logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6

“Tulong! Pakawalan niyo ako rito!” sigaw ng babae na hindi ko naman makita kung nasaang banda siya ng kuwarto. Hindi ko rin kilala ang boses niya parang ngayon ko lang narinig ang boses na iyon.
Boses na nakakatindig ng balahibo, boses na nakakatakot.
Muling nagsalita ang babae, patuloy ito sa paghingi ng tulong. Paulit-ulit ito sa mga sinabi nito kanina. Humihingi ng tulong at pakawalan daw siya.
Ngunit paano? Paano siya pakakawalan? Ni wala nga akong makita? Ni hindi ko nga alam kung nasaan ako ngayon. Ni hindi ko nga alam kung paano ako napunta sa lugar na ito.
“Pakawalan mo ako, maawa ka,” saad nitong muli.
Hindi kaya isa nakakulong ang babae rito? Hindi kaya isa itong kulungan? Pero bakit wala akong makapa na rehas? Bakit nito sinasabi na pakawalan daw siya?
Nilibot ko ng tingin ang buong paligid ngunit wala talaga akong makita. Madilim ang paligid, sobrang dilim. Bakit walang ilaw?
Malansa, mabaho, malagkit, nakasusuka, at hindi maintindihan na amoy ang bumabalot sa buong paligid na siyang kinasasadlakan ko ngayon. Hindi na nga maintindihan ang amoy, wala pa akong maaninag.
Patuloy pa rin ako sa pagkapa at baka may mahanap na akong switch pero wala pa rin. Wala talaga akong mahanap.
Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko alam kung kaninong lugar ito. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito. Wala akong makita.
Noong minulat ko ang aking mga mata, ito na ang bumati sa akin. Sobrang nakakapagtaka.
Madilim, iyan agad ang sumalubong sa akin. Kinapa-kapa ko ang bawat sulok na nadadapuan ng mga kamay ko baka sakaling may makapa akong switch ng ilaw subalit agad akong nakararamdam ng matinding pandidiri. Bawat nadadaanan at nadadapuan ng kamay ko ay may malagkit na dumidikit doon.
Malagkit? Parang dugo.
Nasaan ba ako? Anong lugar ito?
Nakarinig ako ng paghikbi kaya pinakinggan ko iyong mabuti. Nasaan kaya ang babae? Bakit siya humihingi ng tulong sa akin?
“Pakiusap,” bulong ng kasama ko sa kuwarto.
Bulong na siyang naging dahilan upang magtaasan ang bawat balahibo ko sa katawan. Nakatatakot ang boses niya, ibang-iba ang ginawa nitong pagbigkas. Para siyang nanghihina at hindi ko mawari kung bakit siya nakikiusap sa akin.
“Kalagan mo ang kadena. Nahihirapan na ako, parang-awa mo na,” dagdag nito.
Anong kadena? Wala akong makita, ang dilim at sobrang itim ng paligid.
Bawat lakad ko ay naririnig ko na nagdudulot iyon ng tunog sa sahig na tinatapakan ko. Hindi yari sa semento ang sahig kunʼdi gawa yata sa kahoy. Hindi ko alam, hindi ako sigurado dahil wala akong maaninag.
Muling nagsalita ang babae ngunit wala akong naintindihan. Bawat bigkas niya ay nagdudulot ng malansang amoy na naging dahilan kung bakit ko naramdaman na parang hinahalungkat ang kasulok-sulukan ng tiyan ko.
Tinakpan ko ang aking bibig upang pigilan ang nararamdaman ko at hindi ako makasuka o makaduwal man lang ngunit nang itinakip ko ang aking kanang kamay at naamoy ko ang malansang amoy doon ay bumaligtad ang aking sikmura. Sunod-sunod ang nagawa kong pagsuka.
Biglang may gumalaw ngunit hindi ko alam kung saan galing. May tumunog ngunit hindi ko alam kung anong tunog iyon. Sunod na naganap ay ang paghampas ng isang kadena na parang sobrang lakas ng ginawang paghampas kasabay ng pagsigaw ng babae na humingi sa akin ng tulong.
“Nakikiusap ako, kalagan mo ang kadena,” aniya sa mahinang boses ngunit parang sigaw na sa aking pandinig. “Itago mo ang nagawa kong kuwento, Jemimah.”
Kuwento? Anong kuwento ang pinagsasabi ng babae? Paano niya nalaman ang pangalan ko? Posible kayang kilala niya talaga ako? Ngunit, paano? Hindi ko nga kilala ang boses niya.
“Sino ka?” kinakabahan kong tanong sa babae kahit gustong-gusto ko nang sumuka ulit dulot ng malansang amoy na pinapalibutan ako.
“Ako si Sa—”
Napasigaw ako nang biglang may yumuyugyog sa akin, nahihilo ako. Agad akong napabangon at napahawak ako sa aking ulo. Bigla yatang umikot ang paligid.
“Kanina ka pa binabangungot, anak, ayos ka na?”
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses, si Papa iyon na naliligo na sa pawis.
Bangungot?
Tumango ako at muling ipinikit ang aking mga mata. Huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ang aking sarili. Bakit parang totoo? Bakit parang totoo iyong panaginip na iyon?
“Heto oh, inom ka muna. Kanina pa kita ginigising, kinabahan ako saʼyo dahil sigaw ka ng sigaw,” saad ni Papa at tiningnan ako. “Ano bang napaginipan mo?”
Hindi ko nagawang sagutin si Papa, hindi kasi ako sigurado sa napaginipan ko. Parang napaginipan ko na rin ito dati ngunit hindi talaga ako sigurado.
Umiwas ako ng tingin kay Papa pagkatapos kong inumin ang ibinigay niya. Hindi na rin nag-usisa pa si Papa, lumabas na ito ng kuwarto ko pagkatapos makuha ang baso.
Hindi na ko muling dinalaw pa ng antok kaya kinuha ko ang cellphone ko. May isang text akong natanggap at galing iyon kay Patrick. Himala at naisipan akong padalhan ng mensahe. Pinaikot ko ang aking mga mata.
Patrick:
I’m sorry, Jem. Happy birthday!
Agad akong napatingin sa oras ng cellphone ko, tatlong minuto na ang lumipas nang pumatak ang alas-dose, kaarawan ko na pala.
Twenty years old na `ko.
Tumayo ako sa kama at binuksan ang kurtina upang makita kung gising pa ba si Patrick. Aasarin ko sana siya, minsan kasi ako ang nauunang humingi ng patawad sa kaniya ngunit iba ang nangyari ngayon. Si Patrick ang humingi ng sorry.
Aba, natural lang. Hindi pʼwede na ako na lang palagi ang nag-aadjust.
Pero kahit ganoon, hindi ko talaga maiwasan na mahalin si Patrick kahit palagi niya akong sinasaktan, kahit patuloy niyang ipamukha sa akin na hindi niya talaga ako kayang mahalin. Ganoon lang siguro talaga ang mundo, hindi lang siguro talaga patas si Kupido.
O baka sobra lang talaga ang pagmamahal ko kay Patrick kaya kahit ganoon niya ako ituring ay parang kaya kong lunukin ang pride ko. Mahal ko ba talaga siya o mahal na mahal?
Nang mabuksan ko na ang kurtina ay napangiti ako nang makitang bukas ang bintana ni Patrick.
Ngunit agad nawala ang ngiti ko dahil sa nakita ko, naghahalikan si Patrick at Faye.

Komentar Buku (43)

  • avatar
    AgcolWilo

    ganda

    25/04

      0
  • avatar
    Jhulia Dump

    i real love it

    06/04

      0
  • avatar
    Jessa Venus Bardon

    I'm done Nadin po🥰🥰🥰😍🥰🎉

    05/01

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru