logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

SWIM- 1

SWIM - 1
Matapos ang pag eensayo ni Hanelle at nang iba pa niyang kasamahan sa paglalangoy, masaya siyang nagtungo kung nasaan naghihintay ang itay niya.
"O, kumusta apo?"
Malapad na ngumiti si Hanelle. "Itay, tinuruan po muna ako ni coach Vic ng basic kase po baguhan pa lang ako."
Kaagad natuwa ang kanyang itay sa ibinalita ng apo.
Naglakad na sila pauwi sa kanilang maliit na bahay-kubo. Naghihintay na rin don ang kanyang inay.
"Itay, alam nyo po ba, may lumapit sa aking bata at nagpakilala sakin. Tapos sabi po niya, kung pwede daw pong makipagkaibigan kaya tinanggap ko po."
"Masaya ako apo na may kaibigan ka na." tugon ng kanyang itay.
Mula sa masayang mukha ni Hanelle kanina, sumimangot ito ngayon. "Kaso po, lumapit ako sa iba pero hindi nila ako pinansin." nagliwanag ulit ang mukha nito. "Kaya po masaya po akong makilala si Ethan."
"Ethan?"
Tumango siya. "Opo."
Nang makarating sila sa kanilang munting tahanan, naabutan nilang nag iihaw ng isda ang kanyang inay gamit ang mga panggatong.
Lumapit si Hanelle sa inay niya at niyakap ito habang nakatalikod. Bahagyang napatalon ang inay niya sa gulat.
"Nandito na pala kayo,"
Nagmano si Hanelle rito at umupo na sa kahoy na nagsisilbing hapag-kainan nila. Inihanda ng inay niya ang dahon ng saging na nagsisilbing naman nilang plato. Wala silang maayos na kagamitan katulad ng kutsara't tinidor kaya ang kanilang ginagawa ay nakakamay lamang.
"Inay, asaan po ang mga magulang ko?" kapagkuwang tanong niya habang kumakain ng hapunan.
Natigilan naman ang kanyang inay at itay sa tanong niya na tila hindi alam ang isasagot.
"Apo, bakit mo naman natanong?" itay niya ang nagsalita.
"Kase po yung mga bata kanina nung matapos po kaming lumangoy, lahat po sila nagtakbuhan sa mga magulang nila. Kaya po nagtatanong ako kung asaan po ang akin?" Inosenteng tanong ni Hanelle habang ngumunguya ng isda.
Nagkatinginan naman ang dalawang matanda at sabay na humarap kay Hanelle na may awa sa mukha.
Bumuntong-hininga ang kanyang itay. "Apo, saka na namin sasabihin kapag malaki ka na ha? Hindi mo pa kasi maiintindihan sa ngayon."
At si Hanelle, bilang Hanelle na maintindihin, ay tumango. "Okay, po."
Sa kalagitnaan ng pagtulog ni Hanelle nang sumapit ang alas otso ng gabi, nagising siya nang maramdamang naiihi at kailangang magtungo sa banyo na nasa labas pa ng kanilang bahay.
Lahat ng tao na naninirahan sa malapit sa kanila, ay duon rin gumagamit ng banyo kaya minsan, mahaba ang pila at kailangan magtiis.
Dahan-dahang siyang bumangon sa papag na hinihigaan at akmang lalabas na ng bahay nang marinig niyang nag uusap ang kanyang inay at itay. Hindi niya 'yon sinasadyang marinig ngunit nang marinig niya na binanggit ang kanyang pangalan, hindi muna siya umalis at nakinig sa usapan ng mga ito.
"Kailan pa natin sasabihin kay Hanelle? Kung kailan malaki na siya? Paniguradong magagalit yun kapag nagkataon," boses iyon ng kanyang inay.
"Hindi ganon ang apo natin. Maghintay na lang tayo sa tamang panahon." sagot ng kanyang itay.
"Antonio, kamumuhian tayo ng apo natin kung hindi pa natin sasabihin sa kanya ang totoo."
"Hindi. Hindi ngayon. Masyado pa siyang bata."
"Huwag na tayong magpadalos-dalos pa. Sabihin na natin habang maaga pa na wala na ang kanyang ina at iniwan na siya ng ama niya. Bukas na bukas, sasabihin ko na ang totoo sa kanya." rinig niyang sabi ng kanyang inay sa itay niya.
Hindi na ni Hanelle pinakinggan pa ang ibang sasabihin ng mga ito at halip ay dumaan na lamang sa likod-bahay na kung saan naroroon malapit ang banyo. Hindi na siya nakapag paalam dahil ihing-ihi na siya.
Napanguso si Hanelle nang ika-pito pa siya sa pila ng gagamit ng banyo.
Panay ang silip niya kung nababawasan na ba ang pila nang may humawak sa kamay niya at hinatak siya.
Bago pa siya makapagsalita, inunahan na siya nung nanghila.
"Sumunod ka na lang." aniya.
"Ethan, naiihi na ako!" nagpupumiglas siya sa pagkakahawak ni Ethan sa kamay niya ngunit, sadyang malakas ito.
Binitawan siya ni Ethan at humarap sa kanya. "Dito ka na lang umihi kaysa pumila ka pa ng mahaba."
Napatingin si Hanelle sa likod ng malaking bato na malapit sa dagat. "Dito?"
"Oo jan. Tatalikod na lang ako."
"Ayaw ko nga!" tanggi niya.
Napakamot naman sa ulo si Ethan. "Tsk. Sige lalayo na lang ako."
Nang makaalis si Ethan, nagpalinga-linga si Hanelle kung may tao bang pwedeng makakita sa kanya at nang masiguradong wala, agad niyang hinubad ang pang ibabang suot at umupo para umihi.
Umaliwalas ang kanyang pakiramdam nang mailabas ang kanina pa niyang tinitiis.
Nagtungo siya kay Ethan na nakatalikod sa malayo at nakaharap sa dagat.
"Ethan! Tara na!"
Lumingon agad ito sa kanya't tumango. Nagboluntaryo si Ethan na ihatid siya sa bahay nila dahil raw gabi na.
Habang naglalakad sila, may nakasalubong silang grupo ng mga kalalakihan na wari niya'y mas matanda pa sa kanila. Matatangkad ito at wala silang laban tungo sa kanila.
"San kayo?" maangas na tanong nung isa. Lider ata.
"Gabi na ah, hindi ba kayo hinahanap ng mga mommy nyo?" mapanuksong sabi nung ikalawa.
"Pauwi na po kami." magalang na sabi ni Ethan sa mga ito habang nasa likod niya si Hanelle.
"Talaga? Ba't di muna kayo sumama sa 'min?"
"Pasensya na po pero hinahanap na siya." isinenyas ni Ethan si Hanelle na nasa likod niya.
Nagsitinginan naman ang grupo ng mga lalaki sa kanya.
"Ang ganda n'ya ah," nakangising wika nung isa na may halong pagnanasa na nakatingin kay Hanelle.
Nahalata ni Ethan ang itsura nung isa kaya't kumuom ang mga kamao niya. "Bata pa siya at wala kang karapatang pagnasaan siya." matapang na sabi niya. Kung kanina'y nakakapagtimpi pa siya, ngayo'y hindi na.
"Ano bang pinagsasasabi mo ha bata? Sinabi ko lang namang maganda itong kasama mo eh,"
Sinubukan nitong hawakan si Hanelle sa braso kaya sinipa ni Ethan ang sensitibong parte ng katawan ng lalaki.
Napasigaw ito't napahawak ito ron sa kung saan niya sinipa. Minura sila nito at inutusan ang mga kasama na hulihin sila.
Akmang tatakbo na si Hanelle nang marinig niya ang boses ng kanyang itay.
"Hoy! Anong ginagawa 'nyo sa apo ko?!" sigaw ng kanyang itay na may dala-dalang sagwan na ginagamit sa pangingisda.
"Itay!" tumakbo si Hanelle patungo rito at yumakap.
"Mag isuwian na nga kayong mga bata kayo!" pagtataboy ng itay niya sa grupo ng kalalakihan.
Nagsitakbuhan naman ang mga ito palayo na ipinagpapasalamat niya na walang nasaktan sa kanilang dalawa ni Ethan.
"Okay ka lang?" tanong niya rito.
Tumango si Ethan. "Oo, ikaw?"
"Mmm, salamat nga pala kanina."
Natawa ito at kapagkuwan, ay ngumiti. "Wala yun. Simula ngayon, ako na ang tagapagligtas mo."
HANELLE
While I was walking at the hallway, I observe some groups of students whose forming a circle like they're having an important meeting.
I'm not familiar in this University because just like I said, I was just new here. I'm a first year college student. Walang course dahil lahat ng nag aaral dito ay puro may sports. Karamihan daw ng mga estudyante dito ay nagbabayad ng tuition fee at bihira lamang ang na iischolar. So I guess I'm lucky that I accept the offer in this scholarship.
Many students has the same uniform like others pero may nakalagay sa likod nila na kung ano ang kanilang sports kaya malalaman mo agad kung ano ang kanilang sinasalihang larangan.
Tinignan ko ang hawak kong maliit na papel kung saan nakasulat kung nasaan ang room na papasukan ko. Tamang-tama naman na apat hakbang ko na lang ay room ko na.
Sa likod ako dumaan para naman hindi agaw pansin ang pagrating ko lalo na't transferee ako.
Umupo agad ko sa pinakahuling upuan na kung saan bakante. Pinagmasdan ko ang mga kaklase ko na busy sa kanilang mga gadgets. Ang iba naman ay may hawak na raketa at inihahampas hampas hangin at nakatayo pa sa mismong lamesa ng kanilang upuan.
"Hi!"
Nagitla ako nang my bigla-bigla na lang na sumusulpot sa harapan ko.
Lumingon ako. "Ako ba?" turo sa sarili ko.
Natawa naman ang babae. "Oo ikaw nga. May iba pa bang nasa likod mo?"
Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka uniform rin siya pero hindi ko alam kung anong sports niya kase nakatalikod. Naka pony tail ang buhok nito at may suot-suot na nike headband.
"I'm Dorry by the way, Dorry Santiago." pagpapakilala niya at inialok ang kamay.
Matagal ko 'yon tinitigan. Ethan once said that don't trust strangers even they're look nice or friendly. That's why I never trust stranger so easily. It's hard to get my trust.
"Hindi ka man lang ba makikipagkamay sa 'kin?" aniya nang mapansing tinititigan ko lang ang kamay niya.
"Don't worry, walang germs 'to kung 'yon ang iniisip mo."
Bumalik na siya kaagad sa upuan niya nang dumating na prof.
Sa totoo lang, hindi naman talaga na ako palakaibigan simula nuong mawala siya at siya lang ang itinuturing kong totoo sa akin. He prove that you don't need a bunch of friends as long as they true to you.
"Ms. Villena?"
Napatingin ako sa unahan nang tawagin ng prof ang apilyedo ko.
"Introduce yourself here in front, please."
Kumabog na naman ng mabilis ang puso ko sa kadahilanang magsasalita ako sa unahan ng karamihan. This is one of my weaknesses. I always got nervous when I talk in front of many people.
Napalunok ako't walang nagawa kundi pumunta sa harapan ng klase.
Pinagpapawisan ang kamay ko. Nanginginig ang mga tuhod ko at nilalamig ako.
Napalunok ako bago magsalita. "G-good morning e-everyone, I-I'm Hanelle Villena." akmang aalis na ako sa harapan nang magsalita ang prof.
"That's it, Ms. Villena? Don't you wanna tell them what's your sports?"
"Swimming," maikling sabi ko.
"Bakit ganun sya magpakilala?"
"I know right?"
"She's weird."
"Baka hindi siya maalam?"
"Look at her, she's wearing a skinny jeans and oversize t-shirt. Parang gagala lang."
"Hahaha!"
Narinig ko ang iba sa mga kaklase ko na nagbubulungan tungkol sa akin pero ipinagsawalang bahala ko na lang 'yon. Wala akong pakialam sa kanila. Aksaya lang ng oras kung papatol pa ako. Maliitin ba naman ang suot ko? Malamang baguhan lang ako.
"Class, quiet!"
Nag unahan palabas ng classroom ang mga lalaki nang sumapit ang break time. May schedule kasi ang klase.
8:00am - 9:00am Lectures
9:00am - 9:30am Break time
9:30am - 11:00am Physical Activity
11:00am - 12:00pm Lunch time
1:00pm - 4:00pm Training (straight)
Nagpahuli naman ako para hindi siksikan palabas. Nagtungo ako sa canteen dala ang card bilang patandaan na ako'y iskolar. Ipapakita lang daw ang card sa canteen para mabigyan na ng libreng pagkain. Ganun daw pag scholar, pero pag hindi, sariling gastos.
Nang makapasok ako ng canteen, halos lahat ng estudyante ron ay napatingin sa akin na parang hindi ako nababagay sa school na 'to. Dumiretso ako kung saan umoorder ng mga pagkain at hindi na lamang pinansin ang mga matang nakatitig sa akin.
"Eto po," abot ko sa tindera nung card.
Kinuha niya iyon at may kung anong kinalikot sa computer na para bang chine-check niya na scholar talaga ako nitong AU.
"Sige, kuha ka na lang ng pagkain."
Ibinalik niya ang card sa akin at nagpasalamat ako saka kumuha ng pagkain na sakto lang at kaya kong ubusin.
Umupo ako sa bakanteng lamesa na may pang dalawahang upuan since mag isa lang naman ako.
Socializing its not kind of my thing. Hindi ako masyado malapit sa iba. Kaya minsan nababansagan akong poor lonely girl. It's okay to me, though it's true.
Matapos kumain, tumayo na ako't ibabalik na ang tray ng pinagkainan ko nang hindi ko sinasadyang madagil ang ice tea sa isang lamesa kaya ito natapon. Buti hindi ako natapunan.
"Sorry," paumanhin ko sa table ng anim na kalalakihan.
"Sorry lang? Hindi mo ba yan babayaran?"
Nag angat ako ng tingin sa lalaking nagsalita at may ari ata nung natapon kong juice.
My lips slightly parted when he reminds me of someone. May itsura sana ito kaso mukhang mayabang.
"H-Hindi ko naman sinasadya eh,"
Tumayo siya at hinarap ako kaya medyo napatingala ako. "Wala akong pakialam kung sinasadya mo o hindi. Basta't natapon mo, bayaran mo."
Napalunok ako. Ang laki ng katawan niya at malapad ang mga balikat. Bumabakat ang nga litid sa braso. Piling ko anytime ay susuntukin o bubugbugin niya ako.
"M-magkano ba?" kinakabahang tanong ko.
"250 pesos."
Nanlaki ang mata ko kung gaano kamahal ang presyo para sa isang juice lamang. Kung tutuusin, tig tetres lang yan sa amin sa tabing dagat.
"S-sorry pero wala akong gaanong kalaking pera para bayaran 'yon. Sakto lang ang pera ko para sa mga kakailanganin ko sa pang araw-araw."
"Scholar ka ba rito kaya ka nakapasok?" tanong niya.
"Oo. Pano mo nalaman?"
Tumaas ang sulok ng kanyang labi at napatango-tango. "I thought so. Lahat kasi ng scholar dito sa AU ay mahihirap. So I assume that you're one of them?"
Nakakalungkot mang isipin na minamaliit ka nila sa kung ano lang ang kaya mo at kung anong klase ng pamumuhay ang mayroon ka. Hindi ko kinakahiyang ako'y mahirap dahil totoo naman ito.
Balang araw, magiging matagumpay ako at matutulungan sina itay na mapagawan ng maayos at matibay na tirahan. Malayo sa dagat na hindi laging nasisira sa tuwing nagkakabagyo o pagtaas ng tubig sa dagat.
"Oo, mahirap lang ako."
"Sige, pagbibigyan kita. Utang na lang muna sa ngayon."
Nakakapagtaka lang na bakit ba siya masyadong adik sa pera kung mukha naman siyang mayaman? Wala ata sigurong magawa sa buhay niya.
"Ano? Sasagot ka? O sasagot ka?" medyo naiiritang tanong na niya.
"E ikaw? Titigil ka? O sisipain kita?"
Napalingon ako nang sumingit sa usapan namin si Dorry. Yung nagpakilala sa akin kanina.
"Ikaw na naman?!"
"Hindi ba obvious?" pabalang niyang sagot.
"Hindi ka ba nadadala? Ha? Nakailang beses ka nang nakapunta sa discipline office pero hindi ka pa rin natatauhan?"
Nagkibit-balikat si Dorry na parang wala lang ang sinabi nito. "That's life." lumingon siya sa akin. "Tara na."
"Saglit." pigil naman nung lalaki. "Hindi pa niya sinasagot kung payag ba siyang utang na lang yung natapon niya."
"Gusto mo ng sagot?" may hamon sa boses ni Dorry nang tanungin niya 'yon.
Tumango naman ang kausap.
"Eto,"
"Fuck--"
Nagulat na lang ako nang tinuhod ni Dorry sa sensitibong parte ng katawan nung lalaki.
"Yan ang dapat sayo." aniya at hinatak na ako papalayo.
Nagpahila lang ako sa kanya hanggang sa mapadpad kami sa malawak na field.
"Why did you do that?" tanong ko nang makatigil kami.
She sat on the grass. "Dapat lang 'yon sa kanya."
"Bakit ka nakisali sa usapan namin? Inaksaya mo pa ang oras mo para lang don. Duon ka na lang dapat sa mga kaibigan mo--"
"I don't have friends." she cut me off.
Natigilan ako. "W-why? Bakit wala?"
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paupo sa tabi niya.
"First of all, what's your name first?"
For some reason, I feel like I want to tell her my name and trust her so I did what my guts told me to.
"I'm Hanelle. Hindi mo ba narinig ang pagpapakilala ko kanina?"
Bahagya siyang natawa. "I heard. But I want you to formally introduce yourself to me."
I nodded. "So, bakit wala kang kaibigan?"
"Sila ang may ayaw sa 'kin." tipid siyang ngumiti.
Same here...
"Basagulero kasi ako at mahilig makipag-away kung kanino. Yung iba nga, nagpagkakamalan akong tomboy dahil natatalo ko sa labanan ang lalaki." natawa siya.
"What's your sports by the way?"
"Taekwondo."
"Oh, so that's why." tumingin ako sa kalangitan. "Who's that guy anyway?"
"That bullshit guy? He's none other than Hunter Santos. The one and only mayabang, bully, mata--"
"Anong sports nya?"
"Tsk. You always cut me off, I see," kunwaring seryosong sabi niya pero natawa rin kaagad. "Girl, binabalaan kita ngayon pa lang. Lumayo-layo kana sa kanya at all costs at kung maaari, iwasan mo siya sa ano mang oras na makikita mo siya. He bring misfortunes."
Napakunot ang noo ko. "Ha? Bakit naman?"
"Oh, and one thing," Luminga-linga siya sa paligid.
"He's also a swimmer."
|©amph1trite|

Komentar Buku (22)

  • avatar
    Joerelyn Valdez III

    saan ba nagpunta su ethan at bakit hindi niya kasama happy ending sana may story pa kayo author sobra ganda may aral ka pa mapupulot sa story ni hanelle

    16/01/2022

      0
  • avatar
    Rayza Angelo Manumbas

    why

    28/04

      0
  • avatar
    Melody Valle - Ochinang

    ang gansa ng story. mas una kung natapos ang series 2. hahaha. sana matapos na ng series 3. keep it up. 👏👏👏👏 done reading.. 12/29/2022 @ 10:07pm

    29/12/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru