logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 5

Napaluhod naman siya sa harap ko kaya nasuntok ko siya sa mukha.
Wala akong kasama pumunta dito kaya naman hindi na ako makalaban dahil sa sakit na nararamdaman ko ginamit ko pa ito para suntukin yung lalaki.
Naka ramdam naman ako ng suntok dahilan ng pagkabagsak ko.
Pinag sisipa naman nila yung batang lalaki kaya hinarang ko ang sarili ko marami na siyang sugat sa katawan kaya tama na.
Sa mga sipa na natatamo ko ang dahilan ng mas lalo kung nararamdaman ang sakit sa balikat ko.
"Masyado kang pakialamero" ani ng isang lalaki habang pinagsisipa pa din kami
Yung batang lalaki naman humihinga pa siya pero wala na siyang malay.
Tsaka ako pinalo ng baseball bat sa ulo
"Dapat lang yan sayo" usal naman ng isa pa habang tuloy lang sa pang sipa samin
Kahit na natutulog na ng mahimbing ang isa may lima pa na gising.
Aiihs hindi pa ba nila napapansin na wala ako.
Hindi ko na kaya yung sakit kaya naman nawawalan na ako ng lakas, pabagsak na ang katawan ko ng biglang tumumba ang isa sa kanila.
Buong lakas kong ginalaw ang ulo ko para tignan kung sino yun at nakita ko sila toshi at ang iba pa.
Hindi ko na kaya ang sakit na halos maubos ang lakas ko, nakita ko naman ang paglapit ni burami sa pwesto namin.
"Sasuke, Sasuke nandito na kami" ani niya staka ako tinatayo
Nakita ko naman si Zaki na binubuhat din ako.
"Ang tagal niyo" ani ko nay may ngiti pa
"Iligtas niyo yung bata" dagdag ko pa staka tuloyang nawalan ng malay
END OF FLASBACK
Pag gising ko nalang non nasa ospital na ako at nakatayo si Aniki sa gilid kausap ang doctor.
Natutuwa ako ng malaman na buhay ang batang lalaki na dahilan ng pagkakaroon ko ng malalang tama sa balikat.
Ito siya ngayon ay tulog na tulog.
Hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako sa kama na hinihigaan ko kanina.
Ginising nalang nila ako para umuwi, palabas na kami ng classroom namin ng may text si Senpai Jio.
"Palace" ani ko staka naglakad pauna sa kanila pasakay ng motor
Sila naman sumunod lang din sakin.
Sa di kalayuan malapit sa daan papuntang town bar nakita ko ang phantom na nakikipag away sa isang grupo.
Pero nakalagpas na kami kaya hindi ko na nakita ang sunod na nagyari.
Malayo layong lagbay pa to buti nalang at nakatulog ako.
Malamig ang hangin masarap sa balat habang nagpapatakbo ng motor.
P.O.V KAITA
Naka upo ako ngayon sa rooftop para magpahangin habang nakatingin sa cellphone ko ano na kaya ang nagyayari.
Kapag wala akong balita sa kanila nag aalala ako lalo na kay kuya kento siya ang nilalapitan ng disgrasya.
Natatakot ako na may magyari sa kanila na wala akong kaalam alam.
Nag wala akong nagagawa para protectahan sila, at natatakot ako na walang magawa kunti ang tumingin lang sa kanila.
Mag uumpisa na ang bagong klase kaya naman bumaba na ako para pumunta sa classroom ko.
Pagbaba ko may nakita akong mga lalaking pinagtitripan ang isang babae.
"Alam mo ba kung gaano kami nabugbug ng kapatid mo" rinig kung ani niya habang hawak ang buhok ng babae
At mukhang nasasaktan ang babaeng yun ng subra dahil sa pagkaka hawak sa buhok niya.
Palakad na ako papunta sa kanila ng maalala ko mga sinabi ni kuya Kento.
Kaya naman tumalikod na ako para maglakad pabalik sa classroom ko.
Naka upo lang ako habang ang iba may sariling ginagawa.
Normal na araw, normal na buhay para sa normal na tao.
Nakinig lang ako sa klase buong araw hanggang matapos.
Nagtapos na ang buong araw ng klase oras na para umuwi, naglalakad na ako pasakay ng bus ng may nagtext sakin
Si Senpai Jio ang nagtext at kailangan pumunta sa Palace, uuwi muna ako para magpalit ng damit.
Naglalaro ang mga bata sa garden pero nakita ko si Anika na naka upo sa gilid malungkot na naka tingin sa sahig.
Kaya naman naglakad ako papunta sa kanya staka siya tinabihan ng upo.
"Bakit ka malungkot na naka upo dyan hindi ka nakikipag laro sa mga bata" tanong ko sa kanya siya naman tumingin sakin
"Namimiss ko na po ang Mama ko, nechan pwede ko ba siyang dalawin sa ospital?" Tanong siya na may malungkot na tuno
Hinawakan ko naman ang ulo niya staka siya niyakap.
"Ahmm papuntahan natin siya wag ka ng malungkot" sagot ko sa kanya ng may lambing
Bumitaw naman ako sa pagkakayakap sa kanya ngumiti naman na siya sakin
"Tara na nechan puntahan na natin si mama" aya niya pa
"Hindi pa ngayon Anika, basta pupuntahan natin mama pero ngayon maglaro ka muna" Ani ko sa kanya
May mahalaga akong lakad ngayon kaya hindi pwede ngayon.
"Ok po sige maglalaro muna ako bye nechan" masayang sabi niya staka tumakbo papunta sa mga batang naglalaro
Ang mama ni Anika ay nasa ospital at matagal ng may sakit, ginagawa ni kuya Kento ang lahat para kumuha ng magaling na doctor na makakahanap ng gamot sa matagal ng sakit ng mama ni Anika.
Kahit alam namin na wala naman talagang gamot sa sakit niya umaasa pa din kami para sa bata.
Nang makalayo na si Anika tumayo na ako para maglakad papasok sa loob para magpalit ng damit at ng tapos na ako lumabas na ako para pumunta sa garahe sa aking motor.
Dating gawi mask muna bago helmet staka sumakay sa motor at sa back gate dumaan.
Nasa daan na ako papuntang Palace ng may nakita akong sunog sa isang factory.
Nilalamon na ng apoy ang buong factory, maraming tao ang nakatingin at mga gumagawa ng paraan para maalis ang apoy.
Pagdaan ko doon nagmadali na ako para agad na makarating sa Palace.
Pagdating ko doon huminto ako sa isang tabi tinaggal ang helmet ko staka naglakad papasok sa loob.
Pagpasok ko wala pang katao tao kaya sa opisina na ako nagpunta, may narinig akung nagtatawanan pagkalapit ko pagpukas ko ng pinto nakita ko sila Sasuke.
"Yo Kaita kamusta?" bati niya ng pagpasok ko
"Ok lang" sagot ko nalang
Staka naglakad sa unahang upuan at naupo.
Wala naman ako sasabihin sa kanila kaya naman mananahimik nalang ako dito sa upuan habang naka yuko.
Ilang saglit lang bumukas na ang pinto staka sila sunod sunod na pumasok nakatingin lang ako sa kanila habang nakalumbaba sa mesa.
Pero wala pa si kuya Kento.
Pero may mukha na ngayon ko lang nakita kaya pinagmasdan ko ng mabuti.
Naglakad ito kasunod ni Kai.
Kilan pa nagkaroon ng girlfriend si Kai, tinitignan ko lang silang dalawa na may mukhang nagtataka.
Yung babae naman nakatingin sakin.
Staka bahagyang lumapit sakin at tinuro ako ng hintuturo niya.
Tinignan ko naman siya staka tinignan ang hintuturo niyang nakaturo pa din sakin.
Binaba naman ni Kai ang hintuturo niya kaya napalingon siya kay Kai.
"Bakit?" Tanong ni senpai jio
Yung babae naman paikot ng ikot ang tingin sa kung sino samin sa loob ng opisina.
"Siya, siya yung babae..." Sagot niya naman
"Siyang ano?" tanong naman ni Sasuke sa kanya
Nakatingin lang naman kami sa kanya kasi mukhang hindi niya alam ang sasabihin niya.
"Siya, sino siya?, kagrupo niyo din siya, siya yung babae na nakasalubong ko ng hinahabol ako ng mga lalaki ng araw na naligtas niyo ako pero hindi niya ako tinulongan" sagot niya sa expresyon ng mukha niya mukhang nalungkot siya
FLASHBACK
Papasok na ako ng paaralan ng may nakita akong babaeng tumatakbo papunta sa direksyon ko na hinahabol ng mga lalaki pero nabangga siya sakin.
"Tulongan mo ako may mga humahabol sakin, tulongan mo ako" pangmamakaawa niya sakin habang nakahawak sakin
Kita sa mata niya ang takot pero wala naman akong magagawa kailangan kung mag ingat at baka may mangyari na hindi maganda.
Tinanggal ko naman ang kamay niya sa pagkakahawak sakin at tumingin sa kanya.
"Sorry wala akong magagawa para tulongan ka" sagot ko staka naglakad na paalis
Bago ako tuloyang maka alis nakita ko siyang nagmadaling tumakbo kasunod niya ang mga lalaking humahabol sa kanya.
Kahit gusto kitang tulongan hindi pwede ayukong tuloyang maubos ang pamilya ko.
At ang mga  nadagdag sa pamilya ko, hindi ako papayag na may magyari sa kanilang lahat.
END OF FLASBACK
Natahimik lang ang lahat at nag aantay sa taong sasagot sa tanong niya.
"Dahil hindi siya gaya ng mga tao dito na nakakasama mo" sagot ng pamilyar na boses na pumasok sa pinto
Staka siya naglakad papunta sa harap.
"Huh bakit?, sino ba siya" tanong niya ulit
"Ahmm" si Sasuke habang nag iisip tsaka tumingin tingin sa aming lahat
Tumayo naman ako para yakapin si kuya.
"Siguro naman sikat si Aniki para makilala mo bilang ceo ng Yoshiki Company, pero hindi mo alam o ng iba na..." singit naman ni Zip
Tumayo lang ako sa tabi ni kuya Kento at nakatingin sa kanila ng tahamik.
Hindi naman ako mute person pero hindi ko gustong maraming sinasabi nakakatamad lang magpaliwanag.
Nag aantay lang din siya nagsagot pero walang nagsasalita nag aantay lang sila na magsalita si kuya Kento.
"Kanojo wa watashi no imōto desu" sagot ni kuya habang naka tingin sakin tsaka hinawakan ang ulo ko
(Kanojo wa watashi no imōto desu/she is my sister)
"Huh, paano?" Takang tanong niya
"Hahaha ginagawa sila ng mag asawang Yoshiki unang pinanganak si Aniki sunod si miss Kaita" pilyong sagot ni Maoto
Natawa naman ang iba sa sinabi ni Maoto, naglakad naman na ako para maupo.
Nakaupo na din ang iba na kanina pa naka tayo.
"Paano hindi ko maintindihan kahit gusto kung maintindihan" taka pa ding ani niya habang nakatingin kay kuya Kento
"Sa ampunan kung saan sila galing lahat doon namin tinago si Kaita para sa normal na buhay" sagot ni kuya Kento
"Ampunan? Silang lahat?" Tanong niya ulit
Tumongo tungo naman ang iba.
"Normal na buhay? Kaya ba hindi mo ako natulongan sa mga humahabol sakin kasi hindi mo kayang makipag laban?" Tanong niya ulit
Umayos ko ng upo at inalis ng likod kung naka sandal sa upuan tsaka nagtaas balikat  na parang walang alam.
"Ahmm" ani ko staka siya binigyan ng pekeng ngiti
"Ohh edi delikado sa kanya ang nandito, bakit siya nandito?" ani niya ulit habang nakatingin kay kuya Kento
"No, no your wrong miss" ani naman ni Koi
"Sa pagkakaalam namin mali ka,maling mali hehehe" singit naman ni Tsumi
"Iba siya sa inaakala mo miss" usal naman ni Zaki
"Huh?"
"Hindi namin masasabi kung bakit" Shibara
"Malalaman mo din" ani naman ni Neo
Tinignan naman niya si Neo na nagtataka.
"Punong puno ka ba nagpagtataka sa utak mo?" Tinignan ko naman siya staka yun tinanong
"It's ok, let me introduce myself I'm Yuki Fujii in order to protect my people and keep my promise to my brother i have no choice so I didn't help you that day sorry"  ani ko ng nakalahad ang kamay sa kanya
"Nakami Yadata miss Yuki~" pagpapakilala niya hindi pa siya tapos magsalita ng nagsalita si kuya Kento
"Siya si Kaita Yoshiki miss" ani ni kuya Kento
"Ahmm sorry miss Kaita"
"It's ok naninibago ka kasi ngayon mo lang ako nakita at nakilala" ani ko naman sa kanya
"Pero bakit wala siya dito kahapon?" Takang tanong niya sa iba
Ako naman nagtaka lang din at napatingin sa kanila.
Tingin na nagtatanong kung anong sinasabi itong si Nakami.
Tumahimik naman ang paligid.
"Anong sinasabi niya?" Tanong ko sa mababang tuno ng boses ko
Pasalit salit naman ang tingin ko sa kanila wala pa ding sumasagot kaya nag init na ang ulo ko sa kakaantay, hinampas ko ng malapas ang mesa kaya naman nagulat silang lahat.
"Nag meeting kayo ng wala ako?" Tanong ko at dahil doon ikagagalit ko to
Oo maliit na bagay pero may usapan kami.
At hindi sila marunog sumunod sa usapan.
"Kusō, walang sasagot" tumayo ako sa pagkakaupo tsaka nagsalita ulit
"Nag usap lang kami tungkol sa companya Kaita" sagot naman ni Senpai Jio
Kaya naman nag init lalo ang ulo ko at tumayo.
"Haha talaga, usōtsuke tungkol sa companya ng kasama siya ni halos lahat yata kayo nandito ako lang ang wala great" patawang ani ko habang taas kamay sa mga nagyayari
Tumalikod na ako sa kanila tsaka naglakad palabas ng opisina ng harangin ako ni Sasuke.
Kaya naman tinignan ko siya sa tingin na hindi niya gugustohing makita.
"Doke!" Kalmadong sabi ko sa kanya
Tumabi naman siya sa gilid ng nakayuko.
Naglakad na ako palabas ng palace staka sumakay sa motor at nag madaling patakbuhin ang motor ko.
Pumunta sa lugar na malayo sa lahat, malayo sa kung sino.
Naka upo ako sa isang upuan para ibaba ang init ng ulo ko.
Pero kapag naalala ko yung sinabi ng babae na yun hindi maalis ang inis ko.
So ganon nag meeting sila ng wala ako, all this days na akala ko mga busy sila sa mga ginagawa nila ako lang pala ang walang kaalam alam na may ganong nagyayari.
"Nagsinugaling nanaman sila sakin"
"Wala pa din talaga silbi ang katotohanan laging nandyan ang kasinugalingan eh, bat pa ako umasa na lahat dapat alam ko"
"Hindi ba nila alam kung gaano kahalaga ang tiwala, ng una ok lang pero ngayon tsk masyado yata nila akong inaalala at ginagawang bata"
Nagtagal din akong naka upo nakapikit at pinapakiramdaman ang hangin na dumadampi sa balat ko.
Wala akong mapangbalingan ng galit ko wala naman din akong bisyo kaya umupo nalang ako ng tahimik habang tinatanggal ang init ng ulo ko.
Nakakatamad na bumalik agad pero kailangan dahil may pasok pa ako bukas kahit na hindi naman importante para sakin ang pumasok.
Kaya naman nagsuot na ako ng helmet staka sumakay sa motor at tuloyang umalis pauwi.
P.O.V SHITO
Pag alis ni Kaita puro sorry nalang ang nagawa ni nakami sa bawat isa samin lalo na kay Aniki.
"Hindi ko gustong magyari to pasensya na, pasensya na talaga" naka yuko siyang paulit ulit na nagsasabi ng sorry
"Tigilan mo na ang kakasabi ng sorry nabibinge na ako" inis na sabi ni naya
"Wag ka na magsorry hindi mo naman alam na ganto eh, wag mo sisihin sarili mo" ani ni Aniki 
"Hindi ko gusto ang galit na mukha ni Miss Kaita" ani naman ni Toshi
"Oo nga ako din, mga bata pa lang tayo kapag nagagalit siya taob lahat" singit naman ni Maoto
Ang iba nanahimik at ang iba naman nag iisip na kausapin na si Kaita pero natatakot sila sa kalalabasan kapag nilapitan nila si Kaita.
Bigla naman tumayo si Aniki staka naglakad.
"Sa sunod nalang natin pag usapan ang tungkol sa grupo, umuwi na kayo"
"Aniki siguro mas mabuti na wag muna natin siyang kausapin para mawala ang galit niya" payo ko tsaka biglang tayo para pigilan si Aniki
"Tama si Shito, Aniki siguradong nag aapoy na dragon nanaman si kaita" si Senpai Jio  tsaka tumayo din sa tabi ni Aniki
"Isa pa hindi isang beses na nagalit siya satin ng ganto" Zip tsaka kami tinignan at mukhang pinapa alala samin ang nagyari sa taon na yun
"Aiihs yung mga mata ni Kaita" bungtong hininga ni Sasuke habang may takot sa mga mukha
"Kami ng bahala magbantay kay kaita aniki wag mo siyang alalahanin" usal ni Maya
"Magbabantay din kami para kung kasali na hindi mapigilan na miss Kaita ang init ng ulo niya sa ibang tao" ani naman ni Sasuke ng biglang tumayo
"Kailangan ba natin gawin yun?" Tanong ni Koi
"Hindi naman gagawa si Miss Kaita ng gulo o makikipag away eh tahimik lang siya kung magalit" dagdag pa ni Koi
"Tama si Koi hindi natin kailangan isipin si Kaita" singit naman ni Senpai Jio
"Mauuna na kami Aniki" paalam ni Kai staka naglakad hila hila si Nakami
"Aniki wag ka ng mag alala, mauna na kami" paalam niya kay Aniki staka tuloyang lumabas
"Aniki magpahinga ka na" usal ko naman
Nakatulala kasi siya at mukhang may iniisip.
"Kami na ang bahala Aniki"
"Sana nga walang magyari kasi kapag meron sisisihin ko ang sarili ko" may pangangambang sabi ni Aniki tsaka naglakad palabas
Umuwi na ang lahat pati na din kami ni Zip.
Sa Westmount sa mahirap na lugar gaya namin.
Sa iisang lugar lang kami nakatira ni Zip, magkasama na kami simula bata pa lang kami dito kami pinanganak kaya dito na din kami mamamatay.
Isang mahirap na lugar para sa mahihirap na tao ang lugar na pinagmulan namin, walang mga sariling bahay o lupa.
Walang maayos na pinagkikitaan ang iba umaasa sa bigay o mga patapon na pagkain.
Kaya maraming nagkakasakit samin.
Mga may sakit, mga matatanda na at mga walang trabaho.
Pinapaiwas namin ang iba sa mga masamang gawain lalo na ang tumanggap ng pera para lang pumatay.
Wala akong pamilya si Zip at ang nabuo lang namin na grupo ang naging pamilya ko simula bata.
Nasa loob kami ng maliit na bahay ni Zip nakatira nakahiga kami ng pumasok ang myembro ng grupo namin dito sa Westmount.
"Shito tignan mo to nakita naming nahulog ng isang lalaki na galing sa labas" ani niya staka abot sakin ng bagay na nakabalot sa papel
Inabot ko ito para tignan at pagkakita ko isang baril, Bakit may baril ang taong yun.
Nagtinginan naman kami ni Zip ng makita namin ang laman ng papel.
"Sino siya?" Tanong ko sa kanya
"Shito delikado, alam mo naman nagyayari kapag may mga ganto" kumento ni Zip
"Hinahabol pa namin Shito nagtatago siya nakatakbo siya agad kaya naman hindi namin siya nahuli" sagot naman niya
"Pero hahanapin namin siya at dadalhin dito" dagdag niya pa
"Sige at wag niyo din siyang sasaktan dalhin niyo lang" sagot ko naman staka siya naglakad palabas
TO BE CONTINUE...❣️

Komentar Buku (34)

  • avatar
    ThoofCuptean

    What I loved in this book? Is that the characters having conflicts in their own responsibilities. Waiting for character developments also the flow of story is accurate in every children and family. Love it! 💕

    24/01/2022

      1
  • avatar
    Shawn Azarcon

    salama sadhbsfsbsysnsgsnsgsbhsnsgsjsgsbshsnshsnshsvshdhzljk gdhdjbdbshshssjdjshdddjdkejejdudjdifhdhdnxhdusnsnxifgsshI'd ws

    17/07

      0
  • avatar
    TrinidadSherwin

    ....

    23/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru