logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

kabanata 2

Nagising ako isang kalabog ng pinto. Nakatulog pala ako kakahintay kila tito. Hindi na ako nakabalik sa ginagawa ko kanina.
"Lex!" Inalog alog ako ni Elle. "Tawag ka ni papa, lagot ka!"
Dinilat ko ang mata ko at pinagmasdan siya, halatang kararating palang nila. Pumikit ulit ako, inalog niya ulit ako. Tinatawag niya pa si tito dahil ayaw ko raw bumangon. Hinila ako ni Elle para makabangon. Dumilat ako at pinagtutulak siya palabas.
"Oo na! mag aayos na ako, alis na!"
Naisarado ko ng tuluyan ang pinto. Humilata ulit ako sa kama at matutulog ulit.
"Alexin!"
"Oo na! Eto na nga, oh!"
Dali-dali akong pumunta sa cr at nakapikit na nag ayos. Nag aayos pa ba tawag dito kung hindi mo naman kita itsura mo? Bahala na. Naghilamos ako at nagpunas bago ako lumabas. Nagulat pa ako nang nakitang padilim na. Paano ako nakatulog ng ganu'n katagal?
Bumaba ako sa hagdan habang nakatingin sa bintana. Totoo ba ito? Nakatulog talaga ako nang matagal? Dati naman kahit wala akong tulog, hindi ako inaantok. Kumamot ako ng ulo at didiretso na sana sa kusina para uminom nang tinawag ako ni tito.
Napabaling ako sa kaniya at nakitang nakaupo siya sa sofa nila kasama 'yung dalawang lalaki kanina. Napatingin ako kay Elle nang itinaas niya ang hintuturo niyang daliri at ginalaw galaw.
"Lagot ka.." she mouthed repeatedly.
Umirap ako.
"Tinatarayan mo ako, Lex?"
Nanlaki ang mata ko, "Ala! si tito, feeling. Hindi po ikaw," natatawa kong sabi.
Itong si tito masyadong feeling. Kaya siguro naging sila ni tita kasi feeling siya.
Nahinto ako sa pagtawa nang ako lang ang natatawa. Nagkatinginan kami ni manang nang naglagay siya ng pagkain sa lamesa. Umiiling siyang paalis. Napatingin ako roon sa dalawang lalaki. Si mura boy ay prenteng-prente na nakaupo. 'Yung si mister suklay naman ay manghang-mangha pa rin akong pinagmamasdan.
Napangiwi ako at napalingon kay tito nang nagsalita.
"Lex, bakit hindi mo sila pinapasok kanina?"
Umupo ako sa pangisahang upuan at kumuha nung tinapay.
"Lex, tinatanong kita..."
Nagtaas ako ng kamay kay tito, "Saglit lang po tito. Nagugutom ako, eh."
Sanay naman na sila sa ugali ko at sa motto ko.
'Food first before anything'
"Pag pasensiyahan nyo na 'yan, bawal namin siyang istorbohin pag ginagawa niya ang motto niya." Si Elle at nakikain na rin.
Narinig ko pa ang paghingi ng tawad ni tito sa kanila. Binilisan ko na lang ang pag nguya habang nakatingin doon sa dalawang lalaking nakatingin din sa pag nguya ko. Gusto nyo? Bili kayo. Nag usap sila habang kaming dalawa ni Elle ang lumalamon.
Nang tapos na ako ay sumandal ako sa upuan at hinimas-himas ang tiyan ko.
"Lex, 'yung tanong ko." si tito at uminom ng juice.
Hindi ka pa rin maka-move on tito? Joks.
"Eh, sabi kasi ni mister suklay we'll wait daw," panggagaya ko sa paraan nang pagkakasabi niya.
Napapikit nang mariin si tito habang si Elle ay humahagikgik sa gilid. 'Yung si mura boy ay natatawang hinahampas ang likod ni mister suklay.
"Bakit hindi mo pinapasok?"
"Malay ko po bang sa loob sila maghihintay. Wala naman silang sinabi na sa loob mag aantay." Seryoso kong sabi.
"Lex..." May banta sa pagtawag sa akin ni tito. Napatingin ako roon kay mura boy nang bahagya itong tumawa at siniko si mister suklay.
"Uhm... Mister Fiorell, ayos lang po." sabi niya at ngumiti nanaman sa akin. Inirapan ko siya at kay tito na lang pinanatili ang paningin.
"Tito na lang, Calvin, paulit-ulit?"
Bahagya akong natawa. Natigil din nang pinandilatan ako ni tito.
"Ok po tito."
"Tito, ano pangalan niyan?" Si mura boy at tinuro ako.
Barilin ko 'yang daliri mo, eh!
Nakita niya ang masama kong titig sa daliri niya, agad niya itong binaba at kinalabit nanaman si mister suklay.
"Ah! Si Alexin 'yan, pamangkin ko," pagpapakilala ni tito sa akin.
Hindi pa ginawang 'pamangkin kong astig'
Nilingunan ako ni tito at inilahad ang dalawang lalaki.
"Alexin, si Tristan at Calvin."
Tumango lang ako at uminom ng juice. Pasensiya na ganto ako, eh.
"Ah, tito, Mauna na po kami, bukas na lang po ulit."
Ngek!
"May bukas pa? 'wag na..." Bulong ko na paniguradong narinig ni tito dahil sa nakakatunaw niyang titig.
Tumayo sila at nagpaalam sa isa't isa
Kami ang ipinahatid ni tito sa kanila sa gate. Nakahalukipkip lang ako habang diretso ang lakad. Silang tatlo ay nag dadaldalan sa harap ko. Ang i-ingay!
"Bakit kayo pumunta rito?"
"Eto kasi," tinuro ni mister suklay si mura boy, "Gusto ka raw makita."
Binatukan naman ni mura boy si mister suklay at nagtawanan sila.
"Kung hindi ako nag aya, hanggang pictures ka na lang."
Nang nasa harap na kami ng gate, paalis na ako ng hinila ni Elle ang buhok ko. Napaikot ako kasama ng kamay niya at napa-pwesto ako na handa na sumuntok.
"Lex! easy lang!"
"Ay! 'wag mo kasi akong hinihila."
Binitawan ko siya at humalukipkip pa rin. Hindi ko namalayan na nandiyan pa rin pala ang dalawang lalaki. Nakaawang ang bibig nila nang pinagmamasdan ako at si Elle na masakit pa rin ang braso.
Dinaluhan ni Tristan si Elle habang ako ay nakikipagtitigan kay mister suklay. Nakataray ako nang bigla siyang ngumisi.
"It was nice seeing you." Matamis itong ngumiti.
Blanko lang akong timitig din sa kaniya.
"It wasn't nice meeting you."
Napaawang ang labi niya at yumuko habang hinihimas ang batok. Ayokong nababasa ako ng mga tao, kaya hangga't maaari ay hindi ako nagpapakita ng kung anong emosyon.
Inantay naming umalis ang sasakyan nila. Sumulyap sa huli sa akin si mister suklaynat ngumiti. Siniko ako ni Elle kaya napatingin ako sa kaniyang may malisyosong tingin. Umirap ako at nauna na lang pumasok. Ayoko nang mga ganiyang tingin.
"Ano 'yun?" May diin na tanong ni tito.
Kinunot ko ang noo ko, hindi maintindihan.
"Alam mo ba kung sino sila?"
"Si Calvin... at Tristan po... ata?"
Pumikit si tito nang mariin at uminom ng wine.
"Alam kong ganiyan kana, pero kahit sa kanila lang medyo umayos ka naman."
Tumango lang ako. Alam ko, ayaw naman nila sa ugali ko. Kaya nga nakahanap nang iba.
"Pasensiya na po," sabi ko at paalis na nang nagsalita siya.
"Pasensiya na. Hindi ko alam na pupunta rito ang anak ni mayor."
Ngumisi ako, "Anak pala ng mayor."
Lumpit siya sa akin at hinaplos ang braso ko nang umiwas ako. Alam naman nilang ayaw kong bigla-bigla akong hinawakan.
"Gusto mo ba kumulsuta na tayo sa doktor-"
"No! I can handle it," Sabi ko at umakyat na lang sa kwarto.
I can handle myself, I can handle everything, I don't need anyone.
ᥬ😌᭄

Komentar Buku (23)

  • avatar
    Gia Dashna Vigor

    it's a really great story, I love it, specially the plot.

    06/07/2022

      0
  • avatar
    Joan Ablaneda Aguilar

    Hm... Thrilling ng story I like it, maganda Yong story, matagal din akong nag hintay ng update ng chapter hindi ko binabasa lahat kasi gusto tuloy tuloy basa ko, pero kaunting chapter palang ang naiipon so kailangan ko nanaman maghintay, please update po.... Nakakabitin kasi magbasa, excited na akong mabasa ang mga susunod na mangyayare sa buhay ni lex.

    21/05/2022

      0
  • avatar
    Nicolette Valdevilla

    LOVE THISSS

    31/10

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru