logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 1

Pagkadating ko ng Spain ay ibang-iba nga. Napakagat ako sa labi ko. Kinakabahan ako sa kung anong magiging buhay ko dito.
Sinalubong ako sa airport ng kakilala ko dito at ang tumulong sa akin upang makapagtrabaho dito sa Espanya.
"Hola!" masayang bati niya. Hola means hello in english.
"Kia!" kinakabahan kong tawag sa kanya.
She shrugged. "Kaya mo 'yan!" pagmo-motivate niya sa akin.
Habang papunta kami sa resort ay kwento siya ng kwento sa akin tungkol sa bansang ito. Nakikinig talaga ako ng mabuti. Bago pa man din naman ako bumyahe at nag-apply dito ay nag-aral ako ng lenggwahe at mga kultura ng Espanya.
"Buenos Dias!" maligayang bati sa akin ng boss ko pagkadating ko.
"Esta es Alba, la gerente que postuló hace un mes, señora. Alba, esta es la señora Emilia Echeverría," pagpapakilala sa akin ni Kia. (This is Alba, the manager who applied a month ago, senora. Alba, this is senora Emilia Echeverria.)
Malugod kong inilahad ang kamay ko sa babae. "Encantado de conocerla, señorita. Prometo trabajar duro, no te defraudaré," I said. (It's nice meeting you, senorita. I promise to work hard, I will not disappoint you.)
Ngumiti siya sa akin. "Puedes empezar hoy si quieres. Kia, ayúdala a su respectiva habitación." Tumingin siya kay Kia at tumango naman ito. (You can start today if you want to. Kia, assist her to her respective room.)
Nang makaalis si ma'am Emilia ay doon pa lamang ako nakahinga ng maluwag. Halos dumugo na tuloy ang labi ko dahil sa kaba.
"Mabait 'yon si señorita. Ipapakita ko na din pala sa'yo 'yong magiging office mo. Ang swerte mo dai dahil nakapasok ka agad dito pero sabagay, ang dami mo na din namang experience dito kaya hindi na ako na-surprise nang matanggap ka dito," ani ni Kia.
Tumango-tango ako at inilibot ang mata sa paligid. Ang ganda-ganda dito. Hindi ko alam kung trabaho ba talaga 'to o bakasyon dahil mukang sa tuwing ako ay gigising tuwing umaga ay dagat ang makikita ko.
Si Kia nga pala ay nagtatrabaho dito. Mas mataas ang posisyon niya sa akin. Syempre, ilang taon na din naman siya dito.
Habang naglalakad kami papunta sa kwarto na tutuluyan ko ay kwento siya ng kwento sa akin. Masyado talaga 'tong maingay kahit kailan.
"Eh 'yong tatay mo nga pala. Sure ka bang hahanapin mo talaga 'yon?" kuryosong tanong niya.
Tumango ako. "Yes. If ever na mayroon na siyang pamilya dito, wala na akong pakialam pa doon. May gusto lang akong itanong sa kanya. Iyon lang..." sagot ko.
Hinawakan niya ang kamay ko upang i-comfort ako. Ngumiti ito sa akin. "Kahit kailan talaga napaka-bait mo. Naalala ko no'ng high school tayo tapos one time, may nagkagusto sa'yong gwapong lalaki. Ano ngang pangalan no'n?" Tumingin pa siya taas upang isipin kung sino iyon.
"Bruce," maikling sagot ko.
"Oo! 'Yon nga! Tapos si Mary na inggrata nagkakagusto doon kay Bruce. Inaway at sinabunutan ka--"
"Tapos sinabunutan mo pabalik," pagtutuloy ko.
Grabe 'yon. Na-guidance tuloy kami.
Tumawa siya habang inaalala ang mga ginawa niya noong high school kami. "Eh loka-loka siya! Ang pangit-pangit niya tapos mag-eexpect siyang magugustuhan siya ni Bruce? Pangit na nga, pangit pa ugali!"
Napabuntong-hininga ako. "Hays, ikaw talaga."
"Pero kidding aside, ang bait-bait mo na noon pa. Si Mary noon na ilang ulit kang inaway pero paulit-ulit mong pinapatawad at tinatrato mo pa ding tao," aniya.
Ngumiti ako habang inaalala iyon. "Alam mo kung bakit? Na sa kabila ng pagtrato niya sa akin ng ganoon, naging mabuti pa din ako sa kanya. One time, sinundan ko siya pauwi at nakita kong binubugbog siya ng tatay niya. At doon ko napagtantong, sa school lang siya nagiging free. Siguro, napapag-buntungan niya lang ako ng galit niya sa father niya. Noong time pa na 'yon ay hindi na nagkaka-unawaan sila mama at papa kaya ganoon," pagpapaliwanag ko.
"Hayst, halika na nga!"
Napag-deisyunan kong bukas na pumasok. Gusto ko nga na ngayon na pero pinilit ako ng pinilit ni Kia na bukas na lamang daw. Sa ngayon ay maglilibot kami at ipapakita niya ang work place ko.
"Ang ganda dito," saad ko habang naglalakad kami sa tabing-dagat. Marami na din na turista dito dahil malapit na ang summer.
"Oo naman. Parang hindi nga ako nagtatrabaho dito, bakasyon nga yata." She laughed.
"Take a picture of me," utos ko.
Tumaas ang kilay niya. "Aba! Hoy mare, hindi bakasyon 'to ha!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang, eto naman! Dali! Pose ka!" utos niya.
Habang naglalakad kami ay sinusuri ko ang buong resort. Maganda magtrabaho dito. Tama naman siguro ang desisyon ko. Ang daming benefits ng pagta-trabaho ko dito sa Espanya. Una, mahahanap ko dito ang papa ko. Masasagot na lahat ng mga tanong ko na pilit kong hinahanapan ng sagot noon pa man. Pangalawa, matutulungan ko ang mga kapatid ko sa pag-aaral at pati na din ang mga pangangailan nila. Si mama, mapapatigil ko na sa pagtatrabaho kapag tumagal-tagal ako dito. At higit sa lahat, palagay ko ay makakasundo ko ang bansang ito, ang lugar na ito.
"Oo nga pala, kumusta 'yong biyahe mo? Hindi ko na naitanong sa iyo kanina," tanong ni Kia.
Umusbong nanaman ang inis ko nang maalala ko ang nangyari sa airport. "Ayos lang sana. Payapa sana pero may dalawang asungot na nagpa-inis sa akin. Ako na nga ang binunggo no'ng lalaking 'yon, ako pa sinisi. At alam mo ba! Pinaringgan pa ako na hindi daw ako nag-sorry!" nanggagalaiting sumbong ko sa kanya. Para tuloy akong bata na nagsusumbong sa nanay dahil may naka-away sa kalye kanina.
Tumingin siya sa akin nang nakataas ang isang kilay. Titig na titig sa akin at nakangiti pa ng sarcastic. "Hay naku, Sol! Alam mo bang ang pinaka-natatawa akong characteristic mo? 'Yang pagiging mainitin ng ulo mo!" natatawang saad niya.
Sol ang nickname ko. Bihira lamang ang may tumatawag sa akin no'n. Pamilya at mga kaibigan na sobrang lapit sa akin. Ang pinagtataka ko, ang ibig sabihin ng Sol ay araw tapos ang Alba na totoong pangalan ko ay ang ibig sabihin ay sunset.
Sumama tuloy ang muka ko. Ganoon na ba ako ka-immature? Eh syempre, sino ba namang hindi magagalit doon? Ako ang binangga tapos magde-demand siya ng sorry sa akin? Hello?!
"Basta, huwag na huwag ko lang siyang makikita dahil masasapak ko siya. Ang swerte niya nga dahil tinawag na ang mga pasahero noon kaya hindi ko siya nasapak," inis na sabi ko. Umiinit lang talaga dugo ko sa lalaking 'yon.
Sinundot niya ang gilid ko. She's trying to tease me. "Uyyyy! Baka kayo para sa isa't-isa. Sabi nga nila 'di ba, the more you hate, the more you love!" pang-iinis niya sa akin.
Sasabunutan ko na sana siya nang bigla siyang tumakbo.
"HOY!" sigaw ko dito.
Kumaway siya sa akin nang medyo malayo na siya sa akin kaya tumakbo ako ng mabilis para maabutan siya.
"Ouch!" Sabay kaming napa-inda ng tao dahil nagka-banggan kami. Napahawak tuloy ako sa noo ko dahil ang lakas ng impact sa akin. Mukang lalaki ang naka-bunggo ko. Hindi ako maka-mulat dahil sa sakit.
"Sol, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Kia na kakalapit pa lang.
"Tss... ang malas naman," bulong ko. Ilang beses ba akong mabubunggo sa mga tao? Ako nga yata ang problema.
Magso-sorry sana ako sa nakabunggo ko nang manlaki ang mata ko kung sino ito.
Sabay pa kaming napatingin sa isa't-isa at pareho lang din ang reaksiyon namin nang makita ang isa't-isa.
"Ikaw nanaman!" sabay naming sigaw sa isa't-isa.

Komentar Buku (97)

  • avatar
    Dab YaNa

    so nice

    01/05

      0
  • avatar
    Mac Ramos

    thank

    05/11

      0
  • avatar
    Jonalyn Codera Palco

    I love it

    05/11

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru