~HE SAVE ME, YES HE DID!~ |ELLAH'S POV| Dahan-dahan akong tumingala sa kanyang maamong mukha. Tulad noon, wala parin itong reaksyon na inaasahan kong meron. Hindi pangit at hindi 'din maganda ang pagtingin niya sa 'kin ngunit kahit gano'n, sincere ang mga linyang binitawan niya. "Im sorry..." Paghihingi niya ng depensa na hindi ko naman alam kung para saan. "For what?" Kunot-noong tanong ko. Dahan-dahan niyang ibinulsa ang kanyang dalawang kamay. "For interacting with you..." Aniya at nagsimulang maglakad. "May mali ba sa pakikipag-usap sa 'kin?" Tanong ko na hindi maiwasang matago ang kuryosidad sa aking tono. "Never mind," Naglakad na ito papalayo hanggang makalabas siya sa library. Heto na naman ang kinakatakutan ko, ang maiwan. Wala sa sarili akong nag-nap sa mesa at sinalampak ang earphones sa 'king tenga. Now Playing: Payphone I'm at a payphone, trying to call home All of my change I spent on you Where have the times gone? Baby, it's all wrong Where are the plans we made for two? If "happy ever after" did exist I would still be holding you like this All those fairy tales are full of shit One more fucking love song, I'll be sick, oh Masakit ang sinalubong sa 'kin ng araw na ito tapos dinagdagan pa ng sakit ng musikang pinapatugtog ko ngayon. I want to cry but I couldn't. Siguro totoo nga ang sinasabi nila noh? Para sa fairy tales lang talaga ang happy ending? Wala talagang happy ending. Haka-haka lang ang lahat ng 'yon. If happy ever after did exist? Then why my father left us? Why did he deprive me of his love as a father? Why is world seems so unfair to me? Tumayo ako ng marahan at wala sa sariling lumabas sa library. Hindi kalayuan ay nakita ko si Mika na patakbong tinutungo ang kinaroroonan ko. I snob at her and try to hide my tears. Naglakad ako papa-alis doon at pinipilit na iwasan ang presensya niya. Pero matigas talaga si Mika. She shouted and call my name again and again. "Ell! Please..." Naiiyak niyang usal. Hindi ako gano'n kadaling lumingon sa kanya hanggang sa maka-abot na kami sa kabilang building. Ang building na ito ay para sa mga college students. Meron silang sariling cafeteria at sariling gate dahil malayo sila sa amin. "Ell, please, kausapin mo naman ako." Hindi ko siya pinakinggan at patuloy na tinatahak ang gate sa dulo. Nang maabot ko ito ay agad kong binuksan ang gate at umalis. Patuloy lang ako sa paglalakad at pilit dine-dedma si Mika. Nang malaman ko na ex niya si Timothy ay hindi lang ang tiwala ko sa kanya ang sinira niya, maging ang pagkakaibigan namin. Narinig ko parin ang pagtawag niya sa 'kin. Wala sa sarili akong napadpad sa daan at tumawid doon ngunit halos manlumo ako ng marinig ko ang kakaibang ingay ng kotse. Malakas ito at alam kong papalapit ito sa akin. I close my eyes dahil hindi ko kayang tignan kung paano ako matamaan no'n. "Ellah!" Narinig ko ang pagtawag ni Mika ngunit hindi ko na siya muling nakita pa. I want to go back but I can't. Unti-unti akong kinakain ng dilim. Unti-unti ako nitong dinadala. "Shit," narinig kong may nagsalita at hawak nito ang braso ko. "Are you crazy!?" Tanong niya na hindi maitago ang galit sa tono ng kaniyang pananalita. I opened my eyes widely and then I saw him... Ang maamo niyang mukha... Nerdy Guy. |THIRD PERSON POV| "Are you crazy?" Tanong ng binata kay Ellah matapos niya itong iligtas sa paparating na kotse na dapat ay masasagasaan ang dalaga. "Im sorry, I-I didn't expect—" "What? Expect? You want to kill yourself? Expect that huh?" Nagtaka ang mukha ng dalaga. "Kill my self? No... I don't want to" "Then what you call that? Suicide?" Tumawa ng sarkastiko ang binatang si Markuz na nanatiling walang reaksyon ang kaniyang maamong mga mata. "Sorry nga diba? Why are you so concern?" Tanong ni Ellah dahilan para mag-iwas ng tingin si Markuz. "Im not," Tanging sagot ng binata at pinulot isa-isa ang mga folder na hawak niya. "W-Why did you save me? Bakit ka nandito? Bakit ang b-bilis mo?" Hindi makapaniwalang tanong ng dalaga na tinignan si Markuz habang abala sa pagpupulot. "It's non of your business" sagot ng binata dahilan para mahulog ang panga ni Ellah. Tuluyan na itong naglakad na hindi siya tinignan sa huling pagkakataon. |ELLAH'S POV| Pagkatapos ang insidenteng 'yon ay dumating naman si Mika at Jazrel at tinulungan akong pumunta sa clinic para magpagaling. Nakahiga ako sa isang bed habang nag-alalang tinitignan ng dalawa. Hindi ko parin pinansin si Mika hanggang ngayon. "Sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede naman tayong pumunta sa Hospital." Tanong ni Jazrel, halata sa mukha niya ang matinding pag-alala. "No, it's fine. Malalaman lang 'to ni lolo." Sagot ko at umirap sa kawalan. "Im sorry Ell. Kasalanan ko 'to." Narinig kong ani Mika. Hindi ko siya pinansin. Malamang, kasalanan niya talaga! "Sorry, pupunta muna ako sa next subject..." Dagdag pa niya at tuluyan ng umalis. "Are you sure na okay ka lang dito? We have exams pa... Sigurado akong mabo-bored kalang" wika ni Jazrel. Tinignan ko siya. "Thank you nalang pero okay lang ako. By the way, good luck!" Tuluyan na siyang umalis sa clinic. Kinuha ko nalang ang earphones ko at nagpatugtog ngunit nagitigilan ako ng may magsalita sa bandang likuran ko. "I bought snacks for you" Dahan-dahan akong napalingon kung sino 'yon. Para akong binagsakan ng langit ng makilala ko kung sino siya.... Nerd Guy. Nakahawak ito ng paperbag at chuckie. Inabot niya ito sa 'kin at ka-agad ko namang kinuha. "S-Salamat," Hindi ko inaasahan na pupunta siya dito para ibigay lang 'yon sa akin. Alam kong may mabuting side si Markuz. He save me from accident and now, he bought snacks for me. "You're welcome" tugon niya at aakmang aalis na sana ng pigilan ko siya. "Yung nangyari kanina... Pasensya kana" bahagya akong ngumiti. "Hindi ko inaasahan ang kotse... Hindi ko nga alam na nandon ka sa oras na 'yon." Nakatutok lang ang atensyon niya sa 'kin ngunit wala paring reaksyon ang mga mata niya. "I need to go," he mumbled and then he left. Napabuntong-hininga nalang ako at umidlip para mapahinga ang sariling uyak. Pagkagising ko ay ang mukha ni Jazrel ang sumalubong sa 'kin. "We need to go," aniya na nakangisi pa. Hindi na ako nagsalita pa dahil masakit ang ulo ko pagkagising. Nakita kong nag-usap muna si Jazrel at Nurse Jam bago kami tuluyang umalis. Nang nasa gate na kami ay nahagip ng aking atensyon si Markuz. Nakatingin ito sa amin na tila ino-obsernahan si Jazrel. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay mabilis naman itong umalis. "Im sorry. Parang hindi ako makakapunta sa inyo nito..." Ani Jazrel habang nakatingin sa hawak niyang cell phone. "Ouhm" tanging tugon ko. Tumingin ito sa akin. "May flight si mom sa singapore, kailangan naming ihatid si mom. Babawi ako bukas, Ellah. Sorry talaga." Aniya. "Okay lang... Masakit 'din ang ulo ko." "Ihahatid nalang kita sa inyo." Tuluyan na nga kaming sumakay sa kotse niya at hinatid niya naman ako sa bahay. Nang nasa harap na kami ng mansion ay pinagbukasan niya naman ako ng kotse. "Thank you," pasasalamat ko sabay ngiti pa. "My pleasure," tugon niya na may ngiti sa labi. Kakaiba ang ngiting 'yon. Awkward akong ngumiti at nagpa-alam na pumasok sa mansion. Sinalubong naman ako ng maid namin ng makapasok ako. Wala sa sarili akong umakyat sa kwarto dahil nahihilo na talaga ako. Hindi ko alam kung saan 'to galing pero malakas ang kutob ko na na-trauma ako kanina. I don't want Lolo to know about this. Nakakasigurado akong magagalit at se-sermunan niya na naman ako. Nagbihis lang ako ng maiksing damit at short. Naghilamos narin ako para manatiling blooming ang itsura ko kahit pagtulog. Aakmang hihiga na sana ako sa kama ng marinig ko ang paulit-ulit na katok. "Ma'am, may naghahanap po sa inyo." Ani ng isa naming Maid. "Pakisabi na natutulog ako... I need to sleep na talaga" "Ma'am, importante daw 'eh. Kailangan niyo pong bumaba." Nagbuntong-hininga ako ng malalim at padabog na tumayo. "Ano ba 'yon? I need to rest! I think aapoyin ako ng lagnat!" Sigaw ko sa harap ni Estella. "Sorry ma'am pero kailangan po talaga 'eh..." Napa-irap nalang ako sa hangin. Pisteng litsugas na 'yan! Sino ba 'tong kupal na 'to at malakas ang loob na isturbuhin ako? "Saan ba siya?" "Nasa baba po ma'am," sagot ni Estella na nanatiling nakayuko. Padabog na naman akong bumaba ng hagdan. Isang bulto ng tao nga ang nakita ko sa salas. Nakatalikod ito sa 'kin at tila namamanghang tinitignan ang mga obra na nakasabit sa pader. "Ano bang kailangan mo?" Galit na usal ko. Natigilan siya sa ginagawa at napalingon sa akin. Tila nahulog ang panga ko ng mamukhaan ang itsura niya. I show that he grinned at me... Bago sa 'kin ang ngiting 'yon. Bakit? Bakit Markuz? ~~~~~~~~~~
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Biaya 33 berlian
Keseimbangan: 0 Berlian ∣ 0 Poin
Komentar Buku (42)
Charlon Listana Barcelon
your story is beautiful so that's how I ended your story and it's not boring to read.
your story is beautiful so that's how I ended your story and it's not boring to read.
28/12/2021
1so sad
24/08/2024
0ang ganda basahin
17/04/2024
0Lihat Semua