logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2

Sabi nila kahit gaano ka pa kalugmok, magpapatuloy at magpapatuloy pa din ang buhay. Lilipas ang mga araw, sa ayaw mo man o sa gusto.
Iinog pa rin ang mundo sa paraang nakagawian nito dahil hindi iyon makikisama o hihinto para lamang sa 'yo.
Matapos naming makapag enroll bilang 4th year sa pinakamamahal naming School (Eton High) ay nagkayayaan ang buong Class A na pumunta sa Mall para bumili ng school supplies at kung anu-ano pa. Syempre kumain na din. Ngunit matapos ang araw na iyon ay hindi na ako muling lumabas ng bahay, bagaman at pinipilit ko na maging normal ang bawat araw ay aminado pa rin ako na nagpatuloy ang pagiging emo ko lalo na sa tuwing mag-isa na lang ako sa kwarto, ganoon lang palagi, gigising sa umaga na hindi nawawala iyong pakiramdam na may kulang sa pagkatao ko, kakain, maliligo, magpapanggap na okay, sa gabi ay iiwasang mag-isip ng tungkol sa kanya para magkaroon ng maayos na tulog, paulit-ulit lang iyon hanggang sa hindi ko namalayan na dumating na pala ulit ang pasukan.
Ngayon nga ang unang araw sa eskwela at kung tatanungin niyo ako kung kamusta na ako. Ito humihinga pa naman. Siguro yung iba iisipin na sobrang babaw ko, na sobrang arte ko. Porke't iniwan lang ng lalaki nagkakaganito na. Well, try to put yourselves on my place para malaman niyo kung gaano kahirap. Iyong tipong nagkukunwari kang okay sa harap ng pamilya mo. Kailangan mong sumabay sa pagkain nila, kailangan mong makisama at magpanggap na masaya, tipong nakikitawa ka pero sa loob mo nasasaktan ka na.
Nakakapagtakang hindi manlang nila binabanggit ang pangalan niya. Hindi din pinag-uusapan ang tungkol sa kanila. Pero may hinala ako na sinasadya nila iyon, at hindi na ko magtataka kung alam nila ang pinagdadaanan ko ngayon.
I'm a great pretender, yes. Pero pagdating sa pamilya sadyang wala kang maitatago, kasi kilalang-kilala ka nila.
Sa buong bakasyon ay wala pa rin akong natanggap na tawag o text message kay Kiel, maski sulat na hindi na uso sa panahon ngayon ay pinatulan ko. Halos araw-araw ko din kung tignan ang mailbox sa gate namin, syempre umaasa at nagbabakasakali ako na may sulat siya para sakin, eh. Pero wala, parang gusto ko ng magalit sa kanya, gusto ko siyang sumbatan. Gusto ko siyang pagsalitaan ng masama pero paano? Ni hindi ko nga alam kung paano ko siya cocontact-in. Ibinuhos ko na lang sa pagsusulat sa Diary ang lahat ng nararamdaman ko.
"Salamat Manong." I gave him a short smile before getting out of the car, he just nodded as an answer.
Inayos ko ang uniporme ko bago tuluyang naglakad papunta sa classroom building ng school.
As I reached our classroom's door, I did not forget to put a smile on my face. Of course to pretend that nothing is wrong with me, that I'm okay and happy. Though there's a part of me that is truly happy and excited for the new school year, and of course to meet again my classmates and friends.
"Mikaellaaaaaaa!" napatingkayad ako ng biglang may yumakap sa akin. Hindi ako nakapagsalita, kusa din naman siyang bumitaw at nakangiting humarap sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "At bakit nakasuot ka ng school uniform namin?"
"Isn't it obvious? I enrolled here, and of course we're classmates." nakangiting sabi ni Blake o nakasanayan nilang tawagin sa alyas nitong Buboy.
"Bakit?" hindi ko alam kung para saan ang tanong ko na iyon.
"Anong bakit?" tanong niya.
"Bakit kung kelan naman yata graduating saka mo naisipan na lumipat ng school?" tanong ko sa kanya matapos matigilan ng ilang segundo.
"Wala lang." sagot niya. Napabuntong hininga na lang ako. Wala ako sa mood makipag talo, may hinala ako na kaya siya narito dahil utos ng leader nila. Kung totoo man, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
The thought give a sudden irritation in me.
Bwisit magtulong-tulong sila, sige. Nakukuha niyang makipag-usap sa mga ka-gang niya pero sakin ni isang text message wala?
Hindi ko nakuhang kumibo, pakiramdam ko ay lalo lang akong nawala sa mood. Naglakad ako palapit sa hanay ng mga upuan kung saan nakaupo ang mga kaibigan ko. Naramdaman kong sumunod sa akin si Blake matapos kunin ang bag niya sa kung saan.
"Tabi tayo." binaba niya ang bag niya sa upuang katabi ng sa akin.
"Goodluck." sabi ko sa kanya.
Saglit siyang nagtaka sa sinabi ko pero bigla ay ngumiti siya ng malapad. "Thank you." marahil ay tungkol sa study ang iniisip niya. Pero iba ang sa akin.
Goodluck sa bunganga ng best friend ko.
Nakipag batian lang ako sa mga kaklase at kaibigan ko nang hindi umaalis sa pwesto ko.
"Excuse me?!" nag-angat ako ng paningin at hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngisi sa aking labi.
Nandiyan na siya..
Hindi nga ako nagkamali, tumayo si Cassey sa harap ni Blake habang naka krus ang magkabilang braso sa dibdib.
"That's my place." mataray na ani Cassey kay Blake.
"Sorry but I came here first." nakangusong ani Buboy at isiniksik pa lalo ang sarili sa upuan. Natatawang inabangan ko ang susunod pang mangyayari. Excited akong malaman kung tatalab ang pagiging isip bata ni Buboy sa pagka mataray ni Cassey.
"No. You're transferee, right? Kaya ikaw ang mag-adjust. Walang ibang umuupo sa tabi ng best friend ko, kundi ako lang."
Umiling-uling si Buboy habang mas kalalong isinisiksik ang sarili sa upuan, nakahawak pa siya ng mahigpit sa arm chair.
Nagbuntong hininga si Cassey, pilit pinapakalma ang sarili sa kung anong emosyon na nararamdaman niya.
"Dito ko sa tabi ni Mikaella, humanap ka na lang ng ibang mauupuan." makulit ang tono ng pananalita ni Blake. Nakanguso at umiiling-iling.
Nagulat ako ng biglang hawakan ni Cassey si Blake sa patilya dahilan para mapatayo ito.
"Ahhh! Ahhh! Aray koooo!" nakahawak sa kamay ni Cassey na sigaw ni Blake.
"Ikaw bata ka, kapag sinabi kong diyan ako, diyan ako ha?"
"Grabe salbaheng babae ka!" sigaw ulit ni Blake habang pigil pa rin ang kamay ni Cassey na humahatak sa patilya niya.
"Salbahe talaga ako kapag hindi nasusunod ang gusto ko." ani Cassey.
"Ang ganda mo pa naman sana kaso salbahe ka! Mikaella, tulungan mo koooo!" nangingilid ang luhang ani Blake. Napailing na lang ako sa kakulitan nilang dalawa.
Alam kong sinasadya lang ni Cassey na gawin iyon kay Blake. Kita ko din na nagpipigil siya ng tawa at hindi ganoon kahigpit ang hawak niya sa patilya ni Blake.
"Palit na lang tayo ng pwesto, Blake." naiiling na aniko. Gusto ko pa man din na maupo sa tabi ng bintana. Bitbit ang bag na tumayo ako.
Kinuha ni Cassey ang bag ni Blake gamit ang isang kamay niya at ibinato sa inupuan kong una.
Binitawan naman niya agad ang patilya ni Blake ng masigurong magiging seat mate niya ako.
Hindi pa man natatapos ang unang araw ng klase ay pinagsisihan ko nang nakipagpalit ako ng pwesto kay Blake. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay pinalipat ko na lang sana ang isa sa kanilang dalawa. Paano ba nama'y napagitnaan nila ako. Take note, panay ang bangayan at hablutan nila. Parang mga bata. Kanina tinanong ko si Cassey kung bakit ganun ang trato niya kay Blake, sagot niya lang na ang sarap daw kasing asarin.
Para daw bata, tsss.
Eh, para din siyang bata dahil sa inaasal niya. Hindi pa din nagbabago, mabait naman si Cassey, yun nga lang ay mataray. Kaya tuloy kahit halata na madaming nagkakagusto ay halos walang lumapit sa kanya, natatakot siguro sila na masungitan o baka kasi iniisip nila na hindi pa man sila nagsasabi na manliligaw, eh basted na agad.
As usual, wala naman masyadong nangyari buong maghapon. Bukod sa bangayan sa kaliwa at kanan ko ay normal na school day lang ang naganap. Hindi tulad noong nakaraang school year na buong maghapon ay halos introduce your self lang, ngayong graduating na kami ay mukhang mas seryosohan talaga. Halos wala na kasing introduce-introduce na naganap, mga lecturer na lang ang nagpakilala tapos class discussion na. Tinatanong lang nila ang pangalan namin kapag recitation. Tuloy nang dumating ang uwian ay nagkayayaan na naman na gumala.
"Grabe ganito pala kapag graduating!" pagrereklamo ni Rafael.
"Takte ang dami agad assignments at puro kailangan pang i-research!" dugtong pa niya habang animo tamad na tamad at hapong hapo na naglalakad, bitbit sa kaliwang kamay ang magaan niyang bag pack.
"Sinabi mo pa! Ang kj ng lecturers, kulang na lang magpa-project agad, eh." panggagatong naman ni Jigz. At nadugtungan pa ng iba't-ibang reklamo, karamihan ay galing sa boys.
"Sumakit yung kamay ko kakasulat! Isang buong libro na yata pinakopya kanina nung Chemistry lecturer!"
"May libro naman pero nagpapasulat pa."
BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH...
Hindi ko na napakinggan ang iba nilang sasabihin dahil may kumapit sa braso ko.
Sino pa ba? Edi si Buboy, at tulad ng inaasahan sumulpot din si Cassey at pilit akong inilalayo. Ang ending? Iyon ginawa nilang lubid sa thug of war ang magkabilang braso ko!
"MASAKIIIIIIIIIT!!!!" oo sumigaw na ko. Hindi makuha sa pa-aray-aray lang eh. Hindi naman ako nabigo, pareho silang huminto sa paghatak sa kin pero hindi sa bangayan at pagtuturuan kung sinong may kasalanan.
"Ikaw kasi!" singhal ni Cassey kay Blake.
"Anong ako? Anong ako? Ikaw kaya diyan yung laging umeepal!"
"Hoy sino ba sa atin ang nang-aagaw ng kaibigan? Panay kang nakadikit sa best friend ko, ano crush mo ba to?!" ani Cassey na tinuro pa ako.
"Bakit selos ka?" nang-aasar na ani Blake.
"What? Me? Nagseselos? Yuck! Pwede ba bata, wag kang assuming, okay? At saka! Argh! Get lost will you? Panay kang nakabuntot at nakakapit, eh! Linta ka ba?ha?!" nanlalaki ang butas ng ilong na ani Cassey. Kunot ang noo na pinanood ko lang silang magbangayan. At nang makahanap ng tiyempo ay tinakasan ko sila.
Kanina nagtext na ako sa driver na sunduin ako. Wala ako sa mood na sumama sa kanila na maglakwatsa. Mas gusto ko pang tapusin ang lahat ng assignments at matulog ng maaga.
Pagdating sa parking lot ay agad kong nakita ang kotse namin, sumakay ako at agad naman iyong pinaandar ng driver.
"Nandito na po ako!" pinasigla ang boses na sabi ko ng makauwi sa bahay.
Sinalubong ako ng yakap at halik ni Mia, syempre pa nakalahad agad ang kamay niya pagkatapos. Mabuti na lang at may chocolate ako sa bag kaya iyon ang binigay ko sa kanya.
"Nandiyan ka na pala hija, kamusta ang unang araw ng klase?" tanong ni Manang Rosa habang nagpupunas ng kamay sa suot na apron.
"Wala pong masyadong nangyari, normal lang po na araw."
"Nagluto ako ng turon na saging, pinagtira kita. Kakain ka ba?" tanong ng ginang.
"Sige po, pero pwede po bang makihatid na lang sa kwarto? Marami po kasi akong kailangan tapusin na assignment, eh."
"Aba'y kakasimula pa lamang ng klase at may assignment na agad kayo?"
"Ganoon ho yata talaga kapag graduating, sila mama nga po pala nasaan?" tanong ko ng mapansin na wala ang iba naming kasama.
"Ang mama at papa mo ay may inaasikaso, si Michael ay nasa opisina pa, ang lola mo naman ay nasa kabilang bahay, kina tito Melvin mo, nagpapaturo ng bagong cake recipe sa tita Cynthia mo."
"Hindi po ba makakasama kay lola? Baka po masyado siyang mapagod?"
"Malusog naman ang Donya kaya ayos lamang iyon, hija. O siya, mano bang umakyat ka na at magbihis? Dadalhin ko na lamang doon ang miryenda mo."
"Salamat po." nakangiting sagot ko ngunit agad ding napaharap muli sa ginang para magtanong.
"Ahm. Manang, ano. . wala po bang tumawag kanina habang nasa school ako?" ayoko man sanang magtanong ay hindi ko napigilan ang sarili ko. Pinakatitigan ako ni Manang, kaoag kuwan ay bumuntong hininga, at nang magsalita ay nakangiti na.
"Alam kong hinihintay mo ang tawag niya hija. Maski isang beses ba ay hindi siya tumawag sa cellphone mo?"
"Hindi po, eh. Medyo nag-aalala na nga po ako." no, I'm very much worried..
"Walang tumawag, pero huwag kang mag-alala, oras na tumawag siya ay sasabihin ko kaagad sa iyo. Pero sa palagay ko naman hindi iyon tatawag sa oras na alam niyang nasa eskwelahan ka."
Tama. May punto si Manang, pero sana nga ay ganoon ang mangyari. At sana tumawag na siya.
Pagdating sa kwarto ay hindi na muna ako nagpalit ng damit, diretso ako sa study table para gawin at tapusin ang lahat ng kailangang tapusin habang kinakain ang turon na hinatid ni Manang.
Alas otso pasado na ng tignan ko sa bilog at maliit na orasan na nasa tabi ng computer. Inayos ko muna ang mga gamit ko sa ibabaw ng study table bago tumayo at nag-inat-inat. Nakakangawit at nakakapagod mag-aral pero nakakatuwang buong oras ng paggawa ng assignments ko ay hindi pumasok si Kiel sa isip ko.
Ngunit habang naliligo na ako ay nagsimula ko na namang maramdaman ang kakaibang lungkot sa kaibuturan ng puso ko. Kakaiba, tila hinihila ako sa kadiliman. Nagse-self pity na naman ako, naiiyak na naman ako. Paulit-ulit ko na naman tinatanong kung bakit sa edad kong ito ang dami ko nang naranasan na masasakit na pangyayari? Iyong nangyari noong bata ako sa kamay ng taong hanggang ngayon ay kinakatukan ko. Iyong tipong sa sobrang sama ng pangyayari na iyon ay kusang kinalimutan ng isip ko. Hanggang sa naulit ulit ang pangyayari na iyon matapos ang anim na taon..
Pero higit sa lahat ay iyong katotohanan na nagkakilala na pala kami dati ni Kiel. Nangako pa nga ako sa kanya na pakakasalan ko siya paglaki ko. At masakit para sa akin na parang pinaglalaruan kami ng tadhana. Dalawang beses na kaming pinagtagpo, at dalawang beses na ding pinaglayo.
Ilang paglalayo pa ba ang kailangan? Ilang sakit pa ba ang mararamdaman? Ilang unan pa ba ang luluhaan? Bago namin maranasan ang pag-ibig na walang hadlang?
Iyong katotohanan pa lang na iniwan niya ako dati ng hindi nagpapaalam, at ngayon nga iniwan na naman niya ako at hindi nagparamdam ay parang dinudurog ang puso ko.
Naulit lang pero iisa ang dahilan. Para sa kapatid niya na kailangang operahan. Naiintindihan ko, pero ang hindi ko maintindihan bakit sa tuwing aalis siya ay hindi siya nagpaparamdam? Tulad noon, umalis siya ng hindi nagpapaalam at mula noon ay hindi na nagparamdam pa, dahil kung gumawa siya ng paraan noon edi sana hindi siya nasama sa mga alala noon na kusang kinalimutan ng isip ko, di ba? Edi sana hindi ko siya nakalimutan.
Ngayon, natatakot ako na baka kalimutan ulit siya ng isip ko dahil sa ginagawa niya ngayon na hindi pagpaparamdam. Baka oras na bumalik siya ay hindi ko na siya ulit kilala.
Ano ba kasing dahilan niya? Bakit hindi siya tumatawag? Bago siya umalis ay maayos naman ang relasyon namin, wala kaming pinag-awayan kaya nasisiguro ko na hindi pa natatapos ang relasyon na meron kami. Pero hindi ko talaga maintindihan. Bakit nangyayari ang mga bagay na ito? Sa edad kong labing lima, pakiramdam ko buong mundo na ang pasan ko.
Hilam ang mga mata sa luha, hindi kumikilos, hinayaan ko lang na dumaloy sa buong katawan ko ang maligamgam na tubig mula sa shower. Naroon na naman ang pisikal na sakit sa puso ko. Posible pala, totoo pala. Na literal na may kirot sa puso kapag nasasaktan ka ng sobra.
Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko kung ano kayang nararamdaman niya ngayon? Naiisip kaya niya ako? Namimiss kaya niya ako? Mahal pa ba niya ako?
Kasi ako oo, araw-araw namimiss ko siya, araw-araw hinihintay ko siya, araw-araw hindi siya nawawala sa isip ko. At lalong hindi mawawala ang pagmamahal sa puso ko, pagmamahal na mula noon ay para lang sa kanya.
Sa edad kong ito, sigurado na ako. Hindi na yata talaga ako magmamahal pa ng iba. Nakakainis siguro sa pandinig ng ibang tao pero iyon talaga ang nararamdaman ko.
Hindi ko nalaman kung ilang oras ako sa ilalim ng shower. Ang alam ko lang ay isang pasya ang nabuo sa isip ko.
Na kapag dumating ang ika-anim na buwan nang hindi pa din siya nagpaparamdam ay susundan ko siya sa America.
Hindi iyon imposible, may sarili kaming eroplano. Madali na lang iyon.
4 to 6 months.. Iyon ang natatandaan kong sinabi niya sa akin kaya maghihintay ako hanggang anim na buwan. Kapag dumating ang araw na iyon ay walang makakapigil sa akin para puntahan siya doon. At hindi ako uuwi hangga't hindi ko nalalaman kung kailan siya babalik, at kung anong dahilan niya kung bakit hindi manlang niya ako kino-contact.
At kapag dumating ang araw na iyon, lagot ka sa'kin Kiel Dominic Fuentabella! Ipaparamdam ko sa'yo lahat ng sakit na tiniis ko.

Komentar Buku (103)

  • avatar
    Joan Ablaneda Aguilar

    I like the ending, I already love it,.. Masyado akong nagpadala sa mga Imosyon ng dalawa kaya pati ako ay maiyak iyak na rin sa kakabasa. Hoping another story from you, thanks author and good job.

    09/06/2022

      0
  • avatar
    John Mark Torrejas

    because this please fruit and VIP group text is the best time to go raid light 🚨 to go raid and john mark torrejas a diay duwa ta rank dol you for the update and john mark ❣️ me know what if I Love 😘 ok I'll see you so you so much te ❤️ By me know what you want for dinner etc etc ok I'll be home 🏠 me know when you are free I can do it tomorrow and john mark ❣️ me fruit and veggies and john harvey me to do that too 🌺 you for all the help you eat well ❤️‍🩹 you for your time kw if I have to go

    04/07

      0
  • avatar

    😍🥰

    05/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru