logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

kabanata 3

Maaga akong nagising dahil sa ingay ng truck sa labas. Akala ko ba walang masyadong tao at dumadaan na sasakyan dito?
Bumangon at inis na tinignan kung kaninong hinyupak na truck iyon. Nakita ko na puro crossback chair iyon. Nagkulang naba ng upuan dito?
Baka may handaang magaganap.
Bumaba ako na naka denim shorts at plain black oversized shirt. Papalit-palit ang pasok ng mga tao na nagdadala ng mga upuan doon sa garden. Nagtaas ako ng kilay at binalingan si tito na naka-kunot ang noo na binabasa ang isang papel.
Pinuntahan ko siya, nag-angat siya ng tingin, hindi na siya nag abalang magsalita pa nang nagbasa ulit. Nakisabay ako sa pagbabasa.
"LS 4niture." Basa ko, napangiwi ako sa nabasa sa baba. "Washingina... Ang bantot naman ng pangalan ng washing machine na 'yan!"
Siniko ako ni tito. "Siraulo! Marinig ka, bibig mo!"
"Nakakabit," sabi ko bago tuluyang lumihis nang sinubukan akong kurutin ni tito.
Inirapan ako ni tito at bumalik na lang sa pagbabasa. Inilibot ko ang paningin sa mga tao at medyo nagulat ako nang makita si Calvin na pawis na pawis at may buhat na dalawang upuan.
Napatingin ako sa suot niya, hindi kasi agaw pansin. Plain white shirt at itim na maong lang.  How can someone look...so.. uhm... cold wearing those clothes?? Oo cold talaga. It sent cold to my whole body.
Napaiwas ako ng tingin nang bumaling siya sa banda ko. Maiintindihan nyo naman ako kung puro ang papanget nang nakikita ko at ngayon lang ako nakakita nang ganiyan!
"Pinagbubuhat nyo anak ng mayor," bulong ko kay tito.
Nag-angat ng tingin si tito at lumapit din sa akin para bumulong.
"Nag volunteer daw ang gago."
Nanlaki ang mata ko.
"Gago pala, ah. Sumbong kaya kita kay mayor." Pinanliitan ko siya ng mata.
Ngumisi siya.
Malakas din ang tama nitong tito ko, e. Dito ata ako nagmana.
"Wala kang proweba," mabagal niyang sabi.
Dito hindi ako nagmana. Hindi mautak, e.
"Sorry," sabi ko at pinakita sa kaniya ang pen voice recorder ko. "Nakalimutan mo atang lagi kong dala ito?"
Hindi ko naman laging dala ito, nagkataon lang.
Nagtaas siya ng kilay bago ibinaba ang binabasa at humalukipkip na tumingin sa pumasok na si Calvin.
"Tinatakot mo ako? Hindi mo kilala ang papa ni Calvin," seryoso niyang sabi.
"Edi kikilalanin ko."
Nakakakilabot siyang tumawa.
"Baka magkumahog ka paalis dito."
Matalim kong tinitigan si Calvin na nakikipagtawanan sa mga taga buhat din. Bakit ka ba nandito? Wala kang bahay?
Napabaling ako kay tito nang ti-nap niya ang balikat ko.
"Well, iba naman sila." Ngumiti siya bago nakihalubilo sa mga nagbubuhat.
Ang gulo ni tito. Napabaling ako kay Calvin na pasulyap sulyap sa akin.
Ano ka, pa mysterious?
Wala akong oras para kilalanin ang pamilya niya. Mayroon pa akong mas importanteng kailangan gawin. Palabas na ako nang tinawag ako ni tito. Naglakad ako palapit sa kanila. Kausap niya si Calvin at may isang lalaki, na sa tingin ko ay isa sa mga pahinante.
"Wala ka bang gagawin?" Tito asked me habang inaayos ang relo.
kinunot ko ang noo ko at kunwaring nag isip.
Tinatamad ako.
"Uhm... Mag pa-"
"Okay, wala, tagal mong sumagot. Paimportante," aniya.
Napapikit-pikit ako at nabalingan si Calvin na bahagyang tumatawa. Bumaling ako kay tito na natatawa na sa itsura kong parang nalugi.
Nalugi nang oras para sa sarili.
Hinihintay ko si Calvin sa harap ng raptor niya. Ang gara nito, halatang anak ng mayor. Sa akin ducati lang. Pwede 'to pag may naghahabol sayo, pang bundok.
"Tara?"
Natigil ang pagsipa ko sa gulong ng sasakyan. Napalingon ako sa kaniya, pinasadahan niya ako ng tingin. Hindi ako nagpalit, sayang damit.
"Ano? tititigan mo na lang ba ako lagi?"
"Pwede?" he asked.
Napaawang ang labi ko, aba! siraulo!
"Joke lang," sabi niya at binuksan na ang sasakyan.
Umirap na lang ako at nakipagunahan na mahawakan ang buksanan. Matalim ko siyang binalingan nang nanatili ang kamay niya na nakapatong sa akin. Tinanggal niya ito at inalalayan na lang pagbukas ko.
Akala mo naman kay bigat.
Pumasok ako at biglaang sinarado. Kawawang kotse nasakyan kita. Umikot siya at binuksan ang pinto bago pumasok sa driver's seat. Isinaksak niya na ang susi at bumaling sa akin.
"Ano?" Nagtaas ako ng kilay, "Hindi ko alam 'yun."
Dapat siya ang nakakaalam ng lugar na 'yun, taga rito siya.
Umiling siya at nagulat na lang ako nang umurong siya palapit sa akin at inabot ang kung ano sa gilid ko. Lumunok ako at halos pigilan ang paghinga nang medyo tumama ang ilong ko sa leeg niya.
Napalingon siya, buti na lang nagiwas ako ng tingin at sumandal. Hindi pa rin siya umaalis kaya tinulak ko na siya nang hindi nililingon.
"Don't come near me like that again."
"Sorry, Inilagay ko lang seatbelt mo," dahilan niya.
"Kaya kong gawin iyon, sana sinabi mo."
"Sorry, I didn't mea—"
Nahinto na lang siya nang napansing hindi ko na siya pinapansin. I'm busy playing talking angela.
Hindi na siya muling sumagot, pinaandar na niya ang sasakyan.
Kailangan naming pumunta sa cakery. Ang binigay sa amin na pangalan ay ang...
'Lienz Cakery'
"Where you can find your own icing sa ibabaw ng cupcake mo!" Basa ko sa tagline.
Ramdam kong napalingon si Gio sa akin. Anong klaseng tagline ito? Nakakaakit nga.
"Ang ganda ng tagline, noh?"
Napalingon ako sa kaniya, "Sino kausap mo?" Lumingon ako sa back seat. Tumawa siya at medyo binagalan ang pag andar para makasulyap sa akin.
"'Yung icing sa ibabaw ng cupcake ko."
ᥬ😌᭄

Komentar Buku (23)

  • avatar
    Gia Dashna Vigor

    it's a really great story, I love it, specially the plot.

    06/07/2022

      0
  • avatar
    Joan Ablaneda Aguilar

    Hm... Thrilling ng story I like it, maganda Yong story, matagal din akong nag hintay ng update ng chapter hindi ko binabasa lahat kasi gusto tuloy tuloy basa ko, pero kaunting chapter palang ang naiipon so kailangan ko nanaman maghintay, please update po.... Nakakabitin kasi magbasa, excited na akong mabasa ang mga susunod na mangyayare sa buhay ni lex.

    21/05/2022

      0
  • avatar
    Nicolette Valdevilla

    LOVE THISSS

    31/10

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru