logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 4 Accident

[Now Playing : Ala-ala by MM Madrigal]
KABANATA 4
ARLENE MARIELLA
"Pasensya na sa mga sinabi ko, hija. Ika'y magpahinga na at matulog, maaga pa ang pasok mo bukas." ani Manang habang pinupunasan ang pisngi niya.
Tumayo na 'ko. "Sige po, kayo na pong bahala rito. Magpahinga na rin po kayo ng maaga," umakyat na 'ko sa taas at ginawa na ang skin care routine ko.
Kinuha ko ang earphones sa drawer ko at isinalpak 'yon sa tenga ko habang nagpapatugtog. Ito lang ang tanging paraan para makatulog ako ng mahimbing, nakasanayan na siguro namin 'to ni Riana.
Tama nga ako, dahil nakatulog agad ako dahil do'n. Ngunit nabitin lang ng ilang beses na may tumapik sa braso ko.
"Hmm." antok kong ingit, hindi ko binubuksan ang mata ko dahil baka umaga na't masilaw pa 'ko.
"Hija, bangon na jan. Ang Mama mo..." gumagaralgal ang boses ni Manang ng marinig ko. Napamulat agad ako ng marinig ang pangalan ni Mama.
"Po? Ano pong meron kay Mama?" takang tanong ko. Nakakunot ang noo habang kinukusot kusot ang mata. Umupo ako't tumingin sa labas. Madilim pa, madaling araw na ba?
"Naaksidente ang Mama mo, hija." umiiyak niyang sabi. Hindi ako nakagalaw, nabingi ba 'ko o nananaginip lang? Sinampal ko bigla ang mukha ko, nakaramdam ako ng sakit kaya paniguradong hindi nga ako nananaginip.
"No," tears pooled in my eyes. "No! Hindi, hindi na aksidente si Mama. Hindi, Manang hindi! Nagkamali lang kayo, hindi siya. Hindi," napahagulgol ako. Niyakap ako ni Manang at sabay kaming umiyak, 'diko kayang paniwalaan 'yon. Hindi siya maaaksidente. Mali, mali lahat.
"Mali lahat ng nalaman mo, Manang. Imposibleng maaksidente si Mama,"
"Mali lahat, Manang. Mali, lahat." paulit ulit kong sinabi ko 'yon habang umiiyak. Napakahirap paniwalaan dahil nangako siya sa'king hinding hindi siya masasaktan. Nangako siyang hindi niya pababayaan ang sarili niya.
"Nasa hospital na sila, hija. Kailangan na nating pumunta ro'n, nando'n na ang Papa mo." hinagod ni Manang ng ilang beses ang likod ko para mahismasan ng kaunti. Wala sa sariling tumayo ako't dumeretso sa banyo. Walang pagaalinlangan kong sinuong ang malamig na tubig. Manhid ako beh.
I wore my sweatpants and gray spaghetti straps. Pinatungan ko 'yon ng gray hoodie, para hindi ako malamigan mamaya. And then, i partnered it with my black adidas sandals. Simple outfit for this day. I also tied my hair into a bun.
Hindi na 'ko nagdala ng maraming gamit. Tanging cellphone at power bank lang ang inilagay ko sa sling bag. Pagkababa ko sa sala, ay naghihintay na do'n sila Manang at Andeng. Mga nakabihis na, may dala pang isang bag. Siguro mga damit ni Mama or something?
Lumabas na ako ng bahay. Nagpahuli naman sila Manang para kausapin ang ibang maids na bantayan ang bahay. Pagdating sa hospital ay dumeretso na agad kami sa may ER.
Naabutan namin si Papa ro'n na nakaupo at nakayuko sa mga palad. Lumapit agad ako at niyakap siya ngunit hindi pa nga siya nakakaganti ay lumayo na agad siya.
Namumula ang mata mula sa pagkaiyak ay sinampal niya ako ng sobrang lakas. Muntik pa akong matumba, buti nalang at nasalo agad ako ni Manang sa bewang. Wala akong naramdamang sakit, sa halip ay napaiyak lang ako.
"Nakaratay na ang Ina mo sa higaan. Walang malay at puro dugo ang ulo! Ano masaya ka na ba sa pagpapahirap sa kaniya?! Wala kang kwentang anak! Hindi mo manlang inisip ang nanay mo! Puro pagpapahirap nalang ang binibigay mo sa'min!" sinampal niya na naman ako sa kabilang pisngi. Hindi nakapanglaban si Manang dahil hinila ako ni Papa tsaka sinampal.
"Wala kang silbe! Putangina mo ka! Lumayas ka na sa pamamahay ko!" lumayo ako ng kaunti ngunit hinila niya pa rin ako papalapit.
"Bwiset kang bata ka! Napakapabigat mo sa'min, lumayas ka nalang kung puro pahirap ka nalang lalo na sa nanay mo! Puta kang bata ka! Wala ka ng ibang ginawa kundi ang lumakwatsa!"
"Bakit, pa? Noong ako ba ang naghihirap napansin niyo? Nakita niyo ba? Hindi ako nagsabi sainyo kasi ayokong madamay kayo sa problema ko—" nasampal na naman ako.
"Sinong nagturo sa'yong sumagot ha?! 'Yang lalake mo?! Aba, puta ka talagang bata ka! Pinalaki ka namin ng maayos. Tapos ganiyan lang ang isusukli mo ha?! Puro ka pasakit hayop ka!"
"Kung hindi ka lang siguro nagdrama ay hindi ito mangyayari kay Carlene! Pag may nangyaring masama talaga sa asawa ko hindi na kitang ituturing na anak!"
Natawa ako. "Anak? Kelan mo 'ko tinuring na anak, pa? Haha, sorry pa ha? Hayaan niyo, pag ako nagkatrabaho aalis at aalis rin naman ako jan sa pamamahay niyo. Tsk, sorry pa ha? Kung lagi kayong wala, kelan nga ba ako naging isang Apostol? Hindi naman ako naging Apostol sa paningin niyo, sarili niyong anak tinatakwil niyo." natatawa kong pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko.
"At nagkaro'n ka pa talaga ng lakas na magsabi ng ganiyan sa harap ko ano?! Napaka kapal nga naman talaga ng pagmumukha mo, talagang hindi ka nababagay sa Apelyido ko. Wala akong anak na ganiyan ang ugali," tinalikuran niya ako't bumalik sa pagkakaupo. Tinalikuran ko lahat ng naroon at naglakad pa palayo. Hindi ko alam kung saan na ako pupunta. Sobra sobra na ang sakit na nararamdaman ko, minsan gusto ko nalang mamatay.
Yung tipong matutulog ka tas hindi ka na magigising kinabukasan. Napakawalang kwenta ng mundong 'to, hindi talaga ako nababagay rito. Sana nga ako nalang ang naaksidente at hindi na si Mama. Natatakot ako sa mangyayari sa kaniya, ayokong nakikita siyang nahihirapan dahil sa'kin pero wala naman akong magawa para ro'n.
Tama si Papa, napakawalang kwenta ko nga talagang anak. Hindi ako isang Apostol, dahil lahat ng Apostol ay matulungin, mabait, matalino, at masipag. Wala ata akong niisang ugali katulad no'n kaya ganito nalang ang pagtataboy niya sa'kin.
Papalabas na 'ko ng Hospital ng mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na katawan na naka higa sa hospital bed. Nabahidan na ng maraming dugo ang tela ng kutson. Dineretso agad sa ER, tumakbo ako papasunod do'n.
Napaiyak na naman ako ng makitang nakayakap si Tita Fina kay Tito Jonas habang naiyak. Lumapit agad ako sa kanila, napatigil sa paghagod ng likod si Tito Jonas ng makita ako.
"T-Tito ano pong n-nangyari kay Stewart?" uutal utal kong tanong. Pati si Tito ay napaiyak na rin ngunit hindi kasing tindi ng kay Tita.
"Tumama sa puno ang sinasakyan niya.. A-at nahulog sa bangin ang sasakyan, buti na lang at may nakakita sa pangyayari, hija." humagulgol ng malakas si Tita.
"B-bakit po nangyari 'yon? Tito kasama niya po yung driver niya." napatakip ako sa bibig para pigilan ang sariling mapahagulgol.
"Tumakas siya sa bahay, hija. Hindi namin alam kung saan pupunta, basta nabalitaan nalang namin na n-naaksidente siya."
Nanghina ako, napaupo ako sa aking mga paa't napatakip sa mukha. 'Di ko na napigilan ang paghagulgol, bakit kailangang mangyari ang ganito?
Lumipas ang oras, nakabalik na rin ako sa pwesto kung nasaan sila Manang. Hindi ko na kinausap pang muli si Papa habang naghihintay. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari kay Stewart dahil pinabalik agad ako nila Tita dito.
This is all my fault. Sana hindi na lang ako nagsabi kay Mama para hindi na nangyari sa kaniya 'to. Nang araw na 'yon ay pinauwi muna ako saglit ni Manang sa bahay para makaligo. Sinunod ko naman dahil hindi pa gising si Mama.
Naglalakad na'ko papasok sa hospital ng makasalubong ko si Ciara na nagmamadali. She's wearing skinny jeans, and white loose tank top. With matching, balerina flats.
Hindi niya ako napansin dahil nagtuloy tuloy lang siya sa paglalakad. Sinundan ko naman siya, napatigil siya sa tapat ng isang pribadong kwarto. Sino? Si Stewart kaya—
"Oh, hija. Nandiyan ka na pala," anang pamilyar na boses mula sa likod ko. Napaharap naman ako do'n at sinalubong ang tingin ni Tito Jonas.
"Ahh, kararating ko lang ho. Gising na po ba si Stewart?" natutulirong tanong ko. Napaiwas pa nga ako ng tingin ng kumunot ang noo niya sa'kin.
"Ayos ka lang ba, hija?"
"Opo, nagaalala lang po talaga ako. Pasensya na po," nagbaba ako ng tingin sa kamay kong nagkukutkutan.
"Ahh gano'n ba? Tara pasok na tayo sa loob," marahan niyang hinawakan ang braso ko't hinila papalapit sa pintuang tinigilan ni Ciara kanina. Napatingin naman sa'min si Ciara ng mapansin kami.
"Oh, nandito ka na rin pala. Pasok," malamig na utos ni Tito sa kaniya. Hindi pa kami nakakapasok ay narinig na namin ang atungal ni Tita Fina mula sa loob. Dali dali namang binuksan ni Tito ang pinto at tumambad sa'min ang nakaratay na katawan ni Stewart sa hospital bed at maraming bagay ang nakakabit sa kaniya.
"Anong nangyari, Mahal ko?" tanong ni Tito, habang niyuyogyog ang balikat ni Tita na umiiyak lang.
"May naalala lang ako," napahinga naman ng maluwag si Tito. Gano'n na rin ako, akala ko kung ano nang nangyari.
Napalingon naman si Tita sa'kin at malungkot na ginawaran ako ng ngiti. Nginitian ko rin siya ngunit peke 'yon.
Lumapit ako sa kaniya't yumakap. Do'n bumuhos ang luha ko, ngunit pinigilan ko ang humagulgol. Pinagmamasdan ko lang si Stewart na humihinga. May puting tela na nakabalot sa may noo niya, gano'n rin ang sa bandang braso niya. Puro gasgas naman ang tinamo ng ibang parte ng katawan niya.
Hinagod ko ang likod ni Tita. Hinaplos haplos ko pa ang buhok. Kumalas ako ng pagkakayakap sa kaniya't hinarap siya,
Ngumiti ulit ako.
"Stay strong, Tita. Please be strong for Stewart. He surely doesn't want to see you like this, he'll be okay. Everything will be okay, Tita. Just... Trust God."
Hinaplos niya ang pisngi ko. Dinama ko naman 'yon ng nakangiti. "I am. You need to be strong too, for your Mom. She needs you, hija." tumango ako. "Maiwan na muna kita rito ha? Kausapin mo ang anak ko, alam kong kahit tulog siya'y nararamdaman niyang nandito ka. Mahal na mahal ka niyan, hija." she kissed my forehead.
Sana nga, Tita.
Pagkatapos no'n ay niyaya niya nang lumabas sila Tito at Ciara. Pansin ko'y malamig rin ang pakikitungo niya ro'n sa babaeng 'yon. Dapat lang naman 'yon sa kaniya, ha! Malandi!
Nang masarado ang pinto ay dahan dahan naman akong naglakad papalapit kay Stewart. Muli na namang tumulo ang luha ko, hinayaan ko lang 'yon. Hindi ko pinigilan o pinunasan. Dahil gano'n rin naman ang pagmamahal ko sa kaniya, hindi ko pinipigilan dahil hinahayaan ko lang lumala para makasama siya' bawat oras.
Umupo ako sa single sofa na nando'n na sa gilid ng kama niya. Kinuha ko ang kamay niya't hinawakan 'yon.
"H-happy.. 2nd Anniversary, Baby." umiiyak kong bulong. Napayuko ako't dinampian ng halik ang kamay niya. "Please, don't leave us. Stay strong, baby hmm?"
"Alam kong si Ciara ang mahal mo... Handa na 'kong palayain ka, kung 'yon naman ang ikasasaya niyong dalawa.." gumaralgal ang boses ko. "Maraming salamat sa pagstay sa'kin na umabot ng 1 year, 11 months and 23 days.. Sayang at hindi mo pa pinaabot ng anniversary natin at nakaratay ka agad jan. Ako lang tuloy yung bumati sa'ting dalawa, bumangon ka na nga jan."
"September 24 na ngayon oh! Dali na bangon ka na jan at magcecelebrate pa tayo ng anniv. natin." natawa nalang ako bigla sa sariling kabaliwan. "Pupuntahan mo siguro ako 'no? Bakit kasi hindi mo nalang ako tinawagan? At tsaka bakit ka pa nagdrive mag-isa ha? Nagaaral ka palang naman eh," nagpout ako kahit hindi naman niya nakikita.
"Ahuh! Baka gusto mo kong isurprise para sa anniv. natin 'no? Balak mo sigurong hintayin mag-twelve ng hating-gabi, hmmm. Pwede rin 'yon,"
"Mahal na mahal kita, Baby. Sana maging okay na ang lahat 'no? Sana bumalik tayo sa dati, yung masaya pa tayong dalawa? Yung walang asungot sa relasyon natin.. At yung.. Ako lang ang mahal mo," nagbaba ako ng tingin sa kamay niyang hinahaplos ko gamit ang hinlalaki.
"Kung gusto mong layuan na kita.. Gagawin ko, kung gusto mong iwan kita.... Gagawin ko, syempre gusto mo 'diba? Alangan namang pigilan kita, ayokong ipilit ang sarili ko sa'yo kung hindi ka na pala masayang kasama ako. Tatanggapin ko naman, kahit ikakadurog ko pa 'yon. Lahat gagawin ko, mahal kita eh."
"Gano'n nga siguro 'no pag mahal na mahal mo yung tao lahat isasacrifice mo. Katulad ni Mama.. Naaksidente rin siya dahil sa sobrang pagaalala sa'kin. Sobrang bulag ko na ba para hindi makita ang paghihirap nila dahil sa'kin. Parang ikaw lang, nahihirapan kana sa'kin kasi hindi kayo makapagbonding ng malaya ni Ciara."
"Masyado nga siguro akong binulag ng pagmamahal ko sa'yo para hindi ko mapansin ang mga taong hindi ako iniwan noon pa lang. Mahal na mahal kasi kita kaya nagkagano'n ako, Sana pag-gising mo hanapin mo agad ako. Sana pag-gising mo mapangiti agad kita, Sana maayos na ang pakiramdam mo. Sana maging okay na ang lahat, at Sana pag-gising mo ako pa rin ang Mahal mo.." hindi ko na inisip kung ilang beses kong sinabing mahal na mahal ko siya. Ang mahalaga'y malaman niya 'yon, at pakatandaan niya kahit hindi man siya mulat ngayon.
Bakit kailangang magkasabay sabay ang lahat ng ito?

Komentar Buku (10)

  • avatar
    Enrico Belmonte

    shesh

    26/03/2023

      0
  • avatar
    Chirry Mae G. Noval

    ang ganda kabitin lng sana may kasunood pa😘😘😘🥰🥰

    24/03/2023

      0
  • avatar
    Rosemarie Ramirez

    nicee

    18/03/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru