADEMY'
Hinaplos ko ang mga letrang nakaukit dito. Hindi ko namalayang na napapangiti na ako habang ginagawa iyon
Pupunta ba ako?
Pero paano sila mama at papa?
Oo,bata pa lang ako alam ko na ampon ako hindi dahil sa sinabi nila o ipinaramdam sa akin na ampon ako kung hindi dahil ako mismo ang nakatuklas nito. Hindi alam nila mama at papa na alam ko na ang totoo na hindi nila ako tunay na anak dahil ayoko na isipin nilang iiwan ko rin sila pagdating ng panahon para hanapin ang tunay kong magulang pero...eto ako ngayon pinag-iisipan kung sasama ba ako kay Ms.Aster.
Sa sobrang pag-iisip ko ay nakatulog na ako.
Sa napaka-gandang palasyo ay may nagaganap na kasiyahan.
"Kay gandang Prinsesa,"nakangiting sambit ng isang marangyang babae na may hawak ding sanggol na lalaki.
"Maraming salamat Kamahalan. Ganoon din sa iyo, aking nahihiwatigan na magiging habulin ng mga kababaihan ang iyong anak sa oras na lumaki ito,"sagot nito at nagtuloy tuloy ang kanilang paguusap at ang kasiyahan.
Mainit. Masikip. Magulo.
Nasaan ako?
"Savannah!" Lumingon ang babae sa kaniyang asawa habang hawak hawak nito ang kaniyang anak.
"Huwag mong gawin iyan nakikiusap ako! 'Wag mong ilayo sa atin ang anak natin!"sigaw nito.
Ngunit tila hindi ito naririnig ng kaniyang asawa dahil nakatitig lamang ito sa kaniyang anak na walang alam sa nangyayaring digmaan.
"Patawarin mo ako aking prinsesa ginagawa ko lamang ito upang mailigtas ka. Alam kong darating ang araw ay magkikita tayong muli. Mahal na mahal kita aking anak," lumuluhang sabi nito sa kaniyang anak na tila natutuwa pa sa kaniyang nakikitang nagkakalat na apoy na kasing kulay ng kaniyang mga mata at buhok.
Unti-unti niyang binitawan ang sanggol papasok sa isang lagusan hanggang sa ito ay kusang mawala at kinuha ang kaniyang sandata ngunit bago ito kumilos ay liningon niyang muli ang lagusan na nawala na.
'Hihintayin kita anak. Isa iyang pangako."
Hawak ang sandata, sumugod ang babae nang lumuluha sa digmaan na unti-unti nang bumabaha ng dugo.
"SAPPHIRE!"
Nagising ako sa isang malakas na sampal.
"Gago sino yon?!"sigaw ko at bumaling sa lalaking nakatago sa sa isang sulok.
"Hehe sorry Saph, kasi naman eh para kang binabangungot. Hindi kita magising kaya sinampal kita," nakangiting sabi nito na lalong nagpainit ng ulo ko.
"Lalabas ka o bubugbugin kita?"matatalim na tingin ang ibinigay ko sa kaniya.
"Eto na nga oh, sige sa baba na ko byee!"sabi nito habang kumakaway pa. Napahilot naman ako sa sintido ko.
'Anong klaseng panaginip yon?'
Bumaba na lang ako sa kama ko at pumasok sa CR. Pababa na ako nang makita ko ulit ang envelope kaya kinuha ko ulit iyon at tinignan bago huminga ng malalim.
"Hintayin mo ako Zodiac Academy,"nakangiting sambit ko sa kawalan bago ako nagbihis.
Hindi ko alam kung ano ang papasukin ko pero handa akong harapin ang lahat malaman ko lang ang pagkatao ko.

Komentar Buku (82)

  • avatar
    RoseteJamby D.

    woooooow, the intro is so interesting, as reader na hook agad yun atensyon ko and babasahin ko talaga ito. so paano ba iyan babasahin ko na yun mga susunod na chapter. continue lang sa pagsulat ng mga magagandang sulat.💕

    19/01/2022

      0
  • avatar
    Quirino Gonzales Jr.

    wala naman masama kung makikinig at magtitiwala sapagkat .may alam sya sa pagkataon mo .

    19/01/2022

      0
  • avatar
    Andrea E. Suazo

    Thanks

    11/06/2025

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru