logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

41

Own
I drank myself to sleep again. Kahit na kapag lasing ako ay puro kabaliwan pa din kay Kian ang pumapasok sa isip ko. At least, hindi ako nasosobraan sa pag-ooverthink.
In times when I'm drunk, tanging siya lang naman talaga ang pumapasok sa isip ko. As toxic as it seems, to still have someone in your thoughts even after convincing yourself that they're not worth your time when you're sober, I still can't stop doing it.
At least, kapag nakainom ako, puro mga masasayang alaala lang ang naaalala ng utak ko. Hindi din naman 'yon nagiging problema kapag nagising na ako. All I do when I wake up is nothing more than normal. Patuloy pa rin sa araw-araw na ginagawa at parang walang ginawang nakakadiring panunumbalik sa nakaraan sa nagdaang gabi.
Sa sumunod na araw ay naging normal naman ang umaga ko. Pinaliguan ko muna si Winter bago ang sarili ko, at pinakain din muna siya bago naghanda na ng agahan ko.
She's eating below the table, at nasa balhibo niya ngayon ang mga paa ko. I'm with my usual breakfast. A sweet bowl of cereal and fresh strawberries. Dahil palagi akong naka-corporate ng suot sa trabaho, at mahilig ako sa mga hapit na hapit na mga pencil skirts, kailangan ko talagang 'wag masyadong damihan ang mga pinagkakain ko.
Just when I already am enjoying the luxuries of life again, hindi pa rin talaga pwedeng kumain lang ako nang kumain ng kung anong gusto ko. Hindi na kagaya noong mga panahong bata pa ako na kahit ilang cups ng kanin pa ang kainin ko ay hindi pa din nadadagdagan ang timbang ko. Ngayon, isang kain lang sa buffet at dalawang kilo na agad ang nadadagdag sa 'kin.
Madami pa naman akong paglalakad sa trabaho ko, at dapat pang palaging naka-heels, kaya dapat hindi nga ako masyadong magpataba.
Nilaro ko muna saglit ang balhibo ni Winter bago tumayo na at umalis na para mag-trabaho. Ayos lang naman siya kapag iniiwan ko siya dito buong magdamag, eh.
She sometimes just got over one of the windows I purposely forget to close at napupunta na sa kapitbahay para laruin ang aso nito. She knows when to come home, and palagi talagang kapag gabi na at kahit wala pa ako, nandito na siya sa bahay. Inuutusan ko lang minsan ang kapitbahay na pakainin muna siya basta gabing-gabi na at wala pa ako. Gaya kagabi.
Hindi pa masyadong mainit sa labas nang lumabas na ako. Wearing another set of my usual corporate look, now just in a wine red blouse and tight knee-length pencil cut skirt, I walked outside my small apartment to encounter another day with new responsibilities to handle.
Pero hindi pa nga ako tuluyang nakakalabas sa maliit kong gate, nalaglag na kaagd ang panga ko sa nakita kong nakasandal dito.
Hindi ako pwedeng magkamali. It was Kian who is casually leaning on his back in the small gate! Ano na namang ginagawa niya dito? At sa ganito kaaga?
Yeah, he said we'll meet each other again today, at hindi ko na inisip pa kung bakit, o kung magkakatotoo ba ang sinabi niya. Pero ngayong nandito na naman siya sa harap ko, napaisip na naman ako kung ano ba talagang trip nitong lalaking 'to dito. Wala ba siyang iniwang trabaho sa Pilpinas?
Nang inanggulo na niya ang katawan niya paharap sa 'kin, isang maliwanag na ngiti agad ang nakita kong sumilay sa labi niya. I was just standing there dumbfounded and didn't know how to react. Should I greet him? O pauunahin ko muna siya? Or maybe I can just ignore him. But then I will act so rude. And I don't want to be rude to some old... friend.
"Morning," he greeted.
Nag-aalinlangan pa akong ngumiti, so my supposedly genuine smile turned into a crooked and fake one. Hindi niya naman na 'yon pinuna.
"Hatid kita?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Ha?"
He chuckled. "Hatid kita."
Siya na ang nagbukas ng lock ng gate ko mula sa labas, kung nas'an siya, at binuksan na 'yon para makalabas na din ako.
Tipid ko na naman siyang nginitian, hindi alam kung paano ba siya patutunguhan. Inaamin kong inasahan ko na kahapon na magkikita nga ulit kami ngayon, pero hindi naman ganito kaaga.
"You already had your breakfast?" tanong niya nang pinagbuksan niya ako ng sasakyan. It's a different car from the one he had in Negros, back when we were still... together.
I shook those thoughts off my mind, pero tinanguan pa rin siya para sagutin ang tanong niya sa 'ki kanina.
Siya na ang nagsara ng pinto nang makitang maayos na akong nakaupo, at umikot na para makasakay na rin sa sasakyan niya.
His car is still color white, just smaller than his old one, at gaya yata ng palagi niyang type ay common din ito dito sa Japan, lalo na sa Yokohama. Hindi ko nga lang alam kung binili niya ba talaga 'to, o ni-rentahan lang din para sa stay niya dito. Pero, kung matagal na pala siyang nandito at nakabuntot sa 'kin ng hindi ko alam, baka nga binili nga niya ito.
He coughed after a few minutes of silence. Ilang metro pa lang ang naging pag-usad namin mula sa bahay at parang ilang oras na akong nakaupo dito kasama siya. Gusto ko na lang na padaliin ang oras at nang makatakas na ako sa kanya.
Pero ang gago, naisipan pa talagang magsimula ng usapan.
"Maaaga pa, ah? Ganitong oras ka talagang pumapasok sa trabaho?"
Tinaasan ko siya ng kilay, "Uhh, oo."
This idiot. May duda na nga ako na matagal na niya akong sinusundan, eh. Actor ka na n'yan? Akala mo hindi kita mahuhuli sa paganyan-ganyan mo?
"You have a paralegal working with you?"
"Oo." I answered immediately, atat na matapos na ang mga katanungan niya at wala sa mood ang utak kong makipag-usap sa kanya. Puno na ng nyerbos ito.
"Hmm. How old? Japanese din ba?"
I let out a deep breath slowly, "He's just a few years older than me. At Half Japanese lang siya."
"He..." he clenched his jaw while muttering that certain pronoun.
What now?
Natahimik na naman siya saglit pagkatapos nun.
"How is he with you, then? Nililigawan ka ba n'on?"
Kumunot ang noo ko sa nahimigan kong pait sa boses niya.
"Or I guess he's still not, huh? But is he showing motives to you?"
Niliko na niya ang sasakyan sa mismong building ng firm na tinatrabahuan ko. At dahil binilisan niya din yata ang pagpapatakbo, mabilis na din kaming napunta sa mismong entrance ng building.
Dali-dali na rin akong bumaba nang hininto na niya nang tuluyan ang sasakyan. Nang makapasok naman na ako sa entrance, narinig ko ang pagharurot ng sasakyan niya sa likod ko.
Nilingon ko iyon para makitang wala na nga iyon sa likod ko. Nakita kong lumiko yata siya sa isa pang kanto at hindi ko na maaninag ngayon. Napabuntonghininga na lang ako bago pinilit ang sariling baliwalain si Kian at pumasok na nang maayos sa trabaho.
Malapit na ako sa opisina ko nang maaninag ko ang maliwanag na mukha ni Briann. He's smiling wide while approaching me, at nginitian ko rin siya pabalik.
"Attorney," he greeted me nang magsalubong na nga kami.
"Briann, good morning." binati ko din siya.
"Ready for a new day, huh?"
Tumawa ako, "Yeah, seem to be like that. I mean, it's not like have any other choice. I have to get this practice done so I can-"
"Handle such creepy cases. Of course, that's your goal."
I smiled wider at him. Hindi nga namin maiwasang makipag-kwentuhan sa kaniya minsan, lalo na kapag galing ako sa isang mahabang araw, at napupunta talaga angg mga hakbang ko sa maliit na cubicle ni Briann malapit sa opisina ko. Nauuna siyang mangamusta sa 'kin, at sunod ay ilang oras na kwentuhan na ang nagaganap. He's great in making good topics, lalo na sa mga bagay na interesado din ako. I can say, we have lots of things in common.
"Well, I'm gonna go and start working now, Attorney. May you have a nice-"
"Yeah, you better should go now,"
Nagulat na lang ako nang marinig ko bigla ang baritonong boses ni Kian sa likod ko, lalo na nag maramdaman ko ding hinapit niya ang bewang ko.
Naestatwa ako sa posisyon ko sa ginawa niya. Porkchop talaga 'tong lalaking 'to. Basta-basta na lang sumusulpot kung saan.
Nakita kong nagulat din si Briann sa biglang pagsulpot ni Kian, pero nginitian niya lang naman ito at bahagya pang yumuko bago umalis para bigyan ng respeto ang kaharap. Nang makalayo na siya ay doon ko pa hinarap si Kian na nasa bewang ko pa din ang kamay, nakangisi pero halatang hindi natutuwa sa nangyari.
"So he really is showing motives to you, huh?" he teasingly raised an eyebrow. "But still not courting you, hmm?"
Napalinga ako sa paligid para tignan kung may tao bang dumadaan at pwedeng makakita sa pinagagawa ni Kian sa lugar na 'to sa 'kin, pero wala naman. Bukod sa iilan pang mga abogado at paralegals na malapit sa hagdanan, wala namang ibang medyo malapit sa 'min.
I turned to him again only to have my breath hitch because of the distance of our faces now. Kian leaned closely when I wasn't looking at him. At ngayong kaharap ko na siya at sobrang lapit na ng mga mukha namin, mas lalo lang lumawak ang ngisi sa labi niya.
"Ilang buwan na siyang nagtatrabaho sa 'yo?"
I gulped and tried to divert my gaze from his dangerously near pair of dark orbs.
"M-mga... anim na buwan... pa lang..."
"Hm-hmm," he angled his face sideways. "Do you like him?"
I was taken aback by his question. Masyado naman yatang deretsahan 'tong gagong 'to. Kung hindi ko lang talaga naisip na may kasalanan din pala ako sa kanya sa nakaraan, kanina ko na tinaboy 'to. Baka nga masapak ko pa.
"Ano na naman ba 'to, Kian?"
"I'm just simply asking you if you like that guy-"
"Why? You see him as a threat, huh? Ano ba kasi talaga ang pakay mo dito't palagi ka ng nakabuntot sa 'kin?"
His smirk now is at its widest and most mocking appearance.
"Ikaw." he came closer to my ear. "Ikaw lang naman ang pakay ko."
I was again surprised by his words. At dahil may namumuo na namang pinaghalong kaba at saya sa loob ko, nilagay ko ang mga kamay ko sa diddib niya at mahina siyang tinulak palayo. Hindi naman siya nagmatigas pa.
"Just don't forget this, Cianna. Akin ka pa rin. Iniwan mo lang ako, but you didn't break up with me."
Galing sa dibidb niya ay inangat ko na naman ang tingin ko patungo sa mata niya, at nagsimulang mas lalong nerbyosin at matakot dahil sa nagbabago niyang titig sa 'kin.
"Now you start your day thinking that your boyfriend will be constantly just busying himself with nonsense things, but he'll still be waiting for you at the parking lot when you're done with work, hmm?"
He raised a mockingly challenging look at me. Nakaawang lang ang labi ko habang inaabsorb ang pinagsasabi niya. And before I even have time to react from his previous words, inangat niya naman ang kaliwang kamay niya para ipakita ang isang bouquet ng bulaklak na ngayon ko lang napansin na hawak niya.
"I also forgot to give you these," inabot niya sa 'kin ang bouquet.
Maliit lang iyon, kaya din siguro hindi ko 'yon napansing hawak niya kanina. Tatlong sunflower lang ang laman noon.
"Now, pakakawalan na kita. Start your day now, Attorney Esquivel, at mukhang madami ka pang gagawin. 'Wag mo lang kalimutang hihintayin ka ng gwapo mong boyfriend mamaya pagkatapos mo dito."
Hindi na niya ako hinayaang magsalita at sagutin ang sinabi niya. Umalis na lang siya kaagad sa harap ko, at maloko pang naglakad nang pabaliktad para patuloy akong tignan ng may nakakalokong ngisi sa labi.
Marahas akong napabuntonghininga bago kinumbinsi ang sarili kong baliwalain na naman siya at magtrabaho na.
Pero buong araw ko sa trabaho, okupado pa rin ako ng mga salita niya.
I mean, he was right. We never really had a proper breakup. Pero hindi naman ibig sabihin n'on ay kami pa rin hanggang ngayon. Kung gano’n pa rin pala ang nasa isip niya sa mga panahong nawala ako, na kami pa rin, ibig sabihin... baka nga hindi pala totoo ang nalaman ko sa mga kaibigan ko sa araw na 'yon. O baka totoo pero...
Suminghap ako nang matapunan ako ng kaunting mainit na kape sa kamay. Kanina pa pala napuno ang maliit na cup na hawak ko. Nasa harap ako ng coffee machine ngayon at kanina pa yata lutang sa mga pinag-iisip kaya hindi ko namalayang napuno na pala ng kape ang cup na hawak ko.
Nilipat ko sa kabilang kamay ang cup at mahinang hinipan ang napaso kong kamay. Hindi ako lumabas sa opisina ko sa buong umaga, at ngayon lang naisipang may mga ibang lakad pa pala ako kaya kumuha muna ng kape para sana magpainit ng tiyan, at ito pa ang nangyari sa 'kin.
"Hey, you alright?" narinig ko ang boses ni Briann.
Inangat ko ang tigin ko sa kanya at nakitang nag-aalala ang titig niya sa 'kin.
"Were you-"
"Alis na, gago. Nandito na ang jowa."
Bwisit na mokong na 'to. Bakit ba ang galing niyang manggulat?
Masama na naman ang tingin niya kay Briann, at para na ngang masusuntok na niya ito kung hindi agad na umalis sa paningin niya.
Briann looked confused now, siguro dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ni Kian. Pinandilatan ko na lang siya at inutusan gamit ang makahulugan kong tingin na umalis.
He didn't hesitate to walk away, leaving me ang Kian alone again. Ngayon, si Kian na naman ang pinandilatan ko ng mata.
"What the hell is wrong with you?? Kung saan-saan ka na lang sumusulpot!"
He chuckled. "Malamang binabantayan ka. Baka bigla ka na lang agawin n'ong gagong 'yon-"
"Kian!" I shouted warningly at what he called for my dear friend.
"Ano? Kung nararamdaman kong pwede kang agawin sa 'kin, malamang gago siya-"
"Tumigil ka nga! You have no right to call him a gago! Baka ikaw pa tawagin ko niyan, eh!"
Nakita kong may assistant yata na natakot na lumapit sa coffee machine dahil nando’n kaming dalawa, kaya mahigpit kong kinuha ang braso ni Kian para lumayo kami sa lugar na 'yon.
At dahil lunch time na, madami nang mga taong nagkalat sa mga pasilyo, lalo na sa tapat mismo ng opisina ko. Kaya pinasok ko na lang si Kian sa maliit kong opisina, at doon siya hinarap.
"Ano bang problema mo?!" inis kong sigaw sa kanya.
"Ano din bang problema mo? Wala naman akong ginagawa, ah."
I rolled my eyes. "'Wag mong tinatawag na gano’n si Briann! He's a good guy!"
Umirap din siya. "Aawayin mo talaga ako dahil lang sa pagtawag ko sa gagong 'yon?"
"I said stop calling him like that!"
"Eh gago din naman talaga siya, eh. Parang aagawin ka nga sa 'kin n'on-"
"Ano bang pinagsasabi mong maagaw ako sa 'yo?! Hindi naman na ako sa 'yo kaya anong pakialam mo kung agawin ako ng iba?!" sigaw ko.
Nakita kong umigting ang panga niya.
"Akin ka."
Umiling ako. "Hindi na ako sa 'yo. No one owns me now."
"Akin ka pa din, Cianna. Hindi porket umalis ka ng walang paalam ay mawawala na ang pag-angkin ko sa 'yo. Hindi tayo naghiwalay-"
"Then let's have that motherfucking breakup now!"
Nagulat siya sa lakas ng pagsigaw ko n'on. I was panting, catching my breath while I was staring at him like I'm definitely losing my patience now.
"Kaya pala sunod ka ng sunod sa 'kin kasi akala mo, hanggang ngayon, tayo pa rin. Kaya sige. Maghiwalay na tayo ngayon. That's the only thing that was driving you back to me, right? Kasi akala mo pa rin, tayo pa? Then let's have that breakup now para tigilan mo na ako-"
"Ayoko." he stubbornly said. Suminghap ako.
"Look. I am now living my best life at kung nandito ka lang para pestehin ako dahil basta-basta na lang kitang tinakasan noon, pasensya na at pwede ka ng tumigil. I'm sorry if I caused you embarrassment and trouble-"
"Hindi ko kailangan ang kapatawaran mo, Cianna."
"Then what is it that you want, huh? Hindi ba 'yon ang dahilan kung bakit nandito ka na naman at sunod ng sunod sa 'kin? Gusto mo lang namang alamin kung nagsisi ba ako sa ginawa ko at para pestehin na naman ang buhay ko?"
"I want you back to me. That's all. Wala akong kinalaman sa iba mo pang paratang sa 'kin. Ang tanging gusto ko lang para hanapin ka, ay ang mapasakin ka ulit."
Natahimik ako. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya pero dahil sa katahimikang namamagitan sa 'min, dinig na dinig ko pa rin ang malakas niyang pagbuntonghininga. He's wearing his usual leather shoes, kaya rinig na rinig ko rin ang bawat pagtapak niya sa sahig.
Nanatili ako malapit sa pinto, nakayuko at ayaw munang tignan kung saan siya napunta ngayon.
"How cruel of you to think that I was just chasing you to ask for your repentance, when all I wanted to hear from you is to accept me again."
I was still silent, knowing that he still has more to say. I am now slowly biting my lip, nakayuko pa din.
"Hindi mo nga ako hinintay na mag-explain, tinakasan mo pa ako. Sabihin mo, Cianna. Ni minsan ba, naisipan mong sana... hinintay mo ang eksplenasyon ko?"
Mas lalo ko lang niyuko ang ulo ko, parting my lips when I felt a knot tighten in my throat.
Yeah, I did regret not waiting for your explanations, Kian. Pero ano nang magagawa natin ngayon? Nangyari na 'yon. We can't turn back time anymore.
I inhaled a large amount of breath, and let it out slowly to somehow calm me down from all the forming cries inside me.
Ramdam ko ang titig ni Kian sa 'kin ngayon, pero hindi ko pa yata kayang harapin ang mga mata niya ulit. And I don't even think I can still be able to continue this conversation either.
"I searched for you everywhere, Cianna. Kulang na lang puntahan ko nga ang impyernong sinabi mong pupuntahan mo no’ng huli tayong nag-usap. Pero hindi kita nahanap. Unlike the second time we met after being apart for years, ngayon mas nahirapan akong hanapin ka. Halos mabaliw na ako."
"Kian," I whispered, not able to speak loud enough because of the knot in my throat. "Let's not talk about this now. Please..."
Narinig ko ang pagsinghap niya. There happened another moment of silence between us, before I finally had the courage to raise my head and look at where he is right now.
Nasa tapat siya ng table ko, nasa bulsa ang kaliwang kamay habang nakapamewang naman ang kanan. Masama ang tingin sa 'kin, tila nagtitimpi at ayaw munang isabog lahat ng galit dahil sa pagmamakaawa ko kanina.
"Yeah, you're right. We should talk about this at night, then? Para pwede kitang halikan pagkatapos... and it will look so romantic. Hmm?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Ano?
"So I can surely own you this time..."

Komentar Buku (38)

  • avatar
    DiandaJhoy

    gfcydigijgdysyvibibvvkk onmppnpnppnnphiyrxcvhcsk

    19d

      0
  • avatar
    Marjorie Alfante

    plsss 🙏🙏🙏

    07/08

      0
  • avatar
    Shayera Louisse Francisco

    so very nice

    11/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru