logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

That nerd wants revenge

That nerd wants revenge

MissAriaaaa


Bab 1 Beach

She's no saint to forgive, she's been blinded by the desire to avenge the person behind her sister's death. The only family that she believed committed suicide was killed by someone at her school.
It was at her sister's funeral that she inadvertently saw a red note in her sister's diary. It states there that the rooftop will be the meeting place where they should meet at that given time.
Naghinala na siya pagkabasa pa lang 'nun dahil it was the date of her sister's death.
In order to hunt the person behind that note, she pretend to be someone else, a nerd to be exact. She can't go there without holding a card to throw to the suspect, so she gathered a lot of informations she has to know about the school where her sister used to study.
Malakas ang loob niyang magagawa niya ang paghihiganti bago pa man siya pumasok sa WEST U. 'Yun ang akala niya, dahil may isang taong dumating sa buhay niya para guluhin lahat ng plano niya.
----
He told her that revenging is for weak people only and strong people are for those who are brave enough to accept the past.
"Let bygones, be bygones, Luna. Move on and forgive. That's the only way you can free yourself from hatred," ani nito sa kanya.
"Easy for you to say, North but did you know what I've been through? Will you let go easily, if it happens to you?" Ani niya dito dahilan para titigan siya nito.
Buo na ang desisyon niya, pero ito ba talaga ang sinasabi ng puso niya?
----
Tatlong buwan na simula nang mawala ang kapatid ko pero hindi pa rin na-alis sa isip ko ang nabasa ko mula sa sticky note na iyon.
Hindi ko pina-alam kay Tita na may ganoon akong mensaheng na-basa mula sa diary ni Yas dahil alam kong mag-aalala lang ito. Mas mabuti na rin na ako lang ang nakaka-alam para walang pumigil sa akin sa pag-kamit ko nang hustisya para sa kapatid ko.
Sa ilang buwan na nakalipas araw-araw akong nagmu-mukmok sa aking kwarto. Pinaghahandaan ang gagawin ko sakaling malipat na ako sa West U.
Napa-tingin ako sa kamay ko at naka-patong rito ang isang hikaw na nakita kay Yas noong i-sinugod siya sa hospital. Malakas ang kutob kong hindi kay Yas ang hikaw na ito dahil hindi ko nakita sa kwarto nito ang pares nito.
Maaring ang hikaw na ito ay makaka-tulong sa pag-kilala ng suspek sa pagkamatay ng kapatid ko. Nai-tikom ko ang kamao ko kung saan nakapaloob ang bilog na hikaw.
Nakarinig naman ako nang sunod-sunod na katok sa labas ng pinto kaya dali-dali kong tinago sa maliit na kahon ang hawak ko at nilagay ito sa drawer ko.
"Luna, pamangkin!" sigaw ni Tita Heidi sa labas ng pinto.
Lumapit ako dito at binuksan ito. Bumungad sa 'kin ang naka-ngiting mukha niya.
Wala rin siyang pamilya kaya tinuring niya na rin kami na para niyang mga anak at tinuring na rin namin siyang parang ina. Alam kong malungkot din siya sa nangyari sa mga magulang ko na namatay dahil sa pagbagsak ng eroplano nila pero sabi niya noon na 'life goes on'.
Anumang nakaraan ay kalimutan na upang makapag-simula ulit pero hindi ko magagawa iyon. Hindi pa ngayon.
"Bakit po Tita?" kunot-noong tanong ko pero nginitian niya lamang ako at binigay sa akin ang brochure na hawak niya.
"Ano po ito?" takang-tanong ko sa kanya.
Binuklat ko ang mga pahina at tanging mga litrato ng ilang resorts ang nakita ko.
"Para saan ito, Tita? Aalis ho ba kayo?" tanong ko na i-kinatawa niya.
"Hay naku! Hindi ako, kundi TAYO!" naka-ngiting saad niya at kinindatan ako.
"Ayaw ko po Tita. Ikaw na lang po," tanggi ko at binabalik sa kanya ang brochure ngunit pinigilan niya naman ito.
"Hep! Hindi pwede! Gusto kong kasama kita. Lalabas ka lang para mag jogging at kapag pupunta tayo sa mall. Kulong pa sa kwarto. Bakasyon naman tayo," pagpi-pilit nito sa 'kin habang naka-nguso pa.
Napa-buntong-hininga na lamang ako at tiningnan siya. Ngiting-ngiti pa siya at halata sa mga mata niya na hindi niya ako titigilan.
"Okay lang naman po ako Tita eh," mahina kong saad.
Napa-nguso naman siya tsaka napa-wika, "Sige na! Malapit ka nang pumasok sa West University tapos ako naman kailangan na ako sa kompanya. Alam mo na," taas niya ng dalawang kilay kasabay ang pagkibit-balikat niya.
Pagkatapos ay nagpatuloy na sa pagsa-salita, "Ipinagkatiwala 'yun sa 'kin ng mga magulang mo. Kaya please! Bonding naman tayo," naka-ngusong wika nito na i-kinatawa ko naman.
"Si Tita naman oh! Para ka namang bata," nakangiti kong saad.
"Please! 'Tsaka 'di ba gusto mo ng sariling unit? Bibilhan kita kapag nag college ka na pero KUNG sasama ka." saad nito at ngumuso.
Huminga ako nang malalim bilang pag-suko dahil alam ko na wala na rin naman akong ira-rason sa kanya.
Alam kong hini-hintay niya ang sagot ko dahil wina-wagayway niya ang braso ko na kina-kapitan niya.
"Sige Tita. Payag na ako," naka-ngiting saad ko.
Napa-bitaw naman siya sa mga braso ko at napa-palakpak bigla.
"Yes! Thank you maganda kong pamangkin! Oh, siya pili ka dito kung saan mo gustong pumunta," masayang saad niya at kinuha ang brochure sa mga kamay ko.
Binuklat niya ito at binigay ulit ito sa 'kin, "Dito na lang po, Tita." Turo ko sa isang resort na malapit lang sa lugar namin.
La Isla Resort.
Pinili ko itong resort na ito dahil ito ang pinakamalapit at mas maganda ang tanawin kumpara sa ibang nasa brochure.
"Okay! Sige na pamangkin matulog ka na dahil maaga pa tayong aalis bukas!" Masayang saad niya at umalis na.
Napa-ngiti na lamang ako at napa-iling.
Alas kuwatro pa lamang ay nari-rinig ko na ang mga katok ni Tita sa pinto ng kwarto ko.
"Halika na, Luna! Bilis! Excited na akong makita ang dagat!" malakas na sigaw sa gitna nang pag-katok niya.
Tamad naman akong napa-bangon at inunat ang mga braso ko habang humi-hikab pa. Naglakad na ako patungo sa pinto ng terrace ko pagkatapos ay binuksan ko ito at mabilis na humaplos sa mga balat ko ang malamig na hangin.
Napangiti rin ako nang matanaw ko sa labas na ang mga nagkikislapang mga tala sa ma-dilim pa ring kalangitan.
Bumalik na ako sa loob at bagsak ang balikat na kinuha ang tuwalya ko pagka-tapos ay hinalungkat na ang drawer ko para mag-hanap ng masu-suot.
Nang matapos ako sa pag-ligo ay nag-bihis na ako at kinuha ang itim na back pack bag ko. Nilagay ko na sa bag ko ang ilang damit na gagamitin ko sa loob ng dalawang araw.
Kaunti lamang ito dahil nagda-dalawang isip pa rin talaga ako kung sasama ba ako kay Tita o hindi.
'Di bale. Dalawang araw lang naman.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at niluwa nito si Tita.
"Luna! Naku naman! Bakit ang tagal mo!?" iritang tanong nito at tiningnan ang mga damit kong naka-latag sa kama.
Nag-lakad na siya papunta sa 'kin at tinulungan ako sa pag-iimpake.
"Dalawang araw lang naman tayo doon. Bakit ang tagal mong mag-impake?" giit pa nito sa akin.
Nginitian ko lamang siya pero narinig ko ang buntong-hininga niya. Napa-tingin ako sa outfit niya at napa-ngiti. "Mukhang ready ka na talaga Tita ah," panunuyaw ko dito dahil sa suot nitong dilaw na beach hat at pinartneran ng isang dilaw din na spaghetti dress na pang beach talaga.
Umikot pa siya sa harapan ko at nag pose. Hindi halata na may edad na si Tita dahil mukha pa rin itong dalaga.
Marami ring nanli-ligaw sa kanya pero tina-tanggihan niya lamang ang mga ito dahil ayaw niya raw sa sakit sa ulo.
"Ikaw rin magbihis ka na at pupunta na tayo sa beach!" hyper na wika nito.
"Ito na po ang suot ko, Tita," tipid kong tugon sa sinabi niya.
Bigla siyang napa-takip ng bibig niya at tiningnan ako ng may pagta-taka.
"Seriously? My ghad, Luna! Sa tingin mo pang-swimming 'yan?" gulat na tanong niya.
Napa-tango naman ako pero ngumiwi lamang siya at umiling.
"May problema ba rito?" tanong ko at tiningnan ang suot ko.
Wala namang problema dito ah!
"Of course, there is! Seriously, Luna!? Pantalon at malaking damit? E, parang rally ang pupuntahan mo!" asik niya.
Lumakad siya papuntang closet ko at inisa-isa ang mga damit na naka-sabit dito.
"Oh! Ito mas okay pa! Maganda naman ang katawan mo. Magpalit ka na! Hihintayin kita sa baba," wika niya pagka-tapos ay ibinigay sa akin ang damit at tinalikuran na ako.
Sumimangot naman ako at tiningnan ang mga damit.
Itinaas ko ang kaliwang kamay ko na hawak ang pulang damit na maikli at kita na ang pusod ko kung susuotin ko ito.
Itinaas ko naman ang kanang kamay ko na may hawak na isang short na sobrang ikli.
Napa-ngiwi na lamang ako at napa-buntong hininga pagkatapos ay nilapag ito sa kama ko.
"Hep! Suotin mo 'yan! Now na!" rinig kong sigaw ni Tita na ikinagulat ko naman.
"T-Tita!? Akala ko u-umalis ka na!" gulat na turan ko pero inirapan niya lang ako.
"Suotin mo na yan. Kapag hindi mo sinuot 'yan ba-bawiin ko 'yung mga transfer papers mo sa West University," pagba-banta niyang saad.
At dahil sa pangba-blackmail niya na 'yun ay napilitan akong pumayag.
Dali-dali kong kinuha ang mga damit at nginitian si Tita.
"E-Eto na nga oh, Tita. I-Isusuot ko na hehe. Labas ka na po at magbibihis na ako," utal kong wika at nginitian siya nang napakalawak.
Takot ko na lang sa banta niya. May mahalaga pa akong sadya sa unibersidad na 'yun.
Hinawakan ko ang dalawang balikat niya at tinulak-tulak siya. Tumigil lang ako sa pag-tulak sa kanya ng maka-labas na siya ng kwarto.
Humarap siya sa 'kin at pumamewang.
Tiningnan niya ako na para bang nam-babanta at tinuro ang swim-suit ko kaya napa-tango na lamang ako pagkatapos ay nginitian siya.
"Good!" nakangiting tugon niya at umalis na.
Sinarado ko ang pinto pagkatapos ay mabilis kong kinuha ang swimsuit at pumasok na sa cr para mag-bihis.
"Perfect! Now, let's go!" masayang saad niya at tumakbo papasok sa kotse.
Napa-tango naman ako at pumasok na rin sa kotse. Na-upo ako sa passenger's seat at nilagay na ang seatbelt.
Nag-simula nang paandarin ni Tita ang kotse kaya napa-sandig ang ulo ko sa bintana at tahimik kong tini-tingnan ang mga tanawin na aming nadadaanan.
"Inaantok ka pa ba?" tanong niya sa akin kaya napabaling ako nang tingin sa kanya at tumango.
"Opo, eh," sagot ko.
Natawa naman siya at tumango.
"Matulog ka na muna. Gisingin na lang kita maya-maya," nakangiting saad ni Tita habang nakatingin sa daan.
Tumango naman ako at kinuha sa bag ko ang cellphone na may nakakabit na earphones. Sinalpak ko ito sa magkabila kong tainga at pumikit.
Nagising na lamang ang diwa ko nang maramdaman kong may yumu-yugyog sa aking mga balikat.
"Uhmm.." pag-alis ko ng kamay nito sa balikat ko.
"Luna! Luna! Wake up pamangkin. We're here!" rinig kong sigaw ni Tita kaya minulat ko na ang aking mga mata.
Huminto na ang sasakyan at nakikita ko na ang dagat mula dito sa pwesto ko. May ngiting sumilay sa mga labi ko at mabilis na inalis ang seatbelt.
Tiningnan ko ang oras sa aking cell phone at saktong 8:45 na. Inabot pala kami ng tatlong oras sa byahe.
Lumabas ako ng kotse habang si Tita naman ay magha-hanap ng parking area.
***
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at napa-ngiti nang masilayan ko ang kulay kahel na kalangitan dahil sa papa-sikat na araw kung saan nagrereplika sa dulo ng kadagatan ang kulay nito.
Sinadya kong mag-lakad nang madiin upang mag iwan ito nang magandang hugis ng paa ko sa buhangin.
Napa-tigil ako sa dalampasigan at masuyong tumingkayad kasabay ng pag-buka ng dalawang mga braso ko habang pina-pakiramdaman ang sinag ng araw at malakas na hangin na lumalapat sa balat ko.
Iminulat ko ang mata ko at tiningnan ang kabuuan ng dagat.
'Ang ganda!'
I really love this view, it mesmerizes me.
I can also hear the noise of its waves and it sounds like a music in my ears. I closed my eyes and felt the cold breeze that's slowly touching my face.
Malapit na, Yas. Tulungan mo ako na mahanap ko ang pumatay sa'yo. Pina-pangako ko na bibigyan kita ng hustisya sa pagkamatay mo. Pagbabayarin ko sila sa kasalanan nila sa'yo.
And as for that moment my tears streamed down my face.
Gusto kong sumunod sainyo diyan pero hindi ako aalis sa mundong ito hangga't hindi ko nakakamit ang hustisya. Hindi ako titigil.
Lumapit ako sa dagat at bigla akong nanginig ng naramdaman ang malamig na tubig.
Napaka-perpekto ng lugar na ito upang kalimutan ang mga problema at bumabagabag sa isip ko. Ngunit hindi pa rin nabibigo ang pag sagi sa isip ko nang ala-ala tungkol sa kapatid ko.
Hindi ako dapat mag-saya o maging kampante hangga't hindi ko pa nai-hihiganti ang kapatid ko.
Naglakad pa ako sa dagat hanggang sa ramdam ko na ang tubig sa itaas ng dibdib ko at na-realized ko rin na wala na akong naapakan pang buhangin pero hindi ako nag-patinag at patuloy na umabante to let the ocean swallow my whole body. But suddenly--

Komentar Buku (88)

  • avatar
    Jude Midtimbang

    good

    23/07

      0
  • avatar
    ThezeGenres

    thank you so much for this wonderful story beh 🫶

    13/03

      0
  • avatar
    Shaira Carabet

    nice

    12/03

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru