logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

KABANATA 2

“Define Accountancy. You, Ms. Phoebe,” asked Professor Carole, our class adviser during senior high school years.
Tumayo ako ng tuwid para sagutin ang kanyang katanungan. Nang masagot ko iyon ng tama ay tumango siya.
“Excellent. You may sit down,” she said.
“I received a notice from Paps. May practice mamaya,” bulong ni Winter nang makaupo ako muli.
Paps is the nickname of Papinah, one of our senior leaders.
“Noted,” tipid kong sagot pabalik nang hindi inaalis ang atensyon sa aking harapan.
Tuwing nasa kalagitnaan ng klase, hindi ko hilig ang makipag daldalan. I always pay attention to the discussion in front para walang makaligtaang detalye. For me, it is a must.
Sa kabila ng pagiging mananayaw ko, hindi ko pinapabayaan ang aking pag-aaral. Sa katunayan, ako ang kasalukuyang nangunguna sa aming klase. Laging ako ang pinipiling lider sa groupings, at choreographer sa tuwing may class performance laban sa ibang section. Nitong nakaraan, nakatanggap ako ng alok na maging parte ng student council pero tumanggi ako. Dagdag lang kasi sa stress ‘yon.
Hindi naman ako robot, tao lang akong napapagod din. Minsan kailangan din ng pahinga at oras para sa sarili.
“Summer, look at these fans of yours. They even created a group where your stolen shots are posted there,” she giggled.
Sandali kong sinilip si Winter upang alamin ang ginagawa niya. Nakapatong ng patayo ang libro niya sa ibabaw ng lamesa para siguro hindi mapansin ng professor ang patago niyang pagsi-cellphone.
“MS. WINTER GREY!”
“Ah!” Nagulat siya sa pagsigaw ng professor sa buong pangalan niya. Tumilapon sa ibang direksyon ang phone niya at tumama ‘yon sa kaklase naming natutulog sa likod.
“Yes, ma’am?” she asked, shouting.
Nagtawanan ang mga kaklase ko. Nagsalubong ang kilay ng aming guro; namumula ang mukha nito sa galit. “Ms. Grey ... get out! NOW!”
Napangiwi si Winter. “Yes, I’m sorry.” Nilingon niya muna ang lokasyon ng pinagbagsakan ng phone niya; saktong doon banda nakaupo ang kagrupo naming bakla. Pasimple siyang sumenyas dito na itago muna ang phone niya dahil baka ikumpiska pa ni ma’am. Naintindihan naman agad ni Molly ang mensaheng pinaparating nito, tinanguan niya si Winter bilang pagsang-ayon.
“I’ll wait for you outside,” she whispered while fixing her things on the table.
“Okay,” I replied.
Nang makalabas siya ng silid, umiling-iling si ma’am bago humugot ng malalim na buntonghininga. “Let’s return to our topic. Financial Marketing is…” pagpapatuloy nito sa kanyang pagtuturo.
Halos mahigit isang oras din bago natapos ang klase. Umalingawngaw sa paligid ang lakas ng tunog ng bell bilang senyales ng aming uwian.
“Class dismissed,” declared by our professor.
Pinasok ko sa loob ng bag ko ang aking mga kagamitan pagkatapos ay sinukbit ko iyon sa aking balikat. Binitbit ko na rin ang naiwang bag ni Winter. Pag-angat ko ng tingin, natanaw ko si Molly na naghihintay malapit sa pintuan. Noong lapitan ko siya, inabot niya sa akin ang phone ni Winter.
“Thanks,” tipid kong pasalamat.
“Is it true? Balak mo raw lumipat ng grupo?”
Sandali akong natigilan sa tanong niya. Alam na pala niya.
“Yes, it is.”
“Edi last contest mo na palang kasama kami, sa darating na school branch dance competition.”
I simply nodded my head as response.
Nang makalabas ng classroom, sinalubong kami sa daan ni Winter. Inabot ko sa kanya ang mga gamit niya, tinanggap naman niya iyon at nagpasalamat sa amin.
“Sigurado ka na talaga? Hindi na magbabago isip mo?” pangungulit niya sa akin.
“Tungkol saan pinag-uusapan n’yo?” singit ni Winter.
“Si Summer, magki-quit na raw sa grupo natin.”
“Ah, oo alam ko na ‘yan.”
“Bakit? Ano’ng rason?” Bakas ang panghihinayang sa boses niya.
I heave a sigh. “It is time for me to explore the outside world. While I’m at it, palalawakin ko na rin ang knowledge ko sa pagsasayaw.”
“Molly, itigil mo na ang pagda-drama. We both know her well. Kapag nagdesisyon na siya, walang makapagbabago pa ro’n,” alo ni Winter dito.
“Anyways, do you already have a group in mind?” he asked, sighing.
“None.”
“EH? Seriously?”
“Madali na lang ‘yan. Sasalihan ko ‘yong hindi masyadong malayo ang praktisan.”
Napailing siya. “If want mo … ‘yong pinsan ko gumawa ng sarili niyang grupo. Iilan pa lang member niya, baka trip mo dumagdag.”
Sandali ko siyang nilingon bago muling binalik ang atensyon sa daan. “Ano ang genres niya?”
He winked. “He’s exceptional at Urban and Popping.”
“Hmm, I see.”
Nahinto kaming tatlo sa gilid ng kalsada. Nang matanaw ko ang bus na sasakyan namin pauwi, kinaway ko ang aking kamay para pahintuin iyon.
“See you later, Molly. Ingat ka sa pag-uwi,” I said.
“Okay, kayo rin.”
Pinauna kong makaakyat si Winter saka ako sumunod. Magkatabi kaming naupo sa pang dalawahang upuan. Sumilip siya sa bintana para tanawin si Molly at kumaway rito.
“Ano’ng komento ni Paps tungkol sa balak mo?” she asked without looking in my direction.
“She is also a dancer like us, naiintindihan niya raw ang goal ko.”
“That’s good to hear ... pero sana bago ka umalis, may huling sayaw kang ihahanda para sa ‘min,” mangiyak-ngiyak nitong suhestiyon.
Sumimangot ako sa ekspresyon niya. “Magkapitbahay lang tayo, huwag mo akong dramahan diyan.”
She at once wiped her cheeks as if there was a tear. “Grabe ka talaga! Iko-comfort mo lang naman ako.”
“Hindi mo ako maaasahan sa gan’yan.”
Napanguso siya saka humalukipkip sa tabi. “Nga naman.”
I felt my phone vibrating. Dinukot ko iyon sa bulsa ng pantalon ko para tingnan ang natanggap kong text message, mula kay Molly: 'Kumare, na-send ko na sa messenger ‘yong screenshot ng account ni Bryant. Stalk mo na lang.'
I didn’t bother to reply. Binuksan ko ‘yong data ng phone ko para maka-access sa Messenger; lumitaw ang chathead ni Molly. Pinindot ko ‘yon para makita ang tinutukoy niyang screenshot.
“Oh my g? Kilala ko ‘yan!” singit ni Winter habang nakasilip sa phone ko. Masyado siyang malapit kaya maingat ko namang tinulak palayo ang ulo niya.
“You do?”
“Bryant Lawson, he is well-known in the dance community. Sumali siya sa International Dance Championship last year in solo division … nag-first place siya sa finals.” Paliwanag niya habang abot tenga ang ngiti.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. “Detalyadong detalyado ah?”
“How could I not? I am one of his fans.”
Hindi ko na siya inulan pa ng tanong. Binalik kong muli ang atensyon sa screen. I opened my social media account to search his name. Hindi ako nahirapan sa paghahanap dahil may mga mutual friend naman kami. I then clicked his profile and sent him a friend request.

Komentar Buku (81)

  • avatar
    Jhunaimah Palo

    fjfd

    9h

      0
  • avatar
    Melvin Dela Cruz

    super cute story

    6d

      0
  • avatar
    CayasLeonardo

    nice

    16d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru