logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2: Finding a Clairvoyant

EARTH
Binabagabag pa rin ako sa nangyari sa akin doon sa abandonadong bahay na ’yon. May mga bagay akong hindi maalala pagkatapos kong humiwalay sa sarili kong katawan. Tila ba nagkaroon ako ng selective amnesia pagkatapos kong mamatay. Ewan.
Did I commit suicide? That’s vague. Hindi ko naman magagawang kitilin ang aking sarili. Sa pagkakaalam ko, isa sa mga kinatatakutan ko ay ang kamatayan. May pangarap naman akong nais maabot kaya ba’t ko gagawin ’yon? Ba’t ako magpapakamatay?
Was there a student in our school who might hold grudge against me and decided to murder me? Probably. Batid kong marami akong kaalitan noon at mayro’n ding naiinggit sa akin as a member of the Photography Club.
But the question was: Who on earth killed me?
Pinagmamasdan ko ang aking nanay at kakambal na tahimik lang na ngumunguya ng pagkain habang nakatitig sa kawalan na para bang pareho silang walang gana. Marahil ay nagluluksa pa rin si inay sa biglaang pagkawala ko. Pero si Pete? ’Di ako sigurado. Wala akong ideya kung ano ang nasa isip niya sa oras na ito. He’s secretive ever since we were young.
Habang nakapangalumbaba ko silang tinitingnan, bigla ko na namang naalala ang napagkasunduan naming dalawa ng Angel of Death sa kagimbal-gimbal na gabing ’yon.
“Earth Zion Sawyer!” said the man in a muffled voice.
Nasa labas ako ng bahay namin noong gabing iyon nang tawagin ako ng isang lalaking may katangkaran, may nakatakip na kulay uling na face mask sa mukha niya, at nakasuot ng formal suit. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sapagkat nakikita niya ako. At hindi lang ’yon, alam din niya ang pangalan ko.
Maang na napatingin ako sa kaniya. Tinuro ko ang aking sarili. “Nakikita mo ’ko?” pagbato ko ng katanungan kahit halata naman.
He nodded his head as a response. “Kailangan mong sumama sa akin, Earth,” mahinahong wika niya.
“P-Pero kailangan ko pang tuklasin ang tungkol sa pagkamatay ko—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sapagkat kaagad siyang nagsalita.
“No buts. Sumama ka na sa akin!” he then exclaimed which made me flinch a little.
Napasinghap ako. At halos matutop ko ang bibig ko nang bigla niyang iniharap sa akin ang malaki at mahabang karit na kanina’y nakakubli sa kaniyang likuran.
Doon ko na napagtanto kung sino ang taong kaharap ko sa mga oras na iyon. The Angel of Death. Sinusundo niya ako.
Hindi ako mapakali. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Isa na akong kaluluwa ngayon at sinusundo na ako ng Grim Reaper.
Paano na ang pag-ungkat ko sa katotohanan? Kinakailangan kong makiusap sa kaniya. Hindi pa ako puwedeng lumisan sa mundong ito without getting the justice that I deserve. Kung kailangan kong lumuhod at magsusumamo sa harapan niya, gagawin ko.
Ipinikit ko ang aking mga mata, ipinagtiklop ang mga palad, at lumuhod sa sementadong lupa upang magmakaawa.
“Please, bigyan n’yo po ako ng panahon para malaman ang buong katotohanan sa biglaang pagkamatay ko. Sigurado po akong may pumatay sa akin at kailangan ko pong malaman kung sino ’yon,” pakiusap ko sa kaniya habang nakasara ang aking mga mata.
“Hindi mo naman trabaho ’yan. Hindi ka naman detective kaya sumama ka na sa ’kin,” maawtoridad niyang saad.
“Parang awa n’yo na po, Mr. Grim Reaper. Hindi po ako matatahimik hangga’t hindi ko po mabatid kung sino ang taong kumitil ng buhay ko. Gusto kong ako mismo ang unang makaaalam sa pagkakakilanlan niya,” muluha-luha kong sambit habang nananalig na maawa siya sa ’kin at bigyan niya ako ng kaunting panahon para doon.
Pagkatapos kong sambitin iyon ay katahimikan ang bumalot sa amin. Iminulat ko ang mga mata ko at natanaw siyang nakatingin sa akin habang hindi gumagalaw. Para kaming mga estatwa na nagkaharap sa isa’t isa. And what I’ve felt was awkwardness.
Hanggang sa narinig ng dalawa kong tainga ang pagtikhim niya. Dumapo ang mga mata ko sa mahabang lingkaw na dahan-dahan niyang ibinalik at ikinubli sa kaniyang likuran.
“Sige, bibigyan kita ng panahon para diyan sa nais mong malaman,” Grim Reaper uttered in a monotonous voice.
“T-Talaga po?” kuwestiyon ko. Binigyan ko siya ng malapad na ngiti. Ibig kong magtatalon sa saya ngunit hindi sa harapan niya. Ang awkward kaya. “Thank you po!”
“Pero sa isang kondisyon . . .”
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay biglang naglaho ang ngiti ko. Nanalangin ako na sana hindi mahirap ang kondisyong iyon.
“Ano po ’yon?” I inquired in a light tone.
“You have to find a person who has an ability to see a ghost. Kapag binalikan kita at wala pa ring tutulong sa ’yo, kailangan mo na talagang sumama sa ’kin,” turan niya sa nakatatakot na tinig.
Marahan akong tumango. “Deal.”
At iyon na nga ang napagkasunduan namin ng Angel of Death. Two weeks had passed after I became an itinerant spirit. At kinakailangan ko nang makahanap ngayon ng taong may clairvoyance—an ability to communicate with dead people.
Sinusundan ko ngayon ang kakambal ko patungo sa aming silid-aralan at maraming bagay akong napansin sa kaniya. Una, ginaya niya ang hairstyle ko. Pangalawa, naka-hang sa leeg niya ang paborito kong camera. Feel na feel talaga niya ang pagiging ako. Panghuli, parang wala lang sa kaniya ang pagkawala ko.
Iyon ang ikinalungkot ko. Oo, hindi naman kami gano’n ka-close noong buhay pa ako, but he’s my twin brother after all. He must be sad about what happened to me. Or else, he had something to do with my abrupt death.
Ayaw kong isipin na mayro’n siyang kinalaman sa pagkamatay ko. Subalit bakit kailangan niyang magkunwari na ako? There’s something off with my twin brother.
Pete, what have you done?
Nang makapasok siya sa room namin ay kaagad siyang binati ng mga kaklase ko dati. Banayad naman niyang inihakbang ang kaniyang mga paa papunta sa puwesto ko. Jeez! Pinaninindigan talaga niya ang pagiging Earth, huh?
“Earth, kumusta ka na?” masiglang bungad ni Dorothy Ynoc sa kaniya, ang madaldal kong seatmate na tila ba hindi nauubusan ng topic.
Pete nga kasi ang pangalan niya!
As usual, may suot siyang eyeglasses, naka-display pa rin sa kaniyang mukha ang nakahahawang ngiti, at agaw-pansin talaga ang kulay dugong laso na nakapulupot sa kaniyang ulo.
“Earth, kumain ka na?” muli niyang pagbato ng katanungan nang hindi siya pansinin ng kakambal ko.
I quickly rolled my eyes.
Pa-fall.
“Alam mo, hindi ako nangungulit sa taong ayaw akong kausap,” tila yamot na ungot ng kapatid ko habang hindi tinatapunan ng tingin ang katabi niyang si Dorothy. Nakatutok lang ito sa kaniyang cell phone.
Sasagot pa sana ang seatmate niya nang biglang lumitaw sa kanilang harapan ang babaeng ubod ng puti, mahaba ang blonde nitong buhok, at kasabay ng pagkurba ng kaniyang mga labi ay ang pagsibol ng kaniyang mga dimple.
’Twas my girlfriend.
Flavia Flores.
Miss na miss ko na siya. Miss ko na ang ngiti niya, ang kaniyang tinig na tila ba paborito kong kanta na gustong-gusto kong pakinggan mapa-gabi o umaga, ang mahalimuyak niyang buhok, at ang mapupungay niyang mga mata. Siya. Siya ang tahanan ko. I missed her so much.
Nais ko siyang hagkan sa noo ngunit hindi puwede. Gusto kong ipulupot ang aking mga braso sa kaniyang katawan subalit hindi maaari.
Nagulat ako nang bigla niyang higitin ang palapulsuhan ng kakambal ko. “Let’s eat muna, Earth. Wala pa naman ang subject teacher natin, eh,” nakangiting sambit niya.
Umirap si Dorothy bago itinuon ang atensyon sa kaniyang kuwaderno.
“O-Okay,” Pete acquiesced, stuttering. Para bang nao-awkward-an ito sa presensya ni Flavia. “Let’s go to the cafeteria then.” He then forced a smile and sluggishly stood up.
Pagkatapos niyon ay nilisan na nila ang aming silid-aralan. Wala na akong balak na sundan sila sapagkat ayaw kong masaktan. Hindi ko maatim na pagmasdan silang dalawa na magkasama kaya gagawa ako ng paraan. Kailangan ko nang kumilos. Dapat makakita na ako ng isang taong tutulong sa akin sa araw na ’to, bago pa man ako balikan n’ong Angel of Death na ’yon.
Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa paborito kong lugar dito sa paaralan namin no’ng buhay pa ’ko. Sa may swimming pool.
Hindi pa naman ako binabalikan ng Grim Reaper kaya may panahon pa ako upang maghanap ng taong nakakikita ng multo.
Habang naglalakad ako nang mabagal ay mayroon akong nakasalubong na mga kaluluwa na gaya ko ay hindi pa rin pumupunta sa itaas dahil may unfinish businesses pa rito sa lupa.
Isa na riyan ang isang matandang babae. Kulubot na ang mukha nito at kulay niyebe na ang buhok sa ilalim ng lumang sombrero. Madalas ko siyang natatanaw malapit sa tarangkahan ng eskuwelahan na animo’y may hinihintay na supling o kamag-anak. Kung sino iyon ay wala na akong ideya.
Mayro’n pa ’kong nakabunggong ma-attitude na baklang multo. Para bang parati itong naghahanap ng gulo.
“Ano ba? Multo na nga lang, tanga pa rin!” bugnot na sabi niya saka inikutan niya ako ng mata dahil sa inis habang nakahalukipkip.
“I’m sorry, okay?” paghingi ko ng paumanhin sa kaniya. “Hindi ko naman sinasadya. Hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko because I was looking for someone.”
Isang malapad na ngiti ang lumitaw sa mukha niya. “Okay. Dahil guwapo ka naman, okay na tayo. Pinapatawad na kita.”
Sinuklian ko siya ng maliit na ngiti. Madali naman pala siyang kausap. He didn’t have to shriek like I was snatching his belonging.
Well, guwapo naman talaga ako. Ang dami kayang may crush sa ’kin no’ng buhay pa ’ko.
“Pero tanga ka pa rin,” anas niya at nag-umpisang maglakad papalayo sa kinatatayuan ko ngayon.
Nahagip din ng paningin ko ang kumpol ng mga kaluluwa sa ’di kalayuan na waring nagpoprotesta. Mayroon silang isinisigaw ngunit hindi ko maintindihan kung ano ’yon. Ibang lengguwahe yata ang ginamit nila.
Soon as they vanished from my eyeshot, nagsimula na ulit akong maglakad at humayo malapit sa swimming pool ng aming school. Pagdating ko, wala akong namataang estudyante. Nagtataka ako kasi hindi pa naman nag-start ang klase kaya ba’t wala akong mahagilap na mag-aaral dito?
Kinalaunan ay napagpasyahan kong umupo sa sementadong upuan habang tanaw ko ang bughaw at kalmadong tubig. Noong buhay pa ako, dito ako parati tumatambay sa tuwing na-i-stress ako. Titingnan ko lang ang tubig at ako’y kakalma na, as if it has a power. Parang gusto kong lumusong sa tubig.
Hindi naglaon ay may narinig akong tawanan ng mga estudyante sa ’di kalayuan. Isang binatilyo at dalagita, base sa narinig ng dalawa kong tainga. Tumindig ako at dahan-dahang inihakbang ang mga paa ko.
Unti-unti nang lumalakas ang tawanan nila sapagkat malapit na ako sa kanilang dalawa. Nagkubli ako sa isang pillar habang sila ay aking pinapakinggan.
“Ba’t ka nagtatago? ’Di ba multo ka na lang? Bugu!” panuya ng babaeng multo sabay kamot ng kaniyang ulo.
Sa isang iglap, naglaho siya na parang bula.
Oo nga naman. May point naman siya.
Bumaling muli ako sa dalawang estudyante na parang nagtatalo base sa kanilang inaakto.
“Sige na, lumangoy ka na. Pakitaan mo na ako sa mga style mo. ’Di ba champion ka sa swimming competition yesteryear?” anang dalaga na may maikling buhok habang nakakrus ang mga braso nito. Hindi ko siya mamukhaan dahil naka-side view siya.
“Ang galing mo naman gumawa ng kuwento. Ba’t ’di ka mag-writer?” pakli ng binata na puno ng ironya. Katamtaman ang kulay ng balat nito, ang itim nitong buhok ay bagsak na bagsak, at ang kulay kape nitong bag ay nakasukbit sa kaniyang kaliwang balikat.
Muli silang nagpakawala ng halakhak na animo’y walang suliraning kinakaharap.
“Pero seryoso, tara na kasi. Mag-swimming na tayo. Ano ba ang ikinatakot mo, ha? There’s no ghost here for Pete’s sake!” the demoiselle snorted.
“Hindi naman multo ang kinatatakutan ko, eh. For your information, hindi ako takot sa patay. Takot lang ako sa buhay,” depensa ng lalaki. “Kaya tara na. Umalis na tayo rito.”
The damsel let out a soft chuckle. “So, you’re saying that you’re afraid of the student inspectors?” she then questioned, sounding amused by what she just discovered.
Walang pag-aatubiling tumango ang kausap niya at sumilay sa mukha nito ang isang alanganing ngiti. “Pa’no kung bigla silang pumunta rito? Alam mo naman ang mga ’yon, tayo palagi ang pinagdidiskitahan. May gusto yata sa ’yo ’yong chairman, eh,” tukso pa niya sa dalagita, suot ang mapaglarong ngisi. He then began to poke her belly rhythmically.
“Ano ba?” asik ng babae at marahas na tinabig ang kamay ng lalaki. The latter just snickered. “Wait. Ako? Magugustuhan n’ong chairman? Never.” She grimaced in disgust. “Mainit kaya ang dugo n’on ’pag nakikita ako—tayo to be exact.”
They must be pertaining to Horace.
“Okay!” Itinaas ng binatilyo ang dalawa nitong kamay na animo’y sumusuko sa mga pulis. “Pero ba’t gusto mong mag-swimming? Don’t tell me gusto mo lang magpapansin sa chairman? You know what? Ang bulok ng style mo,” aniya at umaktong nasusuka.
“Ano ba, Harrice?” bulyaw ng dalagita. Hindi ko man makita pero alam kong nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa kaharap niya. “’Di ka ba titigil sa pagsi-ship sa ’min ng student inspector na ’yon, ha?” wika niya. “Baka naman ikaw ang may gusto sa kaniya?”
Nanlaki ang mga mata ko. Maging ang lalaki ang ganoon din ang reaksyon. Grabe.
“Kilabutan ka nga riyan,” ani Harrice at umastang nandidiri. “Ano ba’ng pinagsasabi mo?”
“Uy, pumapag-ibig na si Harrice!” kantiyaw ng dalaga habang sinusundot ang tagiliran ng lalaki.
“Nonsense,” iritableng sabi ni Harrice.
“What are you two doing here?”
Nagulantang silang dalawa at naantala ang pag-uusap nila nang may biglang sumigaw. Isang lalaking nakatayo sa may pintuan na may intimidating na aura. Sa palagay ko’y kanina pa ito roon. Hindi nila ito alintana sapagkat masyado silang focused sa pagtukso sa isa’t isa.
Maputi siya, matangos ang ilong niya, at singkit kaniyang mga mata. Halos mawala na nga ang mga mata niya because he always squinted them as if he was always inquiring while facing others.
His name is Horace Horatio.
He’s the chairman of the student inspectors.
That young lad screamed both authority and peril.
“Do I have to repeat my question?” he asked again, glaring at the both of them. His eyes were sharp and were pointing at them like it could puncture them.
“M-May hinahanap lang kasi kami rito,” pagsisinungaling ni Harrice. Kita ko ang tensyon sa kaniyang mga balikat.
“Yeah, he is right,” segunda ng dalaga.
“Don’t you know that you’re not allowed to enter here? In-announce ng Broadcasting Club kaninang umaga that the Swimming Club are busy because of school works. Hindi nila mababantayan ang pool, that’s why they temporarily closed it. So, what are you guys doing here?” Horace snorted with distaste.
“Oo, we already know about that,” tugon ng babae. “May case kasi kami tungkol sa multong tumatambay at nananakot dito sa pool kaya kaagad kaming nagtungo rito.”
“Totoo ang sinabi niya. Wala naman kaming pakialam sa pool at wala naman kaming gagawin diyan. Ang multo lang talaga ang pakay namin,” defensive na wika ng lalaki. “Ikaw? Ba’t ka pumasok dito? Nanggaling na mismo sa bibig mo na bawal—” Hindi na niya natapos ang sasabihin nang batukan siya ng dalagita.
Tiningnan lang siya nang masama ng chairman ng student inspectors.
“I was just joking, okay?” he retracted. Pagkatapos niyon ay itinaas niya ang kaniyang hintuturo at saka hinlalato.
“Really?” Horace queried, sounding disinterested. “You two are here because of the ghost? Where’s the ghost then?” sunod-sunod niyang tanong sa dalawa, halatang hindi naniniwala.
Rumehistro ang pagkataranta sa mukha ng dalawa. Napalinga-linga sa paligid ang dalaga na animo’y may hinahanap. Si Harrice naman ay kaagad na tinalikuran si Horace at napalunok ng laway.
“I said where’s the ghost?” he reiterated, the seriousness on his voice was evident. “Utusan n’yo nga siyang magparamdam,” aniya na puno ng paghahamon. A smirk then curved across his lips.
Nakagat ni Harrice ang ibabang labi habang nag-iisip.
Ang kasama naman niya ay napalingon-lingon pa rin sa paligid.
Nanlaki ang mga mata ko at para bang may bumbilyang lumiwanag sa itaas ng aking ulo.
Napalinga-linga rin ako sa paligid ko, umaasang may mamataan ako kahit isang bagay na maaari kong ibato sa direksyon nila upang mabatid nilang tatlo na nandito ako.
Isang ngiti ang lumitaw sa aking mukha nang mahagip ng paningin ko ang isang can ng softdrink na nakahalik sa sahig.
Dali-dali ko iyong sinubukang damputin at laking gulat ko nang mahawakan ko iyon. Ibinato ko ang can sa direksyon nila na siyang ikinagulat nilang tatlo. Dagli silang napatingin sa gawi ko, suot ang nakalamukos na mukha.
Ngunit sa kanilang tatlo, isang tao lang ang nakatitig sa akin habang unti-unting namilog ang kaniyang mga mata na parang barya.
Maputi ang kaniyang kutis, may kulay kahel na mga labi, maikli ang kulay uling na buhok at may bangs pa, at ang kaniyang cheekbones ay nakaumbok.
I saw the recognition in her eyes.
Nakikita niya ako. Kilala niya ako at kilala ko rin siya.
She’s the prexy of the CQAE Society.
Her name is Mixxene Moore.
So, totoo nga? Totoo nga na nakakikita siya ng kagaya ko? She had clairvoyance. Puwede niya akong tulungan upang makamit ko ang hustisyang nararapat sa akin.
For a split second, I remembered what the Angel of Death said.
“You have to find a person who has an ability to see a ghost. Kapag binalikan kita at wala pa ring tutulong sa ’yo, kailangan mo na talagang sumama sa ’kin.”
Ngunit paano ako matutulungan ng pangulo ng kapisanang noon ay aking kinasusuklaman?

Komentar Buku (63)

  • avatar
    navarroaryan

    ganda

    19/04/2025

      0
  • avatar
    Ash Torrelino

    subrang ganda Ng kwento!!

    16/09/2024

      0
  • avatar
    Norhan Dndlt

    so niceeeeee!!🥹❤️

    06/09/2024

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru