logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Sadness

Sa kabila ng lungkot ko dahil confirmed na in a relationship na nga si Jace ay pinilit ko parin tapusin ang designs ko. Hindi ako makatulog sa gabi kaya sinamantala ko ‘yon para magtrabaho. Ang kaso, may mga oras na bigla nalang akong naiiyak kapag naiisip ko si Jace. Pero hindi pwedeng maapektuhan ang trabaho ko, ayokong maging failure sa mata ng parents ko. Ang lakas ng loob kong magpaalam na mamumuhay na akong mag-isa kahit ayaw pa sana nila. Sabi ko sa kanila kaya ko na naman. Kaya ayokong sa huli ay kainin ko ang sinabi ko at bumalik sa poder nila.
Ngayon ang usapan namin na magkikita kami ni Theo at maagap akong dumating sa coffee shop na sinabi niya. Dala ko ang laptop ko at printed designs na talagang pinagpuyatan ko. Gusto ko ng ma-frustrate sa buhay ko, dahil sa tumal ng clients ko gayundin ang lovelife ko. Pero sabi nga ni Jace ng nakaraan naming pagkikita: intayin ko lang ang time ko. Pasasaan ba at dadami din ang clients ko sabi niya. Napabuntong-hininga ako. Hay! Si Jace na naman. Siya ang inspiration ko, siya ang nagbibigay sa akin ng mga payo. Pero pag-aari na siya ng iba.
Napabuntong hininga ako ulit at wala sa loob na ininom ang drinks ko. Nakatingin ako sa labas ng shop kung saan may mga taong dumadaan pero wala doon ang atensyon ko. Ang isip ko ay lumilipad kay Jace. Asan kaya siya ngayon? Ano ang ginagawa niya? Magkausap ba sila ni Anne? Sa mga ganitong oras na iniisip ko siya, sumasagi manlang ba ako sa isip niya?
And I wonder if I ever cross your mind.
For me it happens all the time.
It's a quarter after one.
I'm all alone and I need you now.
Narinig ko ang lyrics ng music na Need You Now ni Lady Antebellum sa coffee shop. Sino bang nag-play ng music? Pwede bang pakipalitan! Hay naku! Lalo pa akong pinalulungkot ng music na ito. Hay Jace, kahit ng mga nagdaang taon, ni hindi mo manlang ba ako nakita bilang dalaga? Hindi ka ba talaga nakakahalata na gusto kita?
“Hey. Are you okay?”
Muntik na akong masamid sa boses ng lalaking lumapit sa akin. Si Theo. Kanina pa ba siya? Hindi ko na namalayan na dumating na pala siya at ngayon nga ay kaharap ko na. Nakakahiya at may pagtulala pa akong nalalaman.
“O-Of course! Kanina ka pa ba?” Pagtunghay ko kay Theo ay nakita kong nag-aalala siyang nakamasid sa akin. Gosh, ang gwapo nga pala talaga ng lalaking ito! Lalo na kapag kaharap mo na sa personal at walang Vanessa na kasama! Ang layo ng Theo sa memory ko kumpara sa Theo na kaharap ko ngayon!
“Yes. Mukha kasing may malalim kang problema eh. Parang pasan mo ang mundo. Hindi naman siguro ‘yan dahil sa mga designs na pinagawa ko?” nakatawang komento niya pero nadinig ko ang concern sa boses niya.
“Ah w-wala. May iniisip lang ako. Hindi naman tungkol sa pinadesign mo. S-Sorry.”
“Bakit ka nagso-sorry? Lahat naman tayo ay may problema. Lalo na sa linya natin, masakit talaga sa ulo makipag-deal sa clients. Kahit ako nahihirapan din minsan eh.”
Civil Engineer nga pala siya at nangongontrata. Nahuhulaan ko ng mahirap nga ang pinagdadaanan niya. Ang kaso, hindi naman trabaho ang problema ko kundi ‘yong puso ko. Nakita kong nag-order si Theo ng drinks at halos mag-hyperventilate sa kilig ang waitress na nagbigay ng order ng binata. Mabuti at hindi na kasama ni Theo si Vanessa kundi ay makakatikim ang waitress na ito.
“Kung ano man iyan, pwede ka sakin mag-share. May free time pa naman ako ngayon makinig sa iyo,” sabi pa niya habang umiinom ng drinks.
Huminga muna ako ng malalim bago wala sa sarili na nagsalita. “Pa…Paano kung ang taong matagal mong minahal ay may mahal ng iba?”
Kitang-kita ko ng masamid si Theo sa iniinom nitong drinks at naubo ito dahil doon.
“Okay ka lang? Sorry! Sorry!” hinaplos-haplos ko ang likod niya dahil wala siyang tigil sa pag-ubo. Napatingin na sa amin ang mga kasama namin na nasa shop na iyon. Ilang saglit pa ay nakabawi na siya sa pag-ubo.
“I’m okay. I’m sorry. Bumibigla ka nalang kasi ng malalim na hugot eh!”
Napansin ko na natatawa siya sa akin. Sino ba naman ang hindi? Medyo hindi ko napag-isipan ang mga salita na binitiwan ko. Malalim talaga ang pinaghugutan ko. Akala pa naman ni Theo tungkol sa trabaho ang iniisip ko. Nakakahiya ka talaga Trisha!
“So…Problema pala sa puso kaya ka natutulala?” amused na tanong niya sa akin.
“Ah hindi. Wag mo ng isipin. Eto na ang final designs ko, tingnan mo na.” Napapahiya na ako. Bakit ba kasi nakapag-open pa ako ng problema sa lalaking ito. Ano ba ang meron sa Theo na ito at ang dali kong nakapagsabi ng problema sa kaniya? Iniabot ko ang folder sa kaniya at tinanggap naman iyon ni Theo.
Binuklat niya ang mga designs at pinag-aralan. May mga komento siya at tanong. Nag-discuss kami sa mga magandang gawin at revisions. Sa huli ay nag-agree kami sa ilang bagay tungkol sa designs.
“Great Trish. Magaling ka naman pala. Sa susunod kong project ikaw narin ang kukunin ko at sayo narin ako magpapapirma,” nakangiting baling niya sa akin.
“Really? Ikaw pa lang ang nagsasabi sa akin na magaling ako.” Kahit papaano ay nabawasan ang lungkot ko sa sinabi niya.
“Oo naman. Ire-refer narin kita sa iba. Lalo na kapag mga renovations. Kayang-kaya mo na ‘yon.”
“Wow! Thank you kung ganoon. Madami ka na bang projects?” tanong ko kay Theo.
“Actually, hindi pa ako natatagalan magbukas ng sariling construction company. I was employed in a private company. Then, nagresign ako at ngayon ay sumubok magsarili. Kahit papaano okay naman. May ilan na akong tauhan at equipments,” mahabang paliwanag niya sa akin.
“Mabuti ka pa. Ako hanggang ngayon feeling ko hindi parin ako okay sa career ko.” Heto na naman ako at nagsasabi ng problema sa lalaking ito.
“Ganoon? Why?” nagtatakang tanong niya.
“Sa totoo hindi ko din alam kung bakit. Kulang yata ako sa charisma para makakuha ng mga clients.”
“Don’t worry. Simula ngayon, kapag may project ako at kailangan ko ng Architect, ikaw agad ang tatawagan ko,” pangako niya sa akin.
Gumaan kahit papaano ang loob ko sa sinabi niya. “Ang bait mo naman.”
“Nah! Alam ko ang hirap ng nagsisimula palang. Kaya hanggat maaari gusto kong makatulong.”
“Mabuti ka pa. Sana lahat katulad mo,” sagot ko. “Hays, kung noon pa siguro kita nakilala baka maayos-ayos na ang career ko. Bakit kasi ngayon ka lang dumating sa buhay ko?” biro ko.
Malakas na tumawa si Theo at hindi ko napigilang mapatitig sa kaniya. Sh*t! Bakit parang gumwapo sya lalo kapag tumatawa siya?
Ganito ba talaga kapag broken-hearted? Marupok?

Komentar Buku (113)

  • avatar
    Jannice Piano Junsay

    i enjoying reading the story, hope you will write more beautiful and exciting stories. you are amazing being a writer.

    18/12/2021

      0
  • avatar
    CabalErico

    super ganda promise

    9d

      0
  • avatar
    NatalySara

    Otimo livro nota 10

    20/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru