EARTH “Where am I?” Those were the first words that escaped my lips. Kaagad akong bumalikwas ng bangon. Malalim ang aking paghinga. Kinusot ko ang aking kulay abong mga mata at kunot-noong sinuri ang mga nakapaligid sa akin. Katahimikan. Nakabibinging katahimikan ang naghari sa apat na sulok ng silid na aking kinaroroonan. Kuwarto ko ba ’to? Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng silid. Natanaw ko ang mga nagkalat na kulay dilaw na mga papel sa maliit at kulay kapeng mesa saka umabot na rin ang mga iyon hanggang sa maalikabok na sahig. May mga bahay-gagamba rin akong namataan sa maputlang kisame na animo’y ilang dekada nang walang nakatira dito sa loob. Hindi, eh. Ibang-iba ’to sa kuwarto ko. Ang pangit kasi ng room na ’to. Ta’s ang luma pa. But what was I doing here? I didn’t belong here. I mean, hindi ako nakatira dito. Baliw na yata ako. Umabot na ako sa punto ng buhay ko na kinakausap ko na ang aking sarili at sinagot ko pa talaga. Earth, you big oaf! Kung bakit ako napadpad sa lugar na ito ay hindi ko na talaga maalala. Nakalimutan ko na kung ano ang pakay ko rito. May narinig akong yabag ng mga paang papalabas ng abandonadong bahay na ito. At sino naman kaya ’yon? May kasama ako rito? I stood up straight then sluggishly took a few steps forward. I opened the door and it created a squeaking sound. Nakatatakot na rito. I had to get out of this room—this deserted and spooky house—as soon as possible! Tuluyan na ’kong lumabas sa hindi pamilyar na bahay. Mabilis ang pagtakbo ko at walang hesitasyon. Hindi ko na naabutan ’yong taong lumabas. Hindi ko na siya nasumpungan. Nang pamilyar na sa akin ang aking mga natatanaw ay sumilay ang isang ngiti sa aking tuyo at maputlang mga labi. Hanggang sa ang takbo ko ay unti-unting naging lakad na lang. Medyo napapagod na rin kasi ako katatakbo, eh. Wala namang marathon dito. Nang marating ng aking mga paa ang harapan ng aming tahanan ay kaagad akong napahinto at dagling naghagis ng isang kamay patungo sa aking bunganga buhat ng labis na pagkagitla nang matanaw kong tumatangis ang isang babaeng hanggang balikat ang haba ng itim na buhok. Si mama ’yon. Hindi ako nagkakamali. What’s going on here? Confused, maingat kong binuksan ang kinakalawang naming gate saka pumasok sa loob. Dahan-dahan akong naglakad papalapit kay mama na umiiyak. Tahimik ang buong bahay namin. Ang mahinang paghikbi ni mama, ang banayad na pag-ihip ng hangin, at saka ang mga luntiang dahon sa paligid na sumasayaw sa bawat ihip nito ang nagsisilbing ingay rito. I was about to call her but she shouted my name promptly which made me flinch a little. “E-Earth! Earth!” Her tears were streaming down her cheeks and the sadness was painted all over her face. “’Ma, ano’ng nangyari? Why are you crying?” naguguluhang tanong ko sa kaniya. Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang nagbabadyang mga luha. “W-Wala na . . . wala na si . . .” nauutal niyang sabi sabay baba ng kaniyang tingin sa lupa na para bang nakatala roon ang karugtong ng kaniyang sasabihin na tanging siya lang ang nakaaalam. Naningkit ang mga mata ko habang tinititigan ang aking ina at unti-unting nanunubig ang mga matang pinagmasdan siya. Muli niyang iniangat ang kaniyang tingin sa akin. Tuloy pa rin ang kaniyang pagtangis. “Anak, wala na si . . .” Sino ang . . . sino ang wala na? Sino ang patay na? Ano’ng pinagsasabi ng aking ina? Bakit siya umiiyak? Matagal namang yumao ang haligi ng aming tahanan kaya napakaimposible na ang aming ama ang kaniyang ipinagluluksa at dahilan ng kaniyang pagluha. Marahil ay may kamag-anak kaming pumanaw na. Sino naman kaya? Hindi ko naman kasi sila kilala lahat. Nilapitan ko si mama. I gave her a hug but . . . but I couldn’t touch her. Dang it! What on earth was going on? Bakit hindi ko mahawakan si mama? Bakit tumagos ang aking mga braso sa katawan ng aking ina? “’M-Ma, sino’ng wala na?” Napapitlag ako nang may biglang magsalita sa aking likuran. I turned my gaze at him then my eyes immediately went wide soon as I saw his features. It was Jupiter Jan Sawyer also known as Pete. He’s my twin brother. He was still wearing his uniform. And what caught my eye was the camera hanging around his neck. That’s fricking mine! Shit. Napaurong ako sanhi ng labis na pagkabigla. “’M-Ma, sino’ng wala na? Ano’ng pinagsasabi n’yo?” muling nagsalita si Pete, na nakaarko ang isang perpektong kilay, nang wala siyang matanggap na tugon mula kay mama. Nakapinta sa kaniyang mukha ang labis na pagtataka. ’Yong tipong natatanaw niya si mama na nakasuot ng belo ngunit hindi naman ito dadalo sa matrimonyo. Geez, so it means patay na ’ko? Paano? Sa bawat hakbang na aking tinatahak, may likido, na mula sa aking mga mata, na pumapatak. Hindi ko napigilan ang mga luhang namumutawi sa mga mata ko. Dahan-dahang lumapit si Pete kay mama saka ipinulupot niya ang kaniyang mga braso sa katawan ng aming ina. Hinagod nito ang likod ng aming nanay na humagulgol. Kitang-kita ng dalawa kong mata ang pagdaosdos ng kaniyang mga luha patungo sa kaniyang pisngi at baba. “W-Wala na si . . . wala na si Pete. Wala na ang kakambal mo,” mangiyak-ngiyak na sambit ni mama habang nakasubsob ang kaniyang mukha sa dibdib ng kakambal ko. Nanlaki ang mga mata ko saka dahan-dahan kong itinaas at inilapat ang aking palad sa bibig ko dahil sa kaniyang ipinahayag sa kapatid ko. Wait, what? How come? Napatingala ako sa kalangitan. Ang kaninang kulay puting mga ulap ay naging kulay abo na. Unti-unting pumatak ang ulan mula sa makulimlim na langit. Hanggang sa lumakas ito. Kasabay ng paglakas ng buhos ng ulan ay ang paglakas ng hagulgol ng aming nanay. Para itong nakiramay. Sa ilalim ng ulan, hindi ko na batid kung luha o patak ng ulan ang dumadaosdos sa pisngi ko. Hindi pa patay si Pete. Sa katunayan ay yakap-yakap nga niya ngayon ang kakambal ko. Kausap niya ngayon ang kapatid ko. Kaharap niya ngayon si Pete. Ano ba ’tong nangyayari sa amin? Nagugulumihanan ako sa mga oras na ’to na para bang mabibiyak na ang aking ulo. I felt that my head was about to explode because of an overload of informations. Hindi ko talaga maintindihan ang lahat ng nangyari sa akin. Wala akong ideya. Paano ako namatay? Paano naging Earth si Pete? Bakit niya niloloko si mama? Bakit niya dala ang paborito kong camera? Kailan pa siya naging interesado sa potograpiya? Pa’no niya naatim na linlangin si inay? Bakit ba nagsabay-sabay ngayong araw na ito ang mga misteryo? I was bombarded with so much questions. Umawang ang mga labi ko, na para bang nais kong magbato ng mga katanungan sa kanilang dalawa subalit kagyat na sumagi sa aking isipan na wala ring saysay kung gagawin ko iyon. Hindi na nila ako nakikita o naririnig. Kung magsisigaw man ako sa kanilang harapan ay balewala lang iyon. Para lang akong hangin dito. Screw it! It’s fricking futile! Wait a minute, kung hindi ako nakikita ni mama, so si Pete ang kausap niya kanina? Si Pete ang tinawag niyang Earth? Hell no! I’m the real Earth Zion Sawyer for goodness’ sake! What the heck happened to me?
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
ganda
19/04/2025
0subrang ganda Ng kwento!!
16/09/2024
0so niceeeeee!!🥹❤️
06/09/2024
0Lihat Semua