logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 7: Newsmonger

MIXXENE
“Nabuhay na lang siguro ako para sa tsismis!”
Iyan ang narinig ko mula sa isang dalagitang babad sa kaniyang cell phone sabay buntonghininga. Sumilip ako nang kaunti at natanaw kong nag-i-scroll ito sa comment section. Namataan ko ang isang komento na “as a friend” mula sa taong ’di ko kilala.
“Legit ’yong saya ’pag alam mo ’yong tsaa,” pag-ungot niya.
“Ambot nimu day!” Napailing-iling ako saka nag-umpisang maglakad.
Speaking of tea, if only everyone knew that it wasn’t Jupiter Jan Sawyer who died in the deserted house but Earth, the news of his death would haven’t gone in one ear and out the other of all learners in Gareth High. Sa kanila kasing magkakapatid, si Earth ang mas bantog.
Kaya lang, nangyari na ang nangyari. Mabilis nila itong nakalimutan dahil buong akala nila’y si Pete ang yumao. Little did they know, they were erroneous. Everyone was outwitted by the mendacious and pretentious young lad.
Pete was his name.
Habang naglalakad ako patungo sa aming clubroom, naalala ko na naman ’yong nakatatawang reaksyon ni Horace Horatio nang inanunsyo ko na may ikatlong miyembro na kami at ’yon ay isang multo.
Aniya, hindi raw siya naniniwala sa ’min ni Harrice Ramos. Gimmick lang daw namin ’yon para mapanatili namin ang aming organisasyon. Dagdag pa niya na ipapaalam daw niya sa school director na si Mr. Presper Terron ang kalokohan namin.
Kaagad namang umalma ang bise presidente ng kapisanang itinatag ko at sinabing hindi pa ba raw sapat ang nakita niya para tuluyan na siyang maniwala. Iginiit pa nito na kahit nga raw hindi niya nakikita si Zion, naniniwala siyang nasa paligid lang niya ito.
Kami? Isusumbong niya sa school director dahil sa kalokohan namin? Subukan lang niya. Sino kaya sa ’min ang mapapahiya?
Lingid kasi sa kaniyang kaalaman, bago pa man niya kami tinakot, nagpunta ako sa opisina ni Mr. Presper at ipinaalam ko rito ang tungkol sa club namin. Hindi naman ako nagsinungaling. Isiniwalat ko na kakatwa ang pangatlo naming miyembro, na ito’y multo.
Nagtaka nga ako kung bakit hindi ito nagulat o hindi kaya ay natawa hinggil sa ibinahagi ko sa kaniya. Siguro nagtataglay rin siya ng kakayahan na kagaya ng kung ano’ng mayro’n ako. Puwede ring naniniwala siya sa mga multo, hindi katulad kay Horace.
Mas lalo akong nagtaka no’ng alukin niya ako at ang club namin na sumali sa the most awaited Terron Cup. Sabi pa niya na qualified naman daw ang CQAE Society sa nasabing patimpalak. Sa akin na raw mismo nanggaling na may na-recruit na kaming bagong miyembro. Kaluluwa nga lang. Dagdag pa niya na puwede naman daw ’yon.
Wala naman akong pag-aatubiling pumayag sa offer niya. Ito nga ang rason kung bakit ko ipinaglalaban ang aming club at kung bakit ako napilitang kupkupin si Earth sa aming tahanan. Tapos aayaw pa ’ko?
Nabalik ako sa kasalukuyan nang may makasalubong akong dalawang estudyanteng halos langgamin na sa sobrang sweet. Sa tantiya ko, nasa grade eight ang mga ’yon.
I grimaced in disgust.
People in love stink.
Nang malampasan ko ’yong dalawa, kumpol ng mga mag-aaral na may dalang school papers naman ang nakasalubong ko. Pinagtitinginan nila ako na tila ba may utang ako sa mga ito na matagal ko nang hindi nababayaran.
I think something bizarre had happened.
Eksaktong pagpasok ko sa loob ng clubroom namin, tumambad sa ’kin ang seryosong hitsura ni Earth. Even though we both agreed to set aside the dispute we had before, hindi pa rin maalis sa ’kin ang mailang sa presensya niya.
Kaaway ko pa rin siya, ’no. Nataon lang na kailangan namin ang isa’t isa kaya napagpasyahan naming mag-ceasefire at magsanib-puwersa. Akalain mo ’yon? Tubig at langis kami dati. Tapos ngayon, nasa iisang organisasyon na kami.
Ngayon lang ’to, Mixx.
Lumikot ang mga mata ko at ganoon din ’yong sa kaniya. Walang umimik sa aming dalawa. Ang awkward. Nasaan na ba kasi si Harrice? Para naman may makausap na ’ko.
Not long after, biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang pangalawang pangulo ng CQAE Society. Ginagawa nitong pamaypay ang bitbit nitong school paper at halos hindi na maipinta ang kaniyang hitsura.
Speaking of which, here comes the veep!
“Ang init naman dito. Free trial na yata ’to sa impyerno,” bulalas ni Harrice. Marahas niyang hinila ang isang upuan saka umupo roon. “’Kala ko ba qualified na tayo sa Terron Cup? Ba’t wala tayong perks na natanggap?”
Oo nga pala. Kaya puro siya reklamo riyan kasi wala na kaming electric fan dito sa clubroom namin. Mainit nga. Ramdam ko rin iyon, pero sanay naman ako.
“Electric fan cutie,” anas niya.
At kaya wala na kaming electric fan dito ay dahil nasira iyon, at dahil din sa ’kin. No’ng mahaba pa kasi itong buhok ko, kinain ito ng fan habang nagpapahangin ako sa harapan nito. Sa inis ko, tinadyakan ko iyon dahilan upang matumba iyon sa sahig at sobrang sakit talaga ng anit ko no’n. I cussed in annoyance.
“’Wag ka na kayang tumambay rito,” I suggested, rolling my eyes. “Just go directly to your room. Tutal may air conditioner naman doon. That sounds pretty good, right?”
Hinihimas niya ang kaniyang chin, umaktong nag-iisip. “P’wede rin, pero kailangan mo muna itong makita.” Dali-dali niyang ibinigay sa ’kin ang kaninang school paper na hawak-hawak niya.
Tumambad sa ’kin ang isang article na isinulat ng isa sa mga bantog na campus journalist. Guess who the writer was?
CQAE SOCIETY UNRIDDLES THE ENIGMA OF ENRAGED SPECTRE
by Caldane Richurt
Hindi ko na binasa pa ang nakalimbag sa ibaba. I didn’t waste time. Alam ko naman na ang buong kuwento, eh. There’s no need to read the whole article. Puwera na lang kung siniraan niya ang club namin o ’di kaya’y may idinagdag siya na hindi naman relevant. But knowing Caldane Richurt? He would not do such things.
Kung huhusgahan ko siya o ’yong isinulat niya, I would definitely give him ten over ten. Kasi title pa lang, nakahu-hook na ng readers, ang ganda na. Pa’no pa kaya ’yong content, ’di ba?
But wait, kaya pala tiningnan ako ng ilang mag-aaral kanina habang papunta ako rito sa clubroom namin. Taray, sikat na kami. Kami lang ’to. But hey, we were not after the recognition or fame here, we after the prize of the upcoming contest.
The Terron Cup.
Ang premyo kasi kapag palarin kami at magwagi sa naturang paligsahan ay may free trip sa kung saang lugar namin gustong pumunta. Three days din ’yon. Ta’s puwede pa magsama ng magulang. Masyado kasi kaming stress sa pag-aaral kaya nais naman naming magpahinga nang ilang araw. Magliwaliw, gano’n.
“Hoy, ano’ng nangyari sa ’yo riyan?”
Nabalik ako sa tamang huwisyo nang magsalita si Harrice. Iwinagayway niya ang kaniyang kamay sa harapan ko.
“Okay ka lang, Mixx?” takang tanong niya.
Tumango-tango ako. “Yeah, I’m alright.” Ibinalik ko sa kaniya ang school paper na kaagad naman niyang tinanggap.
“Ba’t parang malalim ang iniisip mo kanina? May problema ka, eh,” pangungulit ni Harrice. “Sige na, makikinig naman ako.”
“Wala ’yon,” may pag-iling kong turan. “Let’s go to our respective rooms. Baka ma-late pa tayo.”
Akmang tatayo na ako nang pigilan niya ako. “Tungkol ’yan sa mama mo, ’no?” hula niya, na tama naman.
Nag-aatubili akong tumango. “Oo.”
Biglang umaliwalas ang mukha ni Harrice. Tila ba nagkaroon ng light bulb sa itaas ng kaniyang ulo. “Alam ko na,” bulalas niya. “Gusto mong manalo tayo sa contest para sa mama mo? Nais mo siyang isama sa trip para naman makapagpahinga si tita kahit saglit lang, tama?”
Umoo ako gamit ang kilay. “Matalino ka naman pala, Harrison,” asar ko sa kaniya.
“Harrice,” pagbibigay niya ng diin. “Pero seryoso, sana nga magwagi tayo, Ms. Prexy. Gagawin ko talaga ang best ko para naman maging proud din sa akin sina mommy at daddy.”
Binigyan ko siya ng tipid na ngiti. Ramdam ko ang sinseridad sa boses niya.
Pagkatapos naming mag-usap ay pumasok na kaming dalawa sa kaniya-kaniya naming klase. Si Earth? Hayun, nagpaiwan lang sa clubroom namin. Alangan namang sumama siya sa isa sa amin ni Harrice, eh, ang awkward n’on. Bago kami tuluyang lumisan kanina, nagbilin ako kay Earth na kailangan niyang bantayan ang tahanan namin.
Pagpatak ng alas-dose, may isang tsismis na naman ang pumutok sa campus. That one of the members of the CQAE Society was a ghost. Hindi ko alam kung sino ang nagpakalat n’on. Pero may naisip na akong tao sa likod nito. I needed to confirm it!
Dahil sa ipinagkalat ng kung sino, naglipana na ang mga basher. Inulan ng kuro-kuro ang pinakamamahal naming club. May iba namang namangha pero karamihan ay hindi sumang-ayon o naniwala.
“’Di ba sila ’yong president and vice president ng CQAE Society?”
“Oo, ta’s ang ikatlong member nila ay multo raw. Puwede ba iyon?”
“They must have gone nuts!”
“Desperado na talagang maging qualified sa Terron Cup.”
Habang naglalakad kami ni Harrice, pinagtitinginan kami ng mga mag-aaral sa hallway at iyan ang kanilang mga sinabi tungkol sa amin. Araw talaga namin ’to.
“Mixx, kalbuhin ko ba?” gigil na sambit ng pangalawang pangulo.
Marahan akong umiling. “’Wag mo nang patulan,” dikta ko, puno ng pagtitimpi.
“Si Horace kaya ang gumawa nito?” Harrice spoke in a whisper as he leaned closer to me.
I shrugged my shoulders. “Maybe,” kagyat kong sagot. “Siya lang naman ang kalaban natin ngayon. Si Earth kasi ay kaluluwa na lang ta’s member na siya ng club natin. Imposible namang magagawa niya ’yon.”
“Process of elimination.” Tumango-tango ang pangalawang pangulo. “May point ka. Club kasi natin ang pinagdidiskitahan niya. Hindi nakapagtaka na gawin niya ’yon, na ipakalat ang tungkol sa ikatlong miyembro ng club natin. Siguro wala siyang magawa.”
“True,” pagsang-ayon ko.
“Pero ’yon naman ang gusto natin, ’di ba? Ang malaman ng lahat kung gaano ka-cool ang club natin.”
“Oo,” sabi ko, “pero mas okay kung sa atin mismo ’yon manggaling at hindi sa iba.”
He nodded his head.
“So, saan tayo pupunta?” he asked, a little confused. “Hindi ’to ang daan patungo sa cafeteria o sa club natin, eh.” Alanganin siyang ngumiti.
I stopped, turning my gaze at him. Huminto rin siya at kunot-noong napatingin sa akin. “Saan pa ba? Ano ba?”
“Sa office ng student inspectors?” gulat niyang wika nang mapagtanto ang plano ko. “Susugod tayo? Mixx, masama ’yan, ha. Pero bet ko ang idea mo. Tara!” Nilampasan niya ko. He then sprang in excitement.
Napailing-iling na lang ako sabay ngiti. “Abno gyud!”
Nang marating ng aming mga paa ang office ng student inspectors, napahinga ako nang malalim. Inihanda ko ang sarili sa posibleng mangyari buhat ng galit ko kay Horace. But I was not sure if he really did that.
“I knock, you talk,” I told Harrice firmly.
He shook his head promptly. “Hindi! Ako ang kakatok, ikaw ang kumausap!” tutol niya.
“Okay!” I then exclaimed. Napabuga ako nang malalim na hininga.
“Nice,” nakangiting aniya. He stretched his right hand then ready his knuckle to knock the door. Pero napatingin muna siya sa gawi ko na waring nag-aalangan.
Pinanlakihan ko siya ng mata habang nakatitig sa kaniya. Ang mga kilay ko’y tila nagtatanong kung itutuloy ba niya o hindi. Para din akong tsismosang nagbabantay sa bagong saltang kapit-bahay.
Harrice knocked the door three times. Pagbukas ng pinto, tumambad sa amin ang dalagang may kaputian at ang kaniyang buhok ay naka-perm. But what caught my eye was the badge on her chest. Iyon ay nagsasabing isa siya sa student inspectors.
“My name’s Randalice Remington,” she hastily introduced herself. “What do you need?” Sa pagkakataong ito, nakataas na ang isang perpektong kilay niya.
“Where’s Horace Horatio, the chairman?” nakahalukipkip kong kuwestiyon.
“He’s not here,” kagyat niyang tugon. “And why are you looking for him? Ano naman ang kailangan n’yo sa kaniya?” Ipinagkrus din niya ang kaniyang mga braso sa harapan ng kaniyang dibdib.
Ginaya pa ako. Buang.
“Hindi mo ba kami papapasukin?” sabad ni Harrice. He then cracked a grin at Randalice.
“Hindi,” she hastily responded. “Bakit?”
Nanggigigil talaga ako sa bruhang ’to. Sarap niyang pektusan sa esophagus.
“Nasa’n ba kasi si Horace? At bakit niya ipinagkalat sa lahat na ang bago naming member ay kaluluwa, ha?” pagbato ko ng sunod-sunod na katanungan.
“Wait, wait!” she exclaimed. “Our chairman didn’t do that, okay? Kaya ’wag n’yo siyang akusahan sa kasalanang hindi niya ginawa,” singhal niya.
“Pero siya lang ang taong posibleng gumawa nito kasi may poot siya sa kapisanang itinatag ni Mixxene,” ganti ng bise presidente. Bahagya ring tumaas ang boses niya.
“Sinasabi ko sa inyo, hindi niya ’yon magagawa,” pagtatanggol niya sa tagapangulo. “I personally know Horace. Oo, nahahalata ko rin na pinag-iinitan niya kayo, ang club n’yo. Marami ring nagsasabing negatives sa kaniya, but I’m pretty certain that he did not spread what he knew about your guild. In other words, he’s not a gossipmonger. Can you please stop accusing him as such?”
I heaved a sigh. “Okay,” pagsuko ko. “Let’s go, Harrice.” Tinalikuran namin siya at nag-umpisang maglakad.
Nagtungo na lang kami ni Harrice sa cafeteria upang mag-lunch. Kumbinsido naman na ako sa sinabi ni Randalice. Pero kung hindi si Horace, sino? Si Earth? Eh, hindi nga niya makausap ang mga tao sapagkat kaluluwa na lang siya ngayon.
D’yos ko. Mababaliw na yata ako.
Hapon na nang sabay kaming bumalik ni Harrice sa clubroom namin. Nandoon pa rin si Earth at parang sinusuri nito ang mga gamit sa silid. Hindi ba siya nabo-bore?
Dali-dali kaming umupo ni Harrice dala na rin ng pagod. “Earth, are you okay?” nag-aalalang tanong ko sa nananatiling nakatayong si Earth. Wait, ba’t ba ako nababahala sa kaniya?
Tumango siya. “Oo,” sagot niya na may kasamang ngiti. “Actually, lumabas ako kanina. And alam ko na kung sino ang nagpakalat tungkol sa ’kin,” pag-amin niya.
My eyes immediately grew bigger and my mouth went agape. “Really? Sino?” sabik kong tanong. Tumaas yata ang boses ko.
“Ano’ng sinabi niya, Mixx?” naguguluhang turan ng katabi ko. “Kung makasigaw ka naman.”
I turned my gaze at the veep. “Alam na raw niya kung sino ang newsmonger,” pagbibigay-alam ko sa kaniya.
Namilog din ang kaniyang mga mata na parang mga barya at dagling naghagis ng isang kamay papunta sa kaniyang bibig. “Talaga, Earth?” Napatingin siya sa kung saan ako nakaharap kanina, sa gawi ni Earth. “Sino naman?” aniya. Nahihimigan ko sa kaniyang tinig ang galak.
Ngunit bago pa man makasagot si Earth ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang isang babaeng hindi ko inaasahang pumasok sa teritoryo namin.
Si Delevingne Hedges.
“What on earth are you doing here?” I queried, a little confused. Dahan-dahan akong tumindig.
“Uh,” tila nag-aalangan niyang sambit. “Um, gusto ko lang mag-sorry, Mixxene.”
My face immediately contorted.
Huh? Bakit? Bakit palagi na lang siyang nagso-sorry sa akin?
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko. Tila isang alon ang marahas na humampas sa akin nang unti-unti kong mapagtanto ang isang bagay.
Bumaling ako sa direksyon ni Earth Sawyer, ang mga mata ko ay nagtatanong. Ang sunod-sunod na pagtaas-baba ng kaniyang ulo ang nagkumpirma na tama ang hinuha ko.
Paano mo nagawa sa amin ito, Delevingne?
“Ano ba kasi ang nangyari?” bugnot na wika ni Harrice. Napatingin ako sa kaniya. Napakamot ito sa likuran ng kaniyang ulo. “Bakit ka nagso-sorry kay Mixxene?” naguguluhang kuwestiyon niya kay Delevingne.
Tumungo ang dalaga. “I’m very sorry, guys. Ako kasi ang nag-spread ng news about sa new member n’yo,” pag-amin niya na ikinagulat ng aking kasama. Hindi na ako nasorpresa dahil si Earth na mismo ang nagkumpirma.
“What?” reaksyon ni Harrice.
“’Wag kayong magalit sa akin. ’Di naman ’yon ang intensyon ko. Naikuwento ko lang naman kasi kay Dorothy ang tungkol sa inyo. Hindi ko naman alam na ipagsabi niya sa iba,” paliwanag niya sa amin.
Dorothy? ’Di ba siya ’yong parating nakadikit kay Earth noon? Ynoc yata ang last name niya if I’m not mistaken.
“Hindi pa rin talaga nagbabago si Dorothy,” may pag-iling na ungot ni Earth.
“Teka, pa’no mo naman nalaman?” tanong ni Harrice.
“Narinig ko kayo kahapon, eh. Pauwi na ako no’n sa dormitory nang marinig kong may kasagutan kayo. Si Horace Horatio. Sorry talaga, ha. Alam kong mali ’yong ginawa ko. And nagsisisi na ako. Dapat hindi ko na sinabi kay Dorothy,” dagdag pa niya.
“Apology accepted,” I uttered.
“Really?” gulat niyang sambit. Sa isang iglap, umaliwalas muli ang kaniyang hitsura.
Umoo ako gamit ang mga kilay ko.
“Para sa amin, sincere ka naman kaya okay na ’yon,” Harrice said, smiling. “Gusto ko ngang magpasalamat sa ’yo, eh.”
“At bakit?” kunot-noong usisa ni Delevingne.
“Kasi sikat na kami ngayon,” aniya at humagalpak ng tawa.
Tumawa na rin kami ng roommate ko.
Pagkatapos ng harapan at aminan sa loob ng aming tahanan, nagtungo na kaming tatlo sa cafeteria para maghapunan. Then after that, sabay na kaming umuwi ni Delevingne sa female’s dormitory. Medyo nao-awkward-an pa rin ako sa kaniya. Ewan ko ba. Roommates kami pero walang nag-open up ni isa sa amin about our personal lives.
* * *
Naalimpungatan ako nang may marinig akong boses na galing sa labas. Dahan-dahan akong tumunghay. Pansin kong wala na si Delevingne sa kaniyang kama kaya bumalikwas ako ng bangon.
I hefted my feet then began to walk slowly. Sinisigurado kong hindi ako makalilikha ng ano mang ingay.
Pinakinggan ko ang boses at nakumpirmang tinig iyon ng roommate kong si Delevingne. Nanggagaling iyon sa may balkonahe. Marahan kong hinawi ang maputlang kurtina na wari’y sumasayaw sa bawat banayad na pag-ihip ng malamig na hangin sa labas. Tanaw ko si Delevingne at may kausap ito sa cell phone.
“Yeah, she’s totally fine,” wika niya, na puno ng kompiyansa. “Okay, I’ll take care of her.”
What did she just say? Sino ang tinutukoy ng babaeng ito? Was she pertaining to me? She’ll take care of me? But why?
There’s something off with that demoiselle.

Komentar Buku (63)

  • avatar
    navarroaryan

    ganda

    19/04/2025

      0
  • avatar
    Ash Torrelino

    subrang ganda Ng kwento!!

    16/09/2024

      0
  • avatar
    Norhan Dndlt

    so niceeeeee!!🥹❤️

    06/09/2024

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru