logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Pagreretiro

Leo'sPOV
Magsasalita pa sana ako subalit mahimbing nang natutulog si Rhianna. Pinakatitigan ko siya. Hindi ko maiwasan mapangiti. Being with Rhianna is such a blessing. Sa wakas tapos na ang misyon namin. Binibiro ko lang si Rhianna nang sabihin ko na hindi ako aalis sa pagiging Aagent. Gusto ko lang malaman ang reaksyon niya. Kung magagalit ba siya? Pero nagkamali ako. Sinuportahan niya pa rin ako. Isang katangian nang babae na kailanman ay di ko naramdaman sa mga babaeng dumaan sa buhay ko. Biglang nagmulat ng mga mata si Rhianna tsaka ako tiningnan.
"Bakit gising ka pa?" tanong niya sakin. Hinaplos ko ang buhok niya. Gamit ang aking daliri ay sinuklay ko iyon.
"Gusto kitang bantayan." wika ko tsaka siya kinintalan ng halik sa noo. Napasimangot siya. Natawa ako sa inasal niya tsaka pinanggigilan ang ilong niya.
"Matulog ka na Leo, don't worry paggising mo nandito pa rin ako sa tabi mo." wika niya. Napangiti ako sa sinabi niya. Ako din, hindi ko hahayaan na mawala ka pa sakin.
"Okay. Matutulog na tayo. Sabi ni Kumander e." wika ko at ipinikit ko na ang aking mga mata.
Nagising ako nang wala na si Rhianna sa tabi ko. Siguro nasa kusina na ito at nagluluto ng agahan. May balak ako kaya di ko sinabi kay Rhianna na talagang bibitiw na ako sa aking tungkulin. Gusto kong masurpresa siya mga balak ko.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto. Tinungo ko ang kusina at napangiti ako nang madatnan nag-hahain na ng agahan si Rhianna. Tiningala niya ako tsaka ngumiti.
"Gising ka na pala. Gigisingin palang sana kita para makasalo ka sa agahan." wika niya. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Isinandig niya sa aking dibdib ang kaniyang ulo.
"I love you Leo." wika niya na mas lalong nagpangiti sakin. Sarap gumising araw-araw kpaag ganito ka-sweet ang babaeng pinakamamahal mo.
"I love you too Baby. Tara kain na." wika ko. Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at nauna nang umupo sa harap ng hapag-kainan. Sumunod na rin siya at umupo sa kaharap nitong upuan at nagsimula nang kumain.
"YES, Agent Jerald. Anong oras sila makakarating dito?" tanong ko.
"Mga 1 pm Leo. Nandiyan na sila. Nag-iimpake na sila ng gamit nila." wika niya.
"Sige po." wika ko.
"Sigurado ka na ba talaga sa pag-alis mo?" tanong niya. Nabanggit ko kasi na aalis na ako. Hindi kasi kami makapag-usap ng personal dahil nasa Libriya siya para magbakasyon. Kaya dinaan ko nalang sa tawag ang pagreretiro ko. Na sinang-ayunan naman niya. Dahil desisyon ko daw iyon.
"Opo, sigurado na po ako."
"Tinamaan ka talaga kay Rhianna huh." wika niya tsaka tumawa ng malakas. "Hindi kita masisisi, Rhianna is a Beauty. Akalain mo yun di siya nagalit nang sabihin mo na di ka aalis. Kung iba yan mag-aalburuto sa galit." wika niya na ikinatawa ko.
"Opo. She's a blessing Agent. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nakilala ko siya. Siya ang naging inspirasyon ko sa misyon na ibinigay mo samin." wika ko. I'm so speechless, wala na akong masabi.
"Basta ako Ninong ah?" pagbibiro pa niya. Natawa ako.
"Oo naman po Ninong Jerald." wika ko at nagtawanan kaming pareho.
Nagpaalam na siya sakin. Pagkatapos pinatay na niya ang tawag. Alam na ng Ina at Kapatid ni Rhianna ang nangyari. Kaya agad nag-impake ang mga ito para sunduin si Rhianna. Nabanggit sakin ni Agent Jerald na uuwi ang mga ito sa Gadione kung saan ang probinsiya nila. Papayagan niyang umuwi si Rhianna dahil sigurado na-miss niya ang mga kamag-anak niya. Susunod ako kapag naayos na ang dapat ayusin. Pinuntahan ko si Rhianna sa kwarto niya na abala sa paglilinis. Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya. Lumingon siya sakin mula sa paglilinis nang bintana.
"Gusto mo bang tulungan kita?" wika ko tsaka siya nalipitan. Nakita ko ang butil-butil niyang pawis sa noo.
"Pawis na pawis ka na baby." wika ko. Ginamit ko ang palad ko para punasan ang pawis sa noo niya.
"Ayos lang. Nagpapapawis talaga ako. Maganda yun sa katawan e. Kelan tayo babalik sa bahay mo?" tanong niya habang titig na titig sa aking mga mata.
"Hm. Babalik tayo niyan. Pero sa ngayon kailangan mo na maghanda dahil susunduin ka ni Tita Elissa dahil uuwi na kayo sa Gadione. Alam kong miss na miss mo na ang mga Pinsan, Tita at Tito. Pati mga Kaibigan mo diba?" wika ko. Hindi ko kailanman ipagkakait yun sa kaniya. Ilang taon din silang ikinulong ni Don Ysmael.
"Hindi ka ba sasama?" tanong niya sakin.
"Pupuntahan kita doon, may aayusin lang ako. Okay lang ba?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya sakin.
"Oo naman. Sige ihahanda ko na mga gamit ko. Anong oras daw ba sila dadating?"
"1pm."
"Okay." wika niya at nagsimula nang ilabas ang mga damit niya maging ang malaking travelling bag na nasa isang sulok.
"Sandali lang Baby. May tatawagan lang ako." paalam ko sa kaniya. Lumabas ako nang kaniyang kwarto at tinawagan ang Sekratarya ni Daddy na Ninong ko. Ilang ring lang ay sinagot na niya any tawag.
"Good day, Leonardo. Kamusta?" tanong niya.
"Okay naman po ako. Nandyan ba si Daddy?" tanong ko.
"Yes iho. Nandito siya. May kailangan ka ba sa kaniya?"
"Pakisabi po pupuntahan ko siya mamaya. May pag-uusapan po kami. Around two o'clock in the afternoon. Pwede po ba siya nun?" tanong ko.
"Wait lang iho at titingnan ko." wika niya.
"Wala iho. Sasabihin ko nalang sa kaniya na pupunta ka dito. Alam mo naman ang Ama mo ayaw niya nang biglaan, gusto niya nagpapaalam sa kaniya." wika niya. Ganun ang Ama niya. Mahalaga dito ang oras. Time is Gold ika nga niya.
"Thank you Mr. Suarez." wika ko. Natawa ang Ninong niya.
"Mr. Suarez talaga ah? O sige. May gagawin pa ako iho. Mag-iingat ka sa pagpunta dito" wika niya at pinatay na ang tawag.
Matagal nang Sekretarya nila si Mr. Suarez, nagsisimula pa lang ang kompanya ay ito na ang Sekretarya nang kaniyang Ama. Magkaibigan ang mga ito. Tapat ito sa kaniyang Ama kaya naman hanggang ngayon nananatili pa rin ito sa kompanya.
Hindi alam ni Rhianna kung sino ako noong di pa ako Agent. Bago ako naging Agent, inalok sakin ng aking Ama na maging CEO nang kompanya namin na yun ang Estralta Advertising Company. Nagbibigay kami ng maayos na serbisyo sa mga kompanya na gusto i-advertise ang kanilang produkto at iba pa. Maging sa mga TV Commercials at sa mga gusto magkaroon ng Billboard.
Pero iniwan ko yun at pinili ang maging agent. Pero ayos naman kami ng aking Ama at nirerespeto niya ang desisyon ko. Ngayon na nagretiro na ako. Tatanggapin ko ang alok ng aking Ama. Para sa kinabukasan ng aking Pamilya. I'm looking forward na bumuo nang pamilya kasama si Rhianna.
Ala-una na ng hapon. Narito kami ni Rhianna sa salas habang hinihintay ang pagdating nina Tita Elissa at Ylona. Ilang sandali pa ay nakarinig na kami ng ugong ng sasakyan sa labas ng apartment. Tumayo kami ni Rhianna at kinuha ko ang travelling bag niya. Tinungo na namin ang labas ng apartment at nakita na papalabas na sina Ylona at Tita Elissa. Patakbong lumapit samin si Ylona at niyakap si Rhianna.
"Ate! Namiss kita!" wika nito. Niyakap naman ito pabalik ni Rhianna.
"Namiss din kita, Ylona." wika ni Rhianna sa kapatid. Ibinigay ko ang travelling bag sa driver ng van na sasakyan nila patungo sa Gadione. Tiningnan ako ni Tita Elissa.
"Salamat Leo sa pag-aalaga sa anak ko at sa pagtulong para makalaya kami." wika niya. Ngumiti siya dito.
"Wala pong anuman, basta para kay Rhianna, gagawin ko po ang lahat." wika ko at tiningnan si Rhianna. Ngumiti siya sakin at niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik.
"Mag-iingat kayo." wika ko. Umalis siya sa pagkakayakap at tiningnan ako.
"Hihintayin kita sa Gadione, Leo." wika niya habang titig na titig sa aking mga mata.
"Oo, hintayin mo ako." wika ko at mabilis ko siyang kinintalan ng halik sa mga labi. Naglakad na si Rhianna patungo sa van. Naroon na rin si Tita Elissa at Ylona.
"Bye Kuya Leonardo!" wika ni Ylona. Kumaway ako sa kanila. Nang mawala na sila sa aking paningin. Tinawagan ko si Harold para magpasundo.
"What's up Dude! May kailangan ka?" tanong niya agad sakin.
"Sunduin mo ako. Pupunta ako sa Estralta Advertising Company." wika ko.
"Wow! Balak mo na bang tanggapin ang maging CEO ng kompanya niyo?" biro nito sa kaniya.
"Shut up Dude. Basta pumunta ka nalang dito. Hihintayin kita." wika ko. Natawa si Harold.
"Nagagawa nga naman ng pag-ibig." wika niya. Napailing-iling nalang ako at pinatay na ang tawag. Isa si Harold sa naging malapit sakin. Parang kapatid na rin ang turing ko sa kaniya. Ganun din naman si Brandon.
KALAHATING oras din ang hinintay ko bago dumating si Harold. Sumakay agad ako sa passenger's seat. Pinausad na niya ang sasakyan patungong EAC.
"Nagretiro ka na?" tanong sakin ni Harold habang binabagtas namin ang daan.
"Oo, sinabi ko na. Nag-usap kami kanina ni Agent Jerald." wika ko.
"Alam na ni Rhianna?" tanong niya.
"Hindi. Hindi ko sinabi. Ang alam niya kukuha pa rin ako ng misyon. Pero alam mo ba di siya nagalit sakin. Sinuportahan pa rin niya ako." wika ko na naging dahilan ng pagngiti ko.
"Maswerte ka kay Rhianna, Dude. Kung iba lang yan baka tinutulan ka na. Kaya nga di ka nakikipagnobya diba dahil mahirap maghanap nang babae na tatanggap sa trabaho mo. Pero bakit mo sinabi na magiging Agent ka pa? May plinaplano ka?" tanong niya sakin.
"Oo, surpresahin ko siya. Aalukan ko na rin siya nang kasal kapag naayos ko na ang mga dapat ayusin sa pagtanggap ko sa alok ni Dad." wika ko. Nanlalaki ang mga mata ni Harold na tumingin sa kaniya.
"Wow! Aalukan mo na siya nang kasal? Iba ka din Dude! Basta abay ako huh." wika niya na natatawa.
"Oo naman. Baka ikaw ang maging Best Man ko!" wika ko. Hindi na ako makapaghintay na magpropose nang kasal kay Rhianna. At sabihin sa harap ng altar ang salitang "I DO".
NARATING namin ang Estralta Advertising Company nang mahigit trenta minuto. Lumabas na ako ng kotse ni Harold pagkatapos magpasalamat. Tinungo ko ang entrance nang building at nakita ko si Manong Banoy na hanggang ngayon gwardiya parin pala ng kompanya. Akalain mo nga naman, may mga tapat pa rin pala sa serbisyo sa kompanya.
"Leonardo?" tanong niya sakin habang sinisipat ako mula ulo hanggang paa. Natawa ako sa ginawa niya.
"Opo, ako nga po ito Manong Banoy. Kamusta po?" tanong ko.
"Ito ayos lang naman. Ang laki ng pinagbago mo ah. Mas lalo kang gwumapo iho. May nobya ka na siguro nu?" tanong niya sakin. Napangiti ako.
"Meron na po." wika ko.
"Sino ba naman kasi ang hindi mabibighani sa kagwapuhan mo?" pilya niyang wika.
"Ako po ang nabighani Manong Banoy. Sige, mauna na po ako." wika ko.
Tinapik niya ang aking balikat. Naglakad na ako papasok sa loob ng gusali. Napapatingin sakin ang ibang empleyado. Marahil nagulat ang mga ito dahil ngayon lang ulit nila ako nakita. May mga bagong mukha pero yung iba dati nang nagtratrabaho.
Tinungo ko ang elevator. Pagkapasok ko pinindot ko ang # 8 kung saan naroon ang opisina nang aking Ama. Nang bumukas iyon agad akong lumabas at kumaliwa patungo sa dulong bahagi kung saan naroon ang opisina ni Leonardo Estralta Sr.
Nang marating ko iyon ay kumatok ako sa pintuan nang tatlong beses. Bumukas iyon at tumambad sa aking harapan si Mr. Suarez. Ngumiti ako sa kaniya.
"Magandang tanghali po Ninong." wika ko.
"Akala ko tatawagin mo ulit akong Mr. Suarez e." wika niya habang natatawa.
"Pasok ka." wika niya.
Niluwangan niya ang pagkakabukas nang pintuan para makapasok ako sa loob. Pumasok ako. Tumambad sa aking harapan ang napaka-modernong opisina nang aking Ama. Kompleto iyon sa mga gamit. Mula sa sofa, TV set at mga furnitures ay talaga namang mga mamahalin. Marami na rin ang nabago sa opisina. Mukhang pina-renovate ito. Umupo ako sa sofa.
"Asan po si Dad, Ninong?" tanong ko. Bumalik na rin ito sa mesa niya na nasa gilid lamang ng opisina.
"May pinuntahan lang saglit. Hintayin mo nalang baka pabalik na yun dito." wika niya tsaka siya sinipat mula ulo hanggang paa.
"Ang laki ng pinagbago mo iho. Mas gumanda ang katawan at mas lalong nadagdagan ang iyon kagwapuhan." wika niya.
"Salamat po Ninong." wika ko.
Biglang bumukas ang pintuan ng opisina at pumasok ang aking Ama. Nagtama ang aming mga paningin. Sa paglipas ng panahon. Hindi pa rin nagbabago ang kaanyuan niya. Matikas pa rin at puno ng awtotidad ang awra nito.
"Dad." wika ko.
"Leo, anak?"
Tumayo ako at nilapitan siya. Niyakap ko siya nang mahigpit na ginantihan niya din ng mahigpit na yakap. Ilang sandali rin ang yakap na yun hanggang sa nagpasya akong humiwalay mula sa pagkakayakap. Tiningnan ako ni Dad mula hanggang paa. At dumako ang kaniyang tingin sa aking mata, at nginitian ako.
"Ang laki ng pinagbago mo Anak. Mas lalong gumanda ang katawan mo at mas lalo kang gwumapo. Manang-mana ka talaga sa iyong Ama." wika niya sakin habang nakangiti.
"Kanino pa ba ako magmamana Dad?"
"Syempre sakin." wika niya na ikinatawa namin pareho. Tumikhim ako.
"Dad, nandito ako para tanggapin ang inaalok mo sakin." wika ko.
Nasa sesentay anyos na si Dad. Kailangan niya na magpahinga. Kailangan ako naman ang mamahala sa kompanyang inalagaan niya nang mahabang panahon.
"Mabuti naman Anak. Halika pag-usapan natin." wika niya at iginiya ako sa sofa.

Komentar Buku (257)

  • avatar
    TejamMargaret

    it is very nice i like the way you tell stories it poke my interest in reading back i am very happy i am love it.

    05/01/2022

      6
  • avatar
    MeregildoJames

    I'm going back to May 2nd and pls help me get me my Manny and Olga's you

    12/07

      0
  • avatar
    Jessie Saba

    nice

    07/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru