logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5

Malamig at sariwang hangin ang sumalubong sa amin, nang makarating kami sa dalampasigan ng isla. Matapos kong ma-discharge kaninang umaga ay sinundo kami ng van na naghatid sa amin sa isang hotel sa Pangasinan. Halos hapon na rin kasi nang makarating kami at delikado na para sa aming pumalaot papuntang isla.
"Huy, ayos ka lang ba talaga?" Kinalabit akong muli ni Sheen, na kanina pa ako tinatanong kung ayos lang ako. Nabungaran niya kasi ako kaninang umaga na maga ang mata dahil sa kaiiyak ko kagabi. Isa pang ikinukulit niya ay dahil hindi ako nagku-kwento kung bakit.
"Ayos nga lang ako." Ngumiti ako at bahagya pang tumawa para makumbinsi siyang ayos lang ako.
"Palagi siguro kayo dito no?" tanong niya habang pinagmamasdan ang isla sa abot ng tanaw niya. Ngayon nga lang pala ang unang beses niyang makarating dito dahil hindi ko naman siya nakasamang lumaki.
Umiling ako tumingin din sa tinatanaw niya. "Hindi, mga pangatlo o pang-apat palang," tipid kong sagot.
"Ako siguro kung alam ko lang na may ganito ang Mommy, siguro lagi ako rito. Alam mo ba, ang hilig-hilig ko sa mga beach, sa mga dagat, kasi gustong gusto ko 'pag nabababad ako sa tubig. Pakiramdam ko ang lapit lapit lang sa akin ng mga lugar kasi diba sa mga mapa halos tubig lang naman ang naghihiwalay sa mga magkakalayong lugar? Iniisip ko na sa pamamagitan ng dagat, magkakalapit tayo. Saka naniwala kasi ako sa sinabi ni Daddy na nagkahiwa-hiwalay tayo dahil sa tumaob na bangka." Ramdam ko ang lungkot sa boses ng kakambal ko habang binabanggit ang mga salitang sinabi niya. I felt how she longed for us. Na pareho kaming pinaniwala sa mga kasinungalingan na binuo ng mga magulang namin at naging dahilan para magkalayo kami.
"Mahaba pa naman ang panahon. You can still come here and in any beaches that you want." I sincerely smiled at her.
Sabay kaming naglakad sa puting buhanginan papuntang resthouse na medyo may kalayuan sa dalampasigan. Hindi pa man namin gaanong nalalapitan ang bukana ay tanaw na namin sila Mommy at Tita Lily roon na hinihintay kami.
"How's your ride?" tanong ni Mommy matapos kaming bumeso sa kaniya.
"Masaya po Mommy, nakakaenjoy nga pong sumakay sa yate kasi feel na feel ko yung hangin na tumatama sa balat ko kanina. Tapos pakiramdam ko nasa teleserye ako habang lumilipad ang buhok ko," energetic na tugon ni Sheen bago ako nagpaalam na aakyat na sa kwarto.
The resthouse are designed with mixed modern and old fashioned house design. It was a concrete two-story house painted in white and brown. Kung sa malayo titignan, akakalain mong mga kahoy at kawayan ang ipinanggawa sa ilang parte ng bahay pero kung hahawakan ay malalamang disenyo lang ang mga ito at semento. My room was located at the right wing of the house. Meron ding veranda kung saan matatanaw ang palubog ng araw. My usually favorite spot.
I checked my phone and it was 10:25 in the morning. Pumunta na ako sa closet ko na nakaayos na. Mom probably told some of the housemaids to prepare it. I grabbed a one piece swimsuit, short shorts, and see-through blazers. Maaga pa naman, kaysa matulog dahil sa byahe, mas gusto kong magbabad muna sa dagat. Medyo tirik na ang araw pero may parte sa dagat na nalililiman, pinasadya yun ni Mommy dahil alam niyang walang oras ang pagkahilig kong magbabad sa tubig. They can't force me to join them when they're swimming, and they can't stop me anytime I want to.
Sa sofa, naabutan ko si Mommy, Tita, at Sheen na nagkukwentuhan. I was wondering where Dad is. Simula nang dumating kami ay di ko pa nakikita ni anino niya.
Ngumiti lang ako sa kanila at lalagpasan na sana nang magsalita ang kapatid ko. "Magswimming ka? Sama ako wait mo 'ko rito magbibihis lang ako saglit."
'Di pa man ako nakakapagsalita ay dali-dali na syang tumakbo paakyat ng hagdan, kaya wala na akong nagawa at naglakad nalang papunta sa couch na inuupuan niya kanina. Well, maybe it calls for a real bonding between the two of us. Kadalasan, mag-isa lang akong nagsi-swimming kapag biglaang trip ko. Now, I have a twin to ride my mood.
"Seems like your sister really wants to bond with you," komento ni Tita na nakatingin sa akin.
"Opo nga po," pagsang-ayon ko. "Well, gusto ko rin naman pong makasama at makabonding siya. It feels like we're in getting-to-know-each-other stage." Tumawa ako ng mahina.
"Maganda iyan, dapat mas makilala ka pa niya para hindi na siya mahirapan sa gagawin niyang pagpapanggap. It will be more easier for her to know you if you open yourself to her and help her," sabi naman ni Mommy na sinang-ayunan ko sa pamamagitan ng pagngiti at pagtango.
Hindi rin nagtagal ay bumaba na rin si Sheen na nakatwo-piece swimsuit at sarong. It maybe unusual or unbelievable but we really have the same curves, same measrements. Pareho na kaming maayos kaya nagpaalam na kami.
"I'll just ask one of our maids to take your lunch," pahabol pa ni Mommy na sinagot naman ni Sheen bago niya ako tuluyang hilahin patakbo sa dagat. Pero binagalan din niya nang maalala ang kalagayan ko.
I took off my flip-flops and other garments hanggang sa ang natira nalang ay ang one-piece swimsuit na pinanloob ko kanina at ganoon din naman ang ginawa ni Sheen. Nagulat ako nang lumapit nalang siya sa akin bigla habang sinisipat ang mga braso, hita at binti ko habang nakaupo ako sa isang malaking bato at nakasayad ang paa ko sa tubig.
"Wow, wala ka talagang peklat kahit isa?" mangha niyang tanong na para bang ngayon lang siya nakakita ng taong wala halos marka ng peklat.
"Sa mga tinignan mo, wala talaga dahil hindi naman ako mahilig makipaglaro dati sa labas at tumakbo takbo. You know, I can't because..." I trailed off. Mukhang nakuha naman niya ang gusto kong sabihin kaya tumango siya. "Pero may peklat ako."
"Saan?"
"Dito." kinapa ko ang peklat galing sa pagkakatahi sa ulo ko kung saan 'di naman halata dahil natatabingan ng buhok.
"Bakit nandiyan? Mukha ka tuloy may maliit na zipper sa ulo," takang tanong at sabi niya habang sinisipat ang peklat ko sa ulo.
"May field trip kasi kami dati tapos nagkayayaan sa ilog yung mga kaklase ko. Wala sila Mommy at may kausap si Yaya noon, walang magbabawal sa akin at gusto ko rin mag-explore kahit papaano. Kaya ayun, sumama ako kaya lang nadulas ako sa bato at nagkaroon ako ng open wound sa ulo," pagkukwento ko.
"Naku! Kung kasama mo lang ako, baka hindi iyang nangyari sa iyo," sinserong sabi niya na ikinatitig niya.
Natutop niya agad ang bibig nang mapagtanto ang sinabi. Pero sabi ko nga, natutunan ko nang tanggapin ang nangyari. My invisible wound won't be healed if I keep on blaming anyone.
"S-Sorry, na-open—"
"Ayos lang iyon," putol ko sa sinasabi niya nang nakangiti.
Sinubukan naming iwasan ang mga ganoong topic at in-enjoy na lang namin ang paglangoy hanggang dumating ang mga pagkain na pinahatid ni Mommy. Dala iyon ng apat na kasambahay na umalis din agad nang magpasalamat ako. Babalik nalang daw sila mamaya 'pag natapos na kami.
"Di ko alam kung ano ang mga uunahin na pagkain!" Bulalas ni Sheen habang 'di malaman kung anong uunahing hawakan.
Nasa sampung klase siguro ang mga seafoods na dinala rito; may mga sugpo, blue crab, king crab, at iba pa. Meron ding mga karne na ma'y sarsa, mga panghimagas tulad ng leche flan, at mga prutas.
"Edi kuhanin mo nalang yung mga kukuhanin ko," natatawang suhestiyon ko habang inaabot ang blue crab. Tumango naman siya at kumuha rin ng blue crab.
"Ngayon lang ako nakatikim nito! Kadalasan puro talangka lang na maliliit ang binibili nila daddy sa palengke saka wala akong nakikitang ganito doon. Masarap pala," komento niya.
Para namang may bahagyang kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Habang ako ay sarap na sarap sa mga pagkain na minsan dati ay di ko pa inuubos, siya naman ay hinihiling ang mga pagkain na iyon na kung tutuusin ay natamasa rin sana niya. I lived my life with my mother spoiling me with everything I wished, while she's being contented on what has been served on her table and setting aside in her mind what she wants to have.
"Ito namang sugpo," masigla kong sabi at iniabot sa kaniya ang isang piraso. Kita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya habang nakatingin sa sugpong iniaabot ko sa kaniya. "A-Ah, gusto mo, ipagbalat kita?"
Sunod-sunod naman ang ginawa niyang pag-iling saka mabilis na kinuha ang hawak ko. "K-kaya ko, salamat."
Tuon ang buo kong atensyon sa binabalatan kong sugpo nang magsalita si Sheen, na ikinaangat ng tingin ko.
"S-Shei," nahihirapang sambit niya. Agad akong naalarma nang makita siyang may maliliit at mapupulang pantal sa leeg at braso niya. At base sa pinapakita niyang paghawak sa dibdib, ay halatang nahihirapan na siyang huminga.
"Oh my god!" bulalas ko, "A-ano ang gagawin ko? W-water? Help! Tulungan niyo kami! Mommy, Tita, Yaya!" natatarantang sigaw ko habang hawak-hawak ko si Sheen. Pero masyadong malayo ang bahay sa pwesto namin at alam kong mamaya pa babalik ang mga kasambahay dahil kadadala lang nila ng mga pagkain.
Nagdesisyon na akong ihiga siya sa picnic blanket na inuupuan namin bago tumakbo papunta sa bahay. I ran as fast as I could to reach the house. Saktong pagpasok ko ay pababa naman sa hagdan si Mommy.
Gulat siya nang makita ako na pawisan at halatang pagod galing sa pagtakbo. "Bakit pawis na pawis ka?" pasigaw niyang tanong.

Binalewala ko ang tanong ni Mommy at pilit pinakalma ang sarili. "M-Mom, Sheen need your help!"
Kita ko ang panlalaki ng mata ni Mommy habang nagmamadaling lumapit sa akin. "What happened?"
"I-i don't k-know...."

Komentar Buku (83)

  • avatar
    Mj Mamadra

    ganda ng kwento

    6d

      0
  • avatar
    Suan mercadalRexie

    thank you

    22d

      0
  • avatar
    BucayanJerico

    kahahhajaa

    17/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru