logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

INNOCENT'S  NIGHTMARE

INNOCENT'S NIGHTMARE

PHILREPUBLIC


Chapter 1

Malapit nang mag alas-otso ng gabi at kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko habang nakatitig sa kisame nang may bigla akong narinig na tunog mula sa pinto na lubos kong ikinagimbal. Hindi ako nagdalawang isip, dahan-dahan akong bumangon at saka naglakad papunta sa pinto na kasalukuyang sinisira nang taong may masamang balak sa akin.
I'm Trisha Chen, labing-pitong taong gulang, first year college at kumukuha ng kursong Business Administration sa Beaufort College at kasalukuyang nakatira sa isang apartment dito sa Manila. Three months ago nang napagdesisyonan kong maghanap ng apartment dito na pwede kong tirhan dahil sobrang layo ng bahay namin sa pinapasukan ko. I think 3 hour's drive ang bahay namin hanggang school kaya sobrang hirap nun lalo na sa kagaya kong estudyante.
Maganda naman ang unang araw, linggo at buwan ng paninirahan ko sa apartment ko hanggang sa isang araw pagkauwi ko galing sa paaralan ay naabutan kong nakabukas ang pinto ng kwarto ko na lubos kong ipinagtataka. I called Mom kasi baka pumunta siya sa apartment ko at baka nakalimutan niya lang isara ang pinto since I gave her the duplicate of my key. Pero sabi niya hindi raw siya pumunta noong araw na iyon kaya agad kong ni-report ito sa caretaker ng apartment at wala rin naman silang nagawa dahil sira ang CCTV. Sabi pa ng ibang tao rito wala naman daw nawala sa mga gamit ko ni hindi nga nagulo 'yung kwarto ko kaya hindi na raw dapat e-report sa pulis.
Nang makalapit ako sa pinto bigla na lang tumigil ang tunog kaya dahan-dahan akong sumilip sa maliit na butas nito. I saw a person standing in front of my door hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nakasuot siya ng mask at naka hood, hindi ko rin alam kung babae ba siya o lalaki. Dali-dali kong kinuha ang phone ko at agad na tinawagan ang caretaker na sa apartment rin nakatira. Tatawagan ko sana ang mga pulis pero baka hindi nila maabutan iyong tao'ng 'yun kaya mas mabuting ang caretaker na lang. Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko nang may narinig akong footsteps papalayo. Alam kong ang tao iyong nakatayo sa harap ng pinto. Siguro ay narinig niya ang pagtawag ko sa caretaker kaya mabilis itong umalis. Tatakas siya! Agad kong binuksan ang pinto at sinubukang habulin ang taong iyun pero huli na ang lahat. Nakalabas na ito ng building.
Ilang minuto ang lumipas ay dumating na ang caretaker na nasa fifth floor nakatira. Nasa second floor ang kwarto ko kaya mahirap iyon puntahan lalo na sa masungit at walang pakialam na caretaker.
"Oh! Ano na namang problema mo rito?" Taas kilay na tanong sa akin ni Madam Rose na siyang caretaker ng apartment na ito. She's 54 year's old. May asawa ngunit walang anak kaya siguro ang sungit niya. Sa lahat ng nakatira sa apartment na ito ako talaga ang pinaka hindi niya gusto. In short galit siya sa akin dahil ang dami ko raw reklamo. In fact, ang nere-reklamo ko lang naman ay iyung aircon sa kwarto kong naglalabas ng alikabok imbes na malamig na hangin.
"May nagtangka na naman kasing sumira sa pinto ng kwarto ko." Sabay turo ko sa pinto na may maraming gasgas sanhi ng pilit na pagbukas.
"Ang sama mo sigurong bata ka kaya maraming galit sayo! Oh siya! Sige titingnan ko sa CCTV bukas. Ikaw matulog kana dahil gabi na. Istorbo!" singhal sa akin ni Madam. Caretaker lang naman sya sa apartment na ito pero gusto niyang tawagin namin siyang madam. Nag sigh na lang ako pagkatapos ay pumasok na ng kwarto ngunit bago paman ako magpunta sa kama ay sinigurado ko munang naka lock ng maayos ang pinto. Baka kasi bumalik na naman ang taong iyun.
Kinabukasan since may pasok ako kaya alas sais pa lamang ay gising na ako. Luckily hindi bumalik ang masamang tao kaya panatag ang pagtulog ko. Naligo lang ako pagkatapos ay nagsuot ng skinny pants at fitted t-shirt saka kumain ng kaonti at umalis na.
Pagkababa ko ng first floor nakasalubong ko si Ryan de Santos. Isa siyang janitor, medyo matanda siya ng ilang taon kaysa sa akin kaya kuya ang tawag ko sa kanya. Sa lahat ng janitor dito siya ang malapit sa akin dahil minsan kapag hindi ako busy nagkukwentuhan kami. Mabait siya at masaya ring kausap.
"Kuya Ryan pakitingnan naman iyung kwarto ko, baka kasi may magtangka na namang pumasok" na sabi ko na rin kasi sa kanya ang mga nangyari sa akin pati na rin ang mga pagtatangka na pumasok sa kwarto ko. Ngumiti ito at tumango.
"Sige Hija. Mag-iingat ka" I nodded. Makalipas ang tatlong minuto nasa loob ng Beaufort College na ako at kasalukuyang naglalakad papunta sa Room 204, second floor kung saan doon ang unang klase ko. Nasa limang palapag ang bawat building sa paaralan na ito malaki kung iisipin ngunit nananatili pa rin itong College sa halip na University. May elevator pero mas gusto kong maglakad na lang papunta sa room ko tutal malapit lang naman at exercise na rin.
"Cheng!" Napahinto ako sa paglalakad nang may biglang tumawag saakin. I know that voice it was Tristan Valle, kababata at bestfriend ko magkaklase rin kami.
"Tigilan mo nga ako Tristan! Isa pa, my name is Trisha. Okay? T-R-I-S-H-A hindi Cheng!" singhal ko sa kanya. Natawa naman ito sabay akbay sa akin. Nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Bakit? Hindi mo naman pangalan ang tinawag ko sayo ah? It's your Last name. Chen. Cheng!" Sa sobrang asar ko kinurot ko siya sa tagiliran kaya napahinto ito sa paglalakad.
"Ang aga-aga ang sungit mo! Halikan kita diyan e!" I'm not surprise nang marinig ang sinabi ni Tristan ang totoo kasi hinahalikan niya talaga ako sa pisngi kahit sa harap ng maraming tao.
Noong una naiinis ako at nahihiya kaya sinasapak ko siya kapag inaagawan niya ako ng halik kaso lagi niyang ginagawa iyun kahit sa harap ng parents ko at parents niya kaya pinapabayaan ko na lang. Sabi naman ni Mommy ayos lang daw iyon kasi matagal na naman daw kaming magkaibigan at isa pa sa pisngi lang naman daw. Ang totoo sila pa nga ang nagpipilit na e-level up namin ang relasyon namin ni Tristan to lovers pero para sa amin hanggang friends lang talaga kami.
"May nagtangka na naman kasing pumasok sa kwarto ko kagabi," wika ko na ikinagulat nito.
"What? Bakit hindi mo ako tinawagan e 'di sana na huli na natin kung sino man yun!" matagal na niya kasing sinasabi sa akin na huhulihin namin ang taong iyon, mag se-set up daw kami ng cameras at aabangan hanggang umaga tapos kapag nakita namin siya raw mismo ang huhuli. Sobrang childish ng planong iyon kaya hindi ako pumayag. Isa pa ayaw kong madamay si Tristan sa problema ko. Ganun pa man masaya ako dahil concern siya sa akin.
"Hindi na kita tinawagan kasi alam kong tulog na tulog kana sa mga oras na iyon. Ayaw na kitang abalahin pa," paliwanag ko.
"Sa susunod tawagan mo ako para mapuntahan kita, ano pang silbi ng pagkakaibigan natin kung pababayaan kita," ngumiti lang ako at hindi sumagot. Apat na rooms na lang ang kailangan naming lampasan at makakarating na kami sa room 204 nang makasalubong namin si Shane Torres.
"Oh! Girlfriend mo," wika ko kay Tristan. Yes, Shane Torres is Tristan's girlfriend. Mag li-limang buwan na sila and I'm happy for Tristan. Nagpaalam siya sa akin na liligawan niya raw si Shane, natawa pa nga ako dahil sabi niya hindi niya raw liligawan si Shane kapag hindi ako papayag sabi ko hindi niya kailangan magpaalam sa akin.
First Year rin si Shane pero nasa section B siya. Sobrang cool niya, she's a cheerleader, achiever rin siya kaya hanga ako sa kanya at sa tingin ko compatible naman silang dalawa ni Tristan.
"Hi babe." Sabay halik nito sa girlfriend. Ngumiti lang ako kay Shane pagkatapos ay dumiretso nang maglakad, hindi ko na sila hinintay pa to give them space.
Pagdating ko sa room ko ay agad na akong pumasok at umupo sa upuan malapit sa bintana. Gustong-gusto ko ang spot na iyon dahil kapag boring ang subject naaaliw ko 'yong sarili ko just watching the view outside.
Ilang minuto ang lumipas pumasok na rin si Tristan. Tiningnan ko ang relo ko. I have five minute's para magpahinga medyo hiningal kasi ako kakaakyat sa hagdanan. Naramdaman ko ang pag-upo ni Tristan sa tabi ko ngunit hindi ko ito pinansin.
"Hoy!" Sabay kalabit niya sa tagiliran ko. Tiningnan ko ito at tinaasan ng kilay.
"Bakit hindi mo ako hinintay?" dugtong niya. Kilala ko si Tristan, ayaw niyang iniiwan siya ng hindi nagpapaalam kahit kaharap niya pa ang girlfriend niya. Gusto niyang magpaalam muna ang kasama niya bago umalis.
"Ano kaba! Ang lapit na ng room natin tapos gusto mo pang magpaalam ako sayo? Isa pa ayaw ko kayong istorbohin." Paliwanag ko saka sinubsob ang mukha sa bag. Ang aga-aga pero inaantok ako.
"Kahit na! Dapat nagpapaalam ka. Alam mo namang ayaw ko ng iniiwan ako nang hindi nagpapaalam di'ba?" I nodded, "Sa susunod magpaalam ka," dugtong pa niya. Tumango ulit ako, inaantok kasi talaga ako siguro dahil ito sa late na akong natulog kagabi.
"Gisingin mo nalang ako kapag nandyan na si ma'am Flores." Usal ko saka tuluyan nang natulog. Hindi ko na namalayan ang oras hindi rin naman ako ginising ni Tristan kaya sa tingin ko thirty minute's ang tulog ko. Nagising ako nang may umalog-alog sa akin, dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko and I saw Tristan na seryosong nakatingin sa harapan and he seems to be bothered.
Inangat ko ang ulo ko para tingnan kung sino ang nasa harapan and I saw ma'am Flores na pawis na pawis at halata sa mga kamay nito ang panginginig.
"Sorry for being late class," panimula niya, "Something came up," batid sa boses nito ang panginginig, "Our Guidance Councilor, Ms. Elizabeth Warren. Sh-she's dead!" biglang napuno ang silid ng bulong-bulongan ng mga kaklase ko.
"What? Ms. Elizabeth is dead? Pero bakit? Kausap ko lang siya kahapon at sa tingin ko ayos naman siya," mahina kong sabi kay Tristan, nagkibit balikat lang si Tristan at hindi na sumagot siguro hindi rin sya makapaniwala sa nangyari sa Guidance Councilor ng Beaufort. Pagkatapos sabihin ni Ma'am Flores ang nangyari ay lumabas na ito ng room upang magbigay ng pahayag sa mga pulis.
Habang kaming dalawa naman ni Tristan ay dinala ng aming mga kuryusidad sa pinangyarihan ng krimen kung saan kasalukuyan itong naka sealed. Ang daming nakapaligid na mga estudyante sa labas ng Guidance Office at naghihintay ng resulta ng imbestigasyon. Nakisiksik kami hanggang sa makarating sa harapan, tamang-tama naman ang paglabas ng isang Pulis na pamilyar sa aming dalawa ni Tristan galing sa loob.
"Hey!" pagtawag ni Tristan doon sa lumabas na Pulis.
"Anong hey? Umayos ka nga! It was your Dad Tristan! Hindi mo siya dapat tinatawag na ganyan," pangangaral ko kay Tristan. Tama ang narinig ninyo, ang pulis na lumabas galing sa loob ay ama ni Tristan.
Stanley Valle. Dalawampung taon nang nag seserbisyo bilang pulis. Ang dami na niyang natulungan at nalutas na kaso kaya siguro nagmana si Tristan sa kanya ang hilig rin kasi ni Tristan maglutas ng mga kaso, lagi siyang tumutulong sa Dad niya.
Lumapit si Tito sa gawi namin.
"Tito, what happened?" tanong ko kay Tito Stanley na ngayon ay may hawak-hawak na maliit na notebook.
"Naabutan naming nakahandusay at wala nang buhay sa loob ng opisina nito ang inyong Guidance Councilor. Lahat naniniwalang suicide ito. Sabi naman ng ibang guro iba raw ang ikinikilos niya nitong mga nakaraang araw para daw itong problemado." Umiiling-iling ito habang nagkukwento at parang hindi naniniwala sa sinabi ng kapwa mga pulis.
"Dad, can we go inside?" tulad ni Tristan ay gusto ko ring makita ang mismong pinangyarihan at dahil mapilit si Tristan kaya walang nagawa ang ama nito kundi ang papasukin kami sa loob ng walang masyadong nakakapansin.
Bago paman namin mabuksan ang pinto ay pinigil muna kami ni Tito at isa-isa niya kaming binigyan ng maliit na bote kung saan may laman itong parang tubig.
"Lagyan niyo 'yung ilalim ng ilong niyo," utos nito.
"Para saan?" Tristan asked.
"Pwede bang sumunod ka na lang!"
Wala kaming nagawa kundi sumunod na lang at halos magsisi kami kung bakit namin sinunod si Tito. Sobrang anghang ng ilong ko.
"Argh! Grame ak akhang." Maluha-luha kong wika habang nakatakip ang isang kamay sa ilong. Ganun din si Tristan.
"Bakit hiddi niyo namad sidabing eucalyptus oil+menthol pala 'to!" pagrereklamo ni Tristan. Hindi na sumagot si Tito at agad na nitong binuksan ang pinto. Pagpasok namin halos masuka ako dahil sa malansang amoy na sumalubong sa amin.
"What's that?!" pagrereklamo ko habang pilit na pinipigilan ang sariling masuka.
"Dugo ang amoy na 'yan! Ang dami kasing lumabas na dugo sa kawawang guro na ito kaya ganyan ang amoy." Ngayon alam ko na kung para saan ang eucalyptus oil na inilagay namin sa ilalim ng ilong namin. Kung alam ko lang sana na ganito e 'di sana kalahati 'yung nilagay ko.
Napansin kong nakadapa si ma'am Elizabeth sa sahig at ang kaliwang kamay niya ay may hawak na patalim na sa tingin ko ay nasa walong pulgada ang haba.
Sa bandang gitna ng silid ay nakalagay ang isang mesa kung saan nakapatong ang ilang gamit ng guro pati na ang kaniyang gamit-gamit na laptop.
Nakita kong lumapit si Tristan sa mesa at parang may hinahanap.
"Cheng! Halika," Tristan said. Lumapit ako at naabutan ko itong nag ta-type sa laptop ni ma'am.
"Anong ginagawa mo? Bakit mo pinapakialaman 'yan?!"
Nababaliw na ba siya? Baka kami pa ang magiging suspect dahil sa ginawa niya.
Hinawakan ko ang braso niya kaya napatigil siya sa kaniyang ginagawa at napatingin sa akin.
"Tumigil ka, alam mong bawal 'yan 'diba?" sambit ko. Bigla namang nalungkot ang mukha niya. Mabuti na lamang at walang nakakita sa amin, dahil kung meron baka napagalitan na kami.
"Hindi ka ba nagdududa? Halata namang hindi suicide ang nangyari." Tama si Tristan unang kita ko pa lang sa bangkay ay alam ko na kaagad na murder ang nangyari at hindi suicide.
"Alam ko pero hindi dapat tayo nakikialam," pagpapaalala ko sa kaniya. Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng silid para hanapin si Tito Stanley, "Hintayin mo ako rito." Usal ko kay Tristan, binitawan ko siya saka naglakad papunta sa kinaroroonan ni Tito. Pulis siya kaya pwede siyang humawak ng mga bagay dito.
Kasalukuyang may sinusulat si Tito sa bitbit niyang maliit na notebook nang lumapit ako.
"Tito," sabay kalabit ko sa kaniya.
"Oh, bakit?" tanong niya naman. Tumingin muna ako sa paligid para tingnan kung may nakatingin sa amin nang masiguradong wala ay saka ko binulungan si Tito.
"Kailangan namin ang tulong mo," bulong ko sabay turo sa kinatatayuan ni Tristan. Nakuha naman kaagad ni tito ang ibig kong sabihin kaya naglakad kaagad ito papalapit kay Tristan, sumunod naman ako sa kaniya.
"Anong problema?" tanong ni tito sa kaniyang anak.
"Baka kasi may mahanap tayong lead rito sa laptop niya," nag-aalangang wika ni Tristan. Pinanlakihan siya ng mata ni Tito pero kalaunan ay tiningnan din ni tito ang laptop. Binuksan niya ito at sinubukang buksan pero hindi niya magawa.
"Hindi ko mabuksan, may password," Tito Stanley said. Tiningnan ko ang ibang mga pulis at nakita kong nakikipag-usap ito sa ibang mga guro. Magandang pagkakataon ito para makapag-imbestiga.
"Look! Ang wallpaper!" wika ko sabay turo sa laptop. Ibat-ibang pictures ang naka display sa wallpaper, "Hindi kaya hint ang mga 'yan? Baka kusang inilagay 'yan ni Ma'am nang sa ganun hindi niya makalimutan ang password," dugtong ko. Tumango-tango naman si Tristan na parang sumasang-ayon.
Umiling-iling si tito sabay harap sa aming dalawa, "Ano man ang nandiyan wala na kayong pakialam 'dun. Lumabas na kayo, trabaho namin 'to." Wika niya saka naglakad palayo.
Pagkaalis ni Tito ay tiningnan naming muli ang nakabukas na laptop.
"Hindi natin pwedeng e-decode yan dito," sambit ni Tristan.
Agad kong kinuha ang cellphone ko nang marinig ang sinabi ni Tristan at kinuhanan ito ng litrato pati narin ang buong opisina kung saan nangyari ang krimen. Pagkatapos naming gawin iyon ay siya naman ang palapit ni tito.
"Tristan kailangan niyo nang umalis mapapagalitan na ako kapag nagtagal pa kayo rito," Tito said in a serious voice. Wala kaming nagawa kundi ang sundin si Tito pero sisiguraduhin ko munang may mapapala kami kapag ipinagpatuloy namin ang pag-iimbestiga.
"Tito wait, dadalhin niyo po ba iyang laptop ni Miss Elizabeth sa presinto?" Sabay turo ko sa laptop na nasa ibabaw ng mesa.
"Yes, lahat ng pwedeng makatulong sa kaso ay dadalhin namin."
Sa tingin ko nagawang kumbinsihin ni Tito ang ibang mga pulis na hindi suicide ang nangyari at para saakin magandang balita iyun nang sa ganun mabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng isa sa pinakamabait na guro ng Beaufort.

Komentar Buku (26)

  • avatar
    Dar Win

    thanks

    12d

      0
  • avatar
    BanzonMatthew

    5d6dufufuf

    08/08

      0
  • avatar
    Mo'hd Nadjer Asnie

    hhhgyywywywyw wgevegegehbwywywuwgwgwywywhwg6whwvwgwyey3gegeyeyeyeyyeyeyeyey3y3y3y3y3636y3g3tiwbwgw ok 3b3y3y

    24/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru