logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 7

Mischell's POV
"Sorry prof I'm late hehe." Napapahiyang sabi ko rito.
"Why are you late?" blankong emosyon nitong tanong sa'kin habang naglalakad na papalapit sa harap kung saan ako nakatayo, habang pinapanood lang kami ng lahat nabaling pa ang tingin ko sa kaliwang kamay nito na may binda na hindi ko naman nakita kahapon, ngunit kahit nagtataka ay hindi ko na lang iyon pinansin.
"Traffic po," pagdadahilan ko na lang.
"Kung traffic pala sana inagahan mo na ang alis sa bahay niyo, gising ka na ng alas tres hindi ba?" Namilog ang mga mata ko sa gulat nang maalala kong nag chat nga pala ako ng 'good morning' sa group chat kaninang madaling araw at nakitang si Prof ang naunang nag seen kanina.
"Naku prof palusot lang 'yan ni Mitch, baka 'yong oras na nag chat siya matutulog pa lang haha." Tumatawang sumabat si Nath sa'min dahilan para matawa naman ang ilan.
'Tama ka Nath nu'ng mga oras na iyon ay talagang matutulog pa lang ako,' gusto kong sabihin iyon sa kanila ngunit mas pinili ko na lang tumahimik dahil wala silang alam.
"Hoy bakla pa'no mo nasabi ah?" Nakaturo ang daliri ko kay Nath habang tinatanong ito.
"Hula ko lang ba't ba." Mataray pa itong sumagot.
"Tamang hinala ka oy akala mo naman alam mo buhay ko, natraffic nga lang ako maaga kaya ako gumising 'diba prof?" Nakita ko pa ang pagbuntong hininga ni prof sa sinabi ko.
"Nangangatuwiran ka pa ms. Flor, late ka na nga ang ingay mo pa."
"Ganoon po talaga prof kapag may katwiran ipaglaban mo." Maaksyong sabi ko dahilan para magtawanan silang lahat maliban kay prof na mukhang masama ang gising.
"Kaya ipinaglalaban mong na traffic ka?" Tumango ako bilang sagot rito.
"Sige pagbibigyan kong late ka ngayon sa ikalawang araw ng pasukan at sana ay hindi na mauulit, at dahil nakatayo ka na rin lang sa unahan sagutin mo ang tanong ko," dagdag pa nitong sabi saka ako sumagot.
"Yes na agad prof sinasagot na kita, Yes." Masayang-masaya kong sabi na tawanan naman ng lahat ang kasabay na maririnig sa loob ng silid na iyon.
Advance na naman ako mag-isip wala pa ngang tanong haha.
"Pinagloloko mo ba ako miss Flor?" medyo nahihimigan na ang inis sa tanong ni prof.
"Hindi po, bakit naman kita lolokohin?" tugon ko pa.
"Anong sinasagot mo na ako wala pa nga akong tanong gusto mo bang palabasin kita sa klase ko."
"Sabi ko nga po wala pa, advance lang talaga ako mag-isip." Nakangising sabi ko, mapapalabas pa ako ng wala sa oras.
"Sa kadaldalan ng bibig mo, ewan ko lang kung may isasagot ka."
"Ano po bang tanong?" tanong ko na rito.
Lumapit siya sa unahan kong saan nakalapag ang ilang gamit nito, saka binuklat ang libro.
Hindi ko na lang pinansin ang tinginan ng mga kaklase ko, walang hiya naman ako e'.
"Since our subject is about Entrepreneur who is Henry Sy?" tanong ni prof sa'kin.
Napatitig ako kay Nath ng hindi sadya at pinandilatan lang ako nito.
Henry Sy?
Lintik sino ba 'yon sikat na artista ata wala naman akong kinalaman sa buhay noon e'
"Did you understand my question ms. Flor?" muling tanong nito ng hindi ako nakasagot.
"Sorry prof 'di ko po kilala si Henry Sy, itatanong ko na lang sa kabilang section baka kilala nila."
"BWAHAHAHAHA!" Umalingawngaw ang tawanan ng mga kaklase ko dahil sa sagot kong iyon.
"Are you out of your mind ms. Flor seriously, you're studying about business and you didn't know about the famous business man in our country?" nagpipigil sa inis na nitong sabi.
"E' wala nga po akong alam e' hayaan mo prof itatanong ko sa kapit-bahay namin baka kilala nila si Henry Sy, tutal maraming alam naman ang mga kapit-bahay ko." Tawanan na naman nilang lahat ang sunod na bumalot sa loob ng silid na iyon habang salubong na ang mga kilay ni prof dahil sa mga sagot ko na tila hindi nito nagustuhan.
"Sit down." Inutusan na lang ako nitong maupo dahil tila hindi na niya mapigilan pa ang inis sa walang kwentang pakikipag-usap ko rito.
Natatawa man ay dali-dali akong umupo sa silya ko katabi ni Nath.
"Since ms. Flor didn't know who is Henry Sy, can anyone answer my question?" tanong ni prof sa lahat.
Agad na magtaas ng kamay si Nath na ikinagulat ko.
"Bakla naman kilala mo pala bakit 'di mo manlang chinika sa'kin kaloka ka." Pabulong kong sabi kay Nath.
"Burikat jusmeyo itinuro na iyon dati pa," sagot naman nito.
"Hindi ko alam gag*," inis kong reklamo rito.
"Okay Mr. Salazar answer my question," saad ni prof kay Nath dahil ito ang napili na sumagot sa tanong.
"Henry Sy is one of the richest men in the world and a world-class commercial center developer who provides opportunities to both entrepreneurs and the working class, Henry Sy is the owner of Shoe Mart or should I say SM." Sagot ni Nath na diretsong English pa ang pagkakasabi.
"Ngayon kilala mo na si Henry Sy ms. Flor?" tanong pa ni prof sa'kin.
"Medyo po, hahanapin ko 'yan sa SM pag pumunta ako roon magpapa-picture ako sa kaniya kasi 'di ko nasagot ang tanong mo prof."
"BWAHAHAHAHA!" muling tawanan na naman ng lahat ang umingay, kanina pa sila tawa ng tawa sa'kin ano bang problema nila sa mga sinasabi ko.
"Bakit ba pinagtatawanan ninyo ako?"
"Malabo 'yang pinagsasabi mo patay na si Henry Sy kaloka ka talaga, prof palabasin n'yo na nga po itong burikat sa klase natin umiingay ang room e'." saad pa ni Nath kay prof.
"Prof inuutasan ka oh, ito na lang palabasin niyo." pagsusumbong ko naman.
"Quiet everyone, baka gusto n'yong kayong dalawa ang lumabas para naman may kasama si ms. Flor, baka magsalita mag-isa 'yan," saad ni prof.
"Grabe hindi ah, tahimik nga ako pag wala akong kasama," reklamo ko pa.
"Aba sumagot ka pa talaga," nakatingin pa sa aking sabi ni prof.
"Opo kapag may katwiran ipaglaban--" hindi ko na iyon naituloy dahil pinutol na ni prof ang sasabihin ko.
"Ms. Flor pakiusap tama na, tama na please manahimik ka na." Nagmamakaawa na nitong sabi habang natatawa na naman ang lahat.
Natatawang pinilit ko na lang ang sarili kong tumahimik, medyo nakakahiya na nga itong pinaggagawa ko.
"Sa'yo na naman mauubos ang oras natin, hindi ka na natitigil kakasalita," saad pa ni prof sa akin.
"E' kasi---"
"Aba't sumasagot pa po talaga prof bigyan mo ako ng hudyat prof itutumba ko na 'to," saad naman ni Nath na kulang na lang patumbahin ako ngayon sa harap ng mga kaklase namin.
"Quiet na please, lets go back to our discussion."
Tumahimik na nga kami at nagsimula na ang pagdidiscuss ni prof, pero 'yung inaasahan ko na sana ay may matutunan ako sa itinuturo nito ay wala dahil halos pagtitig na lang yata sa pagbukas at sara ng bibig nito ang nagawa ko, ano ba naman itong nangyayari sa'kin may mali e' magaling magturo si prof at nakikita kong nauunawaan ng lahat ang mga sinasabi nito bukod lang sa'kin na wala kahit isang salita ang pumapasok sa isip ko.
Imbis na matuto ako sa discussion na iyon ay walang pumasok sa utak ko dahil hindi ko alam kung saan naglakbay ang utak ko habang hindi maalis ang mga titig kong iyon kay prof.
Kapag tinamaan ka nga naman ng lintik, ano ba itong nararamdaman ko ang natatandaan kong naramdaman ko ang ganitong pakiramdam ay dalawang buwan na ang nakakalipas, ngunit bakit kay prof ko ito nararamdaman ngayon kahit na alam ko namang mali.
LUNCH BREAK
CAFETERIA
Lumipas ang oras na 'yun na subrang bilis hanggang sa dumating ang lunch break namin.
Sina Nath at Zoey ang kasama kong kumain sa cafeteria.
"Hindi manlang active sa social media si prof wala manlang akong makita kahit isang post sa fb nu'ng inistalk ko ito, wala rin IG o kaya Twitter," saad ni Nath habang nginunguya ang kanin sa bibig nito.
"Kilala ko si Prof Zedic matagal na." Halos sabay na nabaling ang tingin namin ni Nath kay Zoey nang sabihin niya ang mga katagang iyon.
"Seryoso?" taka pang tanong ni Nath at pagtango naman ang agad na sinagot ni Zoey, tila ba nagkaroon agad ako ng interes na malaman ang buhay ni Prof kaya agad akong nagtanong kay Zoey.
"So totoo 'yung sinabi niya na hindi na s'ya single?" tanong ko at kasabay no'n ang malakas na batok galing kay Nath ang natanggap ko.
"Akala ko ba hindi mo type, kakasabi mo lang kahapon tapos ngayon intirisado ka," bulyaw pang sabi nito sa'kin.
Mabilis akong napalagok sa baso na may lamang tubig, buking na ako ni Nath lintik.
"Purki nagtatanong type agad curious lang bakla," giit ko.
"Tse kilala kita marami kang lihim sa buhay pero 'yang paganyan-ganyan mong kunwari alam ko 'yan." Nakaturo pa sa mukha kong sabi nito dahil magkaharap kami sa mesa.
"Manahimik ka nga," saway ko na dahil mukhang aasarin na ako nito.
"Balik nga tayo sa usapan natin, Zoey share mo naman ang alam mo beke nemen," pabebe pang saad nito kay Zoey na ikinatawa lang ng isa.
"Si prof isa s'yang CEO sa kumpanya ng pamilya niya," panimula ni Zoey na halos ikinagulat namin pareho ni Nath.
"Potek seryoso ka girl, CEO which means Chief Executive Officer?" paniniguradong tanong ni Nath at tumango naman si Zoey.
Pinilit naming 'wag lakasan ang pag-uusapan namin upang walang ibang makarinig.
"Teka paano mo naman nalaman, I mean gaano mo siya kakilala?" tanong ko naman.
"Kilala ko siya pero ako hindi niya ako kilala," saad ni Zoey na ikinalito naman namin ni Nath.
"Linawin mo naman 'di ko gets teh," mataray na sabi ni Nath.
"Nalaman ko lang iyon sa ate ko, kaibigan ng ate ko ang girlfriend ni prof siguro kilala ni prof si ate pero ako hindi niya ako kilala kaya nagkukunwari na lang din ako na hindi ko siya kilala," paliwanag ni Zoey saka namin naintindihan.
"E' bakit nagtuturo pa siya kung CEO na pala siya, mas malaki na ang perang makukuha niya dun 'di ba?" tanong ko na naman.
"Ang pagtuturo ang isang bagay na ginagawa niya dahil iyon ang isang pangarap ng kapatid ni prof na hindi natupad lalo na at namatay na ang kapatid nito," nalulungkot nang kwento ni Zoey kasabay ng pagtahimik namin.
May dahilan naman pala kasi kaya ganoon, kong ako siguro na magiging CEO na mas pipiliin ko nang maging CEO kisa sa ibang bagay, pero marahil hindi iyon madali para kay prof.
"Huwag n'yong ipagsasabi ang mga sinabi ko sa inyo kasi baka magalit si prof pag nalaman niya, ang ate ko lang naman ang nagkwento sa'kin ng mga bagay na iyan kaya hindi natin masasabi kung iyon nga ang totoo."
Sumang-ayon na lang kami sa sinabi ni Zoey, kaya kami lang ang makakaalam na tatlo tungkol sa pagkatao ni prof dahil mukhang kahit mga kasamahan ni prof dito sa university ay walang alam na CEO ang kasama nila.

Komentar Buku (287)

  • avatar
    gomezmaicy

    ❤️❤️❤️adik n talaga ako sa mga story about sa professor isa na naman sa mga favorite k na story ito..ang ganda ng story n ito simula palang matatawa kana kaya nakaka gana syang basahin at super kilig tapos nakaka iyak din kaya na enjoy k pag babasa..thank u author sa napaka gandang story

    05/08/2022

      1
  • avatar
    MinMin

    ang ganda super hindi lang love between student and prof yung umiikot sa kwento pati pagmamahal sa magulang sa kaibigan, kung paano maging matatag, at higit sa lahat mag patawad, kaya basahin niyo na para malaman niyo kung gaano kaganda tong kwento na tohh supeeeeeer!!!!!😭💖💖

    08/02/2022

      2
  • avatar
    Willy Quilatan

    lol

    6d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru