logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

The Chosen One

The Chosen One

Xiarnathiaz


CHAPTER 1: HER LIFE

"Wow!! Ang ganda naman po dito lolo," manghang sabi ko habang nakatingin sa mala palasyong lugar. Isang napakagandang palasyo sa gitna ng paraiso, puno ng mga bulaklak ang paligid at ka'y sarap ng simoy ng hangin.
"Talaga ba apo?" tanong ni lolo kaya napatingin ako sa kaniya.
"Opo,alam niyo nama na mahilig ako sa ganitong tanawin," nakangiti kong sambit.
Tumango-tango si lolo at tumingin rin sa kapaligiran ngunit di ko maiwasang magtanong .
"Uhmm..Lolo nasan po ba tayo?" tanong ko.
Pansin kong natigilan siya bahagya kaya nagtaka ako pero pagbaling niya sakin ay ngumiti siya ng malapad. Ewan ko pero pakiramdam ko may gusto siyang iparating gamit ang kaniyang mga mata at ngiti sa labi.
"Nandito tayo kung saan tayo tunay na nabibilang apo. Ang lugar kung saan makakaranas ka ng mga bagay na di mo inaasahan," masayang sagot ng lolo.
Pero bakit ganon?
Bakit pakiramdam ko ayaw ko na dito?
Bakit pakiramdam ko masasaktan ako?
Sapphire's POV
Lumipas ang mga araw ay hindi ko na muling nakita pa ang lolo ko. Sa tuwing magtatanong ako kay mama at papa ay wala silang ibang ginawa kung hindi ang ngumiti. Hanggang sa hindi ko na namalayan na lumalaki na ako. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang huling pagkikita namin ng lolo ko.
Isang bagay lamang ang lagi kong naiisip sa tuwing naaalala ko si Lolo. Iyon ay ang pinaniniwalaan kong buhay pa siya at umalis lang siya para sa isang mahalagang bagay.
Alam kong kahibangan dahil dalaga na ako at iyon pa rin ang sinasabi ko pero dahil nga sa huli kong ala-ala sa kaniya, pakiramdam ko ay may kinalaman ang pagkawala niya sa bagay na iyon.
"Argghhhhh!! Ayoko na tama na!" parang kinakatay na sigaw ng lalaking nakaluhod sa harapan ko.
Sa halip na mag-alala ay mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa mga kamay niya.
"Sabi ko naman sayo eh di mo pa rin ako kaya,"mayabang na sabi ko at binitawan na sya.
"Galing mong manumbat Saph baka nakalimutan mo? Ikaw ang naghamon!" Duro nito sa akin kaya tumaas ang kilay ko.
"May sinasabi ka,Zairus?"nagbabantang tanong ko.
"Hehe sabi ko nga ako yun eh,oo ako yun ako, tsk!" bubulong bulong na sabi niya kaya sinipa ko ulit ang likod niya dahilan para madapa ulit siya.
"SAPPHIRE HAZE VESTRA!!!"
Lintik na sigaw yan parang hindi lalaki. Siguro mas maganda kung naging babae na lang talaga siya.
"Kita nalang tayo bukas,pagaling ka muna,"nakangising sabi ko at tuluyan ng umalis.
"I'm home,"mahinang sabi ko tsaka pabalibag na umupo sa couch.
"Oh anak kumusta lakad?"nakangising tanong ni Mama
"Nothing change talo pa rin siya,"nakangiwing sagot ko. Inihilig ko ang ulo ko sa tabi ni Mama bago pumukit.
"Oh siya magpahinga ka na. Maaga ka pa gigising bukas dahil may pasok ka na. "sabi niya at tumango nalang ako.
Maaga akong nagising kaya ako na rin ang nagluto ng breakfast namin nila Mama at Papa. Pagkatapos ay nag-ayos na rin ako at naghanda ng kailangan ko para sa school.
"Ma!Pa! Alis na po ako kumain na kayo diyan nagluto na ako." Sumigaw ako palabas ng bahay pero hinablot ni mama ang buhok ko bago pa man makarating sa gate.
"At sino ang nagsabing aalis ka ng hindi kami yayakapin aber?!"taas kilay nitong sabi at hinila na naman ang buhok ko.
Masaket!
"Ma naman malelate na ko oh?"reklamo ko pero humalik at yumakap parin ako sa kaniya, ganon din ang ginawa ko kay papa.
"Porque malaki ka na nakakalimot kana?"madramang sabi ni papa kaya napasiring ako sa kaniya.
"Pa naman!"asar na sabi ko at natawa naman siya.
"Oh siya sige na humayo ka at magpakarami!"pahabol niya pa na hindi ko na pinapansin. Gago late na ako!
Sumakay na ako sa motor at nag-drive ng mabilis pata makarating agad sa school. Nagawa ko pang mag-over take ng ilang beses dahil sa traffic.
Pagbaba ko ay dali dali na akong tumakbo pero sa kamalas malasan ay may nabangga pa ako.
"Bwisit talaga oh! Wala na late na'ko,"asar na sabi ko at mabilis na iniwan ang nakabangga ko.
"Wow!Gaano kahirap mag-sorry Miss?" Sinigawan pa ako ng lalaking nabangga ko.
Pagdating ko sa room ay huminga muna ako ng malalim bago tumindig ng maayos.
"Sorry Miss I'm late,"nahihiyang sabi ko kaya napatingin lahat sakin. Ang sarap tusukin ng mga mata nila promise.
"It's alright, just introduce yourself first before you take your seat,"nakangiting tugon nito kaya tumungo ako at naglakad papuntang harapan. Seriously? Bakit lagi na lang ganito ang ganap sa first day?
"I am Sapphire Haze Vestra, 17 of age and I'm proud to say that I am born with a goddess face,"nakangiti at taas noong sabi ko sabay kindat kaya naghiyawan ang mga nakakakilala sa akin.
Tumikhim naman ang teacher kaya napatingin ako sa kaniya. Ngayon ko lang napansin na bago lang pala siya dito, tumingin ako sa mukha niya at nakita kong malaki ang ngiti nito sa akin na para bang proud na proud pa sa pagmamayabang ko.
Hmmm mukang makakasundo ko si Miss ah. Nginitian ko nalang siya ulit pagkatapos ay umupo na sa dulo.
Nang makaupo ako ay nagsimula na ang klase at dahil mabait akong estudyante ay nakinig ako sa sinasabi niya. Hanggang sa di ko namalayang lunch time na pala.
Tumayo na ang mga kaklase ko at nagpahuli ako. Nang makalabas ng room ay dumeretso na ako sa canteen at bumili ng malalamon. Malalamon dahil marami ang bibilhin ko para sa mga alaga ko sa tiyan.
Umupo ako sa wala masyadong tao at tahimik na nilantakan ang pagkain ko, kapag may nakikita akong kakilala ay nginingitian ko at kinakawayan.
Hanggang sa matapos ang klase at uwian na ay paulit ulit lamang ang nangyari sa akin. Magpapakilala,ngingiti,kakaway at makikinig sa lesson na tinuturo kahit na minsan lumilipad ang isip ko sa kawalan.
As you can see ganito lang ang buhay ko, simple pero may thrill lalo na kapag tarayan at sakitan ang usapan.Wala ring lumalapit sakin at manggugulo katulad ng ibang tao sa tabi tabi dahil wala naman akong malalapit na kaibigan, oo may mga kilala ako,bumabati, kumakaway at ngumingiti pero wala ni isa sa kanila ay itinuturing kong kaibigan.
Dahil para sa akin walang taong permanente sa tabi mo,lahat sila aalis,lahat sila mawawala.
Walang forever!
Yes,masyadong malungkot pero aaminin ko at alam ko sa sarili kong takot lang ako na maiwanan sa ere. Simple lang naman yan eh kung may makikipag-usap sayo basta maayos kausapin mo, kapag wala naman sa ayos tarayan mo. As simple as that.
At isa pa masaya naman na ako kahit papano walang manghuhusga sa akin maliban sa pamilya ko at sa kaisa-isang tao na pilit sinasabing magkaibigan daw kami. As if naman may choice ako eh lagi siyang nakabuntot sa akin.
Simple,tahimik,kuntento at walang masyadong gulo, yan ang buhay ko.
Pero ang lahat ay nagbago nang simulan ko ng hanapin ang tunay kong pagkatao.
Hindi ko alam kung dapat ba akong malungkot dito pero sa tuwing nasasaktan ako, minsan naiisip ko na sana hindi na lang ako naghangad ng iba.

Komentar Buku (82)

  • avatar
    RoseteJamby D.

    woooooow, the intro is so interesting, as reader na hook agad yun atensyon ko and babasahin ko talaga ito. so paano ba iyan babasahin ko na yun mga susunod na chapter. continue lang sa pagsulat ng mga magagandang sulat.💕

    19/01/2022

      0
  • avatar
    Quirino Gonzales Jr.

    wala naman masama kung makikinig at magtitiwala sapagkat .may alam sya sa pagkataon mo .

    19/01/2022

      0
  • avatar
    Andrea E. Suazo

    Thanks

    11/06/2025

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru