logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 23

"Sa wakas break na din natin," masayang sambit ni Yanna ng makalabas kami sa school. Ito kasi ang huli namin trabaho sa school dahil Christmas break na, sa January 4 na naman ang balik namin. Sayang lang dahil hindi kami makauwi sa aming probinsya. Napag-isipan din kasi namin na ipadala na lang 'yong bonus namin sa aming pamilya at sa susunod na taon na lang kami uuwi. Mahal din kasi ang pamasahe ngayon lalo't malapit na ang pasko.
"Halika na, medyo madilim na. Madami na nakapila sa sakayan ng jeep ngayon," hinila ko si Yanna upang mapabilis ang lakad namin. Hindi naman ako nagkamali dahil sobrang haba na ng pila. Matagal din bago kami nakasakay, tapos nakipagsiksikan din kami sa jeep.
Pagdating namin sa apartment ay agad naman kami nagluto para sa aming dinner. Dumating na din si Kystal pero halatang pagod kaya pinatulog na lang namin at gigisingin lang kapag handa na ng pagkain.
"Bukas mamimili tayo ng handa para sa pasko," ani ni Yanna habang nilalagay ang kanin sa pinggan.
"Agree ako d'yan, dahil sure ako sa susunod na araw ay madami ang tao na bibili. Mahirap na 'yon," sabi ko dito bago ako umakyat sa taas para gisingin si Kystal upang kumain na. "Kys, kain na tayo," sabay tapik nito. Agad naman ito nagising, halatang pagod na pagod ito sa trabaho. Kahit ako mapapagod kapag iyan ang trabaho ko. Mahirap kaya laging walang tulog sa gabi dahil night shift.
Bumaba na kami ni Kystal, saka agad naman kami kumain. Napag-usapan pa namin kung ano ba gagawin namin sa darating na pasko. Gusto sana namin pumunta sa beach resort pero hindi na sapat 'yong budget namin, malaki din kasi napadala namin sa aming pamilya.
Pagkatapos namin kumain ay nagtulungan kami na iligpit ang aming kinainan saka ako umakyat sa taas upang magbasa ng novel hanggang sa makatulog ako.
Kinabukasan, pumunta kami sa mall para mag-grocery ng mga kailangan namin sa darating na pasko, dalawang araw na lang kasi at sasalubungin na namin ang pasko. Medyo natagalan kami sa paglabas sa groceries store dahil mataas din ang pila, marami na rin kasi ang bumibili.
Kumain kami sa paborito naming kainan ang Jollibee. Nag-order lang kami ng burger at coke float saka fries. Nang matapos kami kumain ay nag-ikot ikot muna kami sa mall, ng mapagod na kami ay nagpasya na kami umuwi. Pagdating sa apartment ay agad kami nagpahinga.
Nakatulog lang ako ng ilang oras, paggising ko may natanggap ako na message. Hindi ako familiar sa number, tumawag din ito pero hindi ko nasagot dahil nakatulog ako. Sinubukan ko basahin ang message. Nagtaka ako kung sino ito, tinatanong lang niya sa message na busy ba ako. Nag-reply ako at tinatanong kung sino ito. Pero nagulat ako ng tumawag ito. Nagdadalawang isip pa ako na sasagutin ko ba ito hanggang sa mapatay na ang tawag.
Nilagay ko na lang sa ibabaw drawer ko, hinayaan ko na lang baka ito 'yong uso na tumatawag at i-scam ka pagkatapos. Pero napatingin ako ulit ng tumunog ito kaya kinuha ko na lang at sinagot.
"Hello," mahinang sagot ko dito.
"Busy ka ba?" agad na sabi sa kabilang linya. Medyo familiar siya sa boses.
"Sino ito?" Tanong nito, pero napakunot siya ng marinig na tumatawa ang sa kabilang linya. "Sino ba kasi ito? Ano ang kailangan mo? Saan mo nakuha number ko? Scammer ka ba?" sunod-sunod na tanong ko dito.
"Hey! relax, ako lang to. Si Laurent," sabi sa kabilang linya. Nagulat naman ako sa aking narinig, marami agad tanong na pumasok sa aking isipan. Bakit siya tumawag, saan niya nakuha ang aking number. "Hey, nandiyan ka pa ba?"sabi nito kaya bigla akong bumalik sa aking sarili.
"H-Ha, ahh oo nandito pa ako," nauutal na sabi ko. Napasabunot tuloy ako sa aking sarili kung bakit bigla na lang ako na utal.
"Labas tayo," yaya nito sa kanya. "Papunta na ako diyan," dagdag nito at agad na pinatay ang tawag. Kaya bigla na lang ako nataranta ng maintindahan ang kanyang sinabi. Nagmamadali ako nagbihis at nag-ayos. Binaba kasi niya agad hindi tuloy ako nakatanggi.
Napalingon ako ng tumunog ang cellphone ko, agad ko sinagot ng makita na tumawag ito. Nagmamadali ko kinuha ang aking sling bag ng sabihin nito na nasa labas na siya ng apartment. Pagbaba ko ay hindi ko na nakita sina Yanna at Kystal, siguro ay natutulog na iyon. Hinihingal ako ng lumabas sa apartment, nakita ko agad si Laurent na nakasandal sa kanyang BMW na sasakyan. Siya na ang mayaman, may iba't-ibang kotse.
"Ano ba trip mo?" Nakasimangot ko na sabi, bigla na lang kasing tumawag na pumunta rito. Kinabahan naman ako na makita siya ng mga kaibigan ko baka ano pa kasi ang isipin nila.
"Gala tayo," sa niya at pinagbuksan ako ng sasakyan. Napatingin naman ako dito at nagtatanong kung saan pero ngumiti lang ito. Pwede na siyang mag-model aa toothpaste dahil maganda at maputi ang ngipin niya. Pumasok na ako sa kanyang sasakyan, nakita ko siya na umikot papunta sa driver seat.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta, hindi naman kasi niya sinagot kung saan kami papunta. Dahil sa layo ng biyahe namin ay nakatug ako, nagising lang ako ng gisingin niya ako. Agad ako napatingin sa paligid, hindi ako familiar sa lugar na ito. Bumaba ako sa sasakyan at sumunod sa kanya.
"Ang hilig mo talaga sa dagat no," sabi ko kay Laurent, sa may tabing dagat na naman kasi niya ako dinala pero hindi doon sa una naming pinuntahan.
"It helps me to relax," maikling sagot niya. Stress ba siya kaya pumunta siya dito at naghahanap ng kasama. Binilisan ko ang aking lakad para sumabay ako sa paglakad sa kanya.
Nang makakita kami ng bench ay umupo kami, nakita ko siyang nakatingin sa langit. Kaya natitigan ko siya, malungkot ang kanyang mga mata para bang may malalim siyang iniisip.
"Baka matunaw ako sa titig mo," humarap ito sa akin at ngumiti pero iba ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Bumalik ito sa pagtingin sa langit.
"Kapal mo naman, hindi ako nakatitig sayo," pagtatangol ko sa aking sarili at mahina itong tumawa. "May problema ba?" napalingon ito ulit sa akin dahil sa sinabi ko.
"Wala," sagot nito.
"Sige na sabihin mo sa akin, para naman gumaan 'yang pakiramdam mo." Pero hindi na ito sumagot kaya hinayaan ko na lang. Siguro ayaw niya may nakakaalam. Nilalaro na lang ng aking paa ang buhangin.
"Kanina kasi," pagsisimula nito kaya agad ako napalingon sa kanya at hinihintay na ipagpatuloy niya ang kanyang sinabi. "Hindi ko akalain na mamatay 'yong pasyente namin. Successful naman ang operasyon niya pero hindi din nakayanan ng katawan niya. Naawa lang ako sa mga anak na maiiwan niya," malungkot na sabi nito.
"Huwag mo sisihin ang sarili mo, alam mo wala kang kasalanan. Siguro tumutulong ka na pagalingin sila pero hindi mo hawak ang oras nila kung kailan sila kukunin ni God. Siya kasi ang may alam at hiram lang natin ang ating buhay." Narinig ko na naoabuntong hininga ito. Siguro nalungkot lang talaga ito sa nangyari. Tumayo ako at hinubad ang suot kung sandal saka siya hinila para tumayo. Kaya napatingin siya sa akin. "Halika, huwag ka ng magmukmok diyan," nagpahila naman ito. Pinahubad ko muna sa kanya ang kanyang suot na sapatos saka ko siya hinila sa may dagat.
Pagtapak namin sa dagat ay nabasa ang aming suot, hinayaan namin na hampasin ang aming paa sa maliliit na alon. "Alam mo, ngumiti ka na tatanda ka agad niya ," biro ko nito. "Kalimutan mo na 'yon nangyari kanina. Ito tandaan mo, ginawa mo ang lahat ng iyong makakaya kaya wala kang kasalanan," nakangiti kung sabi. Tumingin ito sa akin at ginulo ang buhok ko, kaya pinalo ang kanyang kamay. Pero tumawa lang ito.
Naglakad ako sa may tubig at para akong bata na nilalaro ito. Bahala na kung mabasa itong jeans na suot ko, minsan lang naman ako makakapunta rito. Kaya i-enjoy ko ito. Napalingon ako ng marinig na tumatawa si Laurent kaya tinalsikan ko ito ng tubig. Napasigaw ako ng gumanti ito kaya nabasa na tuloy ako. Para tuloy kaming bata na naglalaro.
Tumigil lang kami ng mapagod na kami, napayakap ako sa aking sarili dahil sa malamig na hangin. Nilalamig ako lalo't medyo basa na ang shirt ko. Nakita ko na napatingin si Laurent sa akin.
"Halika na," yaya niya sa akin at nilahad ang kanyang kamay. Napatingin ako rito bago ko abutin. Kinuha ko ang aking sandal bago kami bumalik sa kanyang sasakyan na magkahawak ang kamay.
Pagdating nami sa sasakyan niya ay agad niya binuksan ang likod ng sasakyan at may kinuha siya." Magbihis ka muna, baka magkasakit ka" sabi nito sabay abot ng t-shirt. Tinanggap ko naman ito, dahil malayo pa biyahe namin at nilalamig na ako.
"Paano ka?" Dahil nabasa rin kasi ito, baka magkasakit din siya.
"May isa pa akong shirt," sagot nito.
Pumasok na ako sa sasakyan niya para magpalit, nang matapos na ako ay lumabas na ako. Nakita ko na nakapagpalit na rin ito.
"Uwi na tayo," sabi nito kaya pumasok na kami sa sasakyan at pinaandar na ito para umuwi. Huminto muna kami sa coffee shop na dati namin pinuntahan. Hindi na niya ako pinalabas dahil mag-take out lang daw siya. Ilang minuto ko rin siya hinintay bago ko nakita na lumabas ito na may dala ng paper bag. Agad ito pumasok sa sasakyan at inabot sa akin ang kape. Ininom muna namin ito bago kami bumiyahe papunta sa apartment ko.
"Thank you for tonight. I really enjoy it," nakangiting sabi nito bago ako lumabas sa kanyang sasakyan

Komentar Buku (174)

  • avatar
    Susana Aboloc

    feeling ko may gusto SI hanz sayo

    1d

      0
  • avatar
    JosePatrick

    thanks

    4d

      0
  • avatar
    Korei Santos

    happy

    12d

      1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru