logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 12

Isang linggo na ang naka lipas simula ng naging pag aaway ni charles at kuya sam, isang linggo na din ako sa condo unit ko. Ayoko munang makita si charles. Pagod na pagod na ako sa pagbabangayan namin.
Isang linggo na din syang hindi pumapasok. Hindi ko alam kung nasaan sya, kung nasa bahay ba sya at nagpapakalunod na naman sa alak.
Pero ano bang paki ko?
"Hindi kapa ba uuwi? May sakit daw si charles"
Natigilan ako sa pagkain ko dahil sa sinabi ni khloee. May sakit?
"Pinuntahan ni cahlis si charles kahapon dahil nga hindi sya pumapasok. He's sick"
I sigh. Kahit naman puntahan ko sya ngayon magagalit lang sya saakin. Ipagtatabuyan nya lang ako at sasaktan
"What do you want me to do? Alam mo naman si charles" naka yukong sagot ko. Hanggat maaari ayoko na munang makita oh kahit maka usap man lang si charles. Im so tired, sawang sawa na akong makarinig ng masasakit na salita galing sakanya.
Khloee tap my shoulder "Just do your duty as his wife. Asawa mo pa rin si charles, kendra" she whispher. Yes I know that.
Asawa sa papel.
Dahil sa pangongonsensya ni khloee, wala na akong ibang nagawa kundi ang puntahan si charles. Bago ako tumuloy sa bahay, bumili muna ako ng maka kain at gamot para sakanya dahil panigurado puro alak lang ang inatupag nya.
At tama ako, dahil pagpasok ko sa bahay nagkalat ang mga bote ng alak sa sahig maging ang mga cup noodles.
Ibinaba ko ang aking mga bitbit at umakyat sa taas para tignan kung nandoon si charles.
Pagbukas ko ng pinto ng kanyang kwarto bumungad saakin si charles na walang malay na naka higa sa sahig.
"Charles! Shit!" Gulat na sambit ko dahil sobrang init nya.
Tinapik tapik ko ang mukha nya para magising sya ngunit hindi ito gumagalaw.
"Charles charles!" Paulit ulit kong binabanggit ang kanyang pangalan ngunit hindi ito nagigising.
I turn off the aircon at binuhat sya sakanyang higaan. Hirap na hirap ako dahil sobrang bigat ni charles. Binalot ko sya ng kumot para kahit papaano ay pag pawisan sya.
Kumuha ako ng bimpo at tubig para ilagay sakanyang noo.
Pinagmasdan ko ang mukha ni charles habang natutulog. Sobrang payapa ng itsura nya. ngayon ko lang din napansin na may mahahaba itong pilik mata at pulang labi.
"Sobrang gwapo mo sana" mahinang bulong ko dahil baka magising ito at bugahan na naman ako ng apoy.
Napagpasyahan ko na lamang magluto ng lugaw na kakainin nya pag gising nya. Nilinis ko na din lahat ng kalat na iniwan nya.
"Bakit ba ang kalat kalat mo?"
Pagkatapos kong magluto umakyat ulit ako para tignan kung bumaba na ba ang lagnat ni charles.
Kinapa ko ang noo nya at medyo humupa na ang lagnat nya though mainit pa rin sya.
Hindi ko alam kung anong nagtulak saakin hinawakan ko ang kanyang pisngi.
"Charles, im so sorry"
I was about to stand up biglang hinatak ni charles ang kamay ko kaya sumubsob ako sakanyang dibdib.
"Dont leave me" he whispher.
My heart start to pound so fast. Sunod sunod ang ginawa kong paglunok.
Why am I even feeling this?
Have you gone mad kendra?
Shit shit shit. Kendra! Snap out of it bitch, stand up na.
"Hmm charles" tawag ko sakanya ngunit wala akong nakuhang sagot. Narinig ko na lamang ang mumunting hilik nito.
Nagdidiliryo ba sya?
Dahan dahan kong inalis ang kamay nyang naka palupot saaking bewang.
Napaupo ako sa gilid ng kama nya dahil sobrang higpit ng pagkakahawak nito saaking kamay. Gusto kong hatakin pabalik ang kamay ko pero hindi ko kaya
Bakit parang gustong gusto ko pa na nakahawak sya saaking kamay?
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa tabi nya.
"Kendra!" Nagising ako dahil sa malakas na pag sigaw ni charles sa tabi ng aking tenga.
"Shit!" Pabalik na sigaw ko dahil sa gulat.
"What are you doing here bitch?" Taas kilay nitong tanong.
Kahit may sakit kana hindi mo pa rin talaga mapigilan ang pagsalitaan ako ng masama.
Napa ayos ako ng tayo. "May sakit ka daw sabi ni cahlis kaya pumunta ako. Pinagluto kita sa baba at binilhan din ng gamot. Kung gusto mo kumain bumaba ka nalang. Aalis na din naman ako. Hinihintay lang kitang magising" tuloy tuloy na sambit ko.
Ngunit wala akong nakuhang sagot galing sakanya. Nakatitig lamang ito saakin.
"Aalis na ako"
Pagtalikod ko bigla nya akong binato ng unan "Charles!" Inis na sigaw ko.
"Sa tingin mo ba makaka kain akong mag isa?" At talagang sya pa ang may ganang pag taasan ako ng kilay.
"Go downstair. I ready mo ang pagkain ko" utos nito na para bang isa akong alipin.
Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito.
"Masusunod kamahalan" labas sa ilong na sambit ko.
Nilamig na ang lugaw na iniluto ko para sakanya kaya ininit ko muna iyon.
"Faster!" Rinig kong sigaw nya mula sa itaas.
"Ay ang kapal talaga." Napa iling na lamang ako at binilisan ang ginagawa ko.
Pag akyat ko sa taas tulog na naman ito. Ibinaba ko sa side table ang pagkain na dala ko
"Akala ko bang kakain ka?"
Bigla nyang ibinukas ang mata nya kaya napa sigaw ako sa gulat.
"Can you please stop shouting?" Pagsusungit nya.
"Pwedi ba kahit ngayon lang maging mabait ka naman charles? May sakit ka na nga"
He rolled his eyes "Subuan moko"
"What?" Natatawang tanong ko dahil baka mali lang ako ng pagkakadinig.
"Are you deaf? I said 'subuan moko'" pag uulit pa nito. Di maka paniwalang tumingin ako sakanya.
Nagdidiliryo ba sya?
"Oo na! Pero inumin mo muna tong gamot mo" napag aralan kasi namin na kailangan pala na empty stomach bago uminom ng gamot para sa lagnat. Alam din naman ni charles iyon dahil parehas lang kami ng pinag aaralan.
Naiilang talaga ako sa ginagawa ko ngayon.
"Heto na" iniabot ko sakanya ang gamot pero tinitigan nya lang iyon
"Ano ba?" Bulyaw ko sakanya
"Ipasubo mo" tamad na sagot nito at binuksan ang kanyang bibig.
My ghad! Hindi talaga ako maka paniwala sa inaasta nya ngayon
"Hm. Charles" di ako maka tingin sakanya dahil feeling ko pulang pula ang mukha ko.
"Ilapit mo" dahil siguro may sakit si charles sobrang husky ng boses nya.
"Oh!" Itinapat ko iyon sa bibig nya
"Bakit ka galit?" Naiinis na sambit nito.
Sana lagi ka nalang ganyan charles. Laging may sakit para kahit papaano ay mabawasan yang pag ka maldito mo.
"Big mouth" natatawa talaga ako sakanya ngayon dahil para syang batang umasta. Bigla na lang naglaho lahat ng inis na nararamdaman ko para sakanya.
Sinubuan ko talaga sya hanggang maubos ang lugaw nya.
"Give me some water again" magrereklamo sana ako ngunit mabilis nya akong sinamaan ng tingin.
Bago ako lumabas sa kanyang kwarto tinawag nya muli ako.
"Go home now. Wag kana aalis" kahit mahina lang ang pag kakasabi nito narinig ko pa din.
At dahil doon bumilis ang tibok ang aking puso.
Lord, kahit isang linggo pang may sakit si charles okay lang po.

Komentar Buku (62)

  • avatar
    Bhebie Arcipe

    ❤️❤️❤️

    31/07

      0
  • avatar
    Heazelljoy Gades

    thank you

    11/07

      0
  • avatar
    Jojo Anoche Tabuctilde

    very nice reading

    10/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru