logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 05

Kabanata 05. His deep blue eyes
Luna's Point of View
Si Sally na mismo ang nag-drive sa kotse na sinasakyan namin ngayon. Kahit na mainit ang panahon ay minabuti ko na lamang sundin ang utos ni Sally sa 'kin. Para lang din naman 'to sa kapakanan ko.
Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang mamangha sa pagbabago ng mundo. Kung bibilangin ko ay nasa 100 na taon na ang lumipas simula noong mamatay ako.
Hindi ko man alam kung paano at kung bakit basta't ang alam ko ay muli akong nabuhay sa katawan na 'to.  Siguro'y namatay na rin ang totoong Luna the moment na nasa hospital siya and then my soul transmigrated here in her body.
Don't worry Luna. Your body is in good hands. Pagbabayarin ko ang mga nanakit at umapi sa 'yo kapalit ng pagbibigay mo ng bagong buhay sa 'kin.
“We're here,” said Sally.
Kaagad na akong bumaba sa kotse at hindi ko na hinintay pang pagbuksan niya ako ng pinto. Malawak ang lugar na pagbibilhan namin ng mga gamit. Marami ring tao sa paligid na siyang ikinasabik ko.
Gusto kong maglibot sa buong lugar na 'to. Gusto kong malaman ang pagbabago ng mundo sa loob ng dalawang daang taong nakalipas. Gusto kong malaman kung paano nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao.
“Sumunod lang po kayo sa likod ko Miss Abi para po hindi kayo maligaw. Tsaka heto,” may binigay siyang cellphone sa 'kin.
“Kung sakali man na magkahiwalay tayo ay tawagan niyo po ako gamit ang cellphone na 'yan. Kung may gusto naman po kayong bilhin ay sabihin niyo lang po sa 'kin.” Paliwanag niya pa.
Hindi na lang ako sumagot kasi malinaw na sa'kin ang lahat ng sinabi niya. She's always ready in any situation. She calculated everything so well.
Maglilibot lang naman ako saglit tapos ay babalik ako dito. Hindi naman siguro 'yun masama 'di ba? Tsaka may cellphone naman e.
Magiging pasaway muna ako ngayon Sally. Pagpasensyahan mo na. Gusto ko lang malaman ang mundong ginagalawan ko ngayon. Dahil nakasunod lang ako kay Sally ay hindi niya napansin na lumihis na ako ng liko. Nandito na ako ngayon sa street.
Maraming tao at mga bata na naghahabulan. Ipinasok ko muna ang cellphone sa bulsa ko at ng makapaglibot ako ng maayos. Masaya akong naglilibot. May iilan akong nakikita na gumagamit ng kapangyarihan. Kadalasan na nakikita ko ay mga pulis.
May mga bata na naghahabulan at naglalaro sa paligid, nagtatawanan. Meron din namang nag-aaway gamit ang mga kapangyarihan nila. Lubha akong namangha sa aking nasaksihan. Ganitong mundo na pala ang ginagalawan ko ngayon. Napa-isip tuloy ako kung may mga Yakuza at Mafia pa ba sa panahon ngayon.
Buhay pa kaya ang organisasyon namin ngayon?
Marami akong gustong malaman ngunit bantay sarado pa ako ngayon ng bago kong pamilya kung kaya't iisa-isahin ko muna ito kapag hindi na ako bantay sarado pa.
Sa paglalakad ko ay bigla akong nakabunggo ng tao. Natumba pa ako nang dahil doon. Nakita ko sa may unahan na may nagkukumpulang tao.
Na-curious ako kung kaya't nilapitan ko ang mga nagkukumpulang tao habang may nakasalubong naman akong nagtatakbuhan na animoy takot na takot sa kanilang nasaksihan. Pinagpagan ko ang sarili ko habang naglalakad papunta doon. Nang makalapit ay gano'n na lamang ang pagkakabigla ko nang may kung anong lubid ang pumulupot sa paanan ko at hinila ako nito papa-itaas.
Nakabitay na nga ako ngayon ng patiwarik. Natanggal ang hoodie sa ulo ko na siyang dahilan ng pagka-expose ng buhok ko na nakalugay pa.Narinig ko ang sigawan ng ibang tao sa paligid at ang halakhak ng kung sino mang nilalang na nanggagaling sa likuran ko.
Siya siguro ang may gawa nito sa 'kin. Kapag nalaman 'to ni Sally ay tiyak na hindi na niya ako isasama sa susunod na lalabas siya.
“Put the lady down!”
Nakita ko ang marami-raming pulis sa paligid. Naabitay kasi ako ng patiwarik kaya hindi ko masiyadong maayos ang paningin ko sa kanila. Hindi naman ako natatakot o kung ano man. Ang sa'kin lang ay ang makawala ako rito at nang hindi ako mahuli ni Sally.
“Put your powers down. If any of you will fire then this lady, and this little kid will die!”
Narinig ko ang munting pag-iyak ng bata sa kabila na nakagapos din at binitay ng patiwarik gamit ang kapangyarihan ng lalake na 'to.
Walang awa! Ginawa pa talagang hostage ang bata.
“Miss, Are you okay? Wag po kayong matakot. Ililigtas po namin kayo.” Ani nong isang pulis sa 'kin.
Napa-irap ako ng dahil sa sinabi niya. Mukhang mas takot pa siya kesa sa 'kin na hinostage e.
“Sabihin niyo po 'yan sa bata, wag sa 'kin.” Mataray kong sigaw pabalik sa kaniya.
At mukhang naagaw ko ang atensyon ng homostage sa amin dahil nagtama ang paningin naming dalawa.
“Aba't nagawa mo pang magtaray ah!” Tumawa siya.
Pilit ko naman siyang nginitian.
“Anong magagawa mo. E sa hindi ka nakakatakot e.” Panunuya ko sa kanya.
“Pakawalan mo ang bata. Wala ka bang magawa sa buhay mo at mahihinang nilalang ang pinupuntirya mo? Kaya hindi ako natatakot sa'yo e kasi mahihinang nilalang lang ang kaya mong e hostage.” panunuya ko pa.
“Miss! Tigilan niyo na po ang panunuya sa kaniya kung gusto niyo pa pong mabuhay!” Ani nong isa pang pulis.
Eh kung gumawa kaya sila ng paraan noh para makawala kami dito.
Again, I rolled my eyes.
“Someone give me a knife please, anything will… anything will do.”
Mas lumakas ang iyak nong batang babae sa kabila ng mas ini-angat pa ng lalakeng to ang pagkakabitay sa 'ming dalawa. Kaya nahirapan akong tapusin kanina ang sinasabi ko.
Sa hindi inaasahan ay may naghagis nga ng kutsilyo sa 'kin. At galing iyon sa isang batang sibilyan na mukhang sabik na sabik pa sa nangyayaring eksena. Nasalo ko ang kutsilyo. Ngunit nahagis ko pa ito sa lalaking homostage sa 'min bago ako nabigla sa hangin na mabilis dumaan sa 'kin.
Mabilis ang pangyayari. Nahanap ko na lang ang sarili ko na sinalo ng isang hindi ko kilalang lalaki. Sa hindi inaasahan ay nagkatitigan kami. He has a deep blue eye at naka mask din siya katulad ko kung kaya't hindi ko kita ng buo ang mukha niya.
Marahan niya akong binaba. Sinalo niya pala ako mula sa pagkakahulog ko. Medyo mataas kasi ang pagkakabitay ko kanina. And then when I stood up ay isang malamig na tingin ang natanggap ko mula sa kaniya.
“Such a drama. No need to thank me. Napadaan lang ako and it happened na nahulog ka sa nilalakaran ko.” His voice was cold as ice.
I can't sense any emotion in him.
Naka sumbrero din siya kung kaya't hindi ko talaga siya namukhaan. Just his deep blue ocean eyes.
Naglakad na siya paalis na parang walang nangyari. And me? I was speechless.
Huli ko nang mapagtanto na nakatarak na ang kutsilyo sa dibdib ng lalaki at 'yung batang babae naman ay ligtas na naibalik sa kanyang mga magulang. I immediately wear my hoodie in the head at nagmadaling umalis sa lugar. Ayokong ma-interview. Besides, I kill that bastard today.
As I've said, I'm a daughter of the mafia from my past life and whatever's getting on my nerves will be killed. I am that kind of person that only my own family knows. Not even the ones who considered me as their friend. Wala rin naman akong naging kaibigan sa past life ko.
All of them are fake. Just tryin' to be close with me kasi mayaman ang pamilya ko. Nang makaalis ako sa lugar na iyon ay tsaka ko lang napagtanto na maling direksyon ang napuntahan ko.
Dapat pala sa kabila ako dumaan para makabalik ako kay Sally. Sa 'di inaasahang pagkakataon ay may batang kumalabit sa 'kin. Nagulat ako ng bahagya ng makilala kung sino ito.Ito 'yung batang lalake na humagis sa 'kin ng kutsilyo. Sa tantiya ko ay magkasing-edad lang siguro sila ni Ara.
Isang malapad na ngiti ang natanggap ko mula sa kaniya. Matangkad siya, pero mas matangkad pa rin naman ako sa kanya.
May iniabot siyang bagay sa 'kin.
“Cellphone niyo po Miss, nahulog kanina.”
Kinuha ko kaagad ang Cellphone sa kamay niya. Hindi ako nagsalita sapagkat ayoko na mabosesan niya ako.
Baka isumbong niya pa ako at maging criminal pa. Nag-bow na lang ako sa kanya. Tumalikod na ako at aalis na sana ng mahawakan niya ang kamay ko.
“Hindi po ba kayo magpapasalamat sa 'kin?” Mapaglarong ngumiti ang bata sa 'kin.
Aba't sinusubukan talaga ako. Alam kong hindi lang siya basta bata. Nakikita ko na may kakayahan siya. Kakaiba ang aura na nakapalibot sa kaniya at hindi rin siya basta-basta na natatakot.
Nakikita ko iyon sa mga mata niya.
I have no choice but to answer him. When I'm about to open my mouth ay siya namang pagsulpot ng isang lalaki at mabilis na hinila ang batang lalake.
“Kanina pa kita hinahanap.”
That voice? It was the guy na sumalo sa 'kin kanina. Magkakilala sila?
“Ano ba! I'm entertaining someone. Napaka kill joy mo talaga kuya!” Asik nong bata habang kumakawala sa kanya.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Mabilis akong umalis at siniguro kong hindi na makakasunod pa ang bata na iyon sa 'kin. Nang makalayo ay huminto muna ako sa may eskenita. Sigurado akong hinahanap na ako ngayon ni Sally.
I open the phone and dialed her number. Nang sumagot ang kabilang linya ay nagulat na lang ako nang nasa likod ko na ang boses niya.
“There you are! Akala ko tinakasan mo na naman ako.”
Nanlaki ang mata ko sa biglaan niyang pagsulpot. Ano bang kapangyarihan niya?
Ibinulsa niya ang telepono niya at saka mabilisan akong ininspeksyon.
“I'm okay.” Nahihiya kong sambit sa kaniya.
She glared at me.
“Kapag nawala ka pa uli ng walang pahintulot sa 'kin ay isusumbong na kita sa inyong ama, Miss Abi.” Pagbabanta niya sa 'kin.
“Saglit lang naman akong naglibot e. Alam mo naman nawalan ako ng memorya. Nagbabakasakali lang naman ako na baka may ala-ala akong makakalap sa paglilibot ko.” Pagpapaliwanag ko sa kanya.
“Kahit na! Alam mo bang maraming nagkalat na masasama ngayon dahil sa may angkin silang kapangyarihan? Ginagamit nila ito para gumawa ng masasamang bagay. Buti nga hindi kayo nakasalubong ng ganong eksena kasi kung nakasalubong kayo, tiyak na hindi ko na kayo isasamang muli.” Mahaba niyang litanya.
“But as you can see, hindi ako naka-encounter ng ganon kaya wag ka ng mag-alala pa.” Malambing kong wika sa kaniya.
Bumuntong hininga naman siya.
“Let's go. Please, hold your breath for about a second.” May halong galit ang tono niya ngunit hindi ko naman siya masisi.
Naging pasaway ako e.
Sinunod ko naman ang sinabi niya. At nabigla na naman ako sa sunod niyang ginawa. Namangha rin ako ng matauhan ako.
Bigla na lang kaming nagteleport sa kung saan nakaparada ang kotse na sinakyan namin kanina.
“Woah! What was that Sally?” Sabik kong tanong sa kanya.
“That was my ability. Teleportation using Air att.” Simple niyang paliwanag sa 'kin.
“So that was magic. Ang galing mo!” Papuri ko sa kanya.
“Hindi mo ako madadaan sa ganiyan Miss Abi. You should know your lesson today. Remember that if I caught you again sneaking out well I will tell your father about your memory loss.” Seryoso niyang saad sa 'kin.
“I know, I know. Sorry, I won't do it again.”
Napa-irap pa ako.
Paano ba naman kasi, hindi na ako bata pa. I'm already 20 years old tapos para pa akong teenager na bantay sarado ng isang butler.
Tahimik na lang akong sumakay sa kotse. Hindi na ako umapila pa sa mga pangangaral sa 'kin ni Sally kasi wala rin naman akong magagawa pa 'don. Inisip ko na lang ang lalakeng nakasalamuha ko kanina. He caught my attention, pati na rin ang batang lalake na 'yun.
“Miss Abi! Nakikinig po ba kayo sa 'kin?”
Napabalik ako sa realidad nong makita ko ang galit na mukha ni Sally. Hindi ko namalayan naa nakarating na pala kami sa mansion.
“Pasensya na,” nagmadali akong bumaba sa kotse.
Narinig ko naman uli ang pagbuntong hininga niya. Bago niya pinaandar ang kotse para iparada sa garahe. Nakailang buntong hininga na ba siya? Nag-sorry na kaya ako sa kanya. Okay na 'yun. Hindi ko na naman 'yun uulitin e.
I felt bad toying with her, that's it.
Hindi ko na siya hinintay at nauna na akong pumasok sa loob para makapag bihis na ako. Naiinitan na kasi ako sa suot ko e. Paakyat na sana ako ng hagdan kasi naisipan ko na mag hagdan na lang para subukan ang katawan na 'to kung mahina ba talaga o hindi.
Pero sa paghakbang ko ay bigla na lang akong tumilapon na animo'y may kung anong pwersa ang nagpatilapon sa 'kin. Bumangga ang likod ko sa pader atska bumagsak ako sa sahig na namimilipit sa sakit.
“Magiging okay na si Jin kapag nawala ka na!” Isang babae ang umatake sa 'kin.
Sa loob ng pamamahay namin.
Napataas ang kilay ko at mabilis na tumayo. Masakit man ang likod ko ay ininda ko ito. Isang malaking bato naman ang muli niyang itinira sa 'kin na mabilis kong nailagan. Lumapit siya sa 'kin na sa bilis ng pangyayari ay ginawa ko ang mga natutunan ko bilang isang mafia.
My reflexes are still good but not as fast as what I was in the past.
"Damned you!” Galit niyang turan.
Wala akong sinayang na oras, kinuha ko ang nakita kong hair stick na nasa buhok niya. Sapat na 'yun para maging sandata ko. Sinuntok ko siya ng isang beses. Umikot ako papunta sa likod niya habang iniilagan ang mga atake niya sa 'kin na mga bato.
Without any hesitation ay isasaksak ko na sana sa leeg niya ang hair stick na nakuha ko sa kanya ng isang boses ang nagpatigil sa paglalaban naming dalawa.
“LUNA DON'T!”
Umalingawngaw ang malakas na boses ni Butler Suzanne. Dinig na dinig ko ang malalim na paghinga ng babaeng tinutukan ko ngayon ng matulis na bagay sa kanyang leeg.
Umagos pa doon ang kaunting dugo kasi diniinan ko iyon ng kaunti para hindi talaga siya mag-isip na gamitin pa ang kapangyarihan niya laban sa 'kin.
Maski ako ay hinihingal din. Napaka hina ng resistensya ng katawan ni Luna. Saglit lang ang paglalaban namin ngunit parang kinapos na ako ng hininga.
“Miss Abi!” Boses naman iyon ni Sally.
Kakapasok lang niya sa pinto at nabitawan pa niya ang mga pinambili namin kanina.
“Who's this crazy b*tch!” Hingal kong tanong sa kanila.
“One wrong move girl and I'm gonna kill you.” Pagbabanta ko sa kanya.
“She's the daughter of your Father's business partner. Please don't kill her Lady Luna.” Sabi nong Sue ang pangalan.
“Ms. Tazia! You said you have a business with Mr. Quinn yet what are you doing here? You're making a big mess and a very big mistake, Ms. Tazia!” Galit na wika ni Suzanne.
“Miss Abi! Let her go.” Ani Sally sa 'kin.
“She wanted to kill me, Sally.” Galit ko rin na sambit.
“Jin is stressed because of you! Palagi na lang siyang tumatanggi sa 'kin.” Galit na turan ng babae sa 'kin.
“Miss Abi, please let go of her. Siya ang mapapangasawa ng kuya mo.” Ani Sally.
Mabilis kong nabitawan ang hair stick na nakatutok sa leeg ng babae. Napaatras din ako papalayo sa kaniya.
“Kuya? What do you mean? Hindi ba siya babae ni Blaze?” Nagtataka naman niyang tanong.
So she wanted to kill me kasi akala niya babae ako ni Kuya.
Baliw ba siya?
Lahat kami ay napalingon sa pintuan ng bumukas iyon. Inuluwa doon si ama kasama si kuya Blaze at si Arabella.
“What is happening in my house?” Umalingawngaw ang boses ni ama sa apat na sulok ng bahay.
I felt chill all over my body nang marinig ko ang ma-otoridad niyang boses. I made many messes today and I'm ready for the consequences.

Komentar Buku (130)

  • avatar
    Jehan Adel

    wow ito ay pinakamaganda na laro sa buong mundo nakakuha ka ditong libreng diamond kahit anong diamond hhrhjfgd. h hx he DC n TV h TV uc HH in f TV n v I'm g TV na uh TV y DC DC off he TV b my bxj v. c he ut🥳🥳🇵🇰🥳🇵🇰🇵🇰🇵🇰🤣🤣🤣🤣🤣🇵🇰🇵🇰🌞🌞🌞🇵🇰🇵🇰🌞🇵🇰🌞🇵🇰🌞🤣🌞🤣🌞🇵🇰🤣🇵🇭🇵🇰🇵🇰🇵🇰🇵🇰🇵🇭🇵🇰😘🌞🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀 DC na b HH HH v. I uh uhjuiiuuuihhghjgjilmnbbbbbghgJ xxx you have to be careful about the same time ko lang nagdig to get a a little m🥳🌞

    09/06

      0
  • avatar
    Bella Baingan

    ang ganda pero kulang yong istoryaaa😭😭 sana may part 2 pero anak na nila yon at may mga bagong kalaban😭😭 pero maganda yong story🤩 sulit basahin!

    03/05

      0
  • avatar
    Amos Alamay

    100

    03/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru