logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 15 False Hopes

There will always be a time in your life when you desperately ask for something but you will never have a grasp of it. Because as cliche as it will be, some things are not meant for you no matter how much you want it. The only thing that matter is how you accept the reality.
There's this immense silence in his car. I really want to ask him a lot of things but my head is throbbing so bad. My muscles aches and my nose are kind of runny now.
It's Thursday, and I still have a day to survive our hell week. Then after all of this, I have to suffer for our finals and I'll be free.
"I'll bring you to the hospital."
"No."
Nakapikit at nauuntog ng marahan ang ulo ko sa backrest ng kotse niya dahil sa pag andar nito sa lubak na daan ng Mar De Vena.
"I must."
Lumunok ako at nadama ang sakit ng aking lalamunan but still, I opened my eyes to see him.
"Pahinga lang ang kailangan ko."
Ano nalang ang sasabihin ng mga Solidad kapag na ospital nanaman ako?
"Then I'll call the Doctor." Deretso ang tingin niya at madilim ang kaniyang mga mata.
Mabilis ang lingon ko sa kaniya, namumungay ang mga mata kong gustong magreklamo sa sinabi niya.
"Levi,"
I can't explain further dahil wala na akong lakas para roon. I'm silently wishing for him to understand what I want to say.
Nakita ko ang ilang beses na pagkurap niya at ilang segundo ay wala naman siyang sinabi.
Tanaw ko na ang daan patungo sa mansyon ng mga Solidad. Lihim akong nagpasalamat dahil sa wakas ay makakapag pahinga na ako. I thanked him when he opened the door beside me, ni hindi ko na nga napansin na nandoon na siya at kung kailan siya lumabas.
Ewan ko ba, I always have this feeling na madilim ang paligid ko sa tuwing nagkakasakit ako.
Inagaw niya sa akin ang sukbit-sukbit kong bag at hindi ko naman alam kung ano ang dapat kong i-asta sa kaniya. He was wearing a formal attire at may sukbit-sukbit siyang bag. Para siyang nagsundo ng kaniyang nakababatang kapatid. I chuckled.
"What so funny Ava?" He said holding the door open.
Nginitian ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad at nilagpasan siya. Nakita ko ang pagsilip sa entrada ni Nanay Celia at ang paglipat niya ng tingin kay Levi. I can only imagine Nanay Celia's thought about how cute he looks right now.
Sinalubong ako ni Nanay Celia at ng dumampi ang balat niya sa akin ay natigilan siya.
"Naku Cyreese! Mainit ka."
"Okay lang po ako 'nay Celia. Pahinga lang po ang kailangan ko." I assured her.
Nag aalala ang mata niya at lumipat ito sa taong nasa likuran ko. Kita ko ang pagbabago ng mga mata niya, ang kaninang pag-alala ay napalitan ng pagtataka ngunit pinipigilan ang sarili na magtanong pa.
"Siya, magpahinga ka na sa kwarto mo at hahatiran kita ng gamot."
Tumango ako at umalis siya at nagtungo sa kusina. Silence was deafening when she left. Tumalikod ako para makita siya.
I can't believe he's still here. His eyes were blank. I can't see anything from it.
"Salamat. Magpapahinga na ako." Inabot ko ang bag ko na hawak niya ngayon pero iniwas niya ito sa akin.
He didn't say anything. Instead, he guided me to the stairs and I realize, is he going to take me to my room?
Wala na akong lakas para pa makipag diskusyon sa kaniya. Kaya't hanggang makarating sa kwarto ay walang imik ang kahit sino sa amin.
Ramdam ko ang paglibot ng mata niya sa buong kwarto.
"You rest, I'll call the doctor to check on you." Inilapag niya ang bag ko sa upuan ng aking study table.
I opened my mouth to contradict him but no words have left in me. Is he still going to insist that?
"You got me worried sick for days Ava, at ngayon ito ang daratnan ko sa iyo?"
Napayuko ako sa sinabi niya at wala sa sariling pinaglaruan ang aking kamay.
"You got me worried too." I bit my lip for that words escape.
Is he mad because I'm sick? Then why he's still here? Hindi ba ako dapat ang magalit dahil umalis siya? No, both my conscience and I know that there's nothing I should be mad about.
Anong karapatan ko at bakit ako magagalit?
I think I'm going crazy. This virus is making me insane.
Now you're making this virus as an excuse, really Ava?
His sighed just now and it was heavy. Para bang hirap na hirap siya dahil sa sinabi ko. Ilang hakbang ang ginawa niya para makalapit sa akin. My heart is beating so fast when he lifted my chin making our eyes meet.
I look at his eyes, full affection. The moment I laid an eye on him, is the moment I realize how far we are at each other. The more I realize my imperfections and my flaws adore this man so much. The moment I know that I should not let my guard down because this one is too much to ask. Way, way more too much.
"I'm sorry." He whispered just enough for me to here.
"I'm sorry if I got you worried, I had to go abroad for some business deal that's why."
Hindi ako sigurado kung bakit niya iyon sinasabi sa akin. Is it okay for me to hear that? But somehow, I feel at ease.
Tumango ako sa kaniya dahil gustong gusto ko iyong marinig. I didn't ask for his explanation and he's casually doing it.
Parang kinikiliti ang puso ko sa mga titig niya sa akin. It was different, it feels like something have given up on him to make him look at me this way.
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya dahil pakiramdam ko ay hindi ko na ito kakayanin.
"So now, even if you insist," Inayos niya ang tayo niya at sinakop ng palad niya ang buong pisngi ko.
"I'll call a doctor to check on you, because my Ava is sick."
My heart beat went crazy, gusto nanaman nitong kumawala sa sobra-sobrang nararamdaman. I must have been gone crazy, aren't I? Napaka pungay ng mga mata niya at may maliit na ngiti ang sumisilay sa kaniyang mukha. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa aking mukha at tumango.
If I'm dreaming right now, I would not wake up. Not with him, not now. Kahit ngayon lang ay maramdaman kong pinagbibigyan ako ng tadhana.
I brushed his hands lightly while ceasing the moment. Tahip-tahip ang tibok ng puso kong pilit na dinadama lahat.
"I'll call Mr. Gonzales." Ilang beses niya pang hinaplos ang pisngi ko at nagpaalam siyang lumabas.
Sinundan ko ng tingin ang pagsarado ng pintuan.
Napahawak ako sa aking ulo at pilit iprinoseso ang lahat. My head is throbbing and I'm dizzy.
From what? Hindi na ata sakit ito kundi dahil sa kaniya.
I don't want to get false hopes. Ganun ba siya sa lahat ng makilala niya? Pero bakit siya nagpunta sa coffee shop? Alam niya bang naroon ako?
Napakapit ako sa upuan sa sobrang pagkabigo.
I took a warm bath to ease the tiredness of my body. Hindi ako nakakatulog sa gabi kung hindi ako maliligo kaya naniniwala akong mawawala narin itong lagnat ko pagkatapos. Pahinga lamang ang kailangan ko, nasisigurado ko iyon.
Suot-suot ang isang terno ng pantulog na binigay sa akin ni Ate Celest ay humiga ako sa aking kama. Hindi ko nagawang suklayin ang buhok ko dahil pakiramdam ko ay mabubuwal na ako sa pagkakatayo. Pakiramdam ko ay umiikot na ang buong mundo ko at nahihirapan narin akong huminga dahil sa nagbabara kong ilong.
Ibinalot ko ang sarili ko sa makapal na comforter at pinagsisihan ang desisyon kong pagligo. Tila lalo yatang sumama ang pakiramdam ko.
"Why would he bring her, here?"
"Mom, can we just shush about this? He asked for this favor."
"But we don't know what future lies ahead of this girl. Papaano kung madamay tayo sa gulo nila?"
Dinilat ko ang aking mata sa mga boses na narinig ko. I can feel a weight on me and I realized it's a large fluffy blanket.
Asan ako?
"Shush mom, she's awake."
Inilibot ko ang tingin ko at ng mataaas na kisame at magarang ilaw agad ang nakita ko. It was plain white at inakala ko pang nasa ospital ako.
I can't remember anything, bukod sa malakas na kidlat at kulog kagabi ay wala na akong maalala. I saw a middle aged woman in wine colored night gown and a young looking woman near me. I met her eyes at agad akong napabangon ng mapagtanto kong hindi ko alam kung nasaaan ako ngayon. Hindi ko alintana ang sakit ng aking ulo at bigat ng aking pakiramdam.
"S-sino po kayo?"
Unang nahagip ng tingin ko ang may edad na babae na naka ekis ang mga kamay at nakatingin sa akin. She look classy in her night gown.
"I'm Celestine Solidad, and she's my mom." Nalipat ang tingin ko sa babaeng nagsalita ngayon. Maamo ang kaniyang mga mata at napaka kinis ng kaniyang balat.
Solidad? Who are they?
Why am I here? Bakit ako napunta rito?
"Ang inay at itay?"
Agad kong nilibot ang tingin ko sa buong kwarto at hinanap ang litrato ni inay at itay. Inalis ko ang makapal na kumot na nakapatong sa akin at agad naman akong pinigilan ng babaeng nag pakilala sakin ngayon lang.
"Your things are in there. I suggest you rest, nilalagnat ka."
Tinignan ko ang itinuro niyang lamesa at nakita ko roon ang aking bag at ang litrato ni Inay. Wala sa sarili ko siyang tinignan at hindi parin napapawi ang ngiti sa labi niya.
Tumikhim ang sinabi niyang kaniyang ina kaya nalipat ang tingin ko roon.
"Kumain ka na muna. Pahahatiran kita ng pagkain rito para maka inom ka ng gamot."
Tumayo siya sa pagkakaupo sa aking kama at nagmamadaling hinila ang kaniyang ina palabas.
Where in the world am I?
"Ava,"
"Ava,"
I opened my eyes at ang mataas ng kisame at magarang ilaw ang nakita ko. It was like a Deja Vu, ito rin ang pakiramdam ko at una kong nakita ng malaman kong nandito ako sa mga Solidad.
Nilingon ko ang pinang gagalingan ng bulong na iyon and there, I saw him sitting on my side of the bed at bahagyang nakayuko sa akin. Sa palagay ko ay kanina pa niya ko ginigising. Is it morning already?
Pero bakit madilim pa ang buong kwarto?
"You need to eat, and drink your meds."
I saw his side at nakita ko ang isang tray ng pagkain duon at isang baso at pitsel ng tubig.
Why is he still here? Gusto ko siyang tanungin pero natatakot ako sa pwede niyang isagot sa akin. Isn't it better if I just let the water go flowing? At sa huli Ava ano?
Pinilit kong tumayo at ng gawin ko iyon ay napagtanto kong mas sumama pa ang aking pakiramdam.
Ramdam ko ang pananatsa niya sa aking galaw at parang pinipigilan magsalita ng kung ano.
Nakita ko ang isang mangkok sa tray na nakapatong sa upuan at bago ko pa ito abutin ay nagawa na niya ito.
"Ako na."
"Hmm-hmm." Iling niya at marahang hinahalo ang soup at mahinang hinipan ito.
I smiled looking at him. This is my first time looking at him at this view. Malayo sa seryoso niyang mukha sa opisina tuwing siya ay nagtatrabaho. Ngayon ay hindi ako makapaniwalang nandirito siya sa kwarto ko.
Sumandok siya ng isang kutsara roon at inilapit ito sa akin.
Sandaling sumagi sa isipan ko ang mga Solidad.
"Levi ako na, hindi ako paralisado." Agaw ko sa hawak niya ngunit inilayo niya parin ito.
"No. Please." He pleaded. I saw his expression darkened at kinabahan naman ako roon.
I felt awkward opening my mouth eating the soup in front of him at talagang parang bata niya pa akong sinusubuan.
"Mr. Gonzales said you should rest until you get better."
Hindi ko nakuha ang sinabi niya ng sandali, kaya natigilan ako. It must be the doctor he was talking about.
Nagpunta na rito ang doktor?
"You've stress yourself too much." Sabi niya at inilapit muli ang isang kutsara ng soup sa akin.
"Manang Celia said you always came home late. And why is that?" Tumaas ang kilay niya at mas nadepina nag kakapalan ng mga ito.
"Work." Sabi ko matapos lunukin ang sabaw na gumuguhit sa lalamunan kong pakiramdam ko ay namamaga.
He cocked his head waiting for me to elaborate what I just said.
Wala siyang narinig sa akin kaya ng ilapag niya muli sa tray ang bowl ay alam ko na ang kaniyang sasabihin.
"You are supposed to study. Not to work Ava." Madiin niyang sabi.
Umiling agad ako sa sinabi niya para ipagtanggol ang sarili.
"Nagsabay ang finals namin sa mataong coffee shop kaya siguro napagod ako. Pahinga lang ang kailangan ko."
"You over worked yourself. You're not coming back to your work." His lips are in flat line habang inaabot niya ang tubig sa akin.
May gusto pa akong sabihin sana sa kaniya ngunit tumunog ang pintuan ko at sumiwang roon si Nanay Celia. Dala-dala ang isang thermometer at gamot na nasa platito.
"Heto na ho Ser Lebi."
Kay Levi niya sinabi iyon ngunit ang tingin niya ay nasa akin. I bet she's curious about this man beside me. Hinabol ko ang hininga ko ng mapagtantong panigurado ay makakarating ito sa mga Solidad.
"Thank you." He simply said at walang sali-salitang umalis si Nanay Celia.
I wonder when will the Solidad come home? Ilang linggo na ang lumipas at hindi parin sila nakakabalik rito bukod kay ate Celest na umuwi rito nuong isang linggo. I don't even want to think about it right now. My mind was too pre occupied.
39 degree ang temperatura ko at duon ko lang napagtanto na masama talaga ang lagay ko pero hindi parin ako nag aalala. Dahil katulad ng mga sakit na naranasan ko dati ay kung ipapahinga ko lamang ito agad at matutulog ako ng maaga ay nasisiguro kong makakapasok pa ako bukas.
Hindi ko na alam kung anong oras ng mag paalam si Levi na lumabas sa kwarto at hindi ko naman na siya siniyasat pa, dahil sa sama ng pakiramdam ko ay bagsak at namamaluktot akong natulog sa kama.
Naalimpungatan ako at naramdaman ko ang pangangatal ng buo kong katawan. Tila ba kulang ang makapal na kumot na nakabalot sakin. Ramdam ko ang pag ikot ng paligid ko kahit na nakapikit naman ako. Narinig ko ang mahinang pagtunog ng aircon na para bang may nagpatay nito. I'm way-way to sick to even open my eyes.
Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa kanan ko.
"You're shivering."
I feel like I'm sweating so much yet I'm feeling too cold. What is happening to me?
Naramdaman ko na may mainit na kamay na humahaplos sa aking ulo at marahang ipinabalik-balik ito. Unti-unting napapanatag ang pakiramdm ko at nahila na ulit ako sa pagkatulog.
I woke up again but unlike the last time, mas magaan na ang pakiramdam ko. I'm sweating so much dahil sa nakadagan na comforter sa akin. I was about to remove it ng mapagtanto kong may nakahawak sa aking palad.
I was so nervous at the thought of another nightmare but when I saw the owner of that hand I feel at ease.
What is he doing here?
Suot niya parin ang plain shirt na suot niya kagabi habang nakayuko siya at nakaupo sa upuan ng study table ko. Both of his hands were soft enclosing my small hands with his.
Pinipigilan ko ang mga ngiti ko na sumilay sa akin sa pag iisip na binantayan niya ako rito buong gabi. His hair were a bit messy pero kaaya-aya parin itong tignan. Pinigilan ko na lamang ang sarili kong hawakan ang buhok niya dahil takot akong magising siya.
Nilingon ko ang bintana ko at wala paring sinag ng araw duon pero naririnig ko na ang halinghing ng mga ibon at iba pang hayop sa labas kaya nasisiguro kong madaling araw na.
I slowly removed the blanket above me with my left hand, iniiwasang makalikha ng dahilan para magising siya. Pero bago ko pa matapos alisin iyon ay naiangat na niya ang ulo niya. Gulat na gulat ako at naiwan sa ere ang ginagawa.
His eyes were blood shot at tila hindi pa ito nakakatulog ng matagal. I felt guilty looking at him.
Walang sabi-sabing dinala niya ang palad niya sa aking noo. Sinusundan ko ng tingin ang mukha niyang nakakunot ang noo at halatang walang tulog.
How can he look so expensive kahit na ganito ang hitsura niya ngayon?
Oh, I probably look like a mess right now. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko ng maisip ang nakakahiyang hitsura ko ngayon.
Wala paring salita ang lumalabas sa bibig niya nang tanggalin ng isang kamay niya ang pagkahawak sa kamay ko at kinuha niya ang telepono niyang nakalapag lamang sa tabi ng kamay naming dalawa.
My heart felt sad at that but...
"Yes Doc, I'm sorry to call you this early. She's way more okay than last night but she's still sick. Can I bring her to the hospital?" Kunot ang noo niya sa kausap habang hinihilamusan ng isang palad niya ang kaniyang mukha.
"Okay. Thank you."
"You still need to rest. I want to bring you the hospital but Mr. Gonzalez said there's no need for that."
Wala ako sa sariling tumango dahil natatakot ako sa kaniya ngayon, magkasalubong ang kilay niya at parang inis siya sa kinausap niya.
"Should I call another Doctor?" He whispered to himself.
"Levi, I'm okay."
Nalipat nanaman ang tingin niya sa akin at nakita kong kumalma ng kaunti ang kaninang matigas na ekspresyon niya.
"I'll go downstairs to get you some breakfast. You need to drink your meds."
Parang kagabi lang ay iyon ang ginawa niya at ngayon ay nauulit nanaman ito.
"K-kaya ko namang bumaba. Maayos na ang pakiramdam ko at kailangan ko pang pumasok dahil may kailangan akong ipasa." Inalis ko ng tuluyan ang kumot na nakapatong sa akin.
"No." Maagap ang pagkakasabi niya nito.
Inayos ko agad ang mahaba kong buhok at inilagay ang mga tikwas sa likod ng aking tenga.
"Pero kailangan kong ipasa iyon ngayon." Binaba ko ang aking mga paa sa kama habang tinitignan siya.
I can't give this up. Kung hindi ko mapapasa iyon ngayon ay masasayang ang pinaghirapan ko.
"I'll do it. Ava, you're risking your life just for that."
Tumayo siya at kinabahan ako sa inasta niya dahil sa marahas na pagtalikod niya sa akin.
Tinangala ko siya at sinundan ko ng tingin ang likod niya.
Hindi niya naman kasi maiintindihan iyon. Education, that's the most important thing to me. Iyon lang ang daan ko para sa lahat. Even the smallest thing matters at hindi niya iyon maiintindihan.
Napansin niya rin siguro ang pagtahimik ko at liningon niya akong muli.
His expression fell stiff ng lumingon siya sa akin. Iniwas niya ang tingin niya and I saw the bump on his throat move.
"Wag ka ng bumaba. I'll get your breakfast."

Komentar Buku (15)

  • avatar
    TiongsonDavid

    Been looking for some books that interests me, and i found one. Thank you author. looking forward to your other works ☺️

    23/12/2021

      0
  • avatar
    vloggiemerenz

    nice

    3d

      0
  • avatar
    Esthephany Burabod

    maganda yung story po nila

    20d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru