logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 03

Ilang araw na ang lumipas mula nang mangyari ang engkuwentro sa pagitan namin ng ex-boyriend ko. Hindi nga ako nagkamali na kumalat iyon sa bayan at kung kani-kaninong bibig na nanggaling ang mga kuwento. Na kesyo ang arte ko raw at talagang nagpahabol pa ako sa anak ng Mayor.
Nagpanting ang tenga ko  no’n dahil hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang tingin nila sa akin. Todo hingi sa akin ng sorry si Miss Ana na in-assure ko naman na wala lang iyon.
Gusto niya pa nga na kausapin ang lalaki pero sabi ko ay huwag na. Hindi na kailangan gawin big deal dahil baka kung ano na naman ang isipin ng mga tao.
Mainit din pati ang mata sa kaniya ng ibang tao rito dahil anak siya sa labas ni Mayor at half-brother niya nga si Celso pero close naman sila.
“Easter, pasuyo naman kay Sir Pablo. Nandoon siya sa tabing dagat.” Bumaling ang ulo ko sa likuran at nakitang nakasilip si Kuya Ismer sa pinto ng kusina.
Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang tray na naglalaman ng apple juice at agad na lumabas. Isa pa ito e, ilang araw ko na rin hindi pinapansin ang bisitang ito dahil sa mga sinabi niyang naging dahilan para mamula ang mukha ko.
Mantakin na isang araw pa lang iyon pero kung makabitaw siya ng mga salita akala niya matagal na kami magkakilala.
Nang makarating ako sa pwesto niya ay nakita kong nakaupo ito sa lounge chair at malayo ang tingin. Ganiyan naman siya minsan. Tahimik lang pero kapag may pagkakataon, nakikipag-usap naman siya sa mga staffs dito lalo na kay Kuya Gelo.
Iplinaster ko ang plastic na ngiti sa labi ko bago kinuha ang atensyon niya. “Excuse me, Sir. Here's your order, fresh apple juice. Enjoy!”
Umangat ang tingin niya sa akin at pinakatitigan niya ako na parang nanunuri. Nahalata niya ba na hindi tunay ang ngiti ko?
“Thank you,” aniya habang hindi naaalis ang tingin sa akin.
“You’re welcome, Sir. Please excuse me, I will go back inside now.” Yumukod ako para maipakita ang paggalang ko.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa pero hindi ko na iyon pinansin pa at nang mag-angat ako ay nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
“Do you mind if I ask you to join me here?”
Umagap ako sa pagsagot, “I'm sorry, sir. We have a lot of works to do inside so I cannot accept your request," pagsisinungaling ko! Ayaw ko lang talaga siya makasama nang kami lang na dalawa.
Mataman nakatuon ang mata niya sa akin kapagkunway ngumisi. “Is that so? Then, can I talk to your manager?”
“Po? U-uh, I mean, why?”
“You're neglecting a guest's request,” turan niya sa malamig na tono. Seryoso ba kasi siya?!
“N-no, sir! That's not what I m-meant—” giit ko pero  naputol iyon nang marinig ko ang pagtawa niya.
Umawang ang bibig ko at may pagtataka na reaksiyon sa akin. Baliw ba itong lalaki na ‘to?
“I was just teasing you, miss! You can go now,” sabi niya habang pinipigilan ang matawa ulit.
Gulat at kunot ang noo na nakatitig lang ako sa kaniya, sandali pa ay mabilis na akong tumalikod sa ideyang pumasok sa isip ko. Pinaglalaruan ako ng damuho!
“Guwapo nga, antipatiko naman!” Hindi ko napigilan na sambitin sa hangin.
“Anong sinabi mo, Easter?”
Mabilis pa sa alas-kuwatro na humarap ako ulit sa kaniya. “Punyeta! Nagtatagalog ka?!”
Nakangisi itong tumango-tango sa akin. Natutop ko ang bibig at walang pasabi na tumakbo na ako pabalik sa resort.
Ang walang hiya! Base sa aking pagkakarinig ay mukhang alam niya talaga ang pagsasalita ng tagalog! Pulido at halatang hindi pilit. Ibig sabihin… matagal na niya kami niloloko?!
Saglit, hindi naman pala iyon panloloko pero kahit na ba! Maanong sinabi niya na nakakaintindi pala siya ng salita namin.
“Easter, ayos ka lang ba?” Mabilis akong tumango kay Miss Ana. Matagal ang naging tingin niya sa akin na parang may binabasa pero hindi na siya nagtanong pa.
Mayamaya lang ay nakita namin ang pagpasok ni Sir Pablo. Mabilis akong yumuko at kunwari’y abala ako. Narinig ko na binati siya ni Miss Ana.
“Good afternoon, Sir. Do you need anything?”
“Uh, can I have Easter?”
Napasinghap kami ni Miss Ana sa narinig. Maging siya ay nagulat din sa nasabi.
“I mean can I talk to you about her?” kaswal na ang boses niya.
At talaga naman! Inunahan ko na sa pagsagot si Miss. “Miss Ana, Nakalimutan ko na hinahanap ka pala ni Kuya Gelo!”
“Huh? Magkasama pa lang kami kanina—”
“May kailangan daw po siya ulit sa'yo!”
Marahan ang ginawang pagtango ng babae at atubili pang umalis habang palipat-lipat nang tingin sa amin. Nang tuluyan itong makaalis inilapag ni Sir Pablo ang dala niyang baso ng juice sa tapat ko.
“So, ano nga ulit ‘yong sinabi mo sa akin kanina?”
Umiwas ako ng tingin sa kaniya at hindi siya pinansin pero dahil wala siyang magawa sa buhay niya ay patuloy niya pa rin ako na kinausap.
“Alam mo, pwede ko 'yon sabihin sa may-ari nitong resort,” turan niya. Para naman akong nabingi roon.
Alam kong nagsimula siya sa panloloko sa akin pero hindi ko alam na aabot kami sa ganito. At siya pa talaga ang may lakas ng loob na sabihin sa akin ito!
“Nagbibiro ka lang naman, sir, ‘di ba?” mahinang usal ko.
“Look at me and tell me, Easter.” Nangilabot ako sa paraan nang pagbanggit niya sa pangalan ko. Mukhang seryoso na siya ngayon.
Napapikit ako at hindi na nagdalawang-isip na ibaba ang pride ko. Naisip ko rin na paano kung totohanin niya nga? Ayaw kong maging dahilan ng pagbagsak ng kabubuo pa lang na pangarap ni Miss Ana.
“S-sorry po sir. Hindi ko naman po kasi alam… akala ko talaga…”
“Akala mo hindi ako nakakaintindi ng salita ninyo?”
“S-sorry na talaga sir. A-ano, hindi na lang po ako lalapit sa inyo.”
“Parang gusto kong mantanggal ng empleyado. What do you think, Easter?”
Natulos ako sa kinatatayuan ko. “H-huwag naman po, sir. H-hindi na po mauulit!” agap ko.
Nasisiraan ba siya?! Nang dahil sa siya ang nauna na paglaruan ako, siya pa ang may ganang tanggalin ako?!
“Alright, in one condition.”
“Wala naman pong ganiyanan, sir. Hindi ko naman po kasi alam na nakakapag-salita kayo ng tagalog. E kasi naman po ang fluent mo magsalita ng english at may accent pa, kahit sino naman po rito sa resort ganoon din ang nasa isip, na may lahi kayo at dayuhan dito,” paliwanag ko baka sakaling magbago ang isip niya.
“Still, it's not an excuse to call me antipatiko, since ayaw mo naman matanggal dito, what if ipasara ko na lang itong resort?”
“Sir! Kakabukas lang po nito at... at kawawa po si Miss Ana pati ang ibang kasamahan ko!” mariin kong sagot.
Iwas na iwas akong lumakas boses ko dahil lang dito.
“Sana naisip mo 'yan bago mo ako tinawag na antipatiko. Paano kung mas mataas pa pala sa akin ang natawag mong ganoon? Next time be careful to your words,” tila pangaral niya sa akin.
Bumuntong hininga ako. May punto naman siya pero—
“If you want me to accept your apology then do my condition.”
May pagsuko ako na tumango. “Be my slave for the rest of my stay here.”
Napanganga ako. Ano raw? Slave niya?
“What? Ayaw mo ba? Madali lang naman akong kausap, Miss. In just one snap of my finger, mawawala itong resort sa inyo.”
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Punyeta. Ramdam ko ang titig niya sa akin, marahil hinihintay ang sagot ko.
“S-sige, sir. Tatanggapin ko na. Basta ipangako mo lang po na hindi mo na ipapasara itong resort.”
Sa huli, ginawa ko na ang sa tingin kong tama. Para na rin manahimik ang damuho na ito. May bumubulong din sa akin na may chance na totohanin niya itong banta niya.
Binabawi ko na ang paghanga ko sa kaniya!

Komentar Buku (10)

  • avatar
    Crismathew Solis

    salamat Po.

    29/07/2022

      0
  • avatar
    Jesslyn Bataller

    🖤🖤

    21/06/2022

      0
  • avatar
    Rej Dela Cruz

    evwww

    26/02/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru