logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 27

Puting kisame ang bumungad sa akin pagmulat ko ng mga mata. Nakaramdam ako ng kirot sa kamay ko kaya unti-unti ko iyong inangat. May maliit na tubong nakakonekta doon. Meron pa rin itong mga maliliit nalang na pantal ngayon.
"Thank God, you're awake, Gori ko." Narinig kong sabi ng isang tinig sa tabi ko. Si Kai.
Matamlay akong ngumiti sa kaniya nang maibaling ko ang paningin. Looking at him right now beside me makes me think that I can fastly recover from the effect of my allergy.
"Since when did you became allergic with peanuts? If only I knew, then I won't give you such food," bakas ang pag-aalala sa mukha niya na may kasamang pagkalito habang sinasabi iyon na hawak-hawak ang isang kamay ko.
"I-i don't know," iyon lang ang nasabi ko bago inilihis ang paningin ko. 'Di ko kayang sabihin sa kaniya kung kailan dahil malalaman niya lang na hindi ako si Shei.
"Can I be honest with you?" agad bumalik ang tingin ko sa kaniya dahil sa tanong niya. What did he mean by that? "We promised before that we'll trust each other so that our relationship will last, right?" dugtong niya.
"Kai..." Wala akong maidugtong na salita maliban sa pagtawag sa pangalan niya. Pinanatili ko nalang tuloy iyong nakatikom at maghihintay ng mga susunod niya pang sasabihin.
"Shei, I trust you with everything that you're saying and doing. But, sorry..." Yumuko siya saka banayad na hinagkan ang ibabaw ng kamay ko. "Sorry because I am starting to doubt you. I don't know why and when but I just wanna be honest with you, I'm sorry."
Parang nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Who am I to fool someone like him?
"It's just that, I feel like everything was new to me. I tried to take it away from my mind but I can't help but to think that you've changed into another person. I'm trying to convince myself that it's normal for a person to change but everytime that I'm with you, I can't see the Shei I used to be with." Tumikhim siya sandali bago magpatuloy kung saan tinanong niya ang isa sa mga huling tanong na gusto kong marinig mula sa kanya.
"Ikaw ba talaga si Shei?"
Nawalan ako ng salitang bibigkasin, dahilang iisipin, at aksyong gagawin. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya, nilalabanan ang intensidad ng titig nya. Ganoon ba talaga kahirap palitan sa puso mo ang pagkakakilala sa pagkatao ni Shei? Tanging pag-iwas nalang ng tingin ang nagawa ko. Kahit pala gaano ka kagaling magpanggap bilang ibang tao, mahirap pa rin magsinungaling sa harap mismo ng taong mahal mo.
"I'm sorry if I changed myself. I-i need more rest." Tuluyan ko na siyang tinalikuran habang mariing ipinikit ang mata ko. Narinig ko ang pagbukas at pasarang tunog ng pintuan tanda na nakaalis na siya at nag-iisa na ako sa kwarto pero nagsilbing hudyat iyon para rumagasa ang luha mula sa mga mata ko.
When was the last time I cried? Hindi ko na maalala kaya parang naging bagong gawain ito sa akin ngayon. Parang unang araw ko ulit umiyak, masakit sa dibdib, mahapdi sa mata, nakakabaliw...
Gusto nila akong maging malakas, matapang at hindi umiiyak. Natuto akong lumaban ng pisikalan pero kahit anong gawin ko ay hindi ko makayang labanan ang sarili ko. Nagtatago ako sa likod ng mga bala at baril, sa mga matatapang kong tingin, sa mga pisikal kong abilidad, sa mga iba't-ibang katauhan kaya minsan napapaisip ako, sino ba talaga ako?
Ako ba si Sheen na duwag pero nagpapanggap na matapang o ako si Sheen na lumaking duwag pero natutong lumaban? Ako ba si Sheen na malakas o pati ang katangiang iyon ay huwad? O baka naman ako si Sheen na sumusunod lang sa agos ng walang hintong kagustuhan ng paligid ko?
Inaayos ko na ang mga damit ko sa isang bag at wala na rin ang suot kong hospital gown nang maramdaman ko ang isang yakap mula sa likuran ko. Nakilala ko agad ang pamilyar na amoy at bisig na nakapulupot ngayon sa baywang ko.
"Sorry for what I've said last night," bulong niya sa likod ng tenga ko. Napapikit ako nang mariin, hindi ko kayang tiisin siya, hindi ko kayang magtampo sa mga sinabi niya dahil alam kong mas may karapatan siya sa bagay na iyon sakaling malaman na niya ang ginagawa ko.
Hinimas ko ang braso niyang nakayakap sa akin. "I'm not mad, it's okay. I understand." Ikinurba ko pataas ang mga labi ko kahit alam kong hindi niya nakikita ang ginawang pagngiti ko.
Hindi dumalaw si Tita Lily maging si Daddy nang maospital ako, pero tumawag naman daw sila kay Kai. Abala daw sila sa mga gawain nila at pinaubaya nalang ang ako kay Kai. Hindi na ako nagulat doon. Bakit, sino ba naman ako? Hindi naman ako ang totoong Shei, kaya bakit naman sila mag-aalala para sa akin? I am used being no one's favorite.
Nakamasid lang ako sa bintana ng kotse ni Kai nang mapakunot ang noo ko. Hindi pamilyar ang daang binabagtas namin.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya. Saglit niya akong nilingon bago ibinaling muli ang tingin sa kalsada at sumagot.
"Visiting a friend," maikling tugon niya. Sino namang kaibigan ang sinasabi niya?
Malawak na lupain na napapalamutian ng berdeng maninipis na damo ang bumungad sa akin nang bumaba ako sa kotse. Habang napapalibutan naman ito ng mga puno na halos puro Narra, kung hindi ako nagkakamali.
Lumakad siya kaya sumunod naman ako hanggang sa huminto siya sa tapat ng isang lapida. May sariwang bulaklak pa doon na mukhang kalalagay lang at isang kandila na hindi pa gaanong ubos.
Bruce Mckenzie
September XX, 19XX—May XX, 20XX
Hindi ko alam kung bakit lumakas ang pagtibok ng puso ko nang mabasa ang petsa na nakasulat doon na para bang kinakabahan ako kasabay ng pag-ihip ng hangin na hindi naman kalakasan at malamig ngunit nakapagpataas ng balahibo ko. Weird.
"S-sino siya?" nag-aalangang tanong ko. Baka kasi kilala ito ni Shei pero hindi niya sa akin nasabi.
"Nakalimutan mo? Sabagay, nasa training ka pala noon nang mawala siya. I also forgot to tell you, sorry," sambit niya na kahit papaano ay nakapagpanatag sa akin.
"Bruce is one of my closest friend. He's also the mind behind the surprise I made when I asked you to be my girl and you said yes," pagpapatuloy niya habang nakatingin lang sa lapidang iyon.
"Bakit siya namatay?" I asked out of curiosity. Parang may nagtutulak sa aking itanong iyon kahit di ko naman nakilala ng personal ang taong ito.
Tumingala siya, siguro ay may namumuo nang luha sa mga mata niya. Hindi kasi nakatakas sa tingin ko ang pagkisap ng mga mata niya.
"The whole story behind his death is not clear, no one can tell directly what happened. Hanggang sa naniwala nalang kami sa isang pangyayari na pinakamalapit daw sabi ng mga pulis ayon sa pag-iimbestiga nila." Humarap muna siya sa akin saka matamlay na ngumiti. "His brother was involved in an illegal gang which are trading deadly weapons like bombs and guns and that was also the angle seen by the police as the cause of his death. That day, he even called me that he can't attend our class because his brother needs his help, then after two days."
Nakita ko ang pagtakas ng isang luha mula sa kanang mata niya. I admired him more for his braveness to cry and show weakness in front me which not all men can do. "After two days, one of his cousins called and told me the place of his burial."
"Sorry," ang tanging salitang lumabas sa bibig ko matapos ang sinabi niya kahit hindi ko naman alam kung ano ang dapat kong ihingi ng tawad. Siguro ay dahil dapat 'di ko na tinanong pa?
Bahagya siyang napatawa ng pagak na ikinapagtaka ko. "You know what, there's still one thing that makes my mind restless about what happened to him."
"Ano?"
"I heard his brother's men, the night of his burial, talking about his death. He was killed by a girl, but that's impossible, right?" Muli siyang tumawa ng pagak bago tumingin sa akin.
Kung ako ang tatanungin kung imposibleng pumatay ang isang babae... "No."
Mula sa pagak na pagtawa ay kumunot ang noo niya at naguguluhang tumingin sa akin. "W-what I mean is... everyone is capable to kill, especially if it was a matter of survival," pagdepensa ko.
Tumango-tango naman siya na waring nakikiayon sa sinabi ko. "Sabagay, ganyan din ang sinabi ng kuya niya sa akin. That's why even the police stated that the case was already closed, his brother is still finding the girl that his men said as the person who killed Bruce." Umayos siya ng pagkakaharap sa akin saka hinawakan ang dalawa kong kamay at mariing tumitig sa mga mata ko. Habang ako ay nanatili ring nakatingin sa mga mata niya na may bahid pa rin ng kaunting luhang namuo doon pero hindi pa tumutulo.
"Please don't be mad. I don't wanna keep this secret from you, but I want you to know that I am helping Bruce's brother to find the girl and make him pay for what she have done to Bruce."

Komentar Buku (83)

  • avatar
    Mj Mamadra

    ganda ng kwento

    4d

      0
  • avatar
    Suan mercadalRexie

    thank you

    19d

      0
  • avatar
    BucayanJerico

    kahahhajaa

    17/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru