logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 5 IV - Break

Ryan
“Guys, flat ‘yong gulong natin.”
Sabi ko na nga ba, eh. Narinig ko na lang na napaungol ang iba kong kasama.
“Now, really? Of all times?” naiinis na litanya ni Jessica na hindi na maipinta ang mukha.
“Wala naman siguro tayong nasagasaan, ‘di ba? You know, baka matulad tayo sa mga horror movies, ha,” pupungas-pungas pang saad ni Jane. Na-imagine ko tuloy ‘yong mga napanood kong palabas na nakasagasa sila ng multo tapos pinatay sila isa-isa. Medyo nakakikilabot.
“Ano na? Maaayos naman ‘yan ‘di ba?” wika ni Kayne na kahit kailan ay intimidating.
Nakakainis talaga.
“Lumabas muna kayo, tutal gising na kayong lahat. Mark, kaya mo ba ‘tong ayusin?” wika naman ni Steve na nakapameywang sa labas.
“Kaya ‘yan,” tugon ni Mark na nakapikit pa.
Napahikab naman ako at muling napapikit. Kulang pa rin ang tulog ko. Napamulat naman ako nang pumalakpak si Steve.
“Guys, gising! Hindi makukumpuni ang van kung nakatambay kayong lahat d’yan,” panggigising niya. Napabuntonghininga na lang ako dahil talagang tinatamad pa akong gumawa ng kahit anong bagay. Kainis.
“Ano ba? Kumilos na kayo,” maotoridad na utos ni Kayne na nagpagalaw sa amin. Kayne’s the real boss nga kasi. Punyeta siya.
Unang lumabas si Catherine na nasa tabi ng pinto, at talagang inalalayan pa siya ni Steve sa pagbaba.
Wow.
“Naks, may alalay si mahal na prinsesa, ah. Iba ka talaga.” Napaismid ako. Hindi naman ako pinansin ni Catherine at nginitian lang ni Steve.
Nagkiskisan ang mga ngipin ko sa inis. May taglay na kaharutan din ‘tong si Steve, eh. Mula pa dati, napapansin ko na ang mga pasimple niyang galawan kay Catherine.
Pinakalma ko na ang sarili ko. Ayoko namang may magawa na namang kagaguhan.
Huwag niya akong punuin.
Paglabas ko ay sumalubong sa akin ang malamig na ihip ng hangin paglabas ko ng van. Napayakap ako sa sarili ko.
Napapalibutan ng mga puno ang kinalalagyan namin, at hindi sementado ang daan. Bahagya pang sumisikat ang araw sa Silangan.
“Nasaan na ba tayo? Malapit na ba tayo sa camp?” tanong ni Alvin na parang matutumba pa sa antok.
“Nasa kalagitnaan na siguro tayo. Hindi ko pa nakikita ‘yong sign, eh. Tapos mahaba na rin ang ibiniyahe natin kaya malayo na tayo sa main road,” tugon ni Steve na nakasandal sa van. Kinakausap niya si Mark na ngayon ay ini-inspect na ang gulong.
Narinig ko naman na humikab si Catherine na nasa tabi ko.
“Oy,” pagtawag ko sa kaniya. Hindi niya ako pinansin. Badtrip pa rin. Napatawa na lang ako sa isip ko.
“Jessica, may spare tire naman d’yan, ‘di ba?” tanong ni Mark kay Jessica.
“Of course! At the back,” tugon ni Jessica na suot ang baong jacket ni Noel. Ewan ko kung nakapag-retouch na siya pero parang gano’n na nga.
Napatingin ako sa relo ko. 5:57 na ng umaga.
“Ah, guys, since gagawin pa naman ‘yong gulong, tara kaya munang magkape?” anyaya ko sa kanila.
“Oo nga. Gutom na rin ako,” pagsang-ayon ni Alvin.
“Buti naman naisip niyo ‘yan. My tummy is so sad na! Isipin niyo, 12:30 ako bumangon tapos ‘di ako nag-breakfast!” reklamo naman ni Kelly. Ang daldal talaga nito.
“Who?” tanong ni Jane.
“Me—”
“Who asked?” Hindi na nakatapos si Kelly dahil sa pambabara sa kaniya ni Jane. Ito namang si Jane, napahagikhik.
“Alam mo, bruhilda ka talagang babaita ka, eh!” asar na sabi ni Kelly at hinila ang buhok ni Jane.
Ewan ko kung paano naging magkaibigan ‘tong dalawang ‘to kahit araw-araw silang nagtatalakan. Pero sabi nga nila, opposites do attract.
Nagpasiya akong maupo ako sa isang nakatumbang troso sa tabi. Kaniya-kaniya silang kuha ng pagkain. Naglabas pa nga ng convertible chair si Noel at pinaupo si Jessica, siya lang ang pinaupo. Wala rin kasing mauupuan dito maliban sa kahoy na kinalalagyan ko.
May mga dala na silang paper cups at nagtitimpla na ng kape. May nakahandang thermos at mga pakete ng 3-in-1 coffee sa may pintuan ng van.
Maya maya pa ay napangiti ako nang makitang naglalakad papunta sa akin si Catherine.
“Oh,” aniya sabay abot sa akin ng isang cup ng kape na tinanggap ko naman.
“Naks, may pa-kape si Mayora!” biro ko.
“Ibuhos ko ‘yan sa ‘yo, eh.” Aba, asar pa rin pala. Tinalikuran niya ako at naglakad pabalik sa van. Agad ko namang hinablot ang pulso niya bago pa siya makalayo.
“Ano ba?”
“Dito ka lang.”
Muli niya lang akong inismiran at inalis ang aking kamay.
“Kukuha lang ako ng pagkain. Ikukuha na kita, nakakahiya.” Napangiti na lang ako sa sinabi niya.
Sungit-sungitan ka pa, ha.
Sumunod na rin ako sa kaniya para kumuha ng pagkain. May baon si Jane na isang loaf ng tinapay na may palamang chicken spread, at naglabas ng isang garapong Stick-O si Alvin.
Kape plus sandwich plus Stick-O? Puwede na. Natatawa na lang ako.
“Anong oras ba magagawa ‘yang gulong?” tanong ni Kayne. Demanding pa, kung siya kaya ang gumawa?
“Depende. Pero siguro naman bago magtanghalian ay nakarating na tayo,” ngumunguya pang sagot ni Steve.
Bigla namang lumabas si Alvin mula sa likod ng van na may pinapaikot na gulong sa lupa.
“Oh, heto na,” wika niya at binalikan ang baso ng kape na iniwan niya sa ibabaw ng van.
“Ako na ang bahala sa pag-aayos n’yan. Wait lang, tatapusin ko lang ‘tong kinakain ko,” wika ni Mark at isinubo ang huling piraso ng sandwich niya.
Hindi nagtagal ay tapos na kaming lahat kumain.
“Guys, sino ang may dalang tools?” tanong ni Mark.
“Ako,” sambit ni Kelly.
“Saan—”
“Ay Pilipino! Bongga!” Hindi ko inasahan na babarahin ni Kelly si Mark. Nakita ko namang nagpigil ng tawa ang iba kong kasama habang naka-peace sign si Kelly kay Mark.
“Isa ka pang paepal, eh! Tinatanong nang maayos,” singhal sa kaniya ni Alvin.
“Look who’s talking.” Napaismid na lang si Kelly at umirap.
“So, sino talagang mayro’n?” pag-uulit ni Mark. Hindi niya pinansin ang pambabara ni Kelly at seryosong-seryoso pa rin.
“I think I brought a few there. I-check mo na lang kung nandoon ‘yong kailangan mo,” tugon ni Noel.
“Sige, salamat. Alin dito ‘yong bag mo at saan nakalagay?” saad ni Mark.
“‘yong malaking bag na itim d’yan. In the left pocket,” sagot ni Noel kaya pumasok na si Mark sa van.
“Matanong lang ha, nasaan ba tayo, guys?” usisa ng katabi kong si Catherine. Naupo kasi kami ulit sa inupuan ko kanina. Tuloy lang siya sa pagmamaldita sa akin.
“Oo nga, anong lugar ba ‘to? Wala yatang nakatira, puro gubat,” dugtong ko.
“Ah, shortcut ‘to papunta doon sa camp. Halos walang dumadaan dito, malayo kasi sa bayan kaya wala ring tumitira,” paliwanag ni Steve.
Okay. Cool.
Naglabas naman ng cell phone si Jane.
“Seriously? Zero load balance? Hala, paano na ako tatawag sa bahay, they’re waiting for sure!” bulalas niya. Napakuha rin naman ako ng cellphone ko sa bulsa at nalamang five percent na lang ang battery percentage nito.
Nice! Nakakagigil.
“Ang hina naman ng signal dito,” komento naman ni Kelly na hawak din ang kaniyang cellphone. Lahat kami ngayon ay inilabas ang kaniya-kaniyang gadget maliban kay Kayne na alam naming walang cellphone. Sabi niya, wala naman daw siyang paggagamitan.
Ewan ko ba, allergic kasi ‘yong makipag-konekta sa ibang tao. Sobrang saya siguro ng buhay niya.
Naka-iPhone sina Catherine, Noel, at Jessica; naka-Samsung sina Jane at Mark; Huawei ang sa akin; at Vivo ang kay Steve.
Pa-Vivo kasi siya. Joke.
Local android phone ang kay Kelly na basag na ang screen at ganoon din si Alvin pero hindi basag. Pero sa totoo lang, pareho talaga silang basag. Napatawa na naman ako sa isip ko.
“Balita ko rin kasi mahina o kaya wala talagang signal dito. Pati nga poste ng kuryente wala, kasi nga walang nakatira,” paliwanag na naman ni Steve.
Sus. Gobyerno talaga ng Pilipinas, medyo may sayad din, eh. Kung nagpapatayo sila dito ng pabahay o kahit poste man lang ng kuryente edi sana nagagamit naman ‘tong lupa. Sikip na sikip ang kabahayan doon sa bayan tapos meron palang lugar tulad nito na walang nakatira.
Naks, ang talino ko. Palitan ko na lang ‘yong ibang senador d’yan na gusto lang magkamal ng lupain ng bayan para magpatayo ng mga sariling property.
Ops, sorry.
“Paano na ‘to? Sigurado namang walang tindahan na mapapa-load-an dito,” saad ni Jane.
“Sino pa bang may load sa inyo?” tanong ni Steve.
“Wala ako,” sabay pang sabi nina Alvin at Kelly, na nagkatinginan at nag-irapan pa.
“Meron pa ako,” sagot ni Noel.
“Ako rin, meron,” dugtong ni Catherine.
“Kayo, Ryan at Jessica?” baling sa amin ni Steve. Umiling na lang ako.
“I’ll check my balance,” wika ni Jessica at pinindot ang phone niya.
“Wala na rin akong load, eh. Pwedeng makitawag ka na lang kina Noel at Catherine, Jane?” wika naman ni Steve.
“Okay,” tugon ni Jane.
“Gosh, I can’t believe this. Zero rin? I just loaded kahapon, ah?” reaksyon naman ni Jessica.
“Kaya nga, ‘di ba? Bakit naman kaya mabilis naubos ang mga load natin? May kumain na naman siguro ng load,” pagsang-ayon ni Jane.
“And I can’t even use my free data for messenger. Gosh,” napanguso namang saad ni Jessica. “Saglit nga, I’ll try to have signals sa ibang spot.” Pagkadagdag niya noon ay nagsarili ng lakad si Jessica at pumunta sa bandang likuran ng van. Sinundan siya ng tingin ni Noel.
Napalingon naman kami kay Mark na nakalabas na ng van at may dala-dalang mga gamit.
“Guys, puwede bang patulong dito?” aniya. Agad naman kaming pumunta nina Steve, Alvin, at Noel.
Inalalayan namin siya sa pagtanggal ng gulong, habang ang mga babae at ang binabae naman ay nagpulong-pulong doon sa sa isang malilim na parte sa tabi.
“Ahhh!”
Napapitlag naman kaming lahat nang umalingawngaw ang tili ni Jessica. Mabilis naming hinanap ang kinalalagyan niya.
“Jessica! What happened?”
“A-A c-centipede...”
Natagpuan namin si Jessica na nakaupo sa lupa habang takot na takot. Mabilis siyang inalalayan ni Noel para makatayo.
“Are you okay?” Tinulungan niya ring magpagpag ng katawan si Jessica. Nakapalibot na kaming lahat sa kanila.
“Jusko, ‘yong ulahipan, ayan! Ay!” Muli na naman kaming naalerto nang si Kelly naman ang magsisigaw. Bago ko pa makita nang buo ang itinuturo niya ay isang madiing tadyak na ang ginawa ni Steve.
Tinapakan niya ang ulahipan na tanaw ko ang maiksing bahaging lumabas sa ilalim ng sapatos niya.
“Whoo...” Napabuga pa siya ng hangin at iginala ang paningin sa amin. Naalis na ang tensiyadong atmospera at mukhang nakahinga na rin nang maluwag ang iba.
“Salamat sa kagwapuhan ko, ligtas na ulit kayo.”
Wala na, nagpabibo na naman ang asungot.
“Hindi ka na naawa, may buhay rin ‘yang insekto, ‘no.”
“Wow, akala mo naman may pakialam ka kung may matapakan kang buhay ng iba.”
Para akong binundol ng isang malaking bulto ng kaba nang biglang magsalita si Mark laban tinuran ko. Napabuka ang bibig ko nang bahagya at napatitig nang mariin sa kaniya.
Nagtama ang paningin namin at para bang pinandidirihan niya pa ako bago ilihis ang titig niya. Napakuyom ako ng palad. Seryoso ba siya?
Sa kabila ng lahat, may tiwala pa rin ako sa ‘yo, Mark. Huwag mo nang sirain.
Hindi ko na napansin kung sino ang mga sunod na nagsalita. Basta, bumalik na sila sa kaniya-kaniyang ginagawa nila kanina. Kumakabog pa rin ang dibdib, nagpasiya akong umupo sa inuupuan kong kahoy kanina.
“Mark, tama naman ‘tong ginagawa natin, ‘di ba? Ginagawa natin ‘to para sa kaniya. Makabubuti ito para sa kaniya.”
“Siguro... Oo. Tama naman siguro ‘to.”
Hindi puwede, Mark. Hindi mo ako pwedeng ganituhin. Kaibigan pa rin ang turing ko sa ‘yo kaya sana respetuhin mo na lang ang pinagsamahan natin.
Hindi mo ako tatraydurin.
Hindi.
At lalong hindi niya puwedeng malaman.
Hinding-hindi ako papayag.
“Hoy, Ryan! Ano? Sasama ka ba?”
“Ay, tang—” Napabulong ako kasabay ng gulat sa biglang pagsigaw mi Kelly na nasa harap ko pala.
“Buo ang isip ko pero ako’y sabog na,” pagkanta naman ni Alvin na natatawa pa.
Hindi ko naman namalayan na kasama ko na ulit ang iba at nakapalibot sa pa sila sa akin habang nakaupo ako. Nandito silang lahat maliban kina Steve at Mark.
“A-Ano ulit ‘yon?” tanong ko na lamang na nagpangiwi sa kanila.
“Ang sabi namin, kung sasama kang maggala sa gubat,” tugon ni Catherine.
“Maggala? Bakit naman?” usisa ko.
“Hello, wala kaya tayong magagawa rito habang ginagawa ‘yong van. It’s super hot here, I don’t want to get sunburn!” imbiyernang sagot ni Jessica na talagang naiinitan pa sa lagay niyang naka-straw hat at scarf na lamang sa ibabaw ng damit niya.
“Kilala niyo ba ‘tong gubat? Baka maligaw lang tayo,” saad ko.
“That’s true. Baka may mga wild animal pa riyan sa tabi-tabi,” dugtong ni Jane.
“Eh, ano namang gagawin natin?” tanong ni Alvin na namamawis na dahil unti-unti nang umiinit.
“Kung ayaw ni’yong sumama, edi ‘wag. Gumala ‘yong gustong gumala.”
Ayan, nagsalita na ang bida. Walang angal-angal kapag si Kayne na ang nagsabi. Nagkatinginan na lamang kami.
“So, ano ba... tara na, habang hindi pa tirik na tirik ang araw. Magpapaalam ako kina Steve,” ani Catherine at hinila si Jane upang puntahan si Steve. Natahimik naman kaming mga natira.
Hindi nagtagal ay bumalik sila kasama si Steve.
“Seryoso ba kayo sa gagawin niyo? Hindi natin ‘to pinaghandaan,” wika niya.
“Pero masiyado kasing boring dito, eh. I mean, the sun is blazing, tapos dito lang tayo? I’d rather start an adventure in the forest kaysa tumigil dito na parang ice cream na natutunaw,” paliwanag ni Jessica na namamaypay pa gamit ang kamay niya.
“Matagal pa ba bago maayos ang van?” tanong naman ni Noel.
“Ah, ‘yon na nga, eh. Nalaman namin ni Mark na may sira rin sa makina. Aayusin muna ‘yon para maka-diretso na tayo sa camp pagkatapos ikabit ng gulong,” tugon ni Steve.
“Ano, tutuloy na ba tayo?” pagsabat ko naman. Nagkatinginan na naman kaming lahat.
“Ano pa nga ba?”
.
.
.
“Guys, patulong naman! Ako lang talaga ang magdadala nitong ice box at water? Matetegi ang beauty ko here!” Nagmamaktol na ibinaba ni Kelly ang dala niyang cooler at galon ng tubig saka nag-crossed arms.
“Nakakaloka ka Kelvino ha, ilang hakbang pa lang tayo mula sa van!” komento naman ni Jane na yakap-yakap ang bag na puno ng kung ano-ano. Pagkain siguro.
“Bakit kasi ako? Si Alvin nga walang dala tapos akong walang muscle ganito kabigat ang—”
“Ang laki naman ng problema mo,” wika ni Alvin at binuhat ang cooler.
Hinayaan ko na lang sila at hinarap na ang kagubatan. Hindi ganoon kasukal ang nakikita naming lupa. Pinakamahabang damo na siguro ang aabot sa tuhod namin. Makapal ang kapunuan, hindi namin alam kung may bahay ba o anuman sa loob ng gubat.
Nakakita kasi si Noel ng tila isang lumang daan ‘di kalayuan sa kinatitirikan ng van. Kahit tinubuan na ng mga damo ay maaaninag pa rin naman ang mismong daan.
Kaniya-kaniya kaming dala ng mga bagay tulad ng pagkain, tubig, at tuwalya, para kung sakali mang may makita kaming ilog o kaya mapagdesisyunang mag-picnic ay handa kami.
Natawa na lang ako sa kanila, dahil sa itsura nila ngayon, alam kong sigurado nang magpi-picnic sa gubat ano man ang mangyari. May dala pa ngang itak si Alvin bilang proteksyon kung may makasalubong man kaming mabangis na hayop.
“Chichirichi Melissa! Chichirichi Melissa! Melissa, Melissa, Melissa the Explorer! Awra!” Umaalingangaw sa paligid ang pumipiyok pang pagkanta ni Kelly. Ang ingay, grabe.
“Shut up, Boots!” Sinipa ni Jane na nasa likuran ni Kelly ang paa nito na dahilan para mapa-aray ang bakla nang todo. Napatawa na naman ako sa dalawang ‘to.
“Carbonara putanesca ka talagang Mehmehlissa ka!”
Napansin ko namang hindi namin kasama si Steve.
“Nasaan si Steve?” tanong ko.
“Kinakausap pa si Mark,” tugon ni Catherine na napatingin sa akin nang makahulugan. Hindi ko ‘yon pinansin at lumingon sa likuran kung nasaan ang van.
Nakita kong nandoon pa nga sina Mark at Steve na nag-uusap. Ngiting-ngiti si Mark habang kausap si Steve, na parang may ikinukuwento pa yata.
Napatigil ako. Pinanood ko lang sila.
Mukhang ang saya nila habang nag-uusap. Nakaramdam na naman ako ng pagsikip ng dibdib.
Hindi naman niya siguro...
Napansin ako ni Steve at nagkatinginan kami. Napabuntonghininga ako at umiwas ng tingin. Bumalik ang titig ko sa kanila nang hindi na siya nakatingin sa akin.
Maya-maya pa ay tinapos na ni Steve ang usapan nila at nakipag-fist bump kay Mark bago umalis.
Naglakad siya papunta sa akin. Nakita ko namang pumunta sa kabilang parte ng van si Mark.
“Sorry, napatagal kami. Thank you sa paghihintay,” wika sa akin ni Steve.
Hindi ko naman siya talaga hinintay, pero wala na akong nasabi. Naglakad na lang kami pareho. Umuna siya sa akin.
Tinitigan ko lang ang malapad niyang likuran habang unti-unti siyang naglalakad palayo sa akin.
Bumuntonghininga ako bago nagsalita.
“Bakit kasi dumating ka pa?”
Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang humarap sa akin. Narinig niya ba ako?
“Huy! Ano ba’ng ginagawa mo? Tara na!”
Napalunok ako. Buti na lang.
Pilit kong iwinaglit ang mga sinabi at inisip ko at naglakad na papunta sa kaniya.
•••

Komentar Buku (118)

  • avatar
    BagasinAmormia

    Potek ang ganda ng story. Dimo talaga alam kung sinong magiging killer. Diko inaasahan ang mga revelations Hahaha ang ganda. Diko one expect na ganun yung magiging ending hanep haha. Nice nice

    06/01/2022

      0
  • avatar
    EscondeAzzy lei

    woohhh ka thrill ng stories HAHAHA d mo talaga mahuhulaan yung mga susunod na mangyayare

    21/12/2021

      4
  • avatar
    PersiaKlaatu

    it's my first time reading this kind of story kind the like it's nice

    12/12/2021

      5
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru