logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 2 Flashback

ARLENE MARIELLA
"Hey, baby! Come back here!" sigaw sa'kin ni Stewart habang tumatakbo ako papalayo dala dala ang cellphone niya.
May nakita kasi ako ro'n na pangalan ko sa gallery. Itatago niya na sana kanina kaso nahablot ko agad kaya hinahabol niya ako ngayon. Nandito kaming dalawa sa park ng village nila. Tumakas na naman ako sa bahay namin ng 'di alam ni Riana at nila Mama.
Stewart San Jose is my boyfriend from a rich family. Parents nila ang may-ari ng village na 'to, balita ko'y may kuya siya kaso hindi niya naman maipakilala sa'kin dahil busy daw sa pagaaral. Grade 7 na kaming pareho, ngunit magkaibang school ang pinapasukan namin. Minsan niya lang ako sunduin kapag hindi ako gustong isabay ni Riana pauwi sa kaniya.
Nagdadahilan lang rin ako sa driver at nagpapababa dyan may Mcdo na malapit rito para lalakarin ko na lang at hindi na magtricycle pa pasok sa village.
Tumigil ako sa pagtakbo ng malayo na sa'kin si Stewart. Tinignan ko agad ang album na may pangalan ko, nagulat ako ng makitang halos lahat ng laman no'n ay picture ko. 'Yung iba'y mga picture ko pa nang bata kasama si Riana, wala pa kaming saplot do'n! 'Yun 'yong time na naliligo kami sa garahe!
Ang sumunod na picture naman ay noong magkaakbay kami at parehong nakatawa sa gilid ng pool. 'Yan yung time na pareho naming inihian ang pool nila, galit na galit mga parents namin no'n sa'min! Napalo pa nga ako sa pwet!
Ang ibang picture ay ngayong edad ko na. Paniguradong nakita niya ang lahat ng ito sa facebook dahil mahilig akong magpopost noon ng picture ko at naming dalawa ni Riana. Naramdaman ko ang braso ni Stewart na pumulupot sa bewang ko. Sa halip na magalit sa kaniya, natawa na lang ako dahil sa nakaraan. Napakabata pa namin no'n at walang kamuang muang sa mundo.
"Iloveyou, Arlene Mariella San Jose." bulong niya sa'kin. Isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko, i put his phone in my pocket and caressed his arms na pumupulupot sa bewang ko.
"I love you more," pinikit ko ang mata ko't inenjoy na lang ang moment namin ngayon.
Ilang minuto kaming gano'n ang posisyon bago ako kumalas sa kaniya't humarap ng nakataas ang kilay sa kaniya.
"Bakit may picture ako ditong walang saplot ha?" pinamaywangan ko siya, nagkukunwari akong seryoso para pagtripan na naman siya.
Kamot ulo siyang naglakad ulit papalapit sa'kin ngunit umatras ako. "Nakita ko lang naman 'yon sa Facebook,"
"So what?" mataray kong tugon.
"It's just a picture-"
"I don't care, wala kong saplot do'n hoy!"
"Bata ka pa naman no'n--"
"Kahit na! Pervert!" tumalikod ako sa kaniya at dumeretso na sa bag kong nakasandal sa ilalim ng puno.
"Baby, naman-" habol niya ngunit umiwas na kaagad ako.
"I hate you!" sinabi ko 'yon ng nakatalikod pa rin sa kaniya.
Lintek na lalaki 'to! Magsesave na nga lang ng picture 'yung wala pang saplot! Animal!
Tinignan ko ang relo ko para sa oras.
5:30 PM?!
Oh shit! Shit! Kanina pa nakauwi sila Mama! Oh fuck! Mas lalo kong binilisan ang paglakad ko papalayo, kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at nabasa do'n ang maraming text nila Mama at ng driver ko!
Tarantang humarap ako kay Stewart na ngayo'y hingal na hingal ng nakatayo sa harap ko.
"I need to go home, nasa bahay na sila Mama. Baka mapagalitan ako," malungkot kong sabi, dahan dahang nagangat siya ng tingin sa'kin. Hingal na hingal mula sa pagtakbo.
"Okay, hatid na kita." kinuha niya ang bag ko't siya na ang nagbitbit no'n. Hinatid niya nga ako sa gilid ng Mcdo, doon lagi ang tagpuan at hatiran niya sa'kin pata hindi kami makita ng driver ko baka magsumbong pa 'yon.
"Babye. Umuwi ka agad sa bahay niyo ah? 'Wag ka ng kung saan saan pupunta." paalala ko sa kaniya. Ramdam ko ang lungkot niya pero pinilit niyang ngumiti para maibsan 'yon.
"Okay, see you tomorrow then? Take care huh? Kumain ka, para naman tumaba ka na! Payat payat mo oh, text mo na lang ako mamaya." he playfully winked at me. We both laughed at that. Lumapit naman ako sa kaniya ng kaunti at tumingkayad para mahalikan siya sa pisngi.
"Bye baby." ginulo niya lang ang buhok ko kaya naglakad na'ko patungo sa sasakyan namin. Nang makita ako ni Manong Edward ay dali dali niya akong pinagbuksan ng pinto sa backseat bago siya pumasok sa driver's seat. Ibinaba ko ang bintana para pasimpleng kawayan si Stewart na ngayo'y malungkot na tinititigan ako.
Pagdating sa labas ng gate namin ay nakita ko na agad na nakaabang si Mama sa labas ng pintuan, napatayo siya ng tuwid ng makita ako. Tumaas ang isang kilay niya, at medyo galit ang ekspresyon niya ngayon. Napayuko at napakamot nalang ako sa pisngi ko habang naglalakad pa palapit sa kaniya.
Deads ako nento!
"Sa'n ka na naman galing Arlene ha? Araw araw ka ng late umuuwi, maaga naman daw natatapos ang klase niyo hindi ba?" may halong galit ang tono ng boses niya ng makalapit ako.
"Opo nga, may ginagawa-" hindi niya agad ako pinatapos.
"Projects? Groupings? Practice? Ano? Ano pang idadahilan mo?! Sa tuwing nagtatanong naman ako kay Riana na kung may mga groupings, o ano kayo wala naman siyang sinasabing mayroon! Ano't saan ka nagpupunta ha?! At hindi mo manlang sinasagot ang tawag at text namin sa'yo!" nanggigil niyang sabi.
"Sa tuwing uuwi na lang kami dito ng Papa mo lagi ka nalang wala! Tinanong ko rin ang mga professors mo tungkol sa performance mo sa school, alam mo kung anong sinagot nila sa'kin?! Hindi ka na raw masyadong active! Sa tuwing may itatanong raw sa'yo hindi ka makasagot! Sa tuwing may project naman raw ay late ka na kung magpasa! Eh ano 'tong lagi mong dinadahilan ha?"
"Sabi mo may mga project kayo groupings tapos 'yon ang ibabalita sa'kin ng mga guro mo?! Anong ginagawa mo sa sarili mo Anak?! Pati pagaaral mo napapabayaan mo na dahil dyan sa paglakwatsa mo!"
Hindi na ako nakapagsalita sa takot, noong isang taon ay maayos naman ang pagaaral ko kahit na kami na ni Stewart. Hindi nila ako sinesermunan dahil do'n. Hindi ko pa sinasabi sa kanila ang tungkol sa'ming dalawa dahil natatakot ako. Alam kong bata pa kami ngunit hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kahit na pilit ko siyang iniiwasan noon ay walang nangyari, mas lalo lang lumala ang pagkagusto ko sa kaniya.
Hindi siya tumigil sa panliligaw sa'kin no'ng grade 6 kami. Parehong Elem. School ang pinasukan namin noon kaya nakilala niya ako, hindi ko 'yon pinaalam kay Riana kaya kahit ngayon ay wala siyang alam sa nangyayari sa'kin.
"Anak, anong nangyayari sa'yo? Nandito naman si Mama oh, kung may problema ka pwede mo 'kong pagsabihan wag mo lang uulitin ang mga ginagawa mo dahil hindi nakakabuti iyan sa pagaaral mo." puno ng pagsusumano ang boses ng ina ko. Nang magangat ako ng tingin sa kaniya ay parang nanghina ang buong katawan ko dahil nakita kong may namumuong luha sa mata niya.
Kahit na naaawa at nasasaktan ay pinilit ko pa rin ang sarili kong 'wag magsalita. Hindi pa 'to ang tamang oras para malaman nila, baka hindi kayanin ng Mama ko ang bigat. Masyado na'kong pabigat sa kanila kaya ayoko ng dagdagan pa 'yon. Yumuko ako at huminga ng malalim. Bago ulit nag angat ng tingin sa kaniya.
"Magpapahinga na po muna ako, Mama." pagod kong sabi, kahit na nagaalinlangan siyang pakawalan ako ay napilitan rin siyang tumango.
Pagkarating sa kwarto ko ay binagsak ko agad ang sarili ko sa kama. Pagod na pagod ako emotionally, alam kong nahihirapan ngayon si Stewart sa katayuan ng relasyon namin. Pareho kaming nahihirapan. Mga magulang niya lang ang may alam sa'ming dalawa, naniwala ang mga magulang niya sa'min dahil akala nila ay alam ng mga magulang ko 'yon. Ginawa ko lang 'yon para hindi na nila kausapin pa sila.
Hindi pa talaga ako handa para sabihin pero mahal ko si Stewart kaya nagawa akong biguin ang mga pangako ko sa kanila. Lagi nilang sinasabi sa'kin na may tamang edad at oras naman daw sa pagibig pero hindi ko 'yon pinaniwalaan.
Age and time are just numbers. They can't control what am i feeling right now. They can't stop me for loving Stewart so much.
Kinabukasan ay pagod akong bumangon sa kama, hindi pala ako nakapagpalit o nakaligo manlang kagabi. I feel so tired and exhausted, i need time and space to let myself rest for a while.
Pagkatapos magayos ay bumaba na ako, dere-deretso lang ang lakad papunta sa maindoor. Akala ko'y wala na ron si Mama ngunit narinig ko ang tawag nila sa'kin.
"Anak! Hindi ka ba kakain?" ani Papa sa nagaalangang boses.
Kaagad akong humarap sa kanila at pagod silang tiningnan. "No, Pa. Pasok na po ako," hindi na'ko nagabalang lumapit sa kanila sa halip ay derederetso nalang akong naglakad patungo sa sasakyan namin.
Tulala lang ako sa buong byahe, pagdating sa school ay sinikap kong magfocus at makinig sa guro. Ang ibang tanong na madadali ay nasasagot ko agad kahit na matamlay. Napansin 'yon ni Riana ngunit hindi niya na'ko kinausap pa tungkol roon.
Pagdating ng uwian ay inilabas ko ang cellphone ko para itext si Stewart na uuwi na'ko at wag niya na'kong ipasundo pa. Buti na lang at kaagad niyang nabasa at nakapagreply do'n.
Stewart:
Okay, see you on weekends baby. Call me later okay? Take care, i love you.
Napangiti pa ako bago ipasok muli ang cellphone ko sa bulsa. Isang iloveyou niya lang sa'kin ay pakiramdam ko na agad na nawala ang pagod ko. Napasaya niya agad ako sa simpleng pagkausap niya lang sa'kin sa text o tawag lang.
Pagkapasok ko sa kwarto ay deretso agad ako sa banyo para makaligo. I'm wearing my black spaghetti straps and dolphin shorts. Humiga naman ako sa kama habang tinatawagan si Stewart.
"Hello, baby. I'm home." dinig ko sa kabilang linya.
"Hi," i shyly said that line.
"How was your day?"
"It went fine. How 'bout yours?"
"It went fine and happy too! Ansaya kasi maraming nakipagkaibigan sa'kin, nakakatuwa silang kasama tapos madali lang silang makaclose."
That topic went on and on, i only ended the call when he said, he's sleepy and tired talking. I did not sleep, i'm not sleepy yet. I'm hungry, kaya bumaba na muna ako ss kusina para kumuha ng pagkain at uminom ng gatas.
Next month will be our 2nd anniversary. I don't have any plans for that day actually, muntik ko na ngang makalimutan yung date, buti nalang may reminder na dito sa calendar ko. Nagaalarm kasi 'yon kung sakaling may event man ang isang araw.
Days passed peacefully, hindi na kami masyadong nagkakasama ni Stewart. I was so sad, gustuhin ko mang makasama siya ay hindi pwede dahil sa sumbungero kong driver kaya medyo humigpit na ang pagbabantay sa'kin.
Isang araw, naisipan kong hintayin ang paglabas ni Stewart sa school nila. Hindi naman sobrang layo ng pwesto namin pero sapat na para matanaw ang gate nila. When i saw him, I took my phone out of my bag, and texted him. He walked manly with other guys. Maybe they are all laughing on each other's joke.
Me:
Pauwi ka na?
My finger is already near the send button when a beautiful girl walk towards him and kiss his cheek. He smile genuinely at that, he's hand snaked at her waist and pulled her closer to him. He gently touched his lips on the girls forehead. Naipikit pa ng babae ang mata niya at dinama 'yon.
Tears pooled in my eye. My heart is beating violently, my heart broke into pieces. Pinigilan ko ang sarili kong humikbi para hindi 'yon marinig ni Manong pero huli na ang lahat dahil nakita niya na'kong umiyak mula sa rear mirror.
"Bakit kayo umiiyak Ma'am?" nataranta agad siya, lalabas na sana siya ngunit pinatigil ko na agad ang siya gamit ang kamay ko. I forced myself to smile.
I sent my draft message to him and wait for his reply. I'm watching him until he took his phone out and check it. He type something and my phone beeped, his name popped up.
Stewart:
I'm home, take care!
I cried loudly after i read his message. Sumasakit ang puso ko sa nangyayari, bumibigat ang paghinga ko sa sobrang sakit. Parang tinutusok ang puso ko na unti unting nasisira. He's cold, he didn't said i love you.
Why do i need to feel this?
Bakit nangyayari 'to?
"Let's go home, Manong." anyaya ko dahil puno na ng pagaalala ang mata niya.
"Yes, Ma'am." kaagad niyang pinaandar ang sasakyan palayo sa lugar na 'yon.
Pagdating sa bahay ay wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak sa kwarto ko. Hindi ko na rin inabala ang sarili kong kumain ng hapunan. Wala akong gana sa lahat ng bagay ngayong oras.
"Anak, hindi ka pa ba kakain?" rinig kong boses ni Mama sa labas ng kwarto ko. Huminga muna ako ng malalim at hininaan ang paghikbi ko.
"No, Mama. Busog pa po ako," iyon lang ang nasabi ko. Narinig ko ang yabag niya papalayo kaya lumandas na naman ang luha ko at paghikbi.

Komentar Buku (10)

  • avatar
    Enrico Belmonte

    shesh

    26/03/2023

      0
  • avatar
    Chirry Mae G. Noval

    ang ganda kabitin lng sana may kasunood pa😘😘😘🥰🥰

    24/03/2023

      0
  • avatar
    Rosemarie Ramirez

    nicee

    18/03/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru