KABANATA 3 Napamulagat ako ng magising sa parehong magandang kuwarto kinabukasan. Akala ko panaginip lang lahat. Akala ko nababaliw lang ako. Gaano ka posible ang mga bagay na ito? Nakasuot pa rin ako ng kulay pink na silk nightgown kapareho ng makatulog ako sa malaking kama kahapon. Pumasok ako sa isa pang pinto na hindi ko natinggnan kahapon bago ako makatulog marahil ay sa labis na pagod at pagkalito sa mga nangyayari. Tumambad sa akin ang isang glass cabinet na naglalaman ng pares ng mga naggagandahang sapatos kasunod ang rack ng iba't-ibang long gown. Ang mga ball at victorian gown naman ay nakasuot pa sa manequin na para bang iniingat-ingatan iyon. Malaki ang silid at halos malula ako sa dami ng nakikita ko. Biglang bumukas ang ointong pinanggalingan ko at nagliwanag ang mukha ko ng mapag sino ang pumasok doon. "Manang!" parang bata king tawag sa kanya. Masaya akong makita sya oagkatapos nya akong iwanan kahapon. I felt like a lost girl in a jungle of nothingness then suddenly found a companion through her. "May kailangan po ba kayo Senyorita Veronica?" magalang nyang tanong. "Oo noh! Paano ba ako makakauwi? Sabi mo my heart will— ano ba yun hindi ko na maalala pero mag aalala si Kath sakin. Iniwan ko sya sa bar tapos hindi kami nangkita kahapon at ngayon. Wala naman akong kahit anong gamit dito para tawagan sya" "Your heart will know when it is time to go" sabi nya at ngumiti na naman na nagpatindig sa balahibo ko. Napatunganga ako dahil smooth nya lang na binigkas iyon. She's a maid right? Nilagpasan nya ako kaya sinundan ko sa ng tingin hanggang sa makarating sya sa isang wooden cabinet na halos kasing tangkad ko o baka mas matangkad pa sa akin at binuksan iyon. Tumambad sa paningin ko ang isang katerbang puting long sleeves na nakahanger ng maayos, sa baba naman ay mga itim na tela, kung tama ang hinala ko mga skirt yun na maayos na nakatupi. Nagbukas pa sya ng isang kabinet at nandun naman ang mga light gray na blazer na maayos ding nakahanger at gaya kanina, sa baba ay may lagpas sampung pares ng itim na sapatos na may iba't-ibang disenyo. "Pumili ka ng gusto mong isuot para sa araw na ito" aniya at marahang ngumiti sa akin. Kumurap-kurap ako para iproseso ang lahat. "School uniform to Manang diba? I'm 25, to old to go to school and err... Magagalit ang may ari neto kung... Kung... Kung susuotin ko" "Sayo lahat ng nakikita mo Senyorita" Oh. My. God. WHAT THE HELL IS HAPPENING? "Bago ka mag freak out sa lahat ng nalaman mo Senyorita, maghanda ka na para sa school dahil malelate ka na" aniya at itinulak ako sa isa pang pinto sa loob na connected pala sa banyo. Sa laki ng mga kwarto fito hindi na ako magtataka kung maliligaw man ako. Kahit labag sa kalooban ko, naligo ako at lumabas ng naka robe lang. Nakita ko ang damit na hula ko'y iniwan ni Manang sa kama ko kaya binitbit ko yun sa walk in closet at at nagbihis na. Nakakita ako ng blower sa isang lamesa na umaapaw sa mga make up kits at doon ko pinatuyo ang buhok ko. Ukupado ako sa mga iniisip kaya natulala ako ng makita ang itsura ko sa harap ng salamin. "AAAAAAAAAAHHHHHH SINO TO? KANINONG KATAWAN TO? REINCARNATION BA TO?" Tili ako tili ng mag sink in yun sa akin hanggang sa magmamadaling sumulpot si manang sa loob ng walk in closet. "Senyorita? Senyorita! Anong nangyayari?" agad nyang tanong na tila nataranta sa tili ko. "Sino to manang? Tingnan mo! Look at her!" Hindi ako magkamayaw habang itinuturo ang repleksyon ko sa salamin. "Manang hindi ako to! Maniwala ka baka mistaken identity to. Eishen Veronica Sandoval po ang pangalan ko" I said almost begging for her sympathy dahil hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari. Bago ako maglasing sigurado akong 25 na ko at walang-wala na. Pero nagising na lang ako sa malaking mansyon na ito, tinatawag na Senyorita Veronica, pinalilibutan ng karangyaan. The last time I checked my hair is straight and black not curly. Higit sa lahat, hindi ash blonde. For God's sake may nag dye ba ng buhok ko habang natutulog ako? Kelan pa to bat hindi ko napansin? "Welcome sa pansamantalang buhay mo Senyorita" she said with that mysterious smirkà on her face Napatitig ako sa salamin at unti-unting napansin ang pagkakapareho namin. Ang hugis ng mga mata, ilong, bibig at mukha. Ako to. In my eighteen or nineteen year old self? Yeah. Hell I look like this when I was young but— Halika na Senyorita, handa na ang agahan mo. Wala ako sarili habang inaakay nya ako pababa ng hagdan hanggang makarating kami sa isa pang napakalaking silid. "Eto ang hapag Senyorita, kumain ka na" ani Manang at ipinaghila ako ng upuan. Umupo ako doon at inilibot ang mga mata. Namangha ako sa laki at lawak noon. Kasya ang halos tatlumpong katao sa long table. At sigurado ako na sa dami ng mga pagkaing nagkahanda, kasama na ang mga maid na pabalik-balik para magsilbi malaking kayamanan ang kailangan para patakbuhin ang mansyon o palasyong ito. Para akong batang nakakita ng kendi dahil punong-puno ang mata ko ng magagandang mga bagay. May isang naglagay ng tamang dami ng pagkain sa plato ko at sa dami ng pagkain gusto kong yayain silang lahat na sabayan ako. "Manang, sabayan nyo ako" yakag ko. "Kabastusan yan Senyorita" Tinaasan ko sya ng kilay. Feel na feel ko ang pagka donya. Tutal ako ang nakaupo sa kabisera, lulubos-lubusin ko na. "Kahit pa utos ko?" Ipinitik nya ang kamay. "Narinig ninyo ang Senyorita, maglabas ng mas marami pang kagamitan. "Lahat kayo ah, gusto kong makasabay ngayon" nakangisi ko pang dagdag. Hindi siya kumibonat nanatili lang na nakatayo sa kanan ko. Pinanood ko ang mga kasambahay na tulong-tulong mag ayos ng hapag at isa-isang nagsi upo na tila takot na makagawa ng mali. Lahat sila ay maingat at pinong kumilos. Nakaupo na silang lahat ng maupo si Manang sa pinakamalapit na silya sa kanan ko, sa kaliwa naman ay ang isang matandang lalaki. May tatlong bakamteng upuan pa kasama ang isa pang kabisera. "Nandito na po ba lahat Manang?" "Hindi maaring makisalo ang nagbabantay na mga guwardya dahil delikado pero bukod sa kanila, driver at sa hardinero ay lahat na po nandito" magalang na paliwanag ni Manang. Tumango-tango ako. "Kumain na tayo, gusto ko kayong makilala" Tumikhim sinmamang habang ang iba ay kumukuha ng pagkain, sya ang nagpakilala ng iba. "Yan po si Fred" turo niya sa lalaking malapit sa akin. Tumango-tango naman ang matandang lalaki at ngumiti kaya nagpatuloy na si Manang "Simula pa sa lolo mo, sya na ang head chef dito at ang dalawang babae sa kanyang gilid ang kanyang mga assistant at apo sina Sana at Yara" Nagpatuloy sya sa pagpapakilala habang kumakain kami. Nagsisi naman ako na nag effort pa talaga si Manang naipakilala sila pero hindi ko din matandaan. Masyado silang madami para maabsorb ko agad. Natapos kaming kumain, ayun kay Manang sapat lang para hindi ako malate papunta sa school.
Sinamahan nya ako hanggang sa labas ng mansyon kung saan naghihintay ang unipormadong lalaki. He is pale white that looks like a Japanese or something. "Eto naman po si Nicoso, Senyorita matagal na din syang butler ng pamilya mo at sya ang magsisilbi sayo" tukoy niya sa lalaking hula ko ay nasa mid sixties na din. He seems old but strong though. Mukhang kaya nya oa namang mambalibag ng kung sino mang taong aaway sa akin. Tinanguhan ko sya at bahagyang nginitian bago pumasok sa limousine na binuksan nya para sa akin. Nang makapasok ako ay iniabot ni Manang ang puting handbag na aniya'y kailangan ko sa school. Sa di malamang kadahilanan, nakasuot ako ng isang school uniform at sakay ng isnag magarang sasakyan para pumasok sa school. I'm 25 but I feels like I'm back to 19. Damn. Kumaway ako kay Manang habang palayo ang sasakyan at saka lang nag sink in sa akin ang kaba dahil hindi ko pala alam kung ano tong pinasok ko. Ang flah drive na sabi ni Manang ay kasagutan sa mga tanong ko ay lalo lang dumagdag sa alalahanin ko. Nang malayo na kami ay saka ko lang napansin na nasa syudad ang mamasyon na pinanggalingan ko pero hindi ako pamiyar kung nasaan ako. Pati mga streets na dinadaanan namin ay hindi ko maalalang dinaanan ko na noon. Hindi ko makausap si Nicoso dahil stoic ang itsura nya havang nagmamaneho. Tipikal na itsurang buttler kaya naman ibinaling ko na lang sa mga tanawin ang boredom ko. Nagtatagalog si Manang at may mga nakikita akong tagalog na karatula sa paligid ko kaya alam kong Pilipinas pa rin ito pero saan? Napakalaki ng Pilipinas. Napakurap-kurap ako ng pumasok sa isang kulay gintong gate ang kotse at bumulaga sa akin ang isang malaking cursive signage na nasusulat din gamit ang purong ginto "Sacred Heart College" Finally! A definite place. I could start from here. Pangisi-ngisi ako habang binubuksan ni Nicoso ang pintuan. "Thank you" I said pero parang nagulantang pa sya sa sinabi ko. Tumikhim sya at ibinalik ang walang emosyon na mukha. "Nasa parking lot lang po ako Senyorita kung gusto nyong magpasundo o may kailangan kayo. Naka save po sa telepono nyo ang number ko" Tumango-tango na lamang ako dahil sa ganda ng tanawing nasa harapan ko. Nasa harapan ko ngayon ang isang malawak na brick pathway at sa gilid nito ay ang mga wooden benches at tables na parang sadyang inihanay upang pagpahingahan ng mga estudyante. Nalililiman ito ng mga matataas na dahon ng agoho. Nagpatuloy ako sa paglalakad na para bang sigurado ako sa patutunguhan. Saka ko nakita ang malawak na quadrangle at ang mini stadium sa dulong gitna nito. Parang nostalgia ang lahat pati na ang pamilyar na at home feeling ng makita ko ang nagtatayugang building ng university kung saan hula ko ay nandoon ang mga classroom. Posible ba ang ganito? Parang nakita ko na ito noon pero hindi ko mapoint out kung kelan o paano. Imahinasyon ko ba o totoo? "Veronica! Kanina pa kita hinihintay! My God last year na natin to sa college wala ka pa ring sense of time?" Napapitlag ako ng marinig ang pangalan ko na tinawag ng isang pamilyar na babae. Thick bangs, straight silky hair, perfectly done eyeliner and a thin lipstick. Pareho kami ng suot na uniform, only mine is shorter. Ewan ko ba kay manang kung bakit maiksing school uniform ang ibinigay sa akin. Mabuti na lang talaga at bumagay yun sa maputla kong balat. Namalayan ko na lang na kinakaladkad nya na ako papunta sa kung saan at wala akong ibang magawa kundi magpatianod sa kanya. "Aevy..." Wala sa sariling usal ko. "Ha? Tinatawag mo ba ko?" tanong nya at humarap sa akin bago tumigil sa paglalakad. Napatigil din ako at naghagilap ng sasabihin. Clueless nga din ako sa mga nangyayari at ni hindi ko alam kung bakit parang kilala ko sya. "A-Aivy ang pangalan mo?" Napamulagat ang chinita nyang mga mata na kulang na lang ay malalaglag sa sahig. "Nagbakasyon lang ako sa Japan ganyan ka na? Samantalang inalipin mo ako last year" nakanguso nyang saad. Inalipin? Last year? Ang naalala ko last year naglaunch ako ng isang best selling trilogy. Ang isa sa mga short novels ko nga ay inadopt pa as indee film at naging nominee ako bilang best writer sa isang international film festival. Last year, I'm a 24 year old successful writer not a rich 18 or 19 year old kid struggling in college. "Nawalan ka na ng imik dyan. Halika na nga mala-late na tayo" aniya at muli akong hinigit patungo sa isang building. Hanggang makasakay kami sa elevator na hindi masyadong matao, patuloy sya ka mga litanya nya tungkol sa akin. Sabi nya pareho kami ng subjects pero nagtatampo sya dahil hindi ako tumawag man lang bang nasa Korea sya for summer vacation. Wala naman akong maisagot dahil nga hindi ko alam ang nangyayari. Nanahimik lang sya ng makalabas kami ng elevator, bumagal pa sya bahagya sa paglakad kaya naman nilingon ko sya. "Aevy?" "Hmm?" she asked attentively. "Bakit ang bagal mo? Halika sabay tayo, san ba ang classroom" Ngumisi sya at agad na umangkla sa braso ko. "Sabi ko na nga ba may itinatago ka ding bait sa katawan. Hayy naku Veronica" she sigh dreamily "Para kang na-engkanto, nag summer vacation lang ang weirdo mo na." Umiling-iling na lang ako sa kawalan ng masabi pero tumaas automatically ang kilay ko nang mapansin na pinagtitinginan kami ng ibang mga estudyante. Nagsipag iwasan sila ng tinggin na para bang nakakita ng multo. Bago kami makapasok sa isang classroom at narinig ko ang halakhak ni Aevy. "Akala ko nagbago ka na, konting kembot pa pala para hindi ka na si mini Satana" "Ang exaggerated ah, ganon ako kasama?" "Akala mo naman nagka amnesia to oh. Tingnan mo yung university gossip site maalala mo" Inirapan ko sya. Masama ba talaga ang Veronica na to?
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Biaya 48 berlian
Keseimbangan: 0 Berlian ∣ 0 Poin
Komentar Buku (38)
Rayzel Dical
bet ko un mga gantong genre, coz of manhwa .. more story author , godbless ❤🥰
11/08/2022
0
kyutie_naya
The title caught my attention that's why I decided to read it and lol bro I was like happy at first then go crying the next few hours. This.Is.Crazy. I mean... Great job author, you tricked my emotions so well. Happy new year 😚😚😚
bet ko un mga gantong genre, coz of manhwa .. more story author , godbless ❤🥰
11/08/2022
0The title caught my attention that's why I decided to read it and lol bro I was like happy at first then go crying the next few hours. This.Is.Crazy. I mean... Great job author, you tricked my emotions so well. Happy new year 😚😚😚
01/01/2022
0masterpiece
17/07/2025
0Lihat Semua