logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 23

Noah's P.O.V
BILANG isang kilalang tao sa mundo ay hindi ko lubos na kinatutuwa. Maraming lalaki na hinangad maging katulad ko, pero mas gusto ko na maging tulad nila. Aaminin ko, mayroon akong itsura, pera at katanyagan. Pero iyong bagay na hinangad ko ay pinagkaitan ako. Madali lang ang pera sa akin pero hindi naman kayang bilhin ang kaligayahan.
Hindi kompleto ang buhay ko. Mayron wala sa akin na hinahanap-hanap ko. Iyon ay ang matatawag ko na magulang. Mayron nga akong magulang pero ang layo naman nila sa akin. Wala sila tuwing kailangan ko ang kanilang kalinga. Mabuti at nandiyan ang lola ko kahit matanda na kinakaya niya para matungunan ang pagkukulang nila.
Pasalamat ako at nagkaroon ako ng maituturing na mga kapatid. Sina Liam, William at Drei karamay ko sa tuwing bagsak ang aking balikat. Ang pamilya ni Drei ang tumayong pangalawa kong pamilya. Kahit papano may dahilan pa ako para ipagpatuloy ang buhay.
Ewan ko ba pati ata pagdating sa pag-ibig hindi ako mapalad. Unang beses akong nagmahal hindi naman ako ang mahal. Sinubukan ko naman pero kung wala talaga huwag ng ipagpilitan. Masaya naman ako sa naging desisyon ko na magparaya dahil alam kong masaya siya sa piling ng mahal niya. Liam and Cassy hangad ko ang kaligayahan niyong dalawa.
Siguro hindi lang talaga para sa akin si Cassy at may nakalaan na iba. Bigla ko tuloy naalala ang aking childhood sweetheart. Finally, natagpuan ko na rin siya pero ang masaklap pamamay-ari na rin siya ng iba. Akala ko matutupad na namin pareho ang pinangako namin dalawa noon. Pero parang malabo kasi mga bata pa kami noon. Pareho kaming anim na taong gulang noon. Nangako kami na magpapasakal sa tamang takdang panahon. Sa nakikita ko naman hindi na kailangan dahil nakita na niya ang lalaking nakatakda sa kaniya na pakasalan at malinaw na hindi ako iyon. Alam kong masaya siya at sapat na sa akin iyon.
Huwag mawalan ng pag-asa sabi nga nila. Kaya hindi ko sinasarado ang aking puso. Alam kong darating din siya sa buhay ko. Until one day, natagpuan ko na nga siya. Siya si Tricia Razon, ang babae na marami kaming pagkakatulad. Salamat kay Drei dahil sa kaniya nakilala ko siya. Madali para sa amin na mahulog agad ang loob sa isa't isa dahil pareho kaming naghahanap ng pag-aaruga ng magulang. Kami ang magkaramay sa lahat ng unos na dumating sa buhay amin.
Pinaramdam niya sa akin kung paano mahalin ng buo. Binigay niya sa akin ang pagmamahal na hindi ko naramdaman sa magulang ko. Even though we had a lot of problems she never left me. Kahit lately may napapansin ako sa kaniya. Lalong lao sa kinikilos nito at pati na rin ang pabago-bago ng mood swings niya. Pero pinagsawalang bahala ko na lang dahil ang mahalaga para sa akin ay mahal ko siya at mahal niya ako. Alam kong hindi pa kami gano'n katagal pero sapat na iyong pareho kami ng nararamdaman. So I told myself that she's the one.
Nasa opisana pa ako at kanina pa ako kinakabahan. Nakapag-decision na ako, it's time para mag-propose sa kaniya. Gusto ko siyang surpresahin ngayong gabi. Saktong nag-message siya kanina, magkita raw kami mamaya dahil may sasabihin ito. Napabuntong hininga ako dahil hindi ko mapigilan ang kabang nararamdaman ko. Maraming pumapasok sa isip ko na pweding mangyari mamaya.
"Whoa bro! Ang lalim no'n ah." Bungad ni William sa akin.
Kasama niya ang mag-asawang Liam at Cassy. Pati na rin kaibigan ng asawa nito na sina Olivia at Emma.
"Bakit kayo naritong lahat?" tanong ko sa kanila. Tumayo ako sa pagkakaupo sa aking swivel chair at sinalubong sila.
"Ganda naman ng pag-welcome mo sa amin bro na-touch kami." Pagbibiro ni Liam sa akin. Agad naman kaming nag-bro hug na tatlo.
"Oo nga eh, ngayon lang tayo nagkita-kita ulit ganyan lang ang ibubungad mo sa amin. Umalis na lang kaya kami." Kunwaring nagtatampo naman ni Cassy.
"Hindi mo ata kami na-miss Noah nakakasakit ka ng damdamin." Ginatungan namin ni Emma ang pagtatampo kunwari ni Cassy.
"Baka kasi ayaw niya na narito tayo." Humaba ang nguso ni Olivia kaya pinagtawanan siya ng lahat.
"Lahat ng mga sinabi niyo wala sa choices, kaya magsitigil kayong lahat." Nilapitan ko ang mga babae at isa-isa silang hinalikan sa pisngi.
Ganyan ang samahan namin magmula pa noong college pa kami. Kahit mayron na kaming kanya-kanyang buhay ngayon hindi pa rin kami nakakalimot sa isa't isa.
"Ba't nga kayo narito guys?" Tanong ko sa kanila. Inaya ko silang maupo sa receiving area sa office ko.
"Napag-usapan naming lahat na matagal na rin tayong walang kumustahan so balak namin na lumabas tayong lahat mamaya," ani ni Liam.
Tumahimik ako bigla sa sinabi niya. Gusto kong sumama sa kanila at ayaw ko silang hindian pero paano ang gagawin kong proposal mamaya para kay Tricia?
"Natahimik ka ata bro, hindi ka ba pwede?" tanong naman ni William.
Nagtaas ako ng tingin at isa-isa silang tinignan. Na-miss ko na rin ang bonding ng barkada.
"May problema ba?" Sabay-sabay naman na tanong ng tatlong babae. Nagtawanan tuloy dahil para silang kumakanta na sabay-sabay ang chorus.
Tumikhim muna ako bago magsalita. "Wala naman problema kaya lang may lakad kami mamaya ng girlfriend ko." Lahat sila napa O na lang.
"Wala ka bang balak ipakilala sa amin ang girlfriend mo?" Walang preno na tanong sa akin ni Olivia.
"Oo nga, parang ayaw mo siyang kilatisin namin." Segunda naman agad ni Emma.
"Girls, pabayaan na lang natin si Noah. Desisyon niya iyan. Huwag mo na lang sila pansinin Noah basta happy kami sa'yo iyon ang mahalaga." Tinaasan niya ng kilay ang mga kaibigan nito.
Hanggang ngayon ganyan pa rin mga kaibigan ni Cassy parang hindi nagbago. Inakbayan ni Liam ang kaniyang asawa at hinalikan ito sa noo. Kitang-kita ko iyon, mas lalo ata naging sweet ang mag-asawa.
"Hoy! Huwang kang mainggit sa mag-asawa may girlfriend ka rin naman. Mag-propose ka na kaya sa kaniya para hindi ka na naiinggit sa dalawang ito." Binato kami ni William pareho ng throw pillow ni Liam. Mabuti at nasangga ko.
"Kaya nga hindi ako makakasama sa lakad niyo mamaya dahil magpro-propose na ako sa kaniya."
"What?!" Sabay-sabay nilang tanong. Maliban lang kay Cassy na tahimik at nakangiti.
"Sigurado ka na ba sa kaniya bro? Hindi pa namin siya kilala, baka mamaya sasaktan ka lang niya." May pag-alala na saad ni Liam.
"Guys, desisyon ulit ni Noah iyon. Hindi naman problema kung hindi pa natin kilala iyong mahal niya. Basta happy siya, dapat maging happy din tayo for him." Nginitian ko lang si Cassy and mounted her thank you she mounted back at me your welcome.
Siya pa rin ang dating Cassy na nakilala ko kaya hindi mahirap para sa akin noon na mahalin siya. Maswerte ang kaibigan ko sa kaniya at gano'n din siya sa kaibigan ko.
"Ano ba iyan akala ko may reunion nang magaganap sa atin mamaya," malungkot na wika ni Emma.
Kita rin sa mga mukha nila ang kalungkutan. Kung pwede ko lang talaga i-cancel pero nakahanda na ang lahat.
"Ok guys huwag ng malungkot. Ituloy niyo na lang ang lakad niyo mamaya kahit wala ako. After ng wedding ko saka tayo magkakaroon ng reunion."Pinasigla ko ang boses para humupa ang katahimikan sa loob ng opisina ko.
"Asahan namin iyan ah. Basta Noah kahit wala kami mamaya sa proposal mo hangad namin ang kaligayan mo. Kapag niloko ka ng babaeng iyan ako mismo ang kakalbo sa kaniya." Pagbabanta ni Olivia kinuyom pa niya ang kaniyang kamao. Napuno tuloy ng tawanan na kanina lang ay tahimik.
Umabot din sila ng ilang oras sa opisina ko hanggang napaisipan na nilang umalis. Umalis na rin ako sa opisina around six pm. I want to surprise her this evening.
Napatingin ako sa passenger seat and then I smile, doon ko pinatong ang favorite flower niya and her engagement ring. Plano ko na hindi matatapos ang gabing ito na hindi ako nakakapag-propose sa kaniya.
It's already eight pm and I'm still stuck from this traffic. Napahilamos ako sa aking mukha. Bakit ngayon pa nagkaroon ng heavy traffic? May usapan kami na hindi ako mala-late pero nabigo ko siya. Kilala ko pa naman ugali niya mainipin hindi niya kayang maghintay. Tinatawagan ko siya ng maraming beses pero hindi niya sinasagot. I know galit na siya dahil matagal na siyang nakatunganga.
Napalingon ako sa bandang kaliwa ko nanlaki mata ko, dahil hindi ko inaasahan ang aking makikita. Sobrang pag-alala ko 'yon pala masaya siya kasama ang iba. Napahawak ako ng mahipit sa manubela ng makita kong naghahalikan ang girlfriend ko kasama ang aking...
Bestfriend!
Bumaba ako para puntahan sila, pero may isang babae na kumatok sa bintana ng sasakyan nila. Napatingin ako sa paligid halos lahat nakalabas na sa mga sasakyan nila at kumukuha ng video.
Nasa gilid lang ako nakikinig sa confrontation, hindi siguro ako napansin dahil na rin sa mga taong nakikiusisa pathetic tsk!
Lumabas si Tricia na tinatago ang mukha dahil sa kahihiyan, umiiyak na rin dahil sa pinagsasabi ng babae sa kaniya whore you deserve that.
Wala akong awa na naramdaman sa kanilang dalawa ng bestfriend ko, nararapat lang sa kanila ang panloloko nila sa amin.
Paalis na 'yong babae kaya lumapit na ako nakatitig lang ako sa kaniya gano'n din ang ginawa niya, galit ang nakita ko sa kaniyang mata.
Nagpunta ako sa harapan nilang dalawa shock was written on their face.
"Honey"
Tinaas ko ang aking kamay hudyat na pinapahinto ko siya.
"Cut that word wala ka ng karapatan na tawagin ako sa ganyang tawag hindi bagay sa'yo because you are whore!" Sinigawan ko siya dahilan upang siya ay napaigtad.
"Bro!"
Napatingin ako sa aking bestfriend dahil sa pagbulyaw niya sa akin, nakita kong naikuyom niya ang kaniyang kamao, tumingin ako sa katabi niya na wala pa rin tigil sa kakaiyak kanina pa.
"You want to punch me go ahead but I'll assure you hindi kita bubuhayin!"
Lumabas na mga ugat ko sa leeg pati na rin sa aking mga braso papuntang kamay dahil sa galit, nanggagalaiti ako sa kanila.
"Listen everybody itong dalawa na ito mga wala silang kwenta, niloko lang naman ako at itong babae na ito pinagpalit ako sa bestfriend ko pa!" Malakas na bulyaw ko at karamihan na nanonood sa amin nagbulungan ulit.
Tinulak ako ng matalik kong kaibigan pero hindi lang ako natinag, bumawi ako sa kaniya tinulak ko at kwenilyuhan.
"You have no right para gawin sa akin ito, we're not bestfriend anymore and stop calling me bro not fit for you mas bagay sa'yo na tawagin asshole!"
Pinanlakihan niya ako ng mata at sinuklian ko naman na nanlilisik na tingin mabilis kong inalis ang pagkakahawak sa kwelyo niya.
"Oh wait ito ba 'yong sasabihin mo sa akin kaya magkikita tayo bitch wait me here may ibibigay din ako sa'yo."
Naglakad ako papunta sa aking kotse kinuha ko sa passenger seat ang bulaklak at engagement ring, pagbalik ko binato ko sa kaniya 'yong bulaklak.
"This suppose to be your engagement ring." Tinaas ko para ipakita. Inangat niya ang kaniyang mukha, pagkaangat saka ko tinapon sa pagmumukha niya.
"Ibenta mo para magkapera hindi ata sapat pera ko sa'yo kaya naghanap ka ng mas mapera, starting today I don't want to see your face!" Nakayuko lang siya na umiiyak pa rin, tumingin ako sa lalaki niya na masamang tingin ang pinupukaw sa akin.
"Take care your bitch whore!"
Nilayasan ko na sila kahit sa pag-alis ko naka-video pa rin wala na akong pakialam.
Sumakay ako sa aking kotse at binuksan ang engine. Agad akong kumaripas palayo sa lugar na 'yon. Binuksan ko ang stereo and the Where do broken hearts go played.
Ganito na lang ba palagi? Once na ako na-reject and for the second time around pinagpalit naman ako. Wala na ba akong karapatan para lumigaya?
Napakapit ako ng maigi sa manubela at pinagsusuntok, doon ko nilabas lahat ng galit na kanina ko pa iniinda sabayan pa ng kanta.
"Bwisit na kanta na 'to."
Pumunta ako sa lugar kung saan ako lang ang nakakaalam. Lugar kung saan tahimik at kung gusto mong mapag-isa. Dahil sa nangyari kanina lubos na nagdurugo ang puso ko. Hindi ko lubos maisip na magagawa niya akong lokohin. Pinagkatiwalaan ko siya, akala ko siya na talaga para sa akin. Bakit ganito na lang palagi ang kapalaran ko? Wala ba akong karapatan magmahal at mahalin?
"Ahhhhh!" Malakas na sigaw ang narinig ko. Kaya bigla akong napabangon.
"Ang ingay naman!" Malakas na pagkasabi ko dahil nabulabog ako. Natahimik bigla iyong sumigaw kaya tinignan ko siya. Nang nasilayan ko kung sino...
Siya...
Hindi siya nakatingin sa akin kung hindi sa harapan. Kung saan malakas ang hampas ng alon, malamig ang simoy ng hangin at maliwanag na buwan. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya alam kong katatapos lang niyang umiyak. Sino ba naman ang matutuwa kung malalaman mong niloko ka pala.
"Hindi ko alam kung bakit nagawa sa'yo iyon ni Drei. Kahit na child-" Natigilan ako sa pagsasalita dahil sumabat siya bigla.
"Kilala mo ako?" tanong niya. Tinuro pa niya ang kaniyang sarili. Bakas sa mukha nito ang sakit. Kahit papano naaawa rin ako sa sinapit niya.
"Oo kilalang-kilala kita noon pa." May diin ang pagkasabi ko. Hindi natinag ang tingin ko sa kaniya.
"Ah?" tanong niya. Hindi rin maalis ang pagkatitig nito sa akin. Pilit na iniintindi ang sinabi ko. Halatang naguguluhan ito.
"Long time no see, Princess Air."

Komentar Buku (129)

  • avatar
    Gina Bernardo

    A HIGHLY RECOMMENDED THIS STORY,,NAPAKAGANDA,,CONGRATS AUTHOR,,ANG DAMI KONG IYAK,,,,I REALLY LOVE IT..IT INSPIRED THE READERS LIKE ME,

    18/02/2022

      3
  • avatar
    Angeline Padilla

    Yong sobrang dami niyo ng pinag daan ni Drie tas ang ending kay Noah pala siya , Sobrang ganda ng story mo Author ♥ I've already read Bachelor 1 and 2 , at sobrang nagandahan ako 🤗 Waiting for Bachelor 3 MWHEHEHE keep it up ✊♥

    26/12/2021

      0
  • avatar
    Josie Anne Daquio Bañares

    collage na siya At pupunta na siya sa skul ng may lalaking nakabangga sa Kanya at nagalit yung babae at minumura ang lalaki at kalaunan nag pa kilala Yung lalaki drei pangalan niya tsaka naman Nag pakilala yung babae at same room pala Sila Kasi yung lalaki fillmaker rin yung kinuha at sabay na silsng pumunta sa room nila

    20/12/2021

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru