logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

38

Done
Now all of them turned to me with wide eyes. Tila hindi nga inaasahan na mabubuking sila kaagad.
My face is etched with disappointment, solely because of their betrayal. I still can't believe everything that I just heard. Parang ayaw maproseso ng utak ko lahat. Baka sumabog ako.
"Ci..." mahinang tawag ni Cha sa 'kin.
Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad ko palapit sa kanila. Now they really looked like their souls have been snatched. Putlang-putla ang mga putangina. Mas lalong tumindi ang galit ko.
"What were you talking about again?" mapangahas kong tanong sa kanila.
I saw Ron gulped from probably his nervousness. Si Evana naman at Mia ay napayuko. Si Cha lang 'tong malakas ang loob na tumitig pabalik sa 'kin. But when she probably saw the raging emotions in my eyes, she also gulped and turned to our other friends with a panicked face, like asking for help.
"Ci..." ngayon si Ronald na ang tumawag sa 'kin.
I turned to him with a disgusted and disappointed face. My breathing is heavy as I embrace myself in confronting the truth, with added confirmation from my friends.
I saw him gulp again, "Cianna, we... we're sorry. You didn't hear everything, r-right?"
Napailing ako sa panginginig ng boses niya. He really looks nervous. Pati ang mga iba ko pang kaibigan. Parang hindi nga talaga nila inaasahan na malalaman ko 'to ngayon.
"You we're spying me all along?" I said, never minding his question.
I saw how their eyes widened a bit for a second, at sa sumunod na segundo ay napakagat sila ng mga labi. I even saw Cha playing with the hem of her skirt. Like lost puppies in the middle of the night, wandering the dark reality of their foolishness.
I offered them another daring gaze, pero talagang hindi nila sinalubong ang titig ko. Napasinghap ako. I really can't believe them.
Without a second thought, I started to amble out of the place. Hindi ko na tinignan pa kung sinundan ba nila ako o wala. Dere-deretso ang lakad ko palabas sa lugar na 'yon. And it's not because I don't want to cause a scene, but rather because that place makes me suffocate. Para akong hindi makahinga sa aura ng lugar. Or maybe that's just because of the air of my friends gave the place. They made it feel like it's a forbidden place for having the dark truth.
Or maybe, every place that we've been, or they have just stepped in, will still feel that way for me. Parang lahat yata ng lugar na tapakan nila ayoko nang balikan. Puro lang pagkadismaya ang mararamdaman ko. I will just constantly see the remnants of our broken friendship in all those places.
Sumakto pa talaga na paglabas ko, isang panibagong rason na naman para magwala ang nakita ko. Doon ko na tuluyang natanto na parang bumagsak ang mundo. Nawatak ang pagkatao ko at parang hindi ko na nga mapipigilan pa ang sariling magwala.
Kian was there, looking dashing even with a simple dress shirt and slacks, like what he usually wears. Nakangiti, at maglulupasay yata ako sa kilig kapag nakita ko siyang nakatayo sa harap ko habang inaayos ang tindig niya para salubungin ako.
Pero ngayon, sa iba siya nakaharap. Sa iba siya nakangiti. Bahagya niya pang sinusuklay ang medyo humahaba na niyang buhok, parang inaayos ang sarili sa harap ni Reign para mas mapangiti ito.
They're so causally talking to each other, but I saw it as a hard slap from reality. Kahit na mukhang nag-uusap lang naman talaga sila, iba ang naiisip ng utak ko.
With the information I just found out from my friends, watching my man talk to another girl feels like the hardest evidence of their words. Para nga akong sinampal ng katotohanan na niloloko nga lang ako ni Kian all this time.
Kaya kahit wala pang pulidong desisyon, malaki ang mga hakbang ko nang lumapit ako sa kanila. They're just a few meters away from me, at nang ilang pulgada na lang ang lapit ko sa kanila ay dinig ko na agad ang paghagikhik ni Reign. Mas lalo lang nagbaga ang galit na nararamdaman ko nang makitang pati si Kian ay tumatawa na din kagaya niya.
Habang nakaawang ang labi dahil sa pag-iinit ng katawan ko dahil sa galit, agad kong sinampal si Kian.
And he was shocked with that. Pati si Reign na nasa harap ko na din ay nagulat din sa ginawa ko. I can feel the stares of the people passing by us, pero hindi ko na sila pinansin.
I didn't regret what I did, though. Kailangan ko nga din siguro 'yon. Kailangan kong may pagbuntungan ng galit ko. And even when I knew that my friends were the ones who's really behind all of this, hindi ko pa mapigilan na isali si Kian sa galit ko.
"Kailan pa?!" sigaw ko sa kanya.
Laglag pa Rin ang panga niya, at bahagya ding nakatagilid ang mukha niya sa 'kin, siguro dahil sa lakas ng sampal ko. At nang hinarap na niya ako at sinalubong ang titig ko ay napasinghap pa siya.
Ha! Gago! 'Wag mo sabihing magagalit ka dahil sa ginawa ko! Ako lang dapat ang galit dito, ako 'yong pinaglaruan niyong lahat!
"Cianna, anong ginagawa mo dito?" he said sternly while directly looking at my eyes at such intensity that I can also feel his anger.
Hindi ako nagpatinag, hindi ko winala sa kanya ang titig ko.
"You were just fooling me all this time, huh?" I said that lowly, just enough for my words to reach his ears.
Pero parang umabot pa rin talaga 'yon sa inggrata sa tabi ko. Napansin kong tinakip niya pa sa bibig niya ang kaliwa niyang kamay, tila wala rin yatang alam sa nangyayari.
Hinigit ni Kian ang braso ko. "Ano na naman 'to, Cianna? Please, stop with this nonsense. You're causing a scene."
"Wala na akong pakialam, Kian! Ba't kasama mo 'tong babaeng 'to? Huh? Was it her all this time? And don't you dare deny it! Alam ko nang inutusan ka lang ng mga gago kong kaibigan!"
I heard some whispers from the crowd that was slowly forming around us. Hindi pa rin ako nagpatinag. Pinandilatan ko ng mata si Kian at kahit na yumuyuko na siya sa hiya sa pinaggagawa ko, hindi ko pa rin yata kayang pakalmahin ang sarili ko.
Mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa braso ko, at bahagya niya na ring inilapit ang katawan niya sa 'kin. Pero kahit nararamdaman ko na nga ang pangigigil niya sa kahihiyan na ginagawa ko, patuloy pa rin ang mariin kong titig sa kanya.
Suminghap siya ulit. "Cianna, please. Kung ano na naman ang problema natin, let's talk about it privately. 'Wag dito, please."
"No! I want your confirmation from all the things I just found out! At ayokong maghintay pa na mapag-isa tayo! So tell me, were you just fooling me all this time, Kian?"
I was catching my breath when I finished shouting those words. Sa galit na nadarama ko, nakuha ko pa rin talagang tignan si Kian gamit ang mga mata kong ngayon ay puno na ng pagmamakaawa.
Even with the raging anger inside me, I still hoped that he will calm me down and tell me that nothing was true. I'm begging him through my eyes, pleading that he will somehow say that maybe I'm just overreacting again. Na hindi niya naman talaga ako niloloko. Na hindi siya nagsisinungaling sa mga panahon na sinabi niyang mahal niya ako.
And the thing that I hated most in my situation right now is the forming tears in my eyes. Kaya hindi ko siya matitigan nang maayos. Hindi ko na mahagilap ang mga emosyong pinapakita ng mga mata niya.
Because that could also be my only hope. His affectionate gaze on me. Isang panlalambot lang ng tingin niya sa 'kin, alam ko na agad na hindi niya ako kayang tiisin. Malalaman ko kaagad kung anong totoo niyang nararamdaman.
But I can't fucking read his eyes right now! And I hated it! Sinubukan kong paalisin ang mga luha sa mga mata ko pero ayaw nilang mawala!
"Cianna, please..." lumuwag ang pagkahawak niya sa braso ko, pero hindi siya sa 'kin nakatingin.
I saw how his eyes scanned the crowd of people that was probably behind me, then finally drifted to the girl on my side. Unti-unti na yatang humakbang papalayo si Reign, dahil medyo malayo na siya sa paningin ko.
But even with our distance, hindi ko na rin napigilan ang sarili kong isama siya sa galit ko ngayon. Iniisip ko pa lang na niloloko ako ni Kian at si Reign pala talaga ang gusto niya, mababaliw na yata ako. Pa'no pa kaya kapag nalaman kong gan’on nga? I'd probably approach hell by myself.
"Cianna!" narinig ko ang pamilyar na boses ng mga kaibigan ko sa likod.
Maybe I should stop calling them that by the way. If there will be a real confirmation now about what they've done, then why will I still call them my friends? Hindi nagpapaikot ang mga kaibigan.
Before I even have time to react, hinigit na nina Cha at Mia ang mga braso ko. Kian's grip loosened, and now his skin is no longer touching mine, and that's when I realize that maybe I'm totally gonna lose it.
His touch was the only thing that made me calm for a while. Kanina ko pa gustong bulyawan ang mga tao sa paligid namin na 'wag mangialam. But I stopped myself from doing that. Kian's not so gentle touch on me made me feel like I still have to save him from a huge embarrassment in public.
Pero dahil wala na ang hawak niya sa 'kin, tuluyan na nga akong nagwala. Malakas kong binawi ang braso ko kina Cha at Mia, at hinarap sila na may nagbabagang tingin.
"What the hell are you doing here?! Umalis na kayo! Mga traydor!"
"Ci, you're making a scene. Halika, let's talk about this in private. Mag-eexplain kami nang maayos-"
"Fuck your explanations! Hindi ko na kailangan 'yang putanginang 'yan! All I want is a confirmation!" hinarap ko si Kian.
"And you are the only one who can answer that. So tell me, huh?! Inutusan ka lang ba nila na mahalin ako? We're you just fooling me all along, Kian?!"
He was silent, at gan’on din ang mga gago sa likod ko. Ang tanging maririnig na ingay lang ay ang hiyawan ng mga taong nakikiususyo sa paligid namin. At dahil sobra na ang galit ang panggigil ko, nilingon ko na din sila, nagbabaga pa din ang mga mata.
"Ano pang tinitingin-tingin niyo dito?! Mga chismosa!" bulyaw ko sa kanila.
Nakita kong natakot ang iba, pero may mga natawa din sa ginawa ko. I have no time to feel embarrassed. Pakialam ko ba sa kanila. I just can't stand their malicious stares at us. Buhay ko 'to, mga gago! Kailangan kong malaman kung talagang pinaglalaruan lang ako! Pakialam ko sa iisipin niyo!
Muli kong binalingan ang lalaki sa harap ko. And just like the situation earlier, I still can't fucking read his eyes. At nang subukan ko ulit na tignan nang mabuti ang mga mata niya, para man lang makakita ng kahit konting pagmamahal o kahit pagsusumamo man lang sa nangyayari sa 'kin. Pero... wala akong nakitang kahit anong emosyon sa kanya.
And I blamed the fucking tears in my fucking eyes for that. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga putanginang 'to. Ni hindi ako makakita ng kahit kaonting pag-asa sa mga mata ng lalaking mahal ko. Kahit konti lang, para patuloy akong umasa na...hindi totoo ang mga nalaman ko.
He even just turned to Reign. Nakita ko pa na parang kinamusta niya ito. They talked for a while. Mas lalo lang tuloy akong nanggigil.
"Ci... let's go na lang. Let's talk about this somewhere else." si Evana na naman ang humigit sa braso ko.
Binalingan ko siya para lang samaan siya ng tingin.
"No! Hindi ako aalis dito hanggang hindi ako sinasagot ng lokong 'yan!" turo ko kay Kian.
I saw him turn to me again, only to see how dark his eyes are as it bore on me. Hindi ko alam pero nakaramdam ako nang pagkakilabot sa sama ng tingin niya sa 'kin. And I suddenly felt the urge to shut up already.
Pero hindi pa rin talaga natalo ng masama niyang tingin ang nagbabaga ko pa ding mga mata. I returned his stare with an also raging one. Kung galit siya dahil nag-eeskandalo ako, wala na akong pakialam d'on.
I so badly want to shout again, pero malakas na ang paghigit sa 'kin nina Ron ang braso ko, at hindi na ako tuluyang nakapalag. Two pairs of strong arms are dragging me out of the scene, at hindi ko na muna inabala ang sarili kong alamin kung sino pa 'yong isang pares ng malalakas na kamay ang humihigit sa 'kin. All I know was that, it can't be any of the girls, pero isa sa kanila ay paniguradong si Ronald.
Now I'm just helplessly being dragged away from that place. I am already sure that I look like an entire mess, kaya medyo tumigil na rin ang mga sigaw ng utak ko na mag-eskandalo pa.
I was looking at Kian all the time, hindi pa rin winawala ang galit ko sa kanya, at maging sa lahat ng taong sangkot sa nalaman ko. Pero hindi niya na ako binalingan pa. His full attention was on Reign as I was being dragged by my friends mercilessly in front of him.
Pinasakay nila ako sa isang sasakyan, at dahil sa sobrang galit na naramdaman kanina, lutang na lang ako sa buong byahe. Hindi ko man lang inalintana kung saan ako dadalhin ng mga gagong 'to. Sadyang... parang tumigil na lang bigla sa paggana ang utak ko.
Marahan na nadadala ng hangin ang nakalugay at magulo ko nang buhok. Ang bawat pagtama naman ng malamig nitong ihip deretso sa mukha ko ay tila kay sakit, parang pinaparamdam sa 'kin kung gaano na talaga kawatak ang buhay ko. Parang sinasampal ako ulit sa katotohanan na pinipilit kong ayaw pa ring alamin. Na baka... mawasak na naman ako.
The car stopped after what seems to be an eternity of a ride. Pero talaga palang medyo naging mahaba ang byahe. Nandito kami ngayon sa mansion ng mga Enriquez, at ngayon ko lang din natanto na si Evon pala ang kasama nila kanina sa paghatak sa 'kin paalis sa resto na 'yon.
I don't realize myself getting overwhelmed by his presence. Ang tagal na nang huli kaming nagkaharap. Lately, he's always been distancing himself from me, at alam ko naman ang rason niya. Even when I assured him that we'll stillbe friends, alam kong hindi n'on mababago ang katotohanan na nasaktan ko siya.
And heck. I'm seeing those hurt eyes of him as I was standing near him. Evana was between us, and all the other idiots circle around me like waiting for me to speak. Or maybe, they're waiting to have the courage to speak to me.
Hindi nawala ang tingin ko kay Evon. His eyes were also fixated at me. Kahit na parang mas dumadagdag lang sa sakit na nararamdaman ko ang makikita ding sakit sa mga mata niya, I still didn't divert my gaze from his.
Heck, the irony. That I felt somehow relieved that I wasn't the only one who's hurting here. Kahit na parang mali yata na maramdaman ko 'yon, pakiramdam ko, wala naman yatang masama d'on. As long as I was calm for a minute, without acting out of my attitude, even for a split second just so I can give these idiots around me more time to think about explaining the situation, I can mean no harm.
But then the tension came back when Evon tried to open up a conversation.
"So you really did that, huh?" he smirked without humor at his sister who's just beside us.
Nakita ko ang panginginig ng kamay ni Evana, at bahagya niya ding kinakagat ang labi niya. Evon surveyed everyone, only to find that they were all bowing their heads down, seemingly apologetic of their actions but still not that convincing.
Tinignan ko ang kabuoan ng malaking sala ng mansion ng mga Enriquez, at dinala ang sarili ko sa isa sa kanilang mamahaling sofa. Those idiots are still standing in the exact entrance of the house, nakapabilog pa ang posisyon at parang magri-ritwal.
I sat on the sofa and carefully arranged my hair neatly. Alam kong ang gulo na nito kanina, and I will want to look in place lalo na't nasa isang pang-mayamang mansion ako. Kagaya ng buhay namin noon, ganitong-ganito din ang bahay namin. Big and luxurious, almost like a castle. But now, even with a stable job, I can't guarantee myself anymore that I can still go back to living this kind of life.
"Ci…" I didn't notice Evon nearing me.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya, at nakitang sumusonod na rin ang mga gago sa likod niya. I can't title Evon that way, though. By the look in his eyes, alam ko na agad na wala siyang kinalaman dito. Besides, why will he cooperate in this? He has always liked me. At kulang na lang din yatang isumpa niya si Kian noon dahil siya pa rin ang mahal ko.
Bumukas ulit ang bibig niya, tila may sasabihin sana, pero hindi na tinuloy. Napabuntonghininga na lang siya, at muling binalingan ng tingin ang ibang kasama namin. Nakapalibot na naman sila sa 'kin, pero hindi naman masyadong lumapit. Parang ayaw na yatang mapalapit kapag nagwala na naman ako.
Evon probably gave them an angry stare, and that's when I started to hear sobs echoing through the silent mansion
"Ci..." rinig kong mahinang sambit ni Cha. "We're... we're sorry for that."
Agad siyang naiyak at humikbi pagkatapos n'on. Bahagya namang umawang ag labi ko sa pagkamangha, at umirap din sa kawalan. Wow. Anong iniiyak niya?
"What you heard was true. Na... inutusan lang namin si Kian noon." she paused to catch her breath. "We are not that close, Ci. Pero ramdam ko talaga ang paghihirap at kalungkutan mo after waht happened to your family. And I just can't stand seeing you surviving life solely for the reason of your responsibilities. I've been there, Ci. And that's why hindi ko nakayanan ang makita kang palaging lugmok at wala sa sarili, pagod na pagod kakatrabaho, at pilit na nabubuhay dahil lang kailangan ka ng mga magulang mo. So I did that. I told them my plan-"
"You were the center of all of these?!" nagwala na naman ako. I saw how Cha's eyes widened in terror from my sudden enraged interruption.
Bahagya akong napaahon sa kinauupuan ko, pero bumalik din kaagad nang marahang hinimas ni Evon ang braso ko, sinusubukan akong pakalmahin at pabalikin sa pagkakaupo.
"Shh," he whispered to calm me down. Nanatili ang masama kong tingin kay Cha.
"I'm sorry! I was just trying to make you happy even just for a while! You've been broken for too long! I can't stand seeing my friend sulking over her life and most importantly, for a lost love!"
"Cha, 'wag kang sumigaw," tawag ni Mia. Walang pumansin sa kanya.
"Then you should've just let it be! Malay mo, magiging maayos lang pala ako pagdating ng panahon. You don't have to force someone to heal me, Cha! Have you even thought that maybe I'll be more broken from the things you've done? Have you ever thought about the possible outcomes of this? Did the pros outweighed the cons? Ha?! Naisip mo ba 'yon? Did you consider what will eventually happen to me in the future when you planned this bullshit out?! Ha?! Nag-iisip ka ba?! May utak ka pa ba?!" hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.
Nagdrama siya at tinakpan ang mukha para humagulgol. I just rolled my eyes as Mia comforted her.
Ngayon, si Ronald na naman ang kaharap ko. He looks like he doesn't tolerate my sudden behavior. But heck I care about him. Magalit sila kung gusto nila. Kahit na wala naman talaga silang karapatan na makaramdam n'on, may gana pa rin talaga silang pagbuntungan ako ng galit.
Mga gago! Ako lang dapat ang magalit dito! Ako lang naman ang pinaglaruan niyo!
"Ci, can't you just appreciate her effort? Our effort to somehow divert your attention from all the sufferings-"
"I didn't ask you to do that!"
"But we still did! Because we're worried about you! Baka sobra na ang pinagdaraanan mo at bigla kang makaisip ng kadramahan! We just tried to save you, Cianna! Can't you just be grateful for our efforts?"
I scoffed in disbelief. "And why would I be grateful for that, huh?! Magpapasalamat ako sa inyo ngayong nalaman kong ini-espiya niyo lang pala ako, ha? Mga bobo!"
"Ci, we were just trying to help you-"
"I said I didn't ask you to do that! Ano ba?! Ngayon, ako pa ang magkakaroon ng utang na loob sa inyo! Putangina! Mga bobo talaga kayo!"
Naramdaman ko na naman ang haplos ni Evon sa balikat ko, inulit ang ginawa niya kanina para pakalmahin na naman ako.
But no, I'm loving what the hell is happening right now. I've always been a quiet person, used to always keeping everything to myself. Lungkot man o galit, tagumpay man o pagkabigo, hindi talaga ako nasanay na maging ganito kabukas sa ibang tao.
Why would I offer myself as an open book to them? I'm sure they won't even try to read me.
But now, with the boiling anger inside me, hindi ko na talaga mapigilang ipakita sa kanila ang totoo kong nararamdaman. This is a matter involving my feelings, my life, that I thought were already healed, but is now broken again because of the truth. Hinding-hindi ko papalampasin ang pagkakataong ito para ipakita sa kanila kung paano ako nabuhay sa mga nagdaang taon, naging masaya ng pansamantala, at muli na naman nilang winawasak ngayon.
"Yes, I was living like a mess! The only thing that motivates me to wake up every single day, from purposely drawing cuts on my skin the night before, was my never-ending pile of responsibilities! Yes, I was living a broken life for all the past years. With my heart broken, and life that is already so torn apart, I've always been trying to approach the end by myself. And that's not something I can just openly say to you. Kasi kung tuluyan niyong nalaman 'yon, ano pang ibang kagaguhan ang maiisip niyong gawin para lang maayos ako? Ha?"
Habol-habol ko ang hininga ko nang matapos kong sabihin 'yon, pero hindi pa ako tapos. Isa-isa ko silang pinukulan ng masamang tingin, at unti-unti na naman nilang binalik ang mga ulo nila sa pagkayuko. Nasa likod ko pa rin si Evon at nasa braso ko pa rin ang kamay niya.
Ilang sandali akong nanahimik para maging mas exciting ang eksena, mas nakakaintriga. Sumandal na si Cha sa katapat kong sofa, at naupo na rin d'on na nakahawak pa ang kamay sa dibdib, nagdadrama na naman galing sa pag-iyak. Pati si Evana at Ron ay nakita kong pinunasana na din ang mga mata nila.
Ano na ngayon, mga gago? Anong putanginang iniiyak-iyak niyo diyan?!
"And why the hell are you crying right now, huh?! Already regretting your stupid actions? 'Yan, ganyan talaga ang mga bobo!"
"Ci!" Evon shouted my name. Agad akong napabaling sa kanya.
Kitang-kita na ngayon sa mga mata niyang hindi na din siya natutuwa sa mga pinagsasabi ko, pero pinipigilan niya pa rin ang sarili niyang magalit talaga sa 'kin. Like he's not tolerating my attitude, but is still soft for me deep inside.
I gave him a challenging look, sinusubukang pigtasin ang natitirang hibla ng pasensya niya sa 'kin. Ngayon, wala na yata talaga akong paki kung lahat sila magalit sa inaasal ko. I need to let this anger out, para din malaman nila kung gaano ka walanghiya ang ginawa nila. Now, because of what they've done, they finally saw the monster inside me.
"Ano?!" hamon ko sa kanya.
Iniwas niya ang tingin niya sa 'kin, and I just mockingly laughed at him for being so weak.
"So now you completely regretted everything, huh?" I turned to the bowing idiots. "Hindi na lang sana kayo nangialam. Hindi niyo na lang sana pinaghirapang mahanap ulti si Kian para lang pulutin ako sa dilim. Kung pwede lang din naman kayo ang gumawa n'on, bakit kailangan niyo pa kailangan mandamay ng ibang tao?!"
"You loved him." suminghot si Cha.
"So?!"
"I know what love can do to miserable people, Ci. They can completely heal them in no time. 'Yon lang naman ang gusto kong gawin. Ang pasiyahin ka-"
"Bullshit!" malakas kong sigaw sa kanya.
"Yes, he indeed had an incredibly huge impact on me, or even to my life in general. Pero, kayo... if you just had your full attention on me from the start, kung hindi niyo lang ako tinuturing na parausan lang din ng mga problema niyo, hindi na sana ako naghanap pa ng ibang tao para lang maghilom ako, para makaramdam ako ng kapayapaan kahit saglit. Kung hindi niyo lang ako pinaghintay sa pagtanong niyo sa 'kin kung ayos lang ba ako, at tinanong niyo na lang ako kaagad, edi sana hindi na nangyari ang lahat ng 'to! Sana sa inyo ko na lang mismo nahanap ang kayapaan na hindi ako nadama mula pagkabata! Sana sa inyo ko na lang naramdaman 'yon! At 'di ko na kinailangan pang hanapin 'yon sa iba!"
Hindi ko pinansin ang nagbabadyang mga luha sa mata ko. Patuloy ko silang tinignan na may halong poot at galit sa tingin ko. Pati ang mga haplos na naman ni Evon sa balikat ko ay hindi ko na pinansin.
Malaki ang mga hakbang ko nang lumapit ako sa mga nakayuko at na-Biyernes Santo nilang mga mukha. Still with that same angry eyes, hinamon ko sila sa mga tingin ko.
"You are surely gonna regret this."
Those were my final words for them, before I finally exited the scene with a fast pace, not even acknowledging the fact that I know nothing about this place.
Malaki ang mansion ng mga Enriquez kaya talagang tinakbo ko ang distansya ng mismong bahay nila patungo sa gate. I can hear Evon shouting my name from behind, pero hindi ko na siya pinansin. And yeah, because I've been a fast runner in highschool, it was no surprise that I outrun him.
I ran past the forest of trees that were surrounding an entire half kilometer from the mansion I've just been. Hindi nagtagal ay tuluyan na akong naakabot sa kalsada, at patuloy pa rin akong tumatakbo.
It's been a long while since I've used my running skills, kaya siguro medyo humina ang takbo ko nang makaabot na ako sa isang parte ng kalsada na may madaming mga tindahan. Tumigil ako para habulin ang hininga ko, pero bigla na naman maalerto nang luminga-linga ako sa paligid at nakitang papalapit na sa kung nas'an ako ang sasakyan ni Evon.
I quickly ran towards a random store. Puro yata mga party goods ang nandito. Hindi ko na 'yon pinuna at mabilis lang na tinago ang sarili sa pinaka-sulok na bahagi nito.
The walls on the front were made of glass, pero may shelf din do’n na nilagyan ng ilang paninda. Kahit na, sapat na ang pagitan ng mga shelf para makita ko kung nakalampas na ang sasakyan ni Evon sa lugar.
Lumabas na ako ulit sa tindahan na 'yon at tumayo lang muna sa harap para makapagpahinga nang saglit. I inhaled a large amount of breath, then exhaled it out slowly. Luming-linga ulit ako sa paligid, saka nagpatuloy na naman na naglakad sa kung saan ako dalhin ng mga paa ko.
It had just been a few minute walk, when I realize that maybe I left my phone in that resto. Dala-dala ko naman ito nang pumunta ako sa cr, sa loob ng purse ko, pero hindi ko na alam kung 'asan 'yon ngayon.
Pero nang may maramdaman akong nagva-vibrate sa bulsa sa likod ko, natanto kong nand'on lang pala 'yon. Wala na akong ibang pinansin kanina kundi ang nararamdaman ko, na iyong konti lang na pag-aayos ng buhok kanina ang nagawa ko. I'm sure I still look like a mess right now. Pero wala pa rin akong ginawa sa itsura ko.
Kinuha ko na lang agad ang cellphone ko at hindi na tinignan pa kung sino ang tumatawag. With empty eyes, I stare at the road in front of me blankly, holding my phone in one hand and just waiting for whoever was calling me to speak.
"Cianna, 'asan ka na ngayon?"
I was surprised to hear Kian's voice. Pero agad ding pumait ang timpla ko. I smirked out of the blue.
"Somewhere down the road." I spoke every single word slowly, smiling like an idiot, but still with no humor.
"Cianna, 'yong totoo. 'Asan ka ngayon?" I can hear him being serious now, pero umiling lang ako sa sarili ko.
"Secret." I said teasingly.
"Cianna! Sagutin mo ako nang maayos. Where are you?!" galit na si loko. Mas lalo lang akong natawa.
"Why are finding me anyway? Pwede namang manatili ka lang diyan sa babae mo. Baka noon pa pala niya ako tinitiis. Sorry sa mga kaibigan ko, ha? Hindi tuloy naging normal ang love story niyo."
"What the hell are you talking about?"
"Yeah, hell, Kian. I'll be going there now. I need to hang up already. Bye."
"Cianna! Don't you dare- let me explain first-"
Agad ko na lang pinatay ang tawag. Bahagya akong napabuntonghininga at matapos ang ilang minuto pang pagmumuni-muni sa kawalan, naisipan ko na namang magpaanod na lang sa kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Again, my mind was entirely blank, without any traces of sanity left in me. Sarado na ang utak ko sa lahat ng bagay, at ang tangi ko lang gustong mangyari ay ang tapusin 'to lahat.
Kasi siguro, kapag tinapos ko na lahat, wala na akong poproblemahin. Wala na akong aabalahin pa na mga sakit at mga pagtatraydor. Death's echoing whispers to me to stop trying to approach him all the time will never happen again.
Because this time, nothing's stopping me anymore. Now, I'm sure of my decision. I'm finally so done with this situation, of living a life I've always despised. Of having to deal with everything that in the end will still make no sense. Of still taking care of things that I can never benefit with.
I'm done with all the pains and sorrows. I'm done with this life. And yes, death's annoying gaze at me whenever I do something stupid but still don't continue it will never come back again.
Because this time, it'll feast on another body it'll send to hell again.

Komentar Buku (38)

  • avatar
    DiandaJhoy

    gfcydigijgdysyvibibvvkk onmppnpnppnnphiyrxcvhcsk

    19d

      0
  • avatar
    Marjorie Alfante

    plsss 🙏🙏🙏

    07/08

      0
  • avatar
    Shayera Louisse Francisco

    so very nice

    11/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru