logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 20

HAILA'S POV
 
             Nang nasa hapag kainan ang alaga ko ay panay matalim na tingin  lang ang binibigay nya saken.Alam ko naman na naiirita parin sya sa akin eh.Hindi ko sya masisisi dun,at sabi ko na hindi sya ang magiging hadlang sa mga pangarap ko.Tahimik sya kung kumain,ang kapatid at tatay naman nya ay puro kwentuhan lang.Wala ata syang balak makisawsaw kaya nakakatuon lang sa plato ang kanyang atensyon.Hindi ko nalang din sya pinapakealaman basta tinginan nalang ang nagawa namin.
Nang matapos syang kumain ay wala syang sabi sabi na tumayo.Hindi manlang nya inimik ang ama kumbaga diretso nalang sya na umalis.Wala na pang nagawa si Sir Russel kundi hayaan ang anak.Kahit tatay nya hindi nya magawang irespeto.Anong klaseng utak ba meron sa taong yun? Psh!
Nang matapos kumain sina Sir Russel ay sinabihan nadin kami na kumain.Nagpaalam muna silang mag ama samin saka bago tuluyang umalis.Buti pa sila kayang makisama pero yung isang yun HINDI.Masasabi ko talagang malayo ang ugali nya sa tatay nya.Kitang kita naman e at kung gaano kabait ang ama yun naman ikinademonyo ng anak.Hayst!
Naging abala muna kami sa pagligpit ng mga pinagkainan ng mga amo namin.Hindi naman yun masyadong madami kaya mabilis kami.Nang matapos ay kumain na din kami.
Minabuti namin magpaiwan ni manang erica sa may kusina dahil pag uusapan namin ang naging reaksyon ni Sir Rhaiven ng makita ako.Hindi naman na tumutol ang iba dahil nasa dining table sila nagkwekwentuhan.Hindi naman pinagbabawal ni Sir Russel na gamitin yun basta  linisin pagkatapos.
"Alam mo Manang,matatawa ka siguro kapag nakita mo reaksyon nun kanina.Sobrang nakakatawa pramis hahaha!"panimula ko ng kwento ng nasa kusina na kami habang tig isang hawak ng plato na may laman ng aming hapunan.
"Asus! Huwag ka masyado magsaya dahil alam kong kinabahan ka nung utusan ka na tawagin  si Sir Rhaiven..."saka sya sumubo ng kanin.
"Opo kinabahan ako pero nawala lahat yun ng makita kong inis na inis sya sa akin.Nagpapakita lang na hindi ako apekto sa mga ginagawa nya..."
Hindi ko naman talaga maiwasan ang kabahan kanina e.Paano nalang kung hindi mura at sigaw ang abutin ko? Malay ko baka pagbuhatan ako nun ng kamay e sayang tong mukha ko duh!
"Pero turuan mo sana sarili mo na maging pasensosya.Isip bata ang alaga mong yun at hindi talaga maiiwasan na mag away kayo.Parehas kayong palaban e,daig nyo pa ang mag asawa..."biro ni manang sa akin kaya pinagdilatan ko sya.
"Mag asawa na sinasabi mo po dyan? Kami? Sus hindi po mangyayari  yun..."saka pa ako umiling.Kung sya lang din ang mapapangasawa ko,jusko wag nalang po.Mas gugustuhin ko pa maging matandang dalaga kung ganun.
"Ganun naman ang mag asawa diba? Nag aaway sa simpleng bagay.Kumbaga para bang aso't pusa kung gawing halimbawa..."pagpapaliwanag nya habang ako ay nakatingin sa kanya.
"Eh hindi naman po kami mag asawa nung demonyong yun e MAGKAAWAY PO KAMI" pagdidiin ko sa mga huli kong sinabi.Kakadiri lang isipin na magiging asawa ko yun.Hindi ako papayag na matali sa isang tulad nya.Hindi talaga!
"Maniwala ka man o hindi ramdam kong magiging parte sya ng future mo.."wika nya pero sa plato ang tingin.Napatigil naman ako sa pagsubo.
Anong ibig nyang sabihin? Maghuhula ba sya? Ang wirdo naman ha!
"Pakiramdam mo lang po yun Manang saka ako papayag na maging asawa yun? Yuck nya! A-yo-ko!"diin ko sa bawat salitang binitawan ko.Kahit sya nalang ang natitirang tao sa mundo,hinding hindi ako papayag.
"Hay naku!"sya sya napabuga ng hininga.
"Pero ito seryosong usapan,ayokong maulit ang nangyari kanina sa inyo ni Sir Rhaiven ah.Baka sa susunod pagbuhatan ka na nun ng kamay..."seryosong tugon nya sakin.
"Hindi ko naman po hahayaan na gawin nya iyon sakin.Ni hindi nga ako kayang pagbuhatan ng kamay ng kuya ko,sya pa kaya? Naku! Magkakamatayan kami pag ginawa nya yun sakin...".
Buong buhay ko hindi ko pa naranasan mapagbuhatan ako ni Kuya ng kamay.Kapag nagkakapikunan kami mga salitang hindi maganda lang ang nabibitawan namin,hanggang doon lang.Ni dulo ng kuko nun hindi dumampi sa balat ko eh.Nagiging kuya sya sa akin at nalalabas nya ang pagrespeto sa babaeng tulad ko.
"Sana nga hindi mangyari yun dahil kapag yun nagkamali talaga,ako na mismo bubugbog dun"saka nga ipinakita ang kamao nya sakin.Natawa nalang ako bigla.
"Manang Relax lang haha..."
"Sino ang hindi kakabahan sayo,hindi ordinaryong tao binangga mo e.Anak ng amo naten yun  at nakasalalay ang trabaho mo dun..."sermon nya sakin.
"Alam ko naman po yun eh..."
"Hay naku sana lang hindi na ulit maulit yun.Sapat ng minura ka ni Sir Rhaiven kanina wag ka lang sinaktan..."wika nya.Nandun talaga ang pag aalala sa tono nya.Hindi naman talaga maiiwasan iyon e pasalamat ko nalang may karamay ako sa ganitong bagay.
"Minura ka ng anak ko?"
Dahil sa tinig na iyon ay natigilan kami ni Manang at itinuon ang pansin sa bandang likuran namin.Nakatayo doon si Sir Russel na salubong ang dalawa nitong kilay.Nagulat ata sya sa narinig kaya napako sya sa kinatatayuan.Kaagad namin inayos ang sarili at inilapag sa mesa ang hawak naming plato.Napayuko kaming dalawa sa hiya.Bakit hindi manlang namin narinig ang yapak ng paa nya? Psh heto na nga ba ang sinasabi ko e.
Linapitan nya kami na nakakrus ang dalawa nyang braso.Kahit nakayuko ako ay alam kong nakatingin sya samin ng diretso.Sigurado akong wala na akong takas dito.Ayokong magsinungaling lalo na kay Sir Russel.Mas komportable akong magsabi sa kanya ng problema kesa sa anak nya.
"Tama ba ang narinig ko? Minura ka ni Rhaiven,hija?"tanong nya kaya naman bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko.Hindi ako handa para dito.
Hindi ako sumagot at tumingin si Manang sa akin.Gustong gusto kong sumagot  kaso walang lakas ang bibig ko na magsalita.Natatakot kasi ako sa pwedeng kalabasan nito.
"Opo Sir,minura po sya ng anak nyo kanina.Rinig ko po kaninang maglilinis sana ako sa kwarto ni Maam Rhaivee.Ayun po aksidente ko pong narinig na minumura po sya ng anak nyo..."nakayukong paliwanag ni Manang.Ramdam nya sigurong kinakabahan ako kaya sya na ang nagsalita.
Bumuntong hininga sya sa paliwanag na narinig mula kay Manang.Sure ako si Sir Russel na naman ang hihingi ng pasensya sa ginawa ng anak nya.Hindi naman na ako mag expect na yun mismo ang magsorry dahil hindi yun mangyayari.
"Are you okay then,hija?"pag aalala nya sakin kaya tumango ako bilang pagsagot.
"Sir hindi naman po sa nangingialam po ako pero natatakot po talaga ako para kay Haila.Ibang usapan na po kapag sinaktan sya ng anak nyo.Kilala po naten si Sir Rhaiven,hindi po sya basta lalaki..."
"Ako na ang bahalang kakausap sa kanya Erica.At Haila hija,huwag ka matakot magsabi sa akin kung sakaling may ginagawa ang anak ko sayo.Responsibilidad kita bilang amo mo,maliwanag?"tugon nya at hinawakan ako sa balikat.
"Salamat po Sir"
"Pasensya na sa inasta ng anak ko sayo.Pagwalang respeto ang pinakita nya sayo kaya humihingi ako ng paumanhin..."
"Hindi nyo po kailangan sabihin yan Sir hindi naman po nyo kasalanan e.Saka okay lang po ako salamat po sa pag aalala.Bilang katulong po ninyo kailangan ko po talaga magpakumbaba at lumaban din po kung kinakailangan..."
"No problem to that hija,matutuwa pa nga ako kapag masapak mo sya.But thank you for always understanding my son.Sana hindi maubos ang pasensya mo..."
"Sana nga po Sir..."
"So pano maiwan ko na kayo mga hija"
"Sige po Sir..."masayang paalam namin sa kanya at ilang buntong hininga ang pinakawalan ko.
Buti pa ang tatay nya napakahaba ng pasensya nito sa kanya,eh ako halos mangalahati na.Tsk! Kung hindi lang kasi ganun kasama ugali nun talagang magkakasundo kami.Pero malabo ata kasi presensya ko palang sabog na ang galit.Abnormal talaga!
"Oh ayan wala ka ng proproblemahin pa kasi kakausapin na sya ng tatay nya.Buti pa si Sir Russel mala-anghel ang ugali pero kung hindi, ewan ko nalang..."saka nya kinuha ang plato sa mesa at pinagpatuloy ang paglamon.Ganun na din ang ginawa ko pero naglalayag ang utak ko kung saan.Ang daming tumatakbo at ni isa sa mga iyon ay hindi ko maintindihan.
"Hindi pa rin ako kampante Manang..."bulalas ko na ikinagulat nito.Napahinto sya sa pagsubo at hinarap ako na seryoso ang mukha.
"At bakit naman? Hindi ka ba masaya na ipagtatanggol ka ni Sir Russel dun sa anak nya."
"Hindi naman tayo nakakasigurado na makikinig ang isang iyon.Manang,ni santo hindi nun sinasamba,papa nya pa kaya.Pakiramdam ko magiging malala lang ang away namin lalo na't alam nyang ako ang kikampihan ng tatay nya..."paliwanag ko at nakatingin sa malayo.
Baka isipin ng taong yun kaya ako malapit sa tatay nya kasi sipsip ako at pera ang habol.Hindi ako ganun,alam ko sa sarili ko na hindi ako lalagpas sa limitasyon ko bilang yaya.
"Huwag ka nga kasing nega dyan.Ang isipin mo kailangan mo makuha  loob nya para tigilan na nya ito para sa ganun hindi ka masaktan.Ganun lang dapat..."pagpapakalma nya sakin at humawak sa balikat ko.
"Imposibleng makuha ko loob nun,sa sama ba naman ng ugali.Tsk!"saka ako padabog na sumubo ng kanin.Aabutin muna ng isang daan taon bago maging anghel yun.
"Huwag ka kasi sa ugali bumabase.Yan ang mahirap sayo eh,minura ka na't lahat feel mo masama na hindi ba pwedeng nadala lang sa galit ganun?."
"Manang teka nga,kakampi ba kita o hindi?"tumingin ako ng seryoso sa kanya.
"Ikaw naman oh syempre kampi ako sayo,ang aken lang tumingin muna tayo sa nagawa nya sayo.Baka nakakalimutan mo sa kanya galing ang pera na pinadala mo sa lola mo nung nakaraan."
"Hindi naman po iyon sapat na basehan eh"
"Hindi nga,pero atleast nakita mo na kahit gaano sya kasama may pusong mamon din.Swerte mo tinulungan ka e,kasi kung titignan wala naman talagang eksaktong dahilan para tulungan ka nya  kasi nga magkaaway kayong dalawa..."magulo man ang pagkakapaliwanag nya pero sa huli ay nakuha ko din ang ibig nyang sabihin.
Bakit ba nya ako tinulungan nun? Nakulitan ba sya sakin o talagang may tinatago din syang pagmamalasakit? Tama si Manang,wala talagang eksaktong dahilan o rason para tulungan nya ako gayung magkaaway kami.Yun ba ang totoong Rhaiven? Na kahit ilang ulit mong gawan ng di maganda tutulungan ka paden? Sapat nga ba ang mga nalalaman ko sa kanya?Tama ba na jinudge ko sya base sa nakikita ko kesa sa naramdaman? Sapat nga ba na makinig ako sa kwento ng iba tungkol sa kanya o kesa sa kusa ko itong alamin? Ano nga  ba ang totoong Rhaiven?
RHAIVEN'S POV
               Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kama ko,nag iisip kung bakit nandito parin ang babaeng yun.Wala talaga syang kadala-dala.I really hate her,everything about her.Pakiramdam ko tuloy eto na ang karma ko sa pagiging playboy ko.Tsk! This is not funny anymore.I swear!
Kampante na ako kanina na gigising ako bukas na wala na sya dito pero nabigo ako.
Paano nya nagagawa ng lahat iyon sa akin? Saan sya kumuha ng madaming lakas ng loob para kalabanin ako? She doesnt know me yet.Baka kung makilala nya ako ay doon sya mahihiya sa mga kabalastugan na ginawa nya.Nainis pa ako lalo ng makita ang ngiting wagi sa labi nya.Kahit kailan ba wala akong laban dun? Tsk! She will regret all of this.
Tumayo nalang ako at naligo.Mga ilang minuto ang ginugol ko sa banyo dahil sarap na sarap ako sa pagdaloy ng tubig sa katawan ko.I feel relaxed.Pagkatapos kong maligo ay pumunta ako sa closet ko.Nagsuot lang ako ng sando at pants.Medyo mainit kaya ganun ang sinuot ko.
Nagsalin ako ng alak sa aking baso.Hindi ako makatulog dahil pakiramdam ko napagod ako.Napagod ako sa pakikipagbangayan sa babaeng yun.Nagbabakasali akong antukin ako agad sa dala ng alak pero nabigo ako.Binuksan ko nalang ang tv saka nanood ng movie.Pero sadyang lutang ako kaya halos hindi ko naintindihan ang takbo ng movie.Pinatay ko nalang iyon saka tumayo upang salinan ulit ang aking baso.Pero hindi ko inaasahan na papasok si Daddy na seryoso ang mukha at para bang anytime magagalit sya.What's wrong with him? Tsk!
"Can we talk?"seryosong tugon nya pero nasa labas ang tingin ko.
"It is all about Mom? Kailan sya uuwi? Malapit na  kasi ang second semester namin eh..."tugon ko.
"Nope.Its all about YOU AND HAILA" pagdidiin nya kaya natigilan ako.Paano nya nalaman ang tungkol sa amin? Sabi na nga bat magsusumbong ka.Wala ka palang laban sakin.Tsk!
Hindi ko sya hinarap pero naramdaman ko ang galit nya.Nasa likod ko sya at kahit hindi ko makita ay matalim ang tingin nya sakin.Oo nga pala si Dad pala ito,ang taong malaki ang pagrespeto sa mga kasambahay.
"How did you know about that matter? Nagsumbong ba ang babaeng yun sayo? Huh?"prangka ko kay Dad at hinarap sya.
"Hindi na iyon mahalaga kung paano ko nalaman ang tungkol dun Ranz.I want you to apologize on her NOW.."saka nya tinuro ang pintuan na sinasabinh sundin ko na sya agad.
Napailing ako at natawa ng mahina.Nabilog na nga ng taong yun ang ulo ng tatay ko.Amazing! Anong akala nya ganun ako kabilis na mapasunod ni Dad? Hello no!
"Ako magsosorry sa babaeng yun? HELL NO!"pagmamatigas ko sa harap ng tatay ko.Hindi ko iyon gagawin kahit pa si Mommy ang mag utos.
"What do you think you're doing Ranz? Sa tingin mo matutuwa ang mommy mo kapag nalaman nya ito? I dont think so!."
"Hindi naman ako ang may kasalanan e,It was HER!" bulyaw ko.
"How do you say so? Huh?"
"Dad nilagyan nya ng  picture ng babaeng nakatwopiece ang folder na pinasa ko.At ano sa tingin mo hahayaan ko nalang sya sa ginawa nya? Napahiya ako kay Prof Dad at hindi ko mapapatawad ang babaeng yun kapag pati grades ko madamay sa katangahan nya.."gigil na paliwanag ko.
"Hindi sapat na dahilan yan para murahin sya Ranz,malay mo kung hindi nya sinasadya..."
"Hindi sinasadya? Tsk! Thats bullshit! Sinadya nya yun kasi galit sya sakin.Sinadya nya yun kasi magkaaway kami..."
"Magkaaway kayo kasi sinimulan mo..."
"What the..."naputol ko ang sasabihin dahil nagulat ako sa sinabing iyon ni Daddy.Ano ang ibig nyang sabihin? Bakit ako? It was her.At nasisiguro sya talaga ang nauna.
"Tama ako diba? Akala mo ba hindi ko alam.Lahat ng yaya na kinukuha namin ng Mommy mo sayo lahat pare parehas ng karanasan.Kung hindi dahil sa mga lumalabas sa bibig mo,dahil sa mga kilos mo kaya lahat sila nagsasawa."napahinto sya at tumingin sakin ng makahulugan."Kaya ka lang naman ganyan dahil hanggang ngayon hindi mo matanggap na wala na si Manang Tessa."natigilan sya at huminga ng malalim.
"Ranz,walang kinalaman ang mga taong kinukuha namin sayo sa pagkawala nya.Wala silang hangad kundi magkaroon ng trabaho para sa ganun may maibigay sila sa pamilya nila.Ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan dati eh,nagsimula lahat ng pagbabago mo ng mawala sya..." habol ni Daddy ang hinga matapos sabihin yun sa harap ko.
Tama sya nagbago ako dahil sa pagkawala ng isang tao na sobrang importante sa akin.Hindi ko talaga matanggap na wala na sya.At kahit kailan hinding hindi ko matatanggap.
"Anong mahirap intindihin sa ayaw kong magkaroon ng yaya,Dad? Im already 18 at ni sinong tao na malalagay sa sitwasyon ko,hindi sasang ayon sa gusto nyong yan." Paliwanag ko pero nakayuko ako.Mahigpit ang pagkakahawak ko sa baso ng alak.Doon ko nailalabas ang gigil na ayaw kong ilabas.
"Kaya ka ba ganyan sa mga kinukuha namin huh? Kaya ba para mo silang hayup na ituring kasi hindi mo gusto ang desisyon namin para sayo? Anak,mali yun..."
"Mas mali sakin na may pumalit sa pwesto nya.Kaya lang naman ako ganito kasi ayoko ng iba,gusto ko sya lang.Gusto ko sya lang ang magsisilbi sakin.Maglilinis ng kwarto ko,maghahanda sa mga damit ko.Kahit iyon lang ang maibigay ko sa kanya dahil alam ko ako ang may kasalanan sa pagkawala nya..."hindi ko na pa napigilan maging emosyonal.Naramdaman ko nalang ang ilang butil ng luha sa pisngi ko.
Andito parin yung sakit.Sakit na kahit anong iturok ay hindi mawawala.Na kahit pinakamagaling na doktor ay hindi kayang pagalingin.Mahirap bang intindihin na kaya ako masama sa mga yaya na kinukuha nila at ayaw kong mapalitan ko sya? Siguro hindi nila ako naiintindihan pero malaki ang epekto nun sa akin.
Linapitan ako ni Daddy at kinuha ang hawak kong baso at inilapag iyon sa malapit na mesa.Niyakap nya ako at ginulo ang buhok ko.Alam ni Dad ang epekto ng pagkawala nya sa akin.
"Ranz,hindi mo kasalanan kung bakit nawala sya,aksidente yun anak..."
"Hindi mo naiintindihan Dad kasi wala ka mismo dun.Bata pa lang ako nun pero kitang kita ng dalawang mata ko kung paano...."hindi ko na pa natapos ang sasabihin ng bumalik lahat ang alaala sa utak ko.Napapikit ako at hinayaan na umagos ang mga luha kong nag uunahang bumagsak.
"Im sorry kung nasigawan kita kanina.Sorry kung wala akong magawa para maalis ang sakit dyan sa puso mo.Pero anak,hindi tama lahat ito.."saka sya kumalas sa pagkakayakap sakin at hinarap ako.
"..."walang salita na lumabas sa bibig ko.Tinapik nya ang balikat ko at ramdam kong gustong gusto nya akong tulungan para maalis ang sakit na noon ko palang dala dala.
"Isipin mo Ranz,may pamilya din si Haila na umaasa sa kanya.Mas okay pang makipagbangayan ka sa kanya kesa sa gumawa ka ng paraan para mapalayas sya.Kilala kita anak,hindi mo hahayaan na may maghirap para lang sa ikakasaya mo..."wika nya at ginulo ang buhok ko.Napaangat ako ng tingin sa kanya at sakto naman na ngumiti sya pero ako ay nanatiling walang emosyon."Take a rest now its getting late.Saka na naten pag usapan ang bagay na ito kapag nakauwi na ang Mommy mo.Goodnight son.."tugon nya at tinapik ulit ang balikat ko saka tuluyang umalis.
Napadabog akong nahiga sa kama.Napipikit at pakiramdam ko andaming nangyari sa araw na ito.Hindi ko alam kung kaya pa ba kitang harapin.Tama si Daddy,wala kang kasalanan sa nangyari kay Manang Tessa.Nakaramdam ako ng guilt sa nagawa ko.Bakit hindi ko manlang naisip ang mararamdaman nya sa ginawa ko? Pakiramdam ko tuloy ang sama ko ng tao.
Paano ko sasanayin ang sarili ko na hindi magalit sa bawat presensya mo? Sana kayanin ko dahil kung hindi,hindi ko na alam kung saan aabot ito.Kung hindi ka man natutuwa sa ginawa ko Manang Tessa,hayaan mong bumawi ako.Pero hindi ko maipapangako na magagawa ko iyon ng taos sa puso.Hindi biro ang sitwasyon namin ng babaeng yun.At hindi ko alam kung saan magsisimula.

Komentar Buku (146)

  • avatar
    Tissie Akut Aplaon

    ang ganda po. ready nako makapagpuyat ngayun. kaso nabitin. tulog nalang ako😪 peru hihintayin kopo ang book 2.

    13/01/2022

      1
  • avatar
    Mel Martinez Zerna

    i love the story

    1d

      0
  • avatar
    Jhazmine Tinaliga

    Ang Ganda sobra

    19d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru