logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 17 Home

"Cy," Nilingon ko si Jomar at hinawakan niya ang dalawang braso ko at ipinunta ako sa gilid na bahagi ng daan. Iniiwas sa mga nakakasalubong na sasakyan.
As if we both have a choice, kami na ngang dalawa ang naatasang humingi ng pirma ni Lourd Vidalio. May sakit si Alicia at hindi pwede si Mariel, Oscar at pati narin si Leo.
Ayos lang naman sa'kin dahil naawa ako kay Alicia, alam ko ang sakripisyo niya sa proyekto naming ito kaya maliit na bagay na lamang ito na maitutulong namin.
"Cy, sa Prom ba mayroon ng nagyaya sayo?"
"Prom?"
Tumango siya.
Wala na nga iyon sa isip ko, bakit ko nga ba nakalimutan na mayroon kami nun?
Wala naman kasi akong balak na sumama pa roon. Voluntary lang rin naman ang pagsali roon kaya't hindi narin ako nag isip na sumama. Wala akong isusuot at wala rin naman akong mga kaibigan na makakasama roon.
"Wala akong balak sumali Jomar." Hinawakan ko ang palda na suot ko para hindi hanginin, gayong kasalukuyan kaming naglalakad sa sentro papunta sa gusaling sadya namin.
"Bakit naman Cy? Huling taon na natin ito, sayang naman kung hindi ka pupunta."
I hummed at his statement. Tanaw ko nanaman ang matayog na gusali na pinuntahan namin noong isang linggo.
Tama rin naman si Jomar, ngunit mas maiisip ko sana iyon kung mayroon akong kaibigan ruon ngunit wala naman.
"Hindi ko pa alam Jomar, wala rin naman kasi akong isusuot at wala akong kaibigan doon."
"Andun naman kami!"
Nginitian ko na lamang ang kaniyang sinabi, pakiramdam ko ay may gusto pa siyang sabihin sakin pero hindi niya nalang ito itinuloy. Hindi ko na lamang siya inintindi.
Naisip ko naman si Oli. May balak kaya siyang dumalo roon?
"May sadya po kami kay Lourd Vidalio."
Sabi ko sa pamilyar na guwardya sa building na ito.
"Si Sir Lourd ba? Wala yata siya ngayon dito ineng." Sabi ng isang guwardya at kinausap ang isa pang guwardyang nasa maliit na silong.
"Nako Cy, paano yan? Kailangan na natin yan ngayon."
Lumingon ako kay Jomar na may bakas ng inis at pag alala.
Inantay kong matapos makipag usap ang guwardya roon sa isa pa, may mga kinakausap sila sa walkie talkie na hawak nila.
"Wala raw sa loob si Sir Lourd." Pagkumpirma niya sa amin.
"Pwede po bang antayin na lang namin siya rito?"
"O sige kayo ang bahala."
At wala na nga kaming nagawa ni Jomar kundi ang mag antay sa isang sulok. Pareho kaming naka tayo rito banda sa naglalakihang pangalan ng hotel.
May mga iilang mga taong pumapasok na napapatingin sa amin. Siguro ay nagtataka sila kung bakit may mga estudyanteng nandirito.
Napaka rami na naming napag usapan ni Jomar at minsan ay wala na akong maisagot sa kaniya dahil napaka rami niyang tanong. Patungkol sa mga Solidad at personal na buhay na ayoko rin namang pag usapan.
Isang buntong hininga na lang ang naibigay ko sa huli niyang itinanong sa akin.
"Naiinip ka na ba Cy?" Napabaling agad ako sa kaniya at umiling par malaman niya ang sagot ko.
Nakaupo na kaming parehas sa gutter dahil isang oras narin ang lumipas.
"Ako kasi hindi ako naiinip kasi kasama naman kita."
Hilaw ang ngiti na naibigay ko sa kaniya, ayoko namang isipin niya na naiinip akong kasama siya. At the same time I don't know how to react on what he said.
Hindi naman sa naiinip ako na kasama siya at hindi rin naman sa hindi ako naiinip. Unti-unti na rin akong nilalamon ng pagkabagot at isipan na mainis sa taong sadya namin rito.
But there's no one I could blame.
Those kind of people, sila ang mga taong handang paghintayin ang mga taong tingin nila ay sunod-sunuran lang sa kanila. Sanay silang, sila ang hinihintay, sanay silang tinitingala at sanay silang mang balewala dahil ano naman para sa kanila iyon?
I wonder, kung ang mga taong katulad nila ay naranasan ng maghintay ng ganito. Maghintay kahit na hindi rin naman nila ginugusto.
Maghintay, dahil nakasalalay roon ang mga inaasam nila.
Napabalikwas agad kami ni Jomar sa pagkakaupo ng makita namin ang mga unti-unting pag patak ng ulan.
Agad naming tinakbo ang main door ng hotel kung saan hindi kami mahahagip ng ulan.
Nagtaka naman kami ni Jomar dahil pagpunta namin roon ay maraming mga tao na tila ba nag aabang rin katulad namin. May malalaking camera ang ilan sa kanila at ang iba ay maingay na nag uusap.
Tumabi na lamang kami sa sulok ng pinto at tiningnan ang lagaslas ng ulan. Halos mag dadalawang oras na at wala parin ang taong sadya namin. Mamaya-maya lang ay bababa na ang araw at magsisimula nang dumilim.
Baka hindi ko nanaman maabutan si Levi.
Para bang mabilis pa sa kidlat na dininig ang panalangin ko.
A vehicle stopped right in front of the main pathway of the hotel. Isang malaking van iyon at lumabas ang isang guard na nakita namin noon, at sumunod naman ang isang babae. Nagbukas ng malaking itim na payong ang guwardya ngunit hindi para sa kaniya iyon.
Iyon siya, ang kanina pang hinihintay namin. Magulo ang buhok nito at nakasuot ng casual na damit. Namumungay ang mga mata at parang wala sa sariling lumabas sa kaniyang sasakyan.
Nabuhayan ako ng loob ng makita siya ngunit nagitla kami ni jomar ng mag alpasan ang mga tao papunta sa kaniya at sunod-sunod ang nilkhang ingay.
"Mr. Lourd, ano pong masasabi niyo sa kumakalat na issue niyo ngayon?"
"Nakita raw po kayong nag wawala sa isang bar, what's your statement about that?"
"Mr. Lourd Vidalio, people are now making assumptions about the issue. Pwede po bang bigyan mo ito ng kaliwanagan?"
Nanlaki ang mga mata namin ni Jomar ng pagkaguluhan siya ng mga tao, ang mga guwardya ay kaniya-kaniya ang sangga sa mga reporters na pinipilit siyang pasagutin sa kanilang mga katanungan.
Naipit kami ni Jomar sa dulo ng main door dahil sa pagkakagulo nila. Hindi ko parin inaalis ang tingin ko sa kaniya na yukong tinatahak ang daan na binigay sa kaniya ng mga guwardya na hindi ko alam kung saan nanggaling.
Nagkakagulo silang lahat habang kami ni Jomar a naiipit rito sa isang sulok halos pumasok na kami sa loob ng hotel dahil dama ko na ang lamig ng loob. Nawala ang tingin ko sa kaniya ng bigla akong mabuwal dahil sa naapakan ako ng isang babaeng nasa harapan ko. Para akong itinulak at napadapa sa entrada ng hotel.
Ramdam ko ang sakit ng tuhod ko sa pagkakabuwal at ininda ko ito.
"Aww."
Tinignan ko ang tuhod ko na walang sugat ngunit ramdam ko ang kirot nito.
"Cy! Cy!"
Malabo ang mata ko ngunit nakikita ko si Jomar na kumakaway sa labas dahil hindi siya makapasok sa dami ng tao.
"Jomar,"
Pinilit kong tumayo para makalabas ngunit bago pa ko pa man magawa iyon ay may humila na sa braso ko at ng lingunin ko iyon ay kahit gusto kong magmahal ay halos mapamura ako.
"Bitiwan mo ko!"
Tila parang bingi niyang hindi pinakinggan ang malakas na boses ko at hinatak lang ako papunta sa loob.
Nilingon ko ang pintuan at nakikita kong hinaharang na ng guwardya ang pinto.
"Jomar!"
Tuluyan ng naging malabo sa paningin ko si Jomar na desperadong kumakaway sa akin, kaya't inis kong tinignan ang lalaking ito.
"Bitiwan mo sabi ako!"
Hindi niya ako pinansin at dere-deretso paring ang lakad. Lahat ng tao na makakasalubong namin ay pinagtitinginan kami lalo pa't kilala itong kasama ko. Halata naman dahil kanina lang ay naglilikha siya ng gulo.
Amoy na amoy ko ang alak sa kaniya, kaya mas naging desperado pa akong nagpupumiglas sa kaniya.
Naalala ko ang gabi sa bayan na nangyari sa akin. Pikit mata kong iniling ang ulo ko para iwaglit ito sa aking isipan. There's no time for that Ava.
"Please, nasasaktan ako."
Lumiko kami sa isang pasilyo at mas lalong nataranta ng pumasok kami sa isang elevator. Naiwan ang mga gwardya sa labas at ang pumasok lamang ay siya, ako at ang dalawang taong lagi niyang kasama.
"Saan mo 'ko dadalhin?" Inatras ko ang mga paa ko at nahagip ko ang dulo ng elevator na ito.
Walang kahit sino ang umimik sa kanila o nagtangka man lang na tumingin sa akin. Nakita ko ang pagtikhim ni Lourd at inikot ng isang beses ang leeg at tinalikuran ako.
Lahat sila ay nag aantay na makarating sa palapag na pinindot nila. Naluluha akong sumiksik sa isang tabi at nag isip ng ilang libong dahilan kung bakit niya ako dinala rito.
Amoy na amoy sa buong elevator ang alak at sigurado akong sa kaniya galing iyon.
Tumunog ang kung ano at bumukas ang elevator, hindi ako lumabas rito ngunit ng lingunin niya ang isang guwardya sa tabi niya ay hinawakan nito ang braso ko.
"Please, gusto ko nang umuwi."
Ilang milyong beses ko ng naisip na ibasura ang proyekto namin sa isipan ko. Ang taong ito ay hindi karapadapat na kahangaan at tingalain ng lahat. Kung hindi pa sapat na dahilan ito ay hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat.
Tumigil kami sa pinakadulong pinto ng pasilyo at doon ay binitiwan ako ng lalaking humahawak sa akin. Pumasok siya roon at imwinestra ng lalaki ang loob para sundan ko siya. Napaka lamig ng tingin sa akin ng lalaki kaya't ilang beses akong lumunok at pumasok sa pintuan.
The door banged as well as my heartbeat. Nanginginig ang mga tuhod ko at ang para akong sasabog sa pinaghalong kaba at inis.
"Ava Cyreese Suarez huh?"
Naluluha ang tingin ko sa lalaking bigla na lamang humalakhak na parang wala sa sarili.
Hindi ko na magawa pang ilibot ang tingin ko sa buong kwarto dahil ang buong atensyon ko ay nasa kaniya lamang. Napaka tahimik at dilim ng paligid.
Ang mga palad niya ay nasa kaniyang mukha at marahang sinasabunutan ang kaniyang sarili. Tila liyong-liyo ito sa alak habang ako nag iisip ng paraan kung paano makakalabas dito. As if that's even a choice dahil ang mga tauhan niya ay nasa labas rin naman.
"Please, gusto ko nang umuwi."
Luck was never on my side, pero heto ako ngayon at sinusubukan ang mundo.
Nilingon niya ako at ang mga mata niya ay huminto sa akin. Namumula ang mga ito at kita ko ang namuong luha rito. I gasped.
Those eyes, I'm sure I've seen it before.
"Then let's go home."
Ang malalim niya na boses ay mahina at pagod na pagod. Kunot ang noo ko siyang tinitigan sa nilantaya niya. Ilang segundo ang nakakabinging katahamikan at ang pagtingin ng mga mata namin sa isa't isa.
Mabilis ang mga pangyayari at ang pagtili ko na lamang ang naging malinaw.
Dinampot niya ang isang vase roon at binato sa kung saan dahilan para magkapira-piraso ito.
My knees felt weak until it reach the ground. Dinala ko ang dalawang kamay ko sa tenga ko, takot na takot sa mga nangyayari. Pinigilan ko ang mga hikbi ko at mariin ang pikit ng aking mga mata. Naalala ko nanaman ang inay at ita, ang kulog at ang kidlat.
Isang mahabang katahimikan nanaman ang bumalot sa kwarto. I'm silently praying that when I open my eyes it'll be just a dream and I'm back to normal but no.
Pagbukas ko ng mata ko ay nakita ko ang mga kamay niyang duguan at hindi ko alam kung paano iyon nangyari.
"A-ang kamay mo..."
Hindi niya ako sinagot at tinitigan niya parin ako, hindi ko mabasa ang mga mata niya but I sense the longing and sadness in it.
Dahan dahan kong tinawid and distansya naming dalawa at hinawakan ang mga kamay niya.
"Kailangan mong magamot, dumudugo ang kamay mo."
Hindi ko kayang makitang dumadaloy ang dugo roon kaya't tumayo akong muli para tawagin ang mga tao sa labas.
But that's not what he wanted. Hinawakan niya ang pulso ko at wala akong nagawa roon.
"Tama ka, hindi nga siguro talaga ako minahal ng pamilya ko Ava."
I was so shocked to see his tears flowing up to the tips of his nose. May kung anong sakit ang kumurot sa puso ko dahil sa nakita sa kaniya. He look so miserable.
"But at least your family raised you well." Tumango siya ng ilang beses at binitiwan ang kamay ko na nabahiran ng kaniyang dugo.
Gulong gulo ako at hindi alam kung anong sasabihin sa kaniya.
If he has some issue with his life then why would he drag me with him?
Why am I here when I have nothing to do with that?
Tumayo siya ng tuwid at hindi parin nawawala ang tingin ko sa mga kamay niya. Hinawakan niya ang dalawang braso ko at dinampi ang mga labi niya sa aking noo.
With that I wasn't able to function.
I heard the door clicked at binitiwan niya ang braso ko at naiwan akong tulala sa ginawa niya.
"Ihatid niyo sya sa mga Solidad."
Bigong-bigo ang hitsura niya ng talikuran ako.
Tulala parin ako hanggang sa makababa ako ng kotse. Ngayon ko nga lang naisip kung paano ako nakasakay roon.
Ngayon ko nga lang rin naalala si Jomar, dahil hindi na siya nakita ng mga mata ko.
My mind is crowded with a full blown confusion and fear. Ang sakit sa puso ko ay naroon parin. Ang makita siyang ganun ka miserable ay hindi maalis sa isipan ko.
Wala sa sarili akong pumasok sa entrada ng mga Solidad, nahagip pa ng paningin ko si Nanay Celia at ilang mga kasambahay ngunit imbes na pansinin sila ay mas pinili kong dumeretso sa kwarto.
Nilingon ko ang litrato ng inay at itay. Hindi maiwaksi sa isipan ko ang mga sinabi niya sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba sa mga sinabi ko kung bakit siya nagkakaganun, hindi ko rin naman alam ang buhay niya kaya't kamalian ko paring sabihin na kawawa siya dahil mukhang hindi siya minahal ng kaniyang pamilya.
I felt sorry. Alam ko na ngayon.
I came into this kind of conclusion, that luck maybe was never on the side of anyone. There are things that you have but did not ask for but others would lay their cards just for it. Worse, if they don't have a card to lay after all.
Ilang oras ang tinagal ko sa kwarto at wala naman akong ginawa kundi ang tanawin ang dagat mula sa kwarto ko hanggang magdilim. I made my mind busy contemplating about the things in life. The reality and whatnot.
Kung hindi ko pa maalala ang pag uwi ni Levi ay hindi pa ata ako lalabas sa kwarto at maalalang maghapunan.
Nilingon ko ang pintuan ng office ngunit sarado iyon. Naroon ba siya o wala pa?
Wala naman akong naabutan sa dining table kaya nag isip na ako kung naka uwi na ba siya o hindi pa.
"Nay Celia ako na po."
She tsked my gesture. Ilang beses niya na itong narinig sakin kaya siguro nauubos na ang pasensya niya. Walang imik nalang akong umupo roon para makapag simulang kumain.
Tinititigan niya lamang ako habang kumakain kaya't nang mapansin ko siya ay alanganin akong ngumiti sa kaniya. There's something different the way she looks at me. Tumikhim ako para sana mapansin niya na naiilang ako sa mga titig niya ngunit parang wala lang siyang napansin.
Mauubos ko na ang pag kain ko ng magsalita siya.
"Kamusta ka naman na hija? Makakapag tapos na ba?" She smiled.
"Opo, ilang linggo nalang po at graduation ko na."
"Mabuti naman kung ganun." She look so soft hearted and proud. I felt her support through her eyes and smile. It felt like a mothers love.
"Dalawang taon narin ng maparito ka hija, kaya't nakakatuwang malaman na magtatapos ka na ngayon."
Sino nga ba ang mag aakalang dito ako dadalhin ng panahon?
I stopped my self from bringing my mind into the past, so much had happen on this day at ayoko ng madagdagan pa ito ng kahit ano.
Pumasok nanaman sa isipan ko si Levi, kung makakausap ko siya ngayon ay baka sakaling gumaan ang pakiramdam ko.
"Uhm, Nay Celia-"
"Si Ser Lebi? Maaga iyon umuwi."
Nagulat ako na hindi pa ako nagsasalita ay alam na niya agad ang sasabihin ko.
"U-uhm ganun p-po ba?"
Agad kong tinapos ang pagkain ko kahit na iniiisip ko kung nagpahinga na ba si Levi sa kwarto niyo o nagkukulong nanaman siya sa opisina.
Nilibot ko ang buong mansion at hindi ko siya nakita. Sinilip ko ang opisina ngunit kahit anino niya ay wala roon.
Ayoko namang buksan ang silid niya sa pangatlong palapag kaya kung hindi ko siya makikita ngayon sa pool area ay babalik na lamang ako sa aking kwarto.
My heart jumped with Joy when I saw him crouching on the stairs, his wide shoulders is the only thing I can see right now. Nandito lang pala siya.
Parang bata ko siyang nilapitan at dalawang metro ng huminto ako at lingunin niya ang presensya ko.
Nawala ang ngiti ko at nahinto ang tingin sa isang baso na hawak niya at isang bote sa tabi niya.
Pero hindi doon natapos iyon dahil nakita ko ang labi niyang may maliit na sugat.
Wala akong ibang nasabi at dahan dahang lumapit sa kaniya.
"W-what happened?"
He gave me a faint smile and sip into his drink. Inubos niya ang laman nito at inilapag ang baso sa tabi ng bote na iniinom niya.
"You shouldn't see me like this Ava." Iling niya.
His eyes looks tired and his lips turned red when he bit it. He patted the space beside him at sinunod ko ang gusto niyang gawin ko.
I can smell the mint and cool presence of him. Nakakahilo ito ngunit gugustuhin mo. Hindi ko maalis ang tingin ko sa sugat sa kaniyang labi, wala sa sarili kong hinawakan ito.
His eyes followed my hands until it reached my eyes.
"Gamutin natin iyan."
Ibinaba niya lang ang kamay ko at binasa ang kaniyang labi.
"I'm sorry."
My eyebrows met when I heard him.
"I'm sorry. I really am."
Ilang beses ba dapat akong makakita ng ganito? Kanina ay isang miserableng Vidalio ang nakita ko and here comes another one.
Hindi niya matignan ang mga mata ko habang hawak niya parin ang pulso ko't humihingi ng tawad.
"Kapatid mo si Lourd Vidalio hindi ba?"
Tumigas ang kaniyang expression at iniwas lalo ang tingin sa akin.
I'm not dumb. Ang Vidalio na iyon ay nasa Hotel na sinasabi ng Vidalio na nasa harap ko ngayon. Kaya't hindi malabong magkapatid sila.
Hindi ko alam kung anong naisip ko at dinala ko ang palad ko sa magulo niyang buhok, gently brushing it with my hands. Kagaya ng ginawa niya sa akin noong may sakit ako, baka sakaling gumaan rin ang pakiramdam niya.
"Kung may problema kayong pamilya ay magiging maayos rin ang lahat." I assured him giving my smile.
Inilipat niya ang tingin niya sa akin ng may pagtataka ngunit sinuklian ko lamang siya ng ngiti.
I have nothing to do with the both of you. But I feel like it's my responsibility.

Komentar Buku (15)

  • avatar
    TiongsonDavid

    Been looking for some books that interests me, and i found one. Thank you author. looking forward to your other works ☺️

    23/12/2021

      0
  • avatar
    vloggiemerenz

    nice

    2d

      0
  • avatar
    Esthephany Burabod

    maganda yung story po nila

    20d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru