logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chance With You

Chance With You

Michielokim


Bab 1 Chance

Is there something more to life than having money and going to extravagant school?
There's every type of students in a classroom, may varsity player, musician, student teacher, nerds at average IQ students. Pero may isang estudyante na namumukod-tangi sa lahat, hearthrob at mayaman—siya nga pala si Chance. At siya 'yong nahulog sa kanal habang nagbibisekleta papuntang school last week. Naka-confine pa siya sa ospital, may bali ang buto at puro sugat.
“Ano 'to? Di ba sabi ko naman sa'yo mag-kotse ka na lang pagpasok mo? Nakakahiya naman! Nag-trending na ang video ng pagsemplang mo sa kanal!” Nakabibingi ang boses ng tatay ni Chance na si Don Manolo na dumalaw sa kanya.
“Pa, sorry. Hindi ko talaga kayang magmaneho ng kotse. Hindi pa rin ako nakakakuha ng lisensya,” paumanhin niya sa kanyang tatay.
“Bwisit ka talaga eh! Nakakahiya! Mayaman ka, pero nagtatyaga ka sa karampagin mong mountain bike. Anong sasabihin ng mga kumpare ko, na naghihirap na ako?” nanggagalaiting tanong ng don. Imbis na mangibabaw ang awa sa anak, inuna pa ang galit. Si Don Manolo ang isa sa tinitingalang negosyante ng lugar nila sa Villa Hermosa. May pag-aari itong construction firm, real estate establishments at malls na may 60 branches sa Maynila. Matunog ang pangalan nila at bawat galaw ay sinusundan ng nakararami. Para silang celebrity na kinaiinggitan at sinusundan ng publiko. Ang lakas nga naman kasing maka-artista ng lahi ng isang Don Manolo Peralejo. Ang maybahay nito ay ubod ng ganda, isang former beauty queen na si Imelda Peralejo. Biniyayaan sila ng tatlong supling, isang babae at dalawang lalaki; sina Hope, Valiant, at Chance.
Si Chance ang bunso at masyado siyang naive sa mga bagay-bagay, idagdag pa ang pagiging clumsy kaya napapahamak.
“Ano ba Manolo, nakakahiya! May mga makarinig sa'yo sa labas! May media!” Kung hindi pa pumasok sa loob ng ward si Donya Imelda, hindi pa siguro huhupa ang galit ni Don Manolo.
“Chance naman! Hindi ka nag-iingat!” Siya naman ang nanermon sa anak.
“Sorry 'Ma,” paumanhin ng kawawang binata. “Idi-discharge ka na mamaya. Okay na 'yan,” wika ng donya. Tumango-tango si Don Manolo. “Oo nga pala, nakita ko na ang report card mo Chance. Kailangan nating magtuos doon,” dagdag pa ng ginang at naging matalim ang tingin na ipinukol nito.
In this kind of situation, hindi na nagpapaapekto pa si Chance. Kapag sinisinghalan siya ng mga magulang patungkol sa imperfections, hindi na siya nasasaktan pa. Ewan ba niya, pagdating sa kanya ang higpit ng parents niya at lagi pa siyang kinukompara sa kuya niyang si Valiant. Kung utak naman kasi ang basehan, wala na siyang panama sa kuya niya. Pero hindi naman siya gano'n kabobo. Antukin lang siya sa klase at hindi niya gusto ang school na kanyang pinapasukan. Sa katunayan, mga magulang niya talaga ang nag-decide ng kukunin niyang kurso. Hanggang ngayon, wala siyang malinaw na pangarap sa buhay dahil sinusunod pa rin niya ang dikta ng mga magulang niyang matataas ang tingin sa kanilang mga sarili.
***
Maulan at binabagtas nina Chance ang kalsada pauwi sa kanilang bahay. Nakakaramdam na siya ng antok pero hindi siya puwedeng humikab dahil ayaw ‘yon ng kanyang parents kapag siya ay kinakausap. Purely business kasi ang usapan ng mga magulang niya at dinadaldal pa siya.
“Kailangan mong mag-aral nang mabuti Chance. Ipapamana ko pa sa'yo ang pag-manage ng malls. Kay Valiant na ang iba dahil maaasahan naman siya,” ani Don Manolo habang nagmamaneho. “Okay po,” tipid na sagot ni Chance na hindi talaga bokal sa kalooban. Habang ginagala ang mga mata sa kalsada, naiisip niya ang taong sumaklolo sa kanya sa ospital dahil kung walang tumulong sa kanya, posibleng napuruhan na siya.
“Gusto ko sanang pasalamatan 'yong tumulong sa'kin sa ospital. Matanda po siya at—”
“Manahimik ka nga diyan! Hayaan mo na 'yon, mamemera lang 'yon sa 'tin!” singhal ni Donya Imelda.
“Tama, eh kung pinabayaan ka na lang niya sana, eh di hindi siya naperwisyo di ba? 'yang mga mahihirap, kunwari lang 'yang mababait pero mga mukhang pera lang 'yan. Tinulungan ka lang no'n kasi alam niyang anak kita,” pagsang-ayon ni Don Manolo. Lihim na nadismaya si Chance dahil sa mapanghusgang remark ng kanyang tatay. Ngunit nakaisip siya ng paraan upang magpasaring.
“Eh kung mukhang pera sila, anong pruweba n'yo? Eh kayo nga diyan eh…” Sinadya niyang putulin ang nais sabihin at binawian na lang niya ng ngiti. “Dahil ganon sa negosyo! Utakan lang!” baluktot na buwelta naman ng kanyang ama. Napabuga ng hangin si Chance at bawat nadadaanan nilang kalsada ay may iba't ibang tao na may pinagkakaabalahan. All of them seems to work so hard for the daily living. Nasa bandang wet market na sila napadpad at iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita siya nang ganoong senaryo, iba't ibang mukha, naghihirap man ngunit karamihan ay may ngiti pa rin sa mga labi.
“Malapit ko nang ipatanggal ang palengke na 'yan, gagawa tayo ng condo dyan,” sabi ni Don Manolo sa kanyang kabiyak.
Namamangha si Chance sa environment na kanyang nakikita. Bilib na bilib siya sa lalaking may buhat na isang kaban ng bigas at doon sa ale na napakabilis ng kamay sa paghihiwa ng karne. Nangingiti siya habang sinusundan iyon ng tingin kasabay ng papalayo nilang kotse.
“Ang lalakas nila,” bulalas ni Chance at napahinto naman sa pagmamaneho ang kanyang ama. Wala nga siyang kamalay-malay na mapanuring nakamasid na sa kanya ang mga magulang niya.
“Walang nakakatuwa sa ganyan. Kapag 'di mo pinaghusayan ang pag-aaral mo, matutulad ka sa kanila. Habambuhay na maghihirap,” mapagmataas na wika ni Donya Imelda. Tumikhim naman si Don Manolo. “Hindi ganyan ang buhay na dapat mong kabiliban, dahil wala nang pag-asa ang pag-angat nila.”
Hindi niya pinapansin ang pamumuna ng parents niya. Kahit tuluyang nakalayo na sila, nacu-curious pa rin si Chance sa buhay doon sa palengke— parang masaya at challenging, that's the kind of life he wants to experience. Hindi pa niya naranasang ma-challenge dahil madali niyang makuha ang mga bagay na gusto niya since birth.
“Hoy Chance! Nakikinig ka ba?” paasik na untag ng kanyang ina. Hindi pa rin siya sumagot. Mas lalo siyang naantig sa mga bagay na naglalaro sa kanyang utak. Hangga't sa nadaanan na ng kanyang mata ang taong gusto niyang makita, that old man who rushed him to the hospital. Nanlaki ang mga mata niya at sapilitang bumaba ng kotse kahit umaandar pa iyon.
“Chance!” Natatarantang ihininto ni Don Manolo ang sasakyan. Sinubukan pang habulin ni Donya Imelda ang anak pero natapilok siya dahil sa suot na heels at basa ang tinapakang daanan.

Komentar Buku (107)

  • avatar
    Liza Estopa Mactal

    maganda po Ang love story po n chance tatapusin kopa po Ang love story n chance sana making sila n sunny sa bandang huli bagay po sila n chance Buti po ako sa kanila n chance sana mawala nayung Galit n sunny para po maayos napo Ang loob s chance at Mang Elmo

    21/12/2021

      5
  • avatar
    AshLey Quintos

    ang hirap tlaga pang mahirap Kang pinanganak Kasi tatapak tapakan ka lang Ng mga mayayaman gagawin Kang alipin pero hind Naman lahat Ng mayaman ay mapagmataas ang galing din Ng gumawa Ng story nito my twice siya pero hind pa ko tapos baka mas maganda pa ito sa kalagitnaan haha excited na ko sa magiging ending baka sa huli sila pa magkatulungan haha tapos magkaroon Sila Ng mga anak syempre kakasal Muna Sila bago magkaroon Ng mga anak hahaha excited na ko sa magiging kapalaran nila than you author

    29d

      0
  • avatar
    CaparasJennylyn

    ang ganda po ng novelah

    29d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru