logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Underneath the Sunset

Underneath the Sunset

silenceoverchaos


PROLOGUE

“Anong plano mo?”
Narinig kong tanong sa akin ng pinsan kong si Andrei. Itinigil ko ang pagbabasa ng proposal na hawak ko at pagod na sumandal sa aking swivel chair.
“I don’t have any yet. Any suggestion?”
“Well bro, kung ako lang, I’ll just stay here! We have our freedom naman ‘di ba? So why think of running away from all of these?” cool na sagot nito.
Ngumisi ako. “Freedom with a lot of pressure, stress and a family who always rebukes? No thanks. I’d rather live a simple life than hear those people everyday saying my efforts are not good enough.”
I heard him heave a sigh. “Nakalimutan ko na magkaiba nga pala tayo ng magulang,” at tumawa ang gago.
“Yeah. Minsan inisip ko na sana iba na lang ang naging pamilya ko. Iniluwal nga ako, binihisan, pinag-aral, ibinigay ang mga luho na hindi ko naman kailangan, iyon pala ay may kapalit.”
Napailing ito at may simpatya na tumingin sa akin. “Kung gusto mo talaga na makawala sa hawla na ito, you better look somewhere else to relax and have the freedom you want to experience. Iyong malayo rito sa Manila.”
“And where would that be?”
“Ako ba si pareng google para tanungin mo?” he answered full of sarcasm.
“Ah, maybe? Marami ka ngang alam sa mga s*x positions and how to hookup, hindi ba?”
“Fuck you, Phoebus!”
“Gago, hindi tayo talo!”
Tumawa kaming pareho, kapagkunway sumeryoso itong muli.
“But seriously bro, kung gusto mo talaga umalis pansamantala, then go. Kung siguro na sila rin ang magulang ko, aalis din ako rito. From the very start you step inside this company, I saw how you put all yourself from working here, at ganoon din ang nakikita nila Daddy, ‘yon nga lang wala sa’yo ang problema.”
Malamig akong napatulala sa kawalan. Ganoon halos ang naririnig ko sa mga tao at sa iba pa naming kamag-anak. They always look up to me as if I’m the best businessman in the country, but you see, that’s contratry from my parents beliefs.
Kapag magsasalita sila sa press, kontodo puri sila sa akin na akala mo talaga proud sila sa mga nagagawa ko. Pero hindi ganoon ang lagay namin sa tuwing kami na lang ang magkakaharap.
They constantly criticize my accomplishments, claiming that they are insufficient to qualify me as the family’s great businessman. Gusto nila sagarin ko pa ang sarili ko at ilabas ang kakayahan na mayroon ako.
Hindi pa ba sapat sa kanila na pinili ko ang gusto nila when in fact I always dreamt of being a pilot? Na sa kalagitnaan ng huli kong taon sa pagpipiloto ay pinatigil nila ako at pinilit na kunin ang kursong hindi ko gusto. Don’t they see it?
Lalaki ako pero daig ko pa ang babae sa pagsunod sa magulang. There are times na mas hinahangaan ko ang kakayahan ng iba kong kakilalang babae na kayang suwayin ang magulang para magawa ang gusto nila. How I wish I could also do the same.
Nang matapos ang aming usapan ni Andrei ay nagpaalam na rin itong aalis na. Pilit kong iniaalis pansamantala sa aking isipan ang kagustuhan na maghanap ng lugar na pwede kong puntahan.
Every corner of my office was deafeningly quiet. I was in the middle of signing the papers when someone barged in.
Nangunot ang aking noo nang pumasok si Mommy. Nakataas ang kilay nito sa akin, her lips are pressed together in a grim line. Kasunod sa kaniyang likod ay isang middle-aged din na Ginang. Posturang-postura na animo’y may dadaluhan na party. Lastly, a lady comes right in after them.
Tumayo ako sa aking pagkakaupo at sinalubong sila. Iginaya ko sila sa sofa na naroon sa loob at muli akong bumalik sa aking mesa para matawagan ang sekretarya upang magpahanda ng meryenda.
“What brought you here, Mommy?”
Umupo ako sa pang-isahan na sofa. Mula pa kaninang makapasok sila ay hindi na naaalis sa labi ng kasama niya ang ngiti na siya kong ipinagtataka.
“Well, hello to you too, my son. This is your Tita Mina together with her daughter, Jessica.”
There’s something off with her smile. At ngayon pa lang, hindi ko na ito nagugustuhan.
Jessica smiled shyly as she looked in my direction.
“Greet them, Phoebus,” mariin na usal ni Mommy.
Wala akong nagawa kundi tumayo at lumapit sa mag-ina. Maingat kong idinampi ang aking pisngi sa kanila na umani ng pagkapula ni Jessica. Ipinagkibit-balikat ko ang reaksiyon niyang iyon.
“So?” kunway tanong ko ulit.
Ang plastic ng ngiting isinukli sa akin ni Mommy. I cursed mentally. 
“We are here to inform you about something. Your father and I already agreed with this, my son. And we cannot wait until later kaya ipinaalam ko na sa Dad mo na sasabihin na namin sa’yo ngayon.”
They all exchanged glances at each other. “We were about to merge with their company, Phoebus. Kaya napagkasunduan namin na ipakasal kayo ni Jessica.”
Sumama ang aking mukha ng marinig iyon. Matalim ang titig na ipinukol ko sa sahig ng sariling opisina. Alam kong nakita nila iyon, pero tanging si Mommy lang ang naglakas-loob na magsalita.
“You don’t have a choice, hijo. It’s your father’s decision after all,” may pinalidad sa boses niya.
Ano pa ba ang karapatan ko? Sa lahat ng ginagawa ko palagi sila ang masusunod at magdedesisyon.
“Kumare, it seems like Phoebus doesn’t agree with it,” nag-aalalang turan ni Tita Mina.
“Don’t worry, kumare. Hindi kasi namin agad nasabi sa kaniya kagabi kaya ayan gulat. Ipinoproseso niya pa sa ngayon, but I’m sure na matutuloy ang merging ng mga kompanya natin. Right, son?”
Maliit ang naging pagtango ko. Iyon ang naging hudyat upang manumbalik ang kapanatagan niya.
“Is that all, Mom? I need to get back to work. Marami pa akong papeles na pipirmahan,” matabang kong sabi.
“Alright, maybe you can take a rest tomorrow, para naman magkaroon kayo ng oras ni Jessica. We will talk furthermore later.“
I didn’t answer her, rather I stood up and went back to my table.
“Aren’t you suppose to escort your fianceé?” turan pa ni Mommy nang makatayo na sila.
Wala akong nagawa kundi tumayo ulit at sumunod sa kanilang likod, ngayon ay magkatabi na kami ni Jessica. Ang dalawa na ang nag-uusap habang papunta sila sa elevator.
“Bye, Phoebus. I hope we can see each other tomorrow,” Jessica said and kissed me on my cheek.
Natulos ako sa ginawa niyang iyon. Ang sunod ko na lang na narinig ay ang impit na hiyaw ni Mommy at Tita Mina.
*****
Nang makauwi ako sa bahay ay bumungad sa akin ang samu’t-saring boses na nanggagaling sa dining area. Panandalian akong sumilip at napahilot na lang ako sa aking sentido matapos kong makita ang bisita ko lamang kanina.
I was about to turn my back when suddenly Patricia, my younger sister, saw me. “Kuya!” she squealed.
Lihim akong napapikit bago humarap at pilit na ngumiti sa kanila. My father is simply staring at me, watching every move I make.
“Nandiyan ka na pala, Phoebus. Come, join us,” he bid with an authoritative voice.
I don’t have a choice but to obey him. Ang tanging bakante na lamang ay ang upuan sa tabi ni Jessica. Oh dear God. They did it on purpose!
“Since we are all completed now, shall we start?” Masayang tanong ni Tita Mina.
Ipinalabas ni Mommy ang mga pagkain sa mga kasambahay. Hindi mapakali ang katabi ko kaya ‘di ko na napigilan na magtanong.
“Are you alright?” She blushed. Kung babae lang ako paniguradong nakatanggap na ito ng irap sa akin. I can clearly sense that she likes me.
Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Nagsimula na akong kumuha ng pagkain na para sana sa akin, subalit sinita na naman ako ng magaling kong mga magulang. May kamay naman ang katabi ko, bakit kailangan pa ako?
Tss. Respect my ass. Is this some kind of a joke? They didn’t ask for my approval about this arrange marriage, at ngayon hinihingi nila ang pag-aasikaso ko sa babaeng ‘to?
Did they ever show respect to my own decisions? Sa palagay ko, hindi. Kahit kailan.
That’s the last straw for me. After those stressful encounters with them, I found myself fixing my things in the middle of the night.
“Hey, bro.”
“Drei, I found the right place.”
“Woah. Are you really sure about this?”
“Why wouldn’t I be? Matagal ko na itong pinag-iisipan at ngayon na nagdadag na naman sila ng pasakit sa ulo ko, itutuloy ko na ito.”
“Okay, okay. Where is it?”
“One of the island in Bicol. I’m sure hindi ‘yon matutunton nila Daddy.”
“How sure are you, Phoebus?” He asked worriedly.
Sa halip iba ang isinagot ko. “Can I have your support?”
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. “Of course, bro. Basta mag-ingat ka. Call me if you need anything. Kailan ka ba aalis?”
“Actually, papunta na ako sa bus terminal,” nakangisi kong wika.
“WHAT THE FUCK, PHOEBUS!”

Komentar Buku (10)

  • avatar
    Crismathew Solis

    salamat Po.

    29/07/2022

      0
  • avatar
    Jesslyn Bataller

    🖤🖤

    21/06/2022

      0
  • avatar
    Rej Dela Cruz

    evwww

    26/02/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru