logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 5

"Jan, bakit namumugto 'yang mga mata mo?"
Yumuko ako nang marinig ko ang boses ni Ken. Umupo siya sa tabi ko habang nakatingin lang sa akin.
"Wala 'to, hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi," pagdadahilan ko kahit ang totoo'y bumuhos ng luha sa aking kwarto nang nagdaang gabi.
"Aw! Ganoon ba? Okay ka lang ba?" Nakapa ko ang pag-alala niya sa boses na iyon.
"Yeah, I'm good dahil wala naman akong choice kung 'di maging okay." Mapait akong ngumiti.
"How ironic is that, Jan? I know you're not okay why don't you just admit it? Ganoon ba kahirap sabihing hindi ka okay?" aniya na tila nanenermon.
Saglit akong lumingon sa kaniya suot ang malungkot na imahe. "Dahil kailangan kong maging okay, Ken. Kailangan kong maging okay," sabi ko.
"And do you think makakatulong 'yan sa nararamdaman mo? Saying that you're okay but the truth is you're not, it won't help anymore. Kinukulong mo lang 'yong sarili mo at hindi hinahayaang ilabas 'yong tunay mong nararamdaman. Mas mahihirapan ka, Jan," mahaba niyang litanya.
Nawalan ako ng mga salitang maaring sabihin. Hindi nga ba nakakatulong ang pagkulong ko sa aking sarili? Hindi ko na kasi alam dahil naguguluhan ako. Naiipit ako sa nararamdaman ko at sa pinapakita sa akin ni Mar. Masyado ng gulo ang utak ko.
"I don't know, Ken dahil naguguluhan ako. Marami akong tanong na hindi ko masagot."
"I do understand, Jan pero let your feelings out. Huwag mong pigilan dahil iyon ang higit na makakatulong sa 'yo," kunot-noo niyang sabi.
Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata. "Hindi ko alam ang gagawin ko, Ken. Naguguluhan ako sa iniisip ko at sa pinapakita sa 'kin ni Mar. Mahal ko siya pero alam kong hanggang best friend lang kami. Natatakot ako na baka...na baka isang araw mawala na lang 'yong friendship na binuo namin nang mahabang panahon. Natatakot akong mawala siya dahil sa nahulog ako sa kaniya na dapat kaibigan ko lang." Nabasag na ang boses ko. Naramdamam ko ang paghagod ni Ken sa aking likod. "Hindi ko na alam ang iisipin ko dahil lalo lang niyang pinakomplikado ang lahat."
"Tama ako, mahal na mahal mo nga si Mar." Narinig ko pa ang mahina niyang pagsinghap. Hindi ko mawari pero parang may sakit sa boses niya. "Falling in love with your best friend was not your fault, Jan. Hindi mo 'yon kasalanan dahil kung talagang may value sa kaniya 'yong friendship ninyo, he won't never throw it, na kahit mahal mo siya, he always cherish those moments that you've shared together," aniya. "Sige lang, Jan let yourself burst out. Umiyak ka lang hanggat hindi gumagaan ang pakiramdam mo. I have my shoulder that you can lean on." Hinawakan niya ang ulo ako at isinandal iyon sa parteng dibdib niya.
Umiyak lang ako nang umiyak habang hinahangod ni Ken ang likod ko. Marahil tama siya, hindi nakakatulong ang pagkulong sa mga emosyon dahil lalo lamang iyong magiging dahilan para bumigat ang aking damdamin.
"Salamat, Ken," pasasalamat ko sa kaniya matapos kong umiyak sa balikat niya. Hindi ko alam kung paano ako makakapaglabas ng emosyon kung wala siya.

"Syanga pala, Ken kumusta 'yong sinasabi mong nakaagaw ng atensyon mo?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami sa plaza. Uminom ako sa soft drinks na binili ni Ken para sa akin.
Bumaling siya sa gawi ko. "Ah! 'Yon? Ayon, mukhang hindi na siya masaya doon sa lalaking nakaagaw sa atensyon niya. She's broken and always crying but I can't do anything to make her happy dahil kahit ano'ng gawin ko, mukhang 'di ko siya mapapasaya," malungkot niyang sabi.
Nakaramdam ako ng lungkot para sa kaniya. "Staying with her is the best you can do, Ken. Iparamdam mo sa kaniya na nasa tabi ka lang niya. Did you try to confess?" Naku-curious lang ako sa kung sino ang babaeng 'yon na kapareho ko ang nararamdaman. I'm broken.
"I don't have a guts to confess. Mas mabuti na siguro 'yong manatili ako sa tabi niya. I can do everything for her na walang inaasahang kapalit," aniya.
"Ngayon ko lang nalaman kung gaano ka magmahal. Napakaswerte naman ng babaeng 'yon," nakangiti kong sabi.
"Napakaswerte mo, Jan."
"Huh?"
"Ah! Wala, sabi ko napakaswerte niya," sabi niya at bumaling sa ibang direksiyon. Napatango na lang ako.
Mayamaya pa'y napahinto ako nang makita si Mar, nakatingin siya sa gawi namin na tila nanlilisik ang mga mata. Salubong ang mga kilay niya. Saglit ko lang siyang tiningnan at hindi na muli binalingan.
Ganoon na lang ang gulat ko ng maramdaman kong may humawak sa braso ko. Lumingon ako at nakita ko si Mar na halos namumula na. Kita sa kaniyang mukha ang inis. Sinubukan niya akong hilahin pero hindi ako nagpadala.
"Bitawan mo nga ako, Mar," sabi ko habang binabawi ang kamay ko.
"Hindi kita bibitawan hanggat hindi ka sumasama sa akin, Jan," matigas niyang sabi.
"Bitawan mo ako, nasasaktan ako, ano ba?" angal ko, nagpupumiglas pa rin.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Jan? Bitawan mo raw siya"
Lumingon ako kay Ken na alam kong naiinis na rin sa 'di ko malamang dahilan.
"At sino ka para mangialam?" bulyaw ni Mar kay Ken.
Ngumisi naman si Ken. "Ikaw? Sino ka ba? Best friend ka lang naman ni Jan, 'di ba? Best friend ka lang na hinayaang lumayo sa 'yo ang kaibigan mo dahil lang sa mahal ka niya and now you're acting like a jealous boyfriend?" Ngumisi pa siya.
Hinila ako ni Mar patungo sa likod niya at binitawan ako. "Ikaw? Hindi ba't pumasok ka lang naman sa buhay ni Jan nang malaman mong nagkalabuan kami, 'di ba? Because you have a feelings for him and if you think that you will get him, I'm sorry to tell you this, but I won't let you. Kaya huwag kang umaktong knight in shining armor ni Jan na alam nating parehong may motibo ka," banta naman ni Mar na tila anumang sandali ay susugod na.
"At least ako kaya kong panindigan 'yong nararamdaman ko, eh, ikaw? You're a coward, Mar hindi mo kayang panindigan kung ano man 'yang nararamdaman mo. Magpakalalaki ka, Mar huwag kang duwag."
Napasigaw na lang ako nang biglang nagpakawala ng isang suntok si Mar. Natamaan si Ken sa pisngi kaya napaupo siya, napakiling pa ang ulo niya dahil sa lakas ng suntok na iginawad ni Mar.
"Tumigil na kayong dalawa, please!" sigaw ko.
Tumayo naman si Ken makalipas ang ilang segundo. "Masakit bang tanggapin ang katotohanan, Mar? Na ako, kaya kong panindigan ang nararamadam ko, samantalang ikaw duwag," ulit niya. Ngumisi pa siya.
Halos mapapikit ako nang muling sumuntok si Mar. Nakailag si Ken at siya naman ang nagpakawala ng suntok na tumama naman kay Mar. Napaupo rin siya.
"Stop it!" sigaw ko kasabay nang pagtulo ng luha sa mga mata ko. "Ken, please tama na," pagmamakaawa ko. Dinaluhan ko si Mar. Nakita ko ang dumudugo niyang labi na nagpabahala sa akin. Tinulungan ko siyang tumayo. "Mar, nagmamakaawa ako, tumigil ka na," sabi ko naman. May mga estudyante nang nagtitinginan sa amin.
"Kahit na ano pang sabihin mo, hindi mo pa rin mababago ang katotohanang ako ang mahal ni Jan," mariing sabi pa ni Mar. Niyakap ko na siya para hindi makasugod. Nakita ko naman kung paano tila sinampal ng katotohanan si Ken. "Let's go, Jan." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palayo kay Ken.
Hindi na lang ako umimik at nagpaubaya na lang kay Mar. Mas mabuti na ito kaysa tuluyang magkasiraan ng mga mukha ang dalawang iyon.
Halo-halong isipin ang pumuno sa utak ko. Naguguluhan ako lalo sa mga nangyari. Sa mga narinig ko kay Mar at Ken. Hindi ko alam kung bakit nagiging ganito si Mar. Hindi ko rin alam kung bakit niya nasabi iyon kay Ken. Ano'ng motibo nito sa akin?
Binitawan lang ako ni Mar nang makarating kami sa bakanteng classroom. Abandonado na iyon na nasa ikalawang palapag ng building. Kahit na medyo malayo iyon, parang wala akong pagod na naramdaman.
Hindi mapakali si Mar. Tumalikod siya sa akin at nasapo ang ulo. Narinig ko pa ang pagsinghap niya. Mayamaya pa'y naisuklay niya ang mga kamay sa sariling buhok.
Tahimik lang akong pinagmamasdan siya, lumuluha. Bakit nagiging ganito si Mar? Bakit kailangan niyang guluhin ang sistema ko? Heto na nga ako't handa nang lumimot dahil ayaw ko siyang mawala ng tuluyan.
"I-I'm sorry, Mar. Kasalanan ko 'tong lahat. Kung sana hindi ako nahulog sa 'yo, sana okay tayo. Sana hindi tayo nagkakaganito. Malaking pagkakamaling–"
Humarap siya sa akin. "Paano kung sabihin kong hindi pagkakamaling mahulog ka sa akin? Paano kung...kung 'yon din ang gusto ko?" Namumungay ang mga mata niya.
"Mar," tanging nasambit ko.
"Hindi ko alam pero gusto kong sa akin ka lang magkagusto at hindi kay Ken o kung kanino mang lalaki. Nagagalit ako sa t'wing nakikita kitang kasama mo ang lalaking 'yon. Naiinis ako. Nabwebwesit ako. Gusto kong manuntok. Gusto ko sa akin ka lang sumasaya. Gusto ko ako lang ang kasama mo. Am I selfish, right? But that's what I feel, Jan," mahabang litanya niya na gumuguhit ang pagkalito sa kaniyang mukha.
Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong isipin. Aminin ko man o hindi, walang hanggang ligaya ang hatid sa akin ng mga sinabi niya pero alam kong hindi ko 'yon maaaring panghawakan. Marahil dahil nasanay lang siya na palaging nasa kaniya ang buo kong atensyon. Hindi iyon sigurado. Pipigilan ko ang sarili kong umasa.
Umiwas ako nang tingin sa kaniya. Ayaw kong umasa sa kabila ng mga pinapakita niya sa akin. Natatakot akong mas higit na masaktan. "Oo nga pala, ako nga pala 'yong best friend mo and it's normal to feel jealous. Ang tanga ko naman kung iisipin kong nagseselos ka dahil mahal mo rin ako, that's a big joke, 'di ba?" Tumawa pa ako kahit labis na sakit ang hatid niyon sa akin.
Hindi nakaimik si Mar pero nananatili ang pagkalito sa kaniyang mukha.
"'Di ba, tama ako? Pero huwag kang mag-alala, Mar you're still my best friend. 'Yon lang naman kasi ang kaya mong ibigay sa akin kasi sino nga namang lalaki ang magkakagusto sa isang baklang kagaya ko, 'di ba? Tapos best friend mo lang ako." Sabay-sabay na tumulo ang luha sa mga mata ko. Bawat pagbigkas ko sa salitang 'besg friend', nadudurog ang puso ko. "I was stupid for falling in love with my best friend."
Lumapit sa akin si Mar, nangungusap ang mga mata. "You're not stupid but I am, Jan. I'm stupid for letting you feel the pain. I'm stupid for letting you go. Kaibigan mo ako pero wala akong magawa dahil ako mismo, naguguluhan." Lumapit pa siya sa akin hanggang sa halos wala na kaming pagitang dalawa.
Yumuko ako. Naramdaman ko ang paghawak niya sa baba ko at tinaas iyon ng bahagya. "Hindi ka lang best friend sa akin, Jan sobrang napakahalaga mo sa akin at hindi ko kaya kung mawawala ka sa buhay ko. I don't care if you're a gay, all I know is I can't lose you," masuyong sabi ni Mar. Pinahid niya ang luha sa pisngi ko. "Please, stop crying," pag-aalo niya.
"Hindi ako mawawala, Mar aayusin ko lang ang sarili ko," tugon ko. "Dahil hanggat mahal kita, hindi ko kayang ibigay 'yong pakikipagkaibigang gusto natin."
"Why we give it a try, Jan? Subukan natin."
Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa sinabi niya. Ano try out challenge? Hinawi ko ang kamay niya na nakahawak sa mukha ko. "Subukan?" ngumisi ako. "Ganoon lang ba kadali sa 'yo ang sabihing subukan natin? Ano 'to, try out kapag 'di nag-work pwedeng magback-out? Mar, mahal kita but I'm not desperate para sumugal sa isang larong hindi ko sigurado kong mananalo ako. Dahil una pa lang alam ko nang malabong maging posible ang lahat. Isa pa, 'di ba may girlfriend ka?"
Napabuntong-hininga si Mar at saglit na napapikit. "Pero 'yon lang ang kaya kong gawin sa ngayon, Jan. Alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang mawala ka dahil mahalaga ka sa akin. Kapag...kapag sinubukan natin, baka mag-work. Baka 'yong labis na pananabik ko sa 'yo, 'yong halaga mo sa buhay ko, pagmamahal pala. I don't know, Jan pero that's the only thing I can do." Halo-halong emosyon na ang mababakas sa mukha niya at hindi ko na rin alam kung ano ang mga iyon. "N-nakipaghiwalay na ako sa kaniya, Jan."
"Huwag mo na lang subukan kung hindi ka sigurado, Mar. Hindi ako tester na pwede mong gamitin para malaman kung magwo-work o hindi. Bakla ako at alam mo kung gaano ako kauhaw sa tunay na pagmamahal dahil ni minsan hindi ko 'yon maramdaman sa kahit kanino. Ayaw kong isugal ang pagmamahal ko sa isang test dahil hindi 'yon sigurado. Wala 'yong kasiguraduhan na baka 'yong hypothesis ko, disapprove," puno ng damdamin kong sabi.
"Kung ayaw mong subukan, please just stay," nangungusap ang mga mata niyang sabi. Lumapit na naman siya sa akin gamit ang mapupungay na mga mata. "Naguguluhan ako, Jan at kung mag-i-stay ka sa akin, baka malinawan ako," aniya. Kinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya. Nagtama ang mga mata namin na nagdala ng walang hanggang kaba sa akin. "Alam kong may mas malalim akong nararamdaman pero hindi ko alam." Hindi niya inaalis ang mga titig sa aking mga mata. "The first time I kissed you, hindi ko 'yon makalimutan. Nagdulot 'yon ng kakaibang pakiramdam na gusto ko."
Napalunok ako ng laway dahil sa mas malapit na niyang mukha sa akin. Nanghihina na naman ako. Kumakabog ng malakas ang dibdib ko. "Let me kiss you, Jan," masuyong aniya.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako tumanggi. Marahil alam kong ang halik na iyon, ay hindi naman talaga pangmatagalan at minsan ko lang mararanasan. Napapikit na lang ako nang lumapit ang mukha ni Mar sa akin. Ilang segundo lang ay naramdaman ko na ang paglapat ng malambot niyang labi sa labi ko. Kusang bumagsak ang luha sa mga mata ko dahil sa kabila ng ligayang hatid niyon, kaakibat niyon ang sakit.
Masuyo ang bawat paggalaw ng labi ni Mar. Gumanti ako sa bawat halik niya. Gusto kong sulitin iyon dahil alam kong hindi ko na uli iyon mararamdaman.
Humiwalay ang labi niya sa akin, yumuko ako. Hindi ko na kayang tumingin pa kay Mar dahil nasasaktan ako dahil alam kong hindi talaga kami ang itinadhana.
Pinahid ko ang luha sa mga mata ko at walang sabing tumalikod at iniwan doon si Mar.

Komentar Buku (79)

  • avatar
    c******8@yahoo.com

    A lovely piece of work.. Love is for everybody whether you're black or white, straight or gay.. Thank you for sharing your novel to us... More power to you

    21/12/2021

      0
  • avatar
    kovine

    I imagine that you poured your soul into the writing of this piece and I found your story both moving and fascinating.

    18/12/2021

      0
  • avatar
    LazarteMarvin

    gti

    10/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru