logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

SWIM - 9

HANELLE
As the day goes by, nothing changed in my everyday life in school. Clean here and then clean there. But I'm not complaining since it's my fault.
I'm always lack of sleep because of my duty in school plus, my training and my school works. Isang buwan na ang nakalipas nang simulan kong gawin ang parusa ko.
While finding some evidence, little by little, Astrid and Mars became my friends. They helped my find and investigate who's the one behind this even though that Mars said it's Karina. Somehow, I'm thankful that I go a friends like them to help me when I need someone to hold on.
Araw-araw ko ring inaabangan yung mangangaso na yun kahit saan ako maglinis o kaya ay sa break time. Lagi ko siyang tinatanong para manghingi ng ebidensya na ako nga ang may gawa nung sunog na yun. Pero dead ma lang ang inabot ko. Matigas ang isang 'yon. Kapag humaharang ako sa dinaraanan niya ay tinutulak ako ng malakas o kaya' y binabato ng kung anong mahawakan niya. At ang pinakamasakit na binato nya sa akin ay ang masasakit na salita katulad ng walang kwenta, tanga, bobo, palpak at kung anu-ano pang pwedeng mailait sa akin. Oo sinasabi ko rin ang mga iyon sa sarili ko pero iba pa rin talaga kapag ibang tao na ang mag sabi sayo ng mga ganung salita. Tagos na tagos sa puso. Parang gusto mo na lang ay hindi ka na dapat pang isinilang dito sa mundo.
Hindi man pisikal ang pananakit niya o ng ibang tao, pero iyon ang pinakamasakit para sa akin. Ang saktan ako sa paraang emosyonal.
"Ara!"
Tumakbo ako papalapit kay Ara. Yung dati kong customer sa Dadbod. Yung parang may pagka bipolar.
Nakita ko siyang pinapalibutan ng mga grupo ng babae kaya hinila ko sya papalayo. Mabuti na lang at hindi nila kami hinabol.
"Bitawan mo nga ako." iwinaksi niya ang kamay niyang hawak ko.
"Hindi mo na ba ako nakikilala?"
"Hindi." walang emosyon niyang sabi.
"Ah, ganun ba? Sige mag papakilala na lang ulit ako--"
"Wala akong oras para dyan." tuluyan na siyang umalis. Pero hindi ako nagpaawat.
"Saan ka pupunta?"
"Sa cr. Tatae."
Muntik na akong matawa sa pamimilosopo niya pero pinigilan ko. Baka na naman niya ako ipagtabuyan.
"Sige, sama ako." sumakay ako sa biro niya.
"Okay, basta libre mo ako ng yakult."
"Yakult? Masakit ba tyan mo?" tanong ko. Baka kasi masakit tyan nya kaya siya natatae tapos gusto pa ng yakult.
"Wiw. Hindi ah. Joke lang yun."
Anu ba yan, ang weird naman ng joke nya. Pati ako naguguluhan.
Kinuha ko sa bulsa ng palda ko ang keypad phone ko nang mag ring ito.
"Hello?"
[Hanelle, punta ka dito sa archery room. ASAP.]
Si Brylee yung tumawag.
"Huh? Bakit? Anong meron?"
[Tsk. Basta! Now na.] sabi nito sa kabilang linya sabay patay ng tawag.
Napatitig na lang ako sa phone ko hanggang sa magsalita si Ara na nakalimutan kong nasa tabi ko pa pala.
"Importante yan noh? Sige umalis ka na. Iwan nyo na ako." sabi niya at tuluyan nang umalis.
Kanina, parang ayaw niya akong pasamahin tapos ngayon, mag dadrama sya?
"So weird."
Napailing-iling ako at nagtungo sa archery room na sinabi ni Brylee.
Hinanap ng mata ko si Brylee. Nakita ko nga siyang nakaupo sa bleachers kung saan duon pumupwesto ang mga audience na manunuod ng laban ng archery.
"Upo ka." utos niya.
"Bakit, ano ba 'yon?"
"Aish!" singhal niya sabay padyak. "Huwag nang marami ang tanong. Hintayin na lang natin sina Mars matapos."
Umupo ako sa tabi ni Rylee at pinanuod kung gaano kagaling si Mars sa pag aarchery. Bulls eye nga naman. Siya na talaga ang pinakamagaling sa pag aarcher sa team nila.
NANG matapos ang training nila, agad niyang tinungo ang bleachers kung saan kami naroroon. Nasa likod nya rin si Astrid. Lagi yang dalawang yan magkasama kahit saan ko makita.
"Hi Hanelle!"
"Hi, Mars!" bati ko pabalik. "Bakit nyo pala ako pinatawag?"
"Oh, right. May meeting tayo." wika naman ni Astrid.
"Meeting?"
"Yah."
"Ahm, anong meron? Tungkol saan?" takang tanong ko sa kanila.
"About sa case mo." sagot ni Astrid. "But first, we have to find a perfect spot to talk about that."
"Aish, ang arte mo naman!" napalingon kami kay Brylee na nagreklamo. "Bakit hindi na lang dito? Wala namang taong makakarinig sa atin dito ah."
"Kung sa computer lab na lang kaya tayo?" Mars suggested.
"Bakit don?" tanong ko.
"Para malamig saka may aircon pa don." si Astrid na ang sumagot para kay Mars. "At... kailangang mabura ni Rylee ang video mo dahil kung hindi, viral ka girl."
Lumalim ang gatla sa nuo ko. Video? Ko? Anong video ko?
Sasagot na sana ako nang unahan na ako ni Astrid.
"Yung pagluhod mo sa Dean's office. May nag video sayo nun tapos pinost sa News Gossip ng AU." sabi nito sa at alis ng puyod sa buhok. "ang gaga mo naman kasi eh, bakit ka pa lumuhod tuloy, naging uto-uto ka."
"Wait. Diba isang buwan na ang nakakalipas since mangyari 'yon? Bakit ngayon lang lumabas?" mariing tanong ko sa kanila pero walang nakasagot dahil hindi rin nila alam.
Napailing-iling si Astrid at inayos sa pagkaka pony tail ang buhok. Nakaupong napainom naman si Rylee sa kanyang water jug habang si Mars ay inaayos ang mga bow niya sa kanyang lalagyan.
At ako? Hindi ako makapag-isip ng matino. Wala nang pumapasok sa isip ko sa daming iniisip. Masakit rin sa ulo kapag ganun. Hindi mo na alam kung anong uunahin. Dumagdag pa sa problema ko itong video ko daw. Ayan tuloy, sikat na naman ako sa buong campus.
"Tsk. Tara na." inip na sabi ni Rylee sabay tayo at nauna nang naglakad.
PAGKARATING namin sa computer lab, nagsikanya-kanya kaming kuha ng upuan at ipinalibot sa isang computer. Nasa gitna syempre si Rylee kasi siya ang aming hacker. Este, Computer master.
Para sa amin, hindi namin kayang basta idelete ang video ko raw dahil admin lang ang pwedeng makagawa non. Pero iba itong si Rylee. Kaya niyang gawin iyon kahit hindi siya admin ng group page ng News Gossip.
Mabuti na lang at walang tao dito sa computer lab since all student-athletes have their own businesses.
Mabilis ang pagtatype ni Rylee sa keyboard at pag pindot-pindot sa mouse. Maliban sa mabilis na pagtakbo, mabilis rin ang kanyang mga daliri sa pagpindot kaya nakakaduling para sa nanunuod sa kanya.
"Wait." biglang pigil ni Astrid kaya napatigil rin sa pagpindot si Rylee.
At ang master naman namin sa gadgets ay agad ring uminit ang ulo. "Ano na naman?"
"Woi. May dalaw ka ba ngayon?" mataray na tanong ni Astrid.
"Wala."
"Eh, bakit mainit agad yang kukote mo?" tinap ni Astrid ang bunbunan ni Rylee. "Wag masyadong high blood, girl. Sige ka, mabilis ka nyang tatanda." pang-aasar pa nito.
Nakita kong nagtiim-bagang na lang si Rylee at hindi pinansin si Astrid na nakabungisngis saka nagpatuloy sa pagpindot.
Minsan talaga, hindi ko alam kung ano bang problema nitong dalawang ito. Sa isang buwan na pagkakakilala ko kay Astrid, napakamaasar nito at ito namang si Rylee, napakapikunin. Great combination, right?
"Ahm, Rylee, pwede bang patingin muna ng video na pinost sa News Gossip bago mo idelete?" maingat kong tanong dahil delikado na. Baka mamaya, biglang sumabog ang bulkang Mayon.
Walang imik na nagpipindot si Rylee sa page ng News Gossip saka hinanap ang video. Nang maiplay ang video, humalukipkip siya at sumandal sa kinauupuan.
I look closely to the screen to give my full attention to the video. I suddenly felt embarrassed when I saw myself kneeling, crying and begging not to kick out of AU. It's my dream school anyway so I'm willingly to do everything just to be stayed here in AU. Athlete University is my dream school. Ethan and I. But sadly, I was the only one who achieved it in the two of us.
"You can delete it."
"Sure ka?"
I nodded. "Oo naman."
Narinig kong natawa si Mars sa likod namin ni Rylee. "Who wouldn't want not to delete their viral video on our campus page?"
Oo nga naman.
Nagulantang kaming lahat nang malakas na bumukas ang pinto ng computer lab at iniluwa nuon ang pawisan na si Dorry.
Isinara nito uli ang pinto at dali-daling naghanap ng tataguan. Nang makita kami, patakbong lumapit ito sa amin at nagtago sa ilalim ng desk kung saan nag cocomputer si Rylee.
"Tsk. Ano ba?!"
"Shh!"
"Well, well, well, if it isn't the war freak, Dorry Santiago." Astrid said with her arms crossed over her chest.
"Hoy, babae, tumahimik ka nga!" pabulong na sigaw naman ni Dorry.
"Ano bang ginagawa mo dito, Dorry?"
"Amigo, kapag may naghanap sa akin, pasabi wala ako dito, ha." utos nito sabay siksik lalo sa parteng dulo ng lamesa.
"Ha? Sino bang--"
Napatigil ako sa pagsasalita nang bumukas ang pinto ng computer lab. Ito na ata yung naghahanap kay Dorry. Siguro may ginawa na naman itong makasalanan kaya may pinagtataguan.
"Nakita nyo ba si Santiago?"
Nagtinginan kaming tatlo sa isat-isa saka sinagot ang apat na lalaki na nagtanong.
"Umalis na."
"Wala dito."
"Ewan."
Nagtinginan uli kaming tatlo sabay napakagat sa labi. Yari! Sabay-sabay nga kaming sumagot pero iba-iba naman!
Nagkatinginan rin ang apat na lalaki. Mukhang napaghalataan ng mga ito na nagsisinungaling kami. Akmang papasok yung isa nang pigilan nung isang lalaki na may lollipop sa bibig.
Walang imik ang mga itong umalis.
"Wala na ba?" bulong na tanong ni Dorry.
Umiling ako at saka siya lumabas sa ilalim ng lamesa.
Ngunit agad rin siyang napaatras nang bumukas uli ang pinto. Malalaki ang mata naming inabangan kung sino ba ang papasok.
Si.... Ara?
Mukhang nagulat rin ito nang makita kaming gulat sa pagpasok niya.
"S-sorry, nabulabog ko ba kayo?"
"Sino ka ba?" sabay na tanong ni Dorry at Astrid. Yung kay Dorry, tunog savage. Yung kay Astrid naman ay tunog mataray.
"Wag kayong mag alala. Hindi ko naman kayo isusumbong na cutting classes kayo. Hehe, ako rin naman. Kaya ako nagpunta dito." dire-diretsong sabi nito sabay kuha rin ng upuan.
"Ha! Excuse me?!"
"Psst. Star," suway ni Mars.
Hindi naman nagpaawat si Astrid. "For your information, miss. Hindi kami nag ka-cutting classes. We're here because of... uh... her!" sabay turo sa akin.
"Hanelle?"
"Hi, Ara."
"You know her?!"
"Tsk. Tone down your voice, Astrid!" surang utos ni Rylee na nagsuot na lamang ng head phones.
"Anong ginagawa mo dito, Ara?"
Inilabas niya ang phone at lumapit sa tabi ko. "Tatambay lang sana dito para makipagchismisan sa News Gossip pero mukhang ikaw ang pinaka topic ngayon. Ito oh," ipinakita niya sa akin ang screen ng phone niya.
Parami na ng parami ang viewers, reactors, comments at shares kumpara kanina.
798k viewers, 523k comments, 316k shares at ang nangunguna sa reactions ay 'haha' reaction na nasa 74k, kasunod na reaction ay ang 'angry' reaction na nasa 23k, tapos ang 'like' reaction na nasa 17k at ang 'sad' reaction na nasa 3k.
"Woah, talagang sikat ka na, Hanelle. Hindi lang sa campus natin kundi sa iba pang school!" parang manghang sabi ni Mars.
"Yeah, how cool is that, right?" pag sang-ayon naman nitong si Ara.
"What the... cool?!" singhal ni Dorry. "Cool pa yon sa tingin mo ha?! Ikaw kayang magviral tapos negative naman yung nakikita ng tao sayo? Anong mararamdaman mo, ha? Cool pa rin ba sayo 'yon?!" napahilamos siya sa mukha.
Hinawakan ko sa kaliwang braso si Dorry at sa kanang braso naman si Astrid. Mapapaaway na naman itong babaeng ito.
"God, Tumigil ka na nga!"
NANG kumalma si Dorry, saka namin siya pinakawalan. Umupo na lang siya sa isang tabi habang si Ara naman ay tahimik sa kabilang dulo ng computer lab.
Busy naman itong si Rylee sa paghahack kung paano madedelete ang video ko sa News Gossip na yan.
"O ayan, tapos na po, kamahalan." sarkastiko niyang sabi sa akin matapos madelete ang video ko.
Napangiti ako at napayakap sa kanya na ikinagulat niya kaya hindi sinasadyang naitulak niya ako kaya napahiga ako sa sahig.
"S-sorry, hindi kasi ako sanay nang may yumayakap sa akin."
Tinulungan ako ni Mars na makatayo.
"Ayos lang. Naiintindihan ko. At, pasensya na pala at ginawa ko yon. Gusto ko lang naman magpasalamat."
"Tss. Wala yon."
Gustong-gusto kong batukan ang sarili ko. Nakalimutan ko pa lang may trauma sya kaya ganun na lang ang kinikilos niya.
"Hey,"
Napatingin kami kay Rylee na nagsalita habang nakatutok ang mata sa computer.
"Look," Nagsilapitan kami maliban kay Ara. "Chismis na rin si Dorry sa News Gossip."
Nakapamewang na humarap si Astrid kay Rylee.
"Ano ba kasing ginawa mo, ha?"
"Oo nga, Dorry. Nakipag-away ka na naman ba?" tanong ko.
She didn't spoke. And instead, she walk out of the computer lab. Leaving us dumbfounded.
"Hays, I wonder what's wrong with her." Mars said and go back typing on her phone.
HINDI na rin kami nagtagal pa at napagdesisyunan na magsiuwian na since mag aala-sais na ng hapon. Hindi muna ako nag training ngayon dahil baka abutin ako ng trangkaso sa paglilinis dito sa school. Ihahanda ko na lang bukas ang sarili ko sa matinding paliwanagan kung bakit ako absent sa training ngayon.
We bid our goodbyes to each other before we separated our ways to go home. While I was walking, I saw the convenience store where Dorry work as a partimer.
Wala sya 'don. Siguro umuwi na dahil sa nangyari kanina.
I shrugged and entered the convenience store to look for some iced tea. When I found it, I open the refrigerator to get the bottled ice tea.
Naglibot pa ako sa mga biscuits section to look for some hello. Yung chocolate biscuit na pahaba.
"Anong hanap?"
"Ahm, nasaan yung--" napatigil ako sa pagsasalita nang mamukhaan ko yung tinawag ni Dorry dati na Josephine sa court. Nakasuot sya ng uniform na pang partimer.
Tinaasan ako ng kilay nito. "Well? Anong hanap mo?"
Tumikhim ako. "Hello."
His brows furrowed. "Hi?"
"No! I mean, yung biscuit na Hello. Yung chocolate." pagpapaliwanag ko.
Akala ko pa naman na gets nya na. Sayang, ang gwapo gwapo pa naman nya pero parang kulang-kulang din ang tornilyo sa utak.
Napakamot siya sa batok at dinilaan ng dila ang labi saka hinanap ang sinabi ko.
I somehow find him sexy when he did the way his tongue touches his own lips.
Oh my god, what am I thinking?
"Ito na ba 'yon?" abot niya sa akin nung isang pack ng Hello.
"O-oo, ito na nga." mabilis kong kinuha iyon sa kanya at dumiretso na ng counter.
I look around when I didn't see the cashier boy or girl. Walang imik naman na kinuha nung lalaki kanina ang Hello at iced tea na hawak ko saka kinwenta.
"95 pesos lahat."
Inilabas ko ang wallet ko saka dumukot ng isang daan at inibot ito sa kanya.
Nang maibalot sa supot, inabot niya ito sa akin at nang mahawakan ko na ang supot, hindi pa niya binitawan at nagsalita pa.
"Mag-iingat ka."
"Ha? B-bakit?"
Tumingin siya sa labas. "Maraming snatcher kapag gabi." aniya sabay ngisi.
HANGGANG sa pag labas ko ng convenience store, nasa isip ko pa rin ang sinabi nung lalaking yon. Alam ko naman na dapat mag ingat kapag gabi na eh pero, nung sinabi nya, parang bigla akong kinilabutan.
Binilisan ko ang paglalakad ko nang maramdamang nagsitayuan ang mga balahibo ko.
Mahigpit ang pagkakakapit ko sa bag ko at sa pinamili ko habang mabilis ang lakad pauwi. Konting kanto na lang at nasa apartment na ako nang mapagtanto ko na parang may sumusunod sa akin.
Lumingon ako dahil baka atakihin pa ako nang hindi nakatingin. Kinabahan ako nang makitang lalaki yon na nakaitim. Nakahoodie na Black at pants tapos yung dalawang kamay niya ay nakatago sa bulsa nung kanyang hoodie.
Dito pa naman sa nilalakaran ko pauwi ay bihira ang mga taong dumadaan tapos wala kakaunti pa ang ilaw.
Mas binilisan ko pa ang lakad ko nang marinig ko ang pagbilis rin ng kanyang yabag. Mabilis na rin syang naglalakad kaya tingin ko talaga ay hinahabol na ako nito.
"A-ano bang kailangan mo?!" sigaw na tanong ko nang hindi tumitingin.
I didn't get a respond from him. Just a loud and big steps towards to my direction.
"Aah!" napahiyaw ako nang madapa ako dahil sa bilis ng aking pagkakalakad-takbo. Naka school shoes pa naman ako.
Huminto ang lalaki sa harapan ko ngunit hindi ko makita ang mukha nito dahil madilim.
"B-bakit mo ba ako s-sinusundan?!"
Ilang segundo bago niya inalis ang pagkakahood sa mukha niya.
"H-hunt?!"
"Ikaw?" takang tanong nito. "Anong ginagawa mo dyan?"
"A-ah, ahm, n-nadapa lang."
"Ayos ka lang ba?" tanong niya at inialok ang kamay sa akin.
Nakakapagtaka lang na, bakit parang iba sya ngayon? Parang bumait? Nag aalala ba sya sa akin? Siguro nga. Kayanga niya ako tinanong eh. Nagbago na ata ang isang ito.
"O-oo,"
Akmang aabutin ko na sana ang kamay niya nang bawiin niya.
"Oops, never mind. You said you're fine so, I just thought you didn't need any help." he shrugged and then left me like that. Still sitting on the ground. He even waved his hand while walking away.
Irita akong tumayo at pinagpagan ang aking palda.
"Yeah, right. I don't need any help. Lalong-lalo na sayo."
|©amph1trite|

Komentar Buku (22)

  • avatar
    Joerelyn Valdez III

    saan ba nagpunta su ethan at bakit hindi niya kasama happy ending sana may story pa kayo author sobra ganda may aral ka pa mapupulot sa story ni hanelle

    16/01/2022

      0
  • avatar
    Rayza Angelo Manumbas

    why

    28/04

      0
  • avatar
    Melody Valle - Ochinang

    ang gansa ng story. mas una kung natapos ang series 2. hahaha. sana matapos na ng series 3. keep it up. 👏👏👏👏 done reading.. 12/29/2022 @ 10:07pm

    29/12/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru