logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 3 New Girl

[Now playing: Binalewala]
KABANATA 3
ARLENE MARIELLA
"Hi, Baby!" masiglang bati ni Stewart isang araw ng makapunta ulit ako sa kanila. He walk towards me and hugged me tight, I hugged him too.
"Hello, how was your day?" i smiled.
"It went fine and happy again, baby." he answered while smiling widely.
"That's nice! So, what are we gonna do today?" tanong ko ng makayakap sa bewang niya.
"Hm, i'll bring you to our house again."
"Sure! Tara!" naglakad na kami patungo sa bahay nila. Ilang kantong layo lang dito sa park. Whenever he looked at me, i always smile. Still, hiding the pain i'm feeling.
Pagkarating namin sa bahay nila ay dumeretso kami sa kwarto niya. Hindi na kami sinita dahil matagal na naman akong nakapasok na ro'n. Binuksan niya ang tv at isinalpak sa dvd ang PS4 games.
"Ano ba 'yan lagi nalang akong natatalo sa'yo!" reklamo ko, sa unang laro pa lang namin sa Mortal Kombat ay natalo niya na agad ako!
"Sorry, baby. Malakas lang talaga ako," pinakita niya pa ang muscle niya sa braso! Aba't napakakapal ng mukha mo, mahal!
Nagcross arms ako at tinalikuran siya. Kunyaring nagtatampo, hmp! Pero totoo. Nakakainis kasi! Hindi manlang ako pinagbigyang manalo, andaya hindi niya na ata ako love eh!
"Hey, baby." kinalabit niya 'ko.
Bahala ka jan!
"Hey,"
Putek! Hey nalang ata alam niya sa buhay!
"Baby, hey! Come here," hinapit niya ang bewang ko pa palapit sa kaniya. Sa inis ko'y tinanggal ko agad ang kamay niya ro'n at tumayo.
"Babe- baby!" tawag niya pa ulit.
Babe? Oh, maybe their endearment.
I walk back at my place. I picked up the controller again and unpaused the game. I act like nothing happened. We continued playing, natigil lang ng magpaalam siyang kukuha ng pagkain sa baba.
Pwede namang magutos sa maid ah? Bakit pati cellphone kailangang dalhin pababa?
Tumayo na lang ako't pumunta sa veranda ng kwarto niya. Suminghap ako ng hangin, i closed my eyes. Pagkamulat ko palang ay may isang babaeng pumasok sa gate ng bahay na ito.
She's the girl i saw in his school!
Mas maganda at sexy pala siya kapag hapit na hapit ang damit sa katawan. She's tall, maybe taller than me? She's like a walking goddess! Hope all.
Nakatayo lang ako do'n habang pinagmamasdan siya. Sinalubong naman agad siya ni Stewart sa main door pa lang, he hugged and kiss her forehead. Nagtago ako ng sumilip siya sa pwesto ko.
Napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil sa biglaang sakit. Tears pooled in my eyes again, this is too much, Arlene. Your torturing youself.
Bumalik na lang ako sa pagkakaupo sa sofa at hinintay ang pag-akyat nila. Tahimik lang akong umiyak habang nakatitig sa screen, nang marinig ko ang yabag nila ay agaran kong pinunasan ang basa kong pisngi at umayos ng upo.
The door creaked open, sign that they're here already. I glanced at them, still holding the controller. The girl is smiling so wide and genuinely. Mas lalo siyang gumanda sa ngiting 'yon.
Nasa tabi niya naman si Stewart, nakaakbay sa kaniya. My heart broken into pieces, i clenched my fist tightly.
"Arlene, this is Ciara de Guzman.. Ciara this is Arlene Apostol," pagpapakilala sa'kin ni Stewart sa babae niya.
Not introducing me as your girlfriend huh?
Inilahad ko ang kamay sa kaniyang nanginginig at ngumiti ng maayos. "Stewart's Girlfriend,"
"Stewart's Friend." she accepts my hand. She smiled.
"Nice to meet the friend of my boyfriend," i said sarcastically pero hindi niya naramdaman 'yon, sa halip ay mas naging masaya siya.
"Nice to meet you, too."
"Let's take a seat," inalalayan niya ang babae niya samantalang ako ay pinabayaan lang.
"Are you hungry, Lene?" he turned to me.
Tangina, bakit ang sakit 'pag hindi niya ako tinatawag ng baby sa harap ng babae niya?
"Yep," binigyan niya ako ng isang plato, napapagitnaan namin siya ng babae niya.
"Are you hungry, too?" tanong niya sa babae niyang nakatingin lang sa kaniya buong oras.
"Yes, babe- Stewart." ngumiti siya sabay tingin sa'kin. Ngumiti rin ako at umiwas na ng tingin.
Nadulas pa nga.
Pinagsandukan siya ni Stewart ng Spaghetti sa plato, nagsandok nalang ako ng sarili ko dahil mukhang walang balak na paglagyan din ako ni Stewart.
"Babe- Ciara, what do you want to play?" Stewart kay Ciara. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila, hangin ako dito pre.
King ina talaga, hope all nadudulas.
Gigil kong pinaikot ang tinidor sa Spaghetti. Nakagat ako ang labi ko para pigilan ang pag-iyak. Bwiset ansakit na!
"Ano bang nilalaro niyo?" she asked back, she glanced at me with fear in her eyes.
"Mortal Kombat," Stewart replied, still looking at her fucking girl.
"'Yon nalang rin, laro nalang tayo later. After this,"
Pagkatapos naming kumain ay magpapaalam sanang lalabas si Stewart pero pinigilan ko agad siya.
"Ako nang bahala sa juice, asikasuhin mo muna 'yang bisita mo." pagdadahilan ko. Pumayag naman agad siya. Tumayo na ako at naglakad palabas.
Habang naglalakad sa hallway ay isa isang tumulo ang luha ko. Nahihirapan akong huminga dahil sa pagpipigil kong umiyak ng malakas at sa hikbi. Tumigil muna ako sandali sa may Cr, pumasok ako ro'n at do'n nilabas ang lahat ng luha ko.
Sa bowl na nakasarado ako umupo. Ang palad ko'y nakatakip lang sa mukha ko buong oras. Nang makuntento, lumapit ako sa sink at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin.
Anong meron siya na meron ako?
Maganda,
Matalino,
Maputi,
Mabait,
Matangos ang ilong,
Makakapal ang kilay,
Mahahaba ang pilikmata,
Mapupula ang labi,
Mapupungay ang mata,
Straight ang buhok,
Makinis,
Anong meron siya na wala ako?
Oras kay Stewart.
'Yon lang naman ang pwedeng maginv dahilan kung bakit may babae siya. Dahil hindi ako nakakapaglaan ng oras sa kaniya, sapat nga ang pagmamahal ko pero sa paningin ko lang 'yon. Pero sa paningin niya ay hindi, dahil kung sapat nga 'yon sa kaniya ay hindi siya maghahanap ng iba,
Ako at ako pa rin ang mahahalin niya.
Masyado akong naging kampante na hindi niya ako kakaliwain. Nagpakatanga ako sa isang pangakong hinding hindi naman matutupad.
May pagmamahal naman akong binibigay sa kaniya pero oras ay wala. Pati ang oras na naibibigay ko'y hindi sapat para sa kaniya.
Pagkatapos kong magdrama sa Cr ay naghilamos at nagpulbo na muna ako bago tumungo sa kusina at kinuha ang juice sa ref.
"Hi, Ma'am Ciara!" bati ng maid sa likod ko. Nang humarap ako'y nawala ang ngiti sa labi niya.
"Ay, sorry po. Akala ko po kasi si Ma'am Ciara." nagbaba ng tingin ang maid.
"Its okay," ngumiti ako kahit hindi niya kita.
Dahan dahan lang akong naglakad sa hallway para hindi nila marinig ang yabag ko. Napatigil lang ng marinig ang usapan nila sa loob.
"Bakit mo pa ako pinapunta dito? Nandito ang girlfriend mo, Stewart!" Ciara.
"Ipapakilala lang kita kila Mommy mamaya pagdating nila! Ano bang masama sa pagpapakila, babe?" Stewart.
"Baka isipin nilang Girlfriend mo 'ko!"
"I don't care."
"Pero may girlfriend ka na, Stewart!"
"I said, i.dont.care....
because, i love you more than i love her."
"Yiieeee, talaga?"
"Yes, babe."
Nakakapanghina beh! Kung mahina kang talaga ako kanina pa'ko bumagsak dito sa sahig! Kakaiyak ko lang eh, iiyak na naman ako? Pucha sayang luha ko beh!
Binuksan ko ang pinto gamit ang isa kong kamay, naabutan kong hinalikan na naman ni Stewart ang noo ng babae. Nakayakap pa! Lumayo lang ng makita ako.
Lumakad na ako papalapit sa coffee table at inilapag do'n ang juice. Isipin mo, coffee table pero juice yunh nakalagay sa mesa. Ay 'di joke lang, wag ka ng magisip wala ka namang isip diba? Joke lng hehe, peaceyow!
Nginitian ko sila bago umupo sa pwesto ko. Naglalaro na sila ngayong dalawa, nanonood lang ako habang sumisimsim sa juice ko. Oo akin talaga, ako kumuha niyan eh, baka naman pati juice agawin pa
sa'kin?
"Ano ba 'yan, babe- Stewart! Natatalo na naman ako ha!" Babae niya.
Lintek, bakit lagi ka nalang nadudulas ha? Baka sa susunod mabagok ka na niyan?
"I'm sorry," Stewart chuckled. "Okays. Eto na nga magpapatalo na'ko, para sa'yo!" i saw Stewart sexily winked at Ciara. She blushed and chuckled at that.
They start a new game, nakangiti silang pareho habang naglalaro. Nang manalo si Ciara ay bigla nalang siyang yumakap kay Stewart, Stewart kissed her forehead again. Ignoring that i'm still here.
Nagkunwari nalang akong walang nakita. Pareho silang magaling maglaro, siguro lagi silang narito? Nagbobonding together kaya kilala ng maids? Pero bakit hindi siya kilala nila Tita?
"Yehey! I won again, thankyou babe!" Ciara.
"Welcome, babe."
Kingina! Ako na ata yung nabagok at puso ko ang tumama!
Bakit 'pag siya nagpapatalo ka?
"Let's play, Arlene!" yaya sa'kin ni Ciara.
Wow, akala ko naman multo na ako rito.
"Sure!" kukuhanin ko na sana sa kamay ni Stewart ang controller pero iniwas niya agad 'yon at binigay kay Ciara. Nakatagilid siya sa'kin kaya siguro hindi nakita ang kamay ko.
"Here," abot niya sa'kin ng controller na ginamit ni Ciara. Tinanggap ko nalang 'yon at nginitian siya. Kahit ngiti o tingin manlang ay hindi niya iginawad sa'kin.
"Let's start!" pumalakpak pa si Ciara bago kami magsimula.
"I won again!" aniya sa pangalawang beses na pagkapanalo. "One last game?" alok niya pa.
"Sure!" i said. I glanced at Stewart who's still smiling while watching Ciara.
One last win, and he'll be yours.
Kahit anong pilit kong gawin ang lahat ng best ko ay hindi pa rin ako nanalo. Tatlo tatlong button na ang pinagsasabay ko kanona ngunit wala pa ring palag sa kaniya.
Tumayo na ako pagkatapos ng laro. "I'm going home," paalam ko.
"Oh, it's so early!" Ciara.
Okay na 'yon para may time kayo.
Epal lang ako rito, haha.
"May gagawin pa 'ko sa bahay eh," dahilan ko.
"Hatid na kita sa labas, Lene." tumayo si Stewart at naglakad na.
"Goodbye, sis! See you, around. Take care!" babae niya. I waved at her.
Ulol, sis mo mukha mo!
Naglakad nalang rin ako papalabas ng kwarto niya.
Huminto kaming dalawa ng nasa gate na'ko ng bahay nila. Humarap ako sa kaniya ng nakangiti.
"Good bye, enjoy kayo ni Ciara. See you, text mo nalang ako ha?" paalam ko.
"Sure, Good bye! Take care," lumapit ako sa kaniya, hahalikan ko sana siya sa pisngi kaso bigla namang tumawag sa kaniya ang isang maid na nasa main door may hawak hawak na telepono.
"Sir! Pinapatawag ka ho ni Sir Ian!"
"Okay, pakisabi wait lang!" humarap na ulit siya sa'kin. "Go home now, hindi na kita mahahatid sa may Mcdo, pinapatawag pa 'ko ni Kuya."
I smile sadly at him. "I understand, good bye! Iloveyou!" naghihintay akong guguluhin niya ang buhok ko bago ako umalis kaso hindi niya ginawa. Sa halip ay tinalikuran niya nako't tumakbo papasok sa bahay nila.
Tanga ka talaga Arlene! Uwi na nga!
Naglakad nalang ako papalayo sa bahay nila. Habang naglalakad ay may nararamdaman akong sumusunod sa likod ko, hindi ko na pinansin dahil baka naglalakad lang rin dito.
Maglalakad na sana ako papalapit sa Mcdo ng may dalawang lalaking humawak sa braso ko.
"Ano ba! Bitawan niyo nga ako!" pagpupumiglas ko.
"Hindi, titikman ka muna namin bago ka makawala." ani ng isang lalaking nasa harap ko. Pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko, ang lagkit ng tingin niya sa'kin!
Tinakpan ng isang lalaki ang bibig ko at inilayo ako ro'n. Dinala nila ako sa walang taong lugar at tahimik lang. Wala ring masyadong kabahayan do'n.
Lumapit sa'kin ang lider nila at hinaplos ang mukha ko pababa sa balikat dibdib ngunit bago pa niya mahawakan ang ibaba ko'y may humila na sakaniya palayo sa'kin.
Yung dalawang lalaki naman sa magkabilang gilid ko'y biglang nawala! Napalingon ako sa likod at nakita kong nagtatakbo sila! Hahabulin ko sana ngunit wala akong lakas, kanina pa'ko nanghihina sa sobrang sakit ng puso ko. Ang drama!
Naiwan tuloy rito 'tong manyak na 'to!
Humarap sa'kin yung lalaking nagligtas sa'kin pagkatapos niyang bugbugin ang lalaking manyak. Hindi manlang siya nahirapan o pinagpawisan.
"Are you okay, Miss?" lalaking lalaki ang boses niya. Malaki rin ng medyo ang katawan niya. Natutop ko ang bibig ng mapabaling ang tingin ko sa mukha niya.
My God! Kamukha niya si Stewart bes!
"What's wrong, Miss?" kaagad akong umiling.
"T-thankyou," nangangatal kong sabi.
He nodded. "I'll take him to the police, do you want to come?" tumango agad ako. Sumunod lang ako sa kaniya hanggang sa presinto.
"Thankyou so much again," pagpapasalamat ko ulit ng matapos kami sa presinto. We're standing here in front of the entrance, ignoring the people who's staring us intently.
"Welcome." yun lang ang sinabi niya at tinalikuran agad ako. Hahabulin ko pa sana pero nakasakay agad siya sa kotse niya't pinaharurot paalis.
Pagdating sa bahay ay do'n ko binuhos lahat ng luha ko. Hindi ko pinigilan, maski ang pagsigaw at paghikbi ko ng malakas. Nasasaktan ako eh, sinong may pake?!
"Anak!! Arlene buksan mo 'to!" sunod sunod ang katok ni Mama sa pinto ko.
Bakit hinayaan akong maglakad ni Stewart mag-isa kung alam niyang gano'n ang tao sa lugar nila?
Antanga mo talaga, Arlene! Isa lang dahilan no'n! Hindi ka niya mahal!
Mas lalo akong napahagulgol ng maisip na tama 'yon.
"Anak, buksan mo 'to!"
Bakit niya ako kailangang ipagpalit sa mas malapit?
Bakit niya ako kailangang ipagpalit dahil lang sa kawalan ko ng oras sa kaniya?
Bumukas ang pinto at iniluwal no'n ang nagaalalang si Mama. Kaagad siyang lumapit at niyakap ako ng mahigpit.
"Anak, nandito lang si Mama ha?" aniya sa gitna ng pagiyak ko. Oo gitna talaga.
Tumango nalang ako. At isinubdob ang mukha sa dibdib niya, mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakaniya.
"Anong problema mo, Anak?"
"Pagod na pagod na 'ko, Mama,"
"Saan anak? Magsabi ka, nagaalala ako sa'yo."
"I'm so tired for being a good pretender, Mama... Pagod na pagod na po ako. Sobrang sakit na, bakit kailangan niyang gawin sa'kin 'yon? I gave all my best, Mama... but that's not enough for him. Hinanap niya sa iba ang hindi ko naibigay sa kaniya, Mama. Pagod na pagod na pagod na'ko, gusto kong magpahinga pero hindi ko magawa. Mahal na mahal ko si Stewart, Mama."
-
"Kumain ka na muna?" tanong ni Mommy pagkatapos kong umiyak ng umiyak. Nakaupo pa rin siya rito sa kama ko, ako naman nakaharap lang sa madilim na langit sa labas, Andaming butuin.
"No. Busog po ako, Mama."
"Anak, 'wag naman ganito oh. Hindi maganda sa kalusugan mo ang hindi kumain-"
"Pero, kumain po ako kanina. Bababa nalang po ako, 'pag nagutom ako."
"Hindi siya ang may hawak ng mundo mo kaya 'wag mong patitigilin 'yang umikot." 'yon lang ang sinabi ni Mama at lumabas na ng kwarto ko. Ikinwento ko sa kaniya ang lahat, sa una'y nagalinlangan pa'ko pero hindi ko na kinaya 'yong sakit.
Natapos ang araw na 'yon ng puro iyak lang ang ginawa ko. 'Yon lang ang tanging ginawa ko para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.
Kinabukasan ay wala akong ginawa, hindi rin ako pumasok. Nanghihina ang buong katawan ko, buti nalang at hindi na nangusisa pa si Riana tungkol sa'kin. Gumawa nalang rin si Mama ng excuse letter ko at binigay 'yon kay Riana para sa lahat ng subject teachers ko.
Bumaba ako sa kusina ng magkaroon ng kaunting gana para sa pagkain. Honestly, kagabi pa talaga nasakit sikmura ko, wala lang talaga akong lakas maglakad papunta sa baba.
Buti nalang at wala na sila Mama do'n pagbaba ko. Walang tao sa sala at kusina. Hindi ko na rin sila inabala sa kung ano man ang ginagawa nila.
Bacon at nakailang sandok ako ng rice dahil sa sobrang gutom. Grabe para tuloy akong pulubi sa itsura ko, chinese na pulubi ganern. Nakakahiya talagang pumasok ng ganito ang itsura, baka pagpyestahan pa'ko ng mga kaklase ko. Lalong lalo na si Riana. Jusko, napakadaldal ng babaeng 'yon.
Pagkatapos kong kumain ay nagjogging lang ako sa labas, syempre jan lang sa likod ng bahay namin. Sinong tanga ang lalabas ng ganitong itsura ha? Kung meron man, chat niyo na si Author. Walang wala na daw siyang kachat dahil sa sobrang loyal sa crush niyang hindi naman siya gusto.
Nagpaikot ikot lang ako sa buong backyard. Mukha na'kong tanga. Kahit na napapansin ako ng mga maid namin ay hindi pa rin nila ako ginugulo. Sa halip ay nagiwan pa ng pagkain sa table na nando'n. Meryenda ko daw, natatakot nga ata silang magsalita dahil sa papel pa nila sinabi 'yon!
Ang effort talaga! Hope all, pagkatapos ng ilang ikot ay umupo muna ako't kumain. Sandwich lang naman 'yon kaya mabilis rin naubos. Hindi ko alam kung ilang oras na ako sa likod ng bahay namin. Basta ng makita kong unting unting naging kahel ang langit ay do'n ko lang nalaman ang oras.
Siguro sa sobrang pagiisip ay hindi ko na napansin ang lahat ng nasa paligid ko. Nang magdilim na ay napagpasiyahan kong maligo na't kumain para makapagpahinga ako ng maaga.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Maayos na rin ng kaunti ang pakiramdam ko, maayos na rin ang mukha ko. Hindi na'ko chinese hehe. Chinese na morena? jokes.
"Ayos ka na ba, bes?" alalang tanong ni Riana sa tabi ko. Tapos na ang dalawang pang umagang klase namin, naglalakad na kami ngayon papunta sa Cafeteria. Kasama si Blair na busy sa pagbabasa ng kung ano.
"Oo naman, strong ako 'no!" nagtaka naman siya sa iniasta ko ngunit sa huli'y tumango nalang. Nagmukha siguro akong tanga sa biglang pagtawa. Padala niyo ako sa pawnshop at isangla sa malapit na Mental Hospital.
Lutang ka girl? Isangla talaga?
Nagbasa nalang ako ng libro. Antanga ko nga lalo eh, Love Story pa talaga yung binabasa ko. Tapos sa huli nakakaiyak! Ayan tuloy naiyak na naman ako, feeling ko kasi ako yung namatayan!
Nasasaktan ako para kila Cooper at Agatha. Mahirap magkasakit ng gano'n, tapos maiinlove ka? Kahit na alam mong sa huli ay hindi rin naman magiging kayo habang buhay ay isusugal mo talaga, kahit na masaktan ka pa, Para lang sa panandaliang saya.
Naisip ko yung sa'min ni Stewart. Hindi pa naman kami nagbebreak pero naiiyak na agad ako. Buti pa sila Cooper at Agatha. Kahit hanggang sa mamatay mahal pa rin nila ang isa't isa. Patuloy lang silang naging totoo, kahit walang kasiguraduhan na 'yong buhay nila.
Paano kaya kung maging gano'n rin kaming dalawa? Ako lang rin kaya ang mamahalin niya? Wala sigurong Ciara na susulpot sa pagitan naming dalawa ano?
Hindi siguro niya ako ipagpapalit kung nagkaroon ako ng gano'ng sakit. Naisip ko tuloy na sana magkaron nalang ako ng sakit para mahalin at alagaan niya rin ako kahit sa huling sandali.
"Bes! Bakit ka umiiyak jan? Kanina ka pa, hindi na kita maintindihan." niyugyog ni Riana ang balikat ko. Patuloy pa rin ako sa pagpunas ng luha ko.
"Ito kasing binabasa ko, nakakaiyak." 'yon lang ang tanging nasabi ko dahil wala naman siyang alam sa relasyon namin ni Stewart. Ewan ko ba, basta natatakot akong magsabi sa kaniya.
"Sigurado ka bang jan lang sa binabasa mo? Grabe yung hagulgol mo beh, sobrang lakas. Pinagtitinginan na nga tayo oh," turo niya sa mga taong nanonood nga sa'min! My God! Nakakahiya, mukha tuloy akong tanga.
"Oh, basahin mo! At tignan natin kung hindi ka maiyak jan, gaga ka!" padabog kong binigay sa kaniya ang Libro. Kinuha niya naman 'yon at tahimik na binasa.
Maya maya lang ay umiyak na rin siya. Mas malakas pa nga ata sa'kin eh! Grabe siya umiyak pramis!
"Nakakaawa silang dalawa! Wala talagang forever sa mundo! Sa langit lang meron, ansakit sakit bes! Bakit mo pa ba sa'kin binigay ha?!" reklamo niya sa'kin.
"Aba eh! Tanga ka rin, bakit mo binasa kung alam mo namang umiyak ako?!"
"Malay ko ba?! Akala ko iba dahilan niyang pag-iyak mo eh kaya napilitan akong basahin! Bakit ka kasi iyak ng iyak jan?!"
"Hindi ko napigilan yung sakit eh ba't ba?! Eh ikaw?! Bakit ka rin umiyak?!"
"Masakit din eh! Pucha ka, wag mo na'kong pagbabasahin ng ganiyan ulit masakit! Nahuhurt na heart ko, huhu. Napakagaling ng author bes!"
"Tama na nga 'yan! Kumain na kayong dalawa, baka malate pa tayo sa susunod na klase." awat sa'min ni Blair, nakatingin 'din sa libro mukhang wattpad book din ata 'yon.
Kumain nalang kami. Wala na rin naman magagawa ang pagtatalo namin, hindi rin non mababawasan ang sakit na nararamdaman ko.
Pagdating ng uwian ay napagpasiyahan kong magpahuli sa kanilang lahat, syempre gumawa ako ng dahilan kay Riana para hindi siya magduda. Plano kong bisitahin ngayon si Stewart. Miss ko na eh.
Naglalakad na ako papunta sa Parking Lot ng makita ko ang pamilyar na likod. Si Stewart, nakatayo sa tabi ng sasakyan na katabi ng sasakyan namin. Nakatalikod naman si Manong Edward sa banda no'n.
Binilisan ko ang lakad papalapit sa kaniya.
"Hi, baby!" masigla niyang bati. May napansin pa 'kong bungkos ng bulaklak sa likod niya.
"Hello! Miss you," tumingkayad ako't hinalikan siya sa pisngi. Niyakap niya ako ng mahigpit. Awww, ang bango niya talaga!
"I miss you too!" malambing niyang sabi. He kissed my right cheek too! Binigay niya sa'kin ang bungkos ng rosas na hawak niya. Nakapikit kong inamoy 'yon.
"Why are you here?" nakakatitig pa rin sa bulaklak kong sabi.
"To see you, of course." he simply said. He pinched my cheeks.
"Ouch," maarte kong sabi. Pramis masakit siya, parang gigil na gigil nga siya eh.
"Sorry," he kissed my both cheeks. Mukhang kamatis na siguro ako ngayon. He chuckled at me. Sinamaan ko lang siya ng tingin at tumingin sa paligid.
"Sinong kasama mo?"
"Driver ko, nagpapaturo kasi ako ngayong magdrive. Wala kasi kaming pasok, absent adviser namin." tinuro niya ang sasakyan nila sa medyo malayo.
"Ahh, magiingat ka ah? Kailangan ko ng umuwi, video call nalang tayo? Text mo 'ko pag nakauwi ka na ha?"
"Sure baby, sige na. Punta ka na ro'n! Magiingat ako promise," tinaas niya pa ang isang kamay na parang nanunumpa, natawa naman ako.
"Babye, iloveyou!" i kissed his cheek again and wave a bid of goodbye. Malungkot ko siyang nginitian habang pinagmamasdan maglakad papunta sa kotse nila.
Pagkasakay niya ay pumunta agad ako sa sasakyan namin. Tinago ko pa sa bag ang bulaklak, nagkasiya naman kasi wala masyadong laman ang bag ko.
Hindi rin naman nila napansin 'yon ng makarating ako sa bahay. Naligo ako't suot suot ang pink kong sando at pajama. Bumaba ako sa kusina para kumain. Nanonood ako ng tv ng mapagpasiyahan kong kumuha ng gatas.
Kumuha ako ng baso sa drawer.
"Arlene, hija mabuti nalang at kumain ka na!" nagulat ako sa boses ni Manang kaya nabitawan ko ang baso. Nagpanic agad siya ng makita ang nangyari. Kaagad ko namang kinuha ang walis at winalis ang bubog.
"Naku, pasensiya na hija. Nagulat ata kita, nabasag pa tuloy itong baso. Pasensya na talaga, papalitan-" tarantang aniya.
"No, Manang. Ayos lang po 'yon, marami pa namang baso jan."
"Nasugatan ka ba? Patingin nga?"
Nasa puso lang ho ang sugat ko.
"Andeng! Paki-kuha ng first aid kit sa banyo! Juskopo, hija nabubog ka!" napatingin naman ako sa paa ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat. OMG! Mayroon nga, medyo malaki siya beh!
Hindi ko naramdaman huhu. Manhid na ba ako? Sobrang sakit na nga ata ng nararamdaman ko para dumagdag pa ang isang 'to.
Manhid ka beh?
Pagkatapos niyang gamutin ang sugat ko'y umupo kaming dalawa sa sofa at sabay na nanonood ng balita. Hindi pa ako dinadalaw ng antok, kinakabahan ako ng 'diko alam eh.
"Sobrang nagaalala sa'yo sila Carlene kagabi, hija. Lalong lalo na si Laurent, hindi ka lang niya nakausap dahil pinigilan ng Mama mo... Takot na takot si Carlene, hindi niya malaman ang gagawin niya dahil sa nangyayari sa'yo." biglang salita ni Manang sa tabi ko. Napatingin ako sa kaniya, tumingin rin siya sa'kin at malungkot na ngumiti.
"Hindi ko nga alam kung uuwi sila ngayon. Baka mamaya pa, marami daw kasing naiwan na trabaho dahil maaga silang umuwi kahapon para sa'yo. Sinabi ko kasing umiiyak ka, hindi ko na rin malaman ang kailangan kong gawin dahil wala naman akong alam sa nangyayari sa'yo. Buti nalang at nakarating sila agad,"
"Pagkatapos niyong magusap ng gabing 'yon ay hindi siya kumain. Alak lang ang ininom niya, galit no'n ang tatay mo. Aakyatin ka na sana kaso mas inuna ang Mama mo dahil lasing na,"
"Ilang maids na rin ang tumulong sa kaniya para maiakyat ang Mama mo. Pagod at iyak ng iyak, hija. Kung ano man ang problema mo, sana'y magsabi ka. Ilang araw ng hirap ang Mama mo kakaisip sa'yo, baka sa tingin mo'y wala siyang pake sa'yo pero sobra ang pagmamahal nila sa'yo, hija."
"Mahal na mahal ka ng mga magulang mo, sana wag mo silang pagaalalahanin ulit ng gano'n ha? Nakikiusap ako sa'yo, hija. Dahil mahina ang Mama mo, naninikip lagi ang dibdib niya sa tuwing may iisiping kahit ano."
Isang butil ng luha ang tumulo sa pisngi niya. Pinunasan agad niya 'yon, ako'y naiyak na. Mas lalo akong nasaktan, bakit ang tanga tanga ko para hindi isipin ang mga taong nagaalala sa'kin? Bakit puro si Stewart nalang ang nasa isip ko? Napakamanhid ko para hindi isiping nahihirapan din ang magulang ko.
Bakit kailangan kong maging manhid sa lahat ng oras?

Komentar Buku (10)

  • avatar
    Enrico Belmonte

    shesh

    26/03/2023

      0
  • avatar
    Chirry Mae G. Noval

    ang ganda kabitin lng sana may kasunood pa😘😘😘🥰🥰

    24/03/2023

      0
  • avatar
    Rosemarie Ramirez

    nicee

    18/03/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru