logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 5 Amnesia

KABANATA 5
ARLENE MARIELLA
"Arlene, hija." napamulat ako ng may tumapik sa balikat ko. Nakatulog na pala ako sa kakaiyak dito sa tabi ni Stewart. Napakusot ako sa aking mata para luminaw ang paningin.
"Bakit po, Tita?" inaantok kong sabi. Napatingin ako sa paligid at nando'n na sila Tito at Ciara na nakaupo sa sofa. 'Yon pa rin naman ang suot ni Ciara kaya paniguradong hindi pa siya nakakauwi.
"Gising na siya," nagugulat kong nilingon si Stewart na mulat na nga ngayon. Hinawakan ko agad ang kamay niya, kusa na namang tumulo ang luha ko dahil sa sobrang saya at sakit.
"Baby!" yayakap na sana ako ngunit tinulak niya ako papalayo.
"Who are you?" hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.
"Baby, ako 'to si Arlene. 'Yung mahal mo, y-yung girlfriend mo." itinuro ko ang aking sarili habang pinipigilan ang pagiyak. Naipatong ko ang kamay sa kama niya para suportahan ang sarili ko't hindi matumba.
"Wala akong kilalang, Arlene. Tsaka, si Ciara lang ang natatandaan kong girlfriend ko." itinuro niya pa si Ciara na gulat rin sa nangyayari. Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing magpapaulit ulit iyon sa pandinig ko.
"Baby, 'wag ka naman magbiro ng ganiyan. Hindi nakakatuwa ha," nameke pa'ko ng tawa 'saka hinawakan ang kamay niya.
"I'm not joking here, hindi naman talaga kita kilala ah!" biglang sigaw niya at iniiwas ang kamay sa 'kin.
"Hija, n-nagkaro'n d-daw siya ng amnesia sabi ng doktor kanina." hinawakan ni Tita ang balikat ko. Ngunot noong napalingon ako sa kaniya't natawa.
"A-amnesia? Si S-stewart m-magkaka-amnesia? Ni-niloloko niyo ata ako, Tita." tatawa tawang pinunasan ko ang luha ko habang nakatingin sa kaniya. Umiiyak niyang hinila ako para yakapin.
"Nagbibiro lang naman kayo, Tita 'diba? Nagkamali lang 'yung doktor, naalala niya 'ko." pilit ko sa gusto kong mangyari.
"H-hija, naaalala niya kami pero ikaw h-hindi." nangangatal niyang tugon.
"Mommy! Bakit niyo ba niyayakap ang isang 'yan?! She's a stranger! Kick her out of this room!" sigaw ni Stewart sa likod ko. Napaiyak nalang ako ng tahimik, hindi ko kayang tanggapin. Mahirap, napakahirap tanggapin.
Kumalas ako ng pagkakayakap kay Tita at hinarap si Stewart. "Baby, kilala mo 'ko 'diba? 'diba? Hindi mo naman ako makakalimutan ako lang naman 'yang mahal mo, tsaka nagkasama pa tayong dalawa bago ka maaksidente." puno ng pagsusumano ang boses ko. Napaluhod ako sa harap niya habang siya'y nakaratay sa kama, pilit kong kinuha ang kamay niya't hinawakan 'yon ng mahigpit na para bang 'yon na ang kaya kong gawin para maalala niya lang ako.
"Wala akong naaalalang pangyayari sa buhay ko na kasama ka! Bitawan mo 'ko! Hindi kita kilala kaya bawal mo 'kong hawakan! Magseselos ang girlfriend ko!" masamang tingin ang ipinukol niya sa'kin habang pilit na kinukuha ang kamay mula sa pagkakahawak ko.
"Binigyan mo 'ko ng flowers, niyakap mo pa 'ko ng araw na 'yon. Baaaby, please don't do this to me. I c-can't accept this, please stop joking like this. I can't take it anymore."
"Mommy, Daddy! Ilayo niyo siya sa'kin! Nababaliw na ang babaeng 'to! Hindi niya ata maintindihan yung salitang 'may girlfriend na'ko' at hindi ikaw 'yon kaya chupi! Lumayas ka dito! Hindibkita kailangan! Puro ka iyak, napakaingay mo! Kung ano ano pa 'yang pinagsasasabi mo, nagmumukha ka lang gago!" nang manghina ako ay napagtagumpayan niyang kunin ang sariling kamay mula sa pagkakahawak ko.
"'Wag mo na siyang pilitin maalala ang lahat, hija. Makakasama sa kaniya 'yon, mas mabuti pang pumunta ka nalang sa 'yong Mama." singit ulit ni Tita sa usapan. Wala sa sariling napatango at tumayo ako. Pinagbuksan ako ni Tito ng pinto, dere deretso lang ang lakad ko papunta sa silid ni Mama.
Wala akong naabutang tao ro'n. Umupo ako sa sofang nasa tabi rin ng kamang hinihigaan ni Mama. Hindi pa rin daw siya gumigising ngayon, pinagmasdan ko siya habang humihinga.
I was just staring at her tummy to see if she's still breathing or not. I'm holding her hand. Marami siyang galos sa mga braso at hita. Kakaunti lang rin ang sa mukha.
She's now safe. Baka mas lalong hindi ko kayanin kung pati siya nagka-amnesia rin. Mahirap tanggapin ang lahat ng ito pero kailangan kong sikapin dahil hihilom at hihilom rin naman ang sugat na natamo nila. Ngunit ang sugat sa puso ko'y hindi kailanman hihilom dahil siya pa rin ang mahal ko.
Gumalaw bigla ang daliri ni Mama. Napatingin ako sa mukha niya, inaabangan kung imumulat niya na ba ang kanyang mga mata para sa'kin.
"Wake up, Mama. I'm here na, Iloveyou." pagsusumano ko. Ilang minuto pa ang lumipas at sa wakas ay naimulat niya na ang kanyang mata na dumapo agad sa buong paligid bagp mapunta sa'kin. Napangiti siya ng makita ako, itinaas niya ang kanyang kamay para mahawakan ang pisngi kong basa dahil sa pagiyak.
"I'm sorry, Ma. Sana mapatawad mo po ako," i cried once again. Napapikit ako't dinama ang haplos niya sa'king pisngi.
"Shhh, wala kang kasalanan sa nangyari anak." mahinang usal niya, tila kulang ang lakas niya para magsalita.
"No, Ma. Meron po, kung hindi kayo nahirapan ng dahil sa'kin hindi po mangyayari 'yan sa'yo."
"Hindi naman ikaw ang nagdrive ng sasakyan 'diba? Hindi rin ikaw ang muntik ng bumangga sa'kin." paulit ulit niyang hinaplos ang pisngi ko.
"Hindi nga po pero, Mama. Nagaalala ikaw sa'kin tapos puro isipin pa ang binibigay ko sainyo ni Papa. Mama, masyado na po akong pabigat sainyo."
Nangunot ang noo niya, tila nagtataka kung bakit ko sinabi 'yon. "Sinong nagsabing pabigat ka?" medyo tumaas ang boses niya kaya natakot ako.
"Ako po," pagsisinungaling ko. Yeah, alam ko naman talagang pabigat na 'ko sa kanilang dalawa ni Papa, mahirap sabihin 'yon.
"Anak kita kaya responsibilidad kong tanggapin ang kahit anong hirap at sakit na maibibigay mo,"
"Ma."
"Totoo 'yon, Anak. Kaya 'wag mong iisiping pabigat ka sa'kin.. sa'min, dahil kahit kelan ay hindi ko 'yon inisip mula ng ibigay ka sa'kin ng panginoon." naiiyak niyang sabi.
Pero bakit si Papa naiisip niyang pabigat ako?
Hindi niya ba ako mahal?
"Mahal na mahal kita, Mama. Sorry at Thankyou po sa lahat lahat," niyakap ko siya. Sinubsob ko ang mukha ko sa kaniyang leeg habang siya naman ay ipinatong ang baba sa balikat ko. Hinagod niya ng hinagod ang likod ko dahil sa pagiyak.
"Mahal rin kita," bulong niya sa aking tenga bago ako dampian ng halik sa pisngi.
"Mabuti naman at gising kana, Carlene." ani Manang na kakapasok lang sa silid. Kumalas ako ng pagkakayakap kay Mama at nginitian ang bagong dating.
"Oh, hija. Nagdala ako ng pagkain para sainyo, paniguradong nagugutom kana dahil hindi ka kumain kanina. Pinagluto kita ng iyong paborito," naglahad si Manang sa'kin ng isang tupperware. Napangiti agad ako ng makitang Menudo 'yon at kanin.
"Salamat, Manang." i smiled at her. Tinanguan niya lang ako bago bumaling kay Mama.
"Nagugutom ka ba, Carlene?" nangingiting tanong ni Manang kay Mama na tinanguan lang siya. Bumalik naman si Manang sa kaniyang dalang paperbag at naglabas muli ng isang tupperware.
Umupo siya sa upuang kinauupuan ko kanina tsaka sinubuan si Mama. Humila naman ako ng isa pang upuan para makaupo sa kabilang gilid ni Mama.
"Nasaan si Laurent?" kunot noong tanong ni Mama kay Manang. Napatigil naman si Manang sa pagsubo ng pagkain sa kaniya't malungkot na ngumiti.
"Nasa kompanya hija,"
"Ahh," tatango tango niyang sabi bago isinubo ang kutsara.
That day passed silently. Hindi ako lumabas ng silid ni Mama, nagcellphone lang ako buong araw. Kinagabihan naman no'n ay dumating si Papa, akala ko ay pagsasabihan niya muli ako ngunit hindi nangyari 'yon sa halip ay dumeretso lang siya kay Mama na nanonood ng TV at hindi napansin ang pagdating niya.
Hindi ko nalang sila pinansin at pinagpatuloy ang pagcecellphone. Nakatulugan ko na rin 'yon kaya ang bagsak ko ay sa sofa.
"Hi Tita! Good Morning!" umalingawngaw ang malakas na boses ni Riana sa buong silid. Dahil do'n ay nagising ako, napaupo tuloy ako ng wala sa oras.
"Ano ba naman 'yan! Napakaaga, ang ingay ingay mo! Kita mo ng may natutulog 'diba?" inis kong sigaw. Kinusot kusot ko ang mata ko bago tumayo at pumunta sa banyo para makapag-hilamos at sepilyo.
"Sorry! Hi Tita, may dala akong puds. Gusto mo po? Peyborit mo 'to, Tita bawal ang tumanggi." rinig kong sabi ni Riana mula sa labas.
"Nag-abala ka pa, hija. Pakilagay na muna jan sa tabi, hihintayin kong matapos si Arlene para magsabay kami." ani Mama. Binilisan ko naman ang ginagawa ko para hindi na maghintay si Mama ng matagal.
Pagkalabas ko'y nagbubulungan silang dalawa. Natigil lang ng makita ako, napatuwid ng upo si Riana at ngumiti ng pagkalapad lapad. Inirapan ko siya at dumeretso sa pagkaing dala dala niya.
"Bacon, Egg omelette, Fried rice tsaka Hotdogs, ako nagluto niyan!" pagmamalaki ni Riana sa niluto niyang medyo sunog. Yes, medyo lang talaga yung black? De joke lang.
Napangiwi ako. Kinuha ko ang tinidor at tinikman ang Egg Omelette. Unang kagat ko palang ay nalasahan ko na agad ang pagkaalat! Jusko.
Napainom agad ako ng tubig. Hindi ko niluwa, nilunok ko pa rin. Napaharap ako sa kaniya at sinabunutan siya ng mahina.
"Jusko! Ang alat ng Omelette! Bwiset!" hinila hila ko ang buhok niya.
"Huh? Anong maalat! Sabi ni Manang sakto lang daw 'yung nilagay ko!" depensa niya.
"Tinikman mo ba ha?!"
"H-hindi." kamot pisnging sagot niya. Babatukan ko na sana kaso biglang umawat si Mama. Nakalimutan kong nandito nga pala siya, ambad ko!
"Hep, hep. Tama na 'yan, tikman mo muna Riana para makasigurado ka. Baka kasi nagsisinungaling 'yang bestfriend mo." sinamaan ako ng tingin ni Mama. Tumayo naman si Riana at suya naman ang tumikim sa omelette na niluto niya.
"Argh! Ang alat nga." napainom siya ng tubig. Tumawa naman ako ng malakas at inasar asar siya.
"Akala ko pa naman, Chef ka na.. Shet pala," tatawa tawa ko siyang tinuro. Napahawak ako sa sariling tiyan.
"Pfft." pagpipigil ni Mama ng tawa. Tinapunan niya kami ng masamang tingin bago isinalampak ang sarili sa sofa na kinahihigaan ko kanina. Para na siyang batang hindi binigyan ng kendi ngayon, haba ang nguso habang nakakrus ang mga braso.
Nang makuntento ako sa kakatawa ay naglagay na ako ng pagkain namin ni Mama sa iisang plato lang. Susubuan ko nalang siya, baka kasi hindi niya pa kayang kumain mag-isa.
Pagkatapos ng ilang sandaling pananatili ko ro'n ay napagpasiyahan kong lumabas muna at dumeretso sa silid ni Stewart. May magbabantay naman kay Mama tsaka sabi ko magpapahangin lang muna ako sa rooftop kaya wala rin silang nagawa. Buti nalang at mamayang gabi pa ang uwi ni Riana, wala daw kasi siyang gagawin sa bahay nila kaya naisipan niyang dalawin si Mama. Sila Tito Rey, at Tita Ariana ay sa susunod na araw nalang daw dadalaw kapag may free time.
I stopped in front of the door. I calmed myself first, before i knocked at the door. It immediatly opened and Ciara showed up in front of me. Her smile faded, when she saw me.
"Tita Fina, and Tito Jonas are not here. They went home for foods and some things for their stay here." she said. I nodded.
"Can i come in?" i asked. Ignoring what she told me a while ago. I glanced at her back and saw Stewart sweetly smiling while looking at the back of Ciara.
My heart pounded in pain. I felt a sharp sword fierce into the depths of my heart and soul. It really hurts! So much.
"Uhm," humarap siya sa likod. Nang matanawan ako ni Stewart ay napawi ang ngiti niya at sinamaan ako bigla ng tingin. "She's here." Ciara announced. Stewart looked at her with amusement on his face. He shook his head. Sign of disapproval, for letting me in his room. "Hmm, he doesn't want you here. Can you understand that?"
I sighed. "Can i talk to you, then?"
Fear filled her eyes. "S-sure." nauutal utal pa niyang sagot.
"In private."
And now, i can clearly see her fear and sadness. "O-okay, i'll be back." paalam niya kay Stewart bago isarado ang pinto.
Tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad patungko sa hagdan papuntang rooftop. Nang makarating kami do'n ay agaran ko siyang hinarap.
"So, you and Stewart has a relationship right?" mahinahon kong panimula.
"How did you know? Yes." kunot noong sagot niya habang nagtatakang nakatingin sa'kin.
"Narinig ko lang nung naguusap kayo ni Stewart sa kwarto niya. Nung time na kumuha ako ng juice." tumingin ako sa malayo at pinatong ang siko sa railings. Gano'n din ang ginawa niya.
"I'm sorry." biglang sagot niya. Nagulat ako, napatingin ako sa kaniya.
"It's okay, i understand. Ako naman kasi ang may mali, ako ang nawalan ng oras sa kaniya kaya siya nagkaro'n ng pagkakataong maghanap ng iba."
"Yeah, he told me that. But, still i'm sorry. Hindi ko naman talaga intensyong maging kabit, hindi ko lang talaga napigilan ang sarili kong mahalin siya ng mga oras na wala ka sa tabi niya. He was so sad, tuwing break time noon ay sa Library lang siya pumupunta. Ayaw niya ng kausap, he's waiting for your text. Every hour, every minute, every seconds. Kinausap ko siya noon, inexplain ko yung side mo sa kaniya kahit na hindi ko naman talaga alam ang nangyayari. I said na nagaaral ka rin, may responsibilidad ka rin sa bahay niyo kaya hindi kayo gaanong nakakapagusap. And i said na, hindi lahat ng oras mo ay para sa kaniya. He never understand my reasons, and after that day. He started texting and calling me with sweet messages. I refused all of them pero ng makita ko siyang umiyak no'n sa room? I felt guilty, and sad too."
"I comfort him with all my best. And hindi ko inaasahang isang araw ay mahuhulog siya sa'kin. We always meet, playing at his room. Texting, calling. Ako lahat ang gumawa ng mga dapat na ginagawa mo para sa kaniya."
"I really understand your situation pero si Stewart? Hindi, kahit anong paliwanag ko noon hindi niya talaga pinakinggan. Kahit na alam kong mali ang ginagawa ko, nawalan na'ko ng pakealam. I didn't stop myself from loving him too much, i spend all of my time being with him. Kaya siguro isang araw pag-gising niya ay hindi ka na niya mahal, at ako na." she covered her face with her own palms. She cried out loud, ignoring whoever sees her.
I was stunned. Tears immediatly dripped down my cheeks. Nanghihina ako, hindi ko ineexpect na gano'n ang nangyari sa kawalan ko ng oras sa kaniya.
Nang medyo mahimasmasan ay hinarap niya muli ako ng nakangiti. Naiyak pa rin ako. Napakabit nalang ako sa railings para hindi tuluyang matumba mula sa panghihina.
"He loves you so much, but his love fade away when he met me."
Nadurog ang puso ko. Tuluyan na akong hindi nakagalaw dahil sa katotohanang tama siya. He knows Stewart well, more than i know him. Years and Months are just numbers. In that short time, he knew Stewart well. She dig his personality, she never fails to make him smile every hours, minute, and seconds.
"His love was too shallow, that he can easily afford to forget and break a promise." i said that with a low tone of voice.

Komentar Buku (10)

  • avatar
    Enrico Belmonte

    shesh

    26/03/2023

      0
  • avatar
    Chirry Mae G. Noval

    ang ganda kabitin lng sana may kasunood pa😘😘😘🥰🥰

    24/03/2023

      0
  • avatar
    Rosemarie Ramirez

    nicee

    18/03/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru