logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER: 10

Chapter: Ten
NAPAIGTAD ako sa aking kinauupuan ng biglang umupo si husserl sa aking tabi. Nilingon ko siya at saktong nakatingin siya sa'kin.
"Thanks..." agad na lumabas sa kanyang bibig.
I just smiled at him. I felt that my heart beat fast when I saw his genuine smile. I think I have a heart attack. No! Why do I feel this kind of feeling? I don't like this.
"You look pale..." saad niya na nakatingin sa'kin habang may pag-aalala sa kanyang mga mata.
Umiwas ako sa kanyang nakakailang na tingin. "Napagod lang ako..." hindi pa rin ako nakatingin sa kanya.
"I'm sorry to put you in this kind of situation," wika na siyang ikinalambot ng aking puso.
Hindi ko maiwasan na tumingin sa kanya. Ba't kahit anong pilit kong iwas ng tingin bumabalik at bumabalik parin ito?
Para akong nanigas ng nagtapat ang mga mata namin sa isa't isa. "Clarity..." sambit nito sa aking pangalan.
"B-Bakit?"
"I just want to say... I already found my reason to keep alive..."

***
Nagkatitigan kami ni husserl at bumalik ulit ang tingin namin sa iisang kama. Don't tell me na magkatabi kaming dalawa? No!
Nagulat naman ako ng kinuha niya 'yung isang unan at pumunta sa sofa. Nakaramdam naman ako ng awa.
"Diyan ka talaga matutulog?"
"Yes–"
"Pa'no ka diyan magkakasiya eh ang laki laki mo..." wika ko sa kanya.
"We don't have no choice," wika niya. Mabilis niyang inayos ang unan at kumot na gagamitin niya. Siguro napansin nyang naiilang ako.
"Pwede naman tayong mag share–" napatakip ako sa aking bunganga ng kusa na lang na lumabas ito. Napa Kurap kurap siyang tumingin sakin.
"Were gonna share in that bed?–"
"Hindi ah... A-Ang sabi ko pwede tayong magpalit ng pwesto," palusot ko sa kanya.
Nanliit ang mata niyang nakatingin sa'kin kaya napalunok ako. "No, you don't need to sleep here..."
"Kasya ako diyan–"
"Don't worry about me... I can manage."
Sumuko na rin ako. Ng matapos na naming mag-ayos kaagad kaming nagtungo sa aming mga higaan.
Kakahiga ko lang sa higaan ng magsalita siya, "Good night, choco."
Choco
Choco
Choco
Gumilid ako ng higa. Ilang minuto na rin ang nakalipas ng hindi pa rin ako dinadapuan ng antok.
Dumeretsyo ako ng higa at napatingin sa ceiling. Hay, gusto ko ng matulog! Ilang beses na akong papalit palit sa pwesto ko.
Napatingin ako kay husserl na ngayo'y mahimbing na natutulog. Nakatitig ako sa kanyang maamong mukha. Bigla akong nag-iwas tingin dito ng marealize ko kung anong ginagawa ko.
Sa tanang buhay ko never akong tumitig sa mukha ng lalaki habang natutulog at mas malala pa nakatitig ako sa kanya ng ilang minuto.
Kinuha ko 'yung unan sa tabi ko at itinakpan sa aking mukha. Siguro naman hindi ko na siya matititigan nito.
Nagising ako dahil sa pag tapik sa aking pisngi, agad kong iminulat ang aking mata at gano'n na lang ang gulat ko ng mukha ni husserl ang bumungad sa'kin.
Parang naduduling ang aking mata dahil sa lapit ng aming mga mukha. "They knocking on the door..." aniya.
Agad itong lumayo sa akin. Maya maya pa'y napatingin kami sa pintuan kung saan may kumakatok kaya nagkatinginan kami.
Pinausog niya ako ng kaunti at mabilis na tumabi sa'kin. Hindi ko naman alam kung bakit kami magkatabi ngayon. "Pretend that we're still sleeping..." bulong niya sa'kin. Agad ko namang ginawa 'yung sinabi niya.
Nakasandal ang aking mukha sa kanyang dibdib, magkadikit ang aming mga katawan. Naramdaman ko 'yung kamay niya na nasa likod ko kaya sumilip ako ng konti sa kanya. "Stay still..." bulong niya sa'kim kasabay ng pagbukas ng pintuan.
Umakto akong natutulog gano'n din ang ginawa niya. "How sweet..." boses ng kanyang mommy halatang kinikilig sa nakita.
"I don't know that they are so sweet to each other," sabat ng daddy ni husserl.
Napalunok naman ako ng maramdaman ko 'yung hininga niya sa aking ulunan.
"Don't disturb their cuddling..." anang mommy ni husserl.
Narinig na lang namin ang pagsara ng pinto kaya sabay kaming nakahinga ng maluwag. Ilang sandali pa'y agad kaming lumayo sa isat isa dahil sa pagka-ilang. "That was close..."
Napa-upo ako. "Yah... Muntik na tayo do'n," saad ko sa kanya. Napatawa naman ako ng mahina.
Napatigil ako sa pagtawa ng makita ko muli 'yung ngiti niya. Nag-iwas ako ng tingin sa kan'ya.
Napakunot ang aking noo ng inabot niya ang kanyang kamay sa akin. "Take my hand..." Napatitig lang ako rito.
Napabuntong hininga siya. Akala ko lalayo na siya pero kinuha niya 'yung kamay ko at dahan dahan akong hinila patayo.
Parag wala sa sarili akong sumunod sa kanya, namalayan ko na lang na andito na kami sa balkonahe, kitang kita mula rito ang ibay ibang puno at bulaklak. This place is in the province.
"Beautiful isn't it?" tanong niya sakin kaya tumingin ako sa kanya at nakatingin ito sa'kin.
"Ba't sakin ka nakatingin?" takang tanong ko.
"Because, your my best view..." parang napaso ang aking pisngi kaya mabilis akong lumayo sa kanya at tumingin na lang roon.
"Hey..." tawag niya sakin.
Nanatili lang akong walang kibo. Anong nangyayari sakin? Ba't ko nararamdaman 'yung ganitong feeling.
Nagulat ako ng may nilagay siya sa aking tenga. Hinawakan ko agad ito at napagtanto kong bulaklak ito.
Tumingin ako sa kanya. Magsasalita na sana ako ng mapansin kong kakaiba ang titig nito sa'kin, imbis magsasalita na ako minabuti ko na lang na tumahimik.
"Ang cute niya..." ani ko kay farrah. Hawak ko ngayon 'yung aso. "Anong pangalan niya?" tanong ko sa kanya.
Bigla itong sumagot, "Her name is mocha..."
"Hello mocha..." natutuwang ani ko sa aso at hinaplos haplos.
Andito kami sa garden at nakaupo sa damuhan. Ibinaba ko na si mocha para makatakbo. Pinanood lang namin si mocha na ngayo'y hinahabol ang paru parong nakita niya.
Napabaling ang tingin ko kay farrah na tuwang tuwa habang pinapanood si mocha. "Woman can stand by itself..." ani ko.
Tumingin ito sa'kin. "How?"
Nagkibit Balikat ako. "I don't know, but I know every woman doesn't need a man to live."
"But here we are.... In reality, reality were woman's needs a man to protect them. You know what you're right... We need a man not just to be used but to love."
Ngumiti ito sa mga sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit lumabas na lang ito sa aking mga bibig.
"Happy Anniversary po ti–mommy," bati ko sa mommy ni husserl. Gulat na nakatingin sakin si husserl dahil sa tinawag ko sa mommy niya.
"Thank you hija..." aniya saakin. Ng makaalis na 'yung mommy niya kaagad akong nilapitan ni husserl.
Inunahan ko agad siyang magsalita, "Mommy daw ang itawag ko, ayaw niya ng tita."
Tumawa naman siya kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Anong tinatawatawa mo dyan?"
"Hindi naman 'yun ang itatanong ko sa'yo..." para naman akong napahiya pero hindi ko na lang ito pinahalata.
"Come here..." aniya sa'kin at iginaya ako papunta sa hapagkainan. Kami kami lang 'yung kasama ng magulang ni husserl para icelebrate ang anniversary nila.
Hinila niya 'yung upuan at pinaupo ako. Ng makaupo na ako agad itong tumabi sa'kin.
"Let's eat..." ani ng daddy nila. Kanya kanya na silang nagsikuhanan ng pagkain.
Akmang kukuha na sana ako ng pagkain ng pigilan ako ni husserl kaya nagkasalubong ang dalawa kong kilay. Kumuha siya ng pagkain at nilagay sa aking plato.
Napatitig ako sa kan'ya habang kinukuhanan niya ako ng pagkain. I feel special?
Tahimik lang kaming kumakain. Wala kang maririnig na kahit ingay except 'yung mga tinidor at kutsara na ginagamit namin.
Kinuha ko 'yung tubig ko para uminom. "Kailan kayo magsesettle na dalawa?" muntik ko pang maibuga 'yung iniinom ko dahil sa tanong ni mommy.
Maingat na tinapik tapik ni husserl 'yung likod ko. Ng mahimasmasan na ako agad kong inayos ang sarili ko.
"Dapat pinaplano niyo na magsettle para magkaroon na kami ng apo."
Napaubo ako dahil sa sinabi ng daddy ni husserl.
"Dad."
"What? Anong masama sa sinabi ko?" takang tanong nito kay husserl.
"Don't pressure us..."
"Okay."
Kakatapos lang namin kumain. Buti natapos na rin kaming kumain, kung ano ano ngang pinag-tatanong nila samin gusto ko na lang na sumuka sa mga oras na 'yun.
Naglalakad lakad kami ngayon ni husserl. Ewan ko ba kung saan kami pupunta. Bato bato na 'yung nadadaanan namin pababa.
Nakakailang hakbang palang ang nagagawa ko ng muntik na akong madulas pero agad akong naalayan ni husserl kaya nakahinga ako ng maluwag.
Aalisin ko na sana 'yung kamay niya ng mas hinigpitan pa niya ito. "I'm gonna hold you... I want you to be safe in my hand."
Pinabayaan ko na lang siya. Ng tuluyan na kaming makababa umawang ang labi ko dahil sa linis ng ilog. Mabilis akong naglakad papunta ron narinig ko pa 'yung sinabi ni husserl na mag ingat daw ako.
"Wow..." salitang lumabas sa aking bibig. Like a paradise!
Naramdaman kong lumapit na ito sa'kin. "You can swim if you want..." humarap ako sa kan'ya.
"Are you sure?" tumango naman ito.
Mabilis akong sumulong sa tubigan. Hindi parin mawala wala ang ngiti ko sa aking labi. Mabuti na lang nakapantalon ako at T-shirt.
Napatingin ako kay husserl na nakatayo lang habang pinapanood ako. "Halika..." tawag ko sa kanya ngunit umiling ito.
Nakakailang langoy pa lang ako ng mahagip ng mata ko na kinukuhanan niya ako ng picture pero pinabayaan ko na lang ito.
Nakaisip naman ako ng kalokohan. "Attorney, come here..." tawag ko sa kanya. Inilapag naman niya 'yung dala niyang gamitsa batuhan at lumapit sakin.
Ng makalapit na ito nagsalita ulit ako, "Lumapit ka... May ibubulong ako."
Mabilis naman siyang lumapit sa'kin. Hinawakan ko agad ang kanyang braso at hinila papunta sa tubig. Napapikit na lamang ako dahil sa sabay naming pagkahulog sa tubigan.
Tinignan ko naman siya ngayon na hindi maipinta ang mukha kaya napahalakhak ako sa tawa, tinuro ko pa siya habang hawak hawak ang aking tiyan.
Tumigil ako sa kakatawa ng marandaman kong tinalsikan niya ako ng tubig kaya mabilis ko itong ginantihan.
Tawa lang kami ng tawa habang papasok sa vacation house nila. Sinalubong kami ng mommy at daddy na nagtataka kung ba't kami basa.
"Ba't basa kayong dalawa?" tanong nila sa'min.
Nagkatinginan kami at biglang tumawa. Baliw na ba kami?
Napailing iling naman sila dahil sa inakto namin.
"Magpalit na kayo..." utos ng mommy niya. Mabilis kaming umakyat sa aming kwarto upang magpalit.
Pinauna niya akong mag palit kaya nandito ako ngayon sa bathroom habang nagpapalit ng damit. Lumabas na ako habang pinapatuyo ang aking buhok gamit ang towel na hawak ko.
Ng makita niya akong lumabas agad itong pumasok sa bathroom.
Ilang minuto akong naka-upo sa balkonahe habang nakatingin sa kabuuan ng garden. Tumingin ako kay husserl na kakapalit lang.
"I have a great day..." wika ko.
kanya. "Do you want to watch the beauty sunset?" tanong nito sa akin.
Mabilis akong tumango.
"Then, we will wait the sunset here..." wika niya. Napatingin naman ako sa papalubog na araw.
Sa ilang minuto naming paghihintay nakita na rin namin ito, i feel alive.
"Sunset is proof that no matter what happens, every day ends beautifully."
He's right!
Sabay namin itong pinapanood ngayon. I feel special thanks to him. This is my first time to watch sunset with a guy. Hindi ko alam kung ba't ang gaan ng loob ko ngayon, ang alam ko lang masaya ako.
Nagulat ako ng inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. "Can I hold your hand for a while?" tanong nito. Binigay ko ang aking palad sa kanya. Ramdam ko ang init ng palad niya na ngayo'y nakahawak sa kamay ko.
Pinanood namin 'yung paglubog ng araw habang magkahawak ang aming mga kamay. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na ipahawak itong kamay ko, hindi ko na alam kung anong nangyayari sakin.
Kinain na ng dilim ang kalangitan. Tumingin ako sa kamay naming hanggang ngayon magkadikit parin.
Akmang babawi ko na 'yung kamay ko ng hinawaka niya ito ng mahigpit. Nagulat na lang ako ng hilain niya ang aking kamay kaya napunta ako sa kan'yang bisig.
Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan ng bigla niya akong ikinulong sa kanyang bisig. "Can you stay for a while..." aniya.
"Can you feel my heartbeat?" pabulong na tanong niya sa'kin. "It's because of you..."

Komentar Buku (42)

  • avatar
    Radine Felipe

    I want to read untill the end

    19d

      0
  • avatar
    BanugonRyan

    thank you

    26d

      0
  • avatar
    delorazomark

    Good story

    17/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru