logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata II: Dwelo

Mula sa balakonaheng kaniyang kinaroroonan, ay umalis ang hari. Pansamantala siyang naglaho sa aming paningin. Nang muli namin siyang masilayan ay nang lumabas siya mula sa pintuang tinangka naming pasukin. Bitbit niya ang isang espadang may kaluban at hawakan, na tila yari sa ginto.
"Paumanhin, kamahalan," saad ko, "ngunit natitiyak kong hindi mo ako magagawang magalusan man lang."
Napangiti ang hari. Ngiti na may halong pang-aasar.
"At sino naman ang nagsabi sa'yo na ako ang makakalaban mo?" tanong ng hari. "Isa ka lamang mahinang nilalang. Isa kang butiki na iniisip na isa siyang dragon. Kaya bakit mo iniisip ba karapat-dapat kang makalaban ng isang dakilang hari? Pero hayaan mong ako mismo ang pumili ng iyong makakalaban—Thyke!"
Mula sa tumpok ng mga kawal ng Hamporo, ay isang mandirigma ang dahan-dahang lumapit sa hari. Yumukod ito nang makalapit sa kaniyang kamahalan.
"Nasa'yong mga kamay na ang kapalaran ng ating kaharian," saad ng hari. Buo ang tiwala namin sa'yo, Thyke. Bigyan mo ng karangalan ang Hamporo, na ating tahanan. Ipagtanggol mo siya sa kamay ng mga tampalasang mananakop. Patayin mo si Heneral Gideon!" dagdag pa niya, sa madiing pananalita.
Humarap sa akin si Thyke. Hinihintay ko siyang lumapit sa akin. Nahinto na ang labanan, at ang aking mga kawal ay nakatayo sa aking gawing likuran. Ang mga kawal naman ng Hamporo, ay nasa harapan ng kanilang hari. Nakatayo sila sa lupa kung saan nahulog ang karamihan sa aking mga tauhan.
May malaking espasyong makikita sa gitna ng mga nakatayong kawal. Ang nasa kaliwa ay nakaharap sa mga nasa kanan. Ang mga nasa kanan ay nakaharap naman sa mga nasa kaliwa.
"Tatayo ka na lang ba d'yan at makikipagtitigan sa'kin?" tanong ko kay Thyke.
Napansin kong kikilos na sana si Thyke, subalit pinigilan siya ng hari. "Nais naming makasiguro, Heneral Gideon," wika ng hari. "Maliban sa'yo at kay Thyke, ay wala nang kahit na sinong hahawak ng sandata, hangga't hindi natatapos ang inyong dwelo."
Nakarinig ako ng mga bulong-bulungan, mula sa aking mga kasamahan. Lahat sila'y hindi sumasang-ayon sa sinabi ng hari.
"Gawin n'yo ang kagustuhan niya," utos ko.
Alam kong nagulat ang aking mga tauhan sa aking mga sinabi. Patunay noon ang biglaan nilang pananahimik. Pero wala silang nagawa kundi ang sumunod sa kanilang heneral. Sabay na nagbaba ng sandata ang mga kawal ng magkaibang kaharian. Tinipon nila ito sa magkaibang lugar. At sa tabihan ng tumpok ng mga sandata ay may makikitang mga lubid, na yari sa abaka. Inilagay ito ng mga kawal ng Hamporo.
Nagsimula na ding lumapit sa akin si Thyke. Dumaan siya sa espasyong nasa gitna ng mga kawal ng Hamporo. At habang papalapit siya nang papalapit ay nakakarinig kami ng sigawan mula sa mga kawal ng Hamporo. Paulit-ulit nilang isinisigaw ang pangalan ni Thyke.
Pinaghiwalay ko na ang kaluban at ang aking espada. At ang aking mga kawal ay paulit-ulit na ding isinigaw ang aking pangalan. Nangingibabaw ang kanilang tinig. Halos hindi ko na marinig ang boses ng mga kawal ng Hamporo. Lumipas pa ang ilang sandali at nakalapit na sa akin si Thyke. Binunot niya ang espadang ibinigay sa kaniya ng hari. Makislap ang naturang espada. Parehong espesyal ang aming mga sandata. Dahil pareho itong nagmula sa mga taong aming pinaglilingkuran.
Naghanda na kami para sa dwelong magpapasya ng kinabukasan ng Hamporo. Pareho kaming nagpapakiramdaman. Ang aming pagkilos ay lumilikha ng pabilog na hugis. Patuloy pa din ang sigawan. Lahat ay nasasabik sa palabas na kanilang masasaksihan.
Ang kanilang malakas na sigawan ay napahinto lamang nang magsimula kaming maglaban ni Thyke. Sabay kaming umatake. Nagdiklap ang mga talim ng aming espada sa una nilang pagtatama. Maraming beses na naglapat ang kanilang talim. Ang bawat pag-atake ko ay nagagawa niyang depensahan. Nagagawa ko ding protektahan ang aking sarili sa kaniyang mga pag-atake. Hindi ko maikakaila na napakahusay niyang mandirigma. Ramdam na ramdam ko ang kaniyang galit sa bawat pagwasiwas niya ng kaniyang espada. Nauunawaan ko ang pinagmumulan ng kaniyang galit. Buhay, kalayaan, kayaman, at ang kanilang lupang sinilangan ang nakataya sa aming dwelo. Pero ako... ano nga ba ang dahilan ko kung bakit ako lumalaban? Para lang ba pumatay? Para ba sa aming kaharian o para sa iisang tao lamang? Isinilang ba ako para magbigay karangalan, o para maging isang tau-tauhan? 'Yun ang mga katanungang naglalaro noon sa aking isipan, na gusto kong hanapan ng kasagutan. Hindi ko alam kung bakit ba ako nabubuhay. Sa mga sandaling ito ay sa isang bagay lamang ako nakatitiyak. Ako ang mananalo sa aming dwelo! Ngunit alam kong hindi ito magiging madali. Sa pagpapatuloy na aming dwelo ay biglaan na lamang akong kinilabutan, nang makarinig ako ng kakaibang tunog mula sa aking espada. Mabilis akong umatras at dumistansya kay Thyke. Kunwari ay naghahanda akong umatake. Pero ang katotohana'y sinisipat ko ang bawat sentimentro ng talim ng espadang ibinigay sa akin ng hari. Doon ko napatunayan na tama nga ang aking hinala. Sa gitnang bahagi nito ay nagkaroon na ng kaunting lamat. Ang espadang ipinagkaloob sa akin ng hari, ay malapit nang masira.
Muli akong sinugod ni Thyke. Sa pagkakataong ito ay puro pag-atras na lamang ang aking ginagawa. Hindi na ako maaari pang makipagsabayan sa aking katunggali. Dalawa o tatlong beses lang na tamaan ito ng malakas na atake ni Thyke, ay siguradong mahahati ito sa dalawang bahagi.
"Anong problema, Gideon?" naduduwag ka na ba?
Nakaramdaman ng pag-asa ang mga taga-Hamporo. Ang akin namang mga tauhan ay natitiyak kong nabigla sa aking mga ikinilos.
"Tapusin mo na siya, Thyke!" buong kagalakang sigaw ng hari.
Mas lalong naging agresibo si Thyke, kaya naman mas lalo kong binilisan ang aking pagkilos. Tanging hangin na lamang ang kaniyang tinatamaan. Bumibilis na din ang kaniyang paghinga.
"Balak mo ba akong pagurin?" tanong niya. "Bakit hindi ka lumaban sa akin nang sabayan? Nakakadismayang 'yan lang pala ang kaya ng Heneral ng Wington."
"Lumaban ka, Heneral!" sigaw ng isa kong kawal. "Buhay natin ang nakataya sa inyong laban!"
Hindi ko dapat madaliin ang aming laban. Malakas at mahusay na mandirigma din si Thyke. Sa sitwasyon na mayroon ako'y hindi malabong matalo ako sa aming dwelo. Kaya kailangan kong maging mahinahon at maging matalino. Patuloy ako sa paglayo kay Thyke, at patuloy naman ito sa pagsunod sa akin. Bago pa siya makaatake ay nagawa ko nang makalayo sa kaniya. Mabilis niya akong nasusundan, kaya mabilis din akong lumalayo.
"Kathang isip lamang ba ang mga naririnig kong kwento tungkol sa'yo?" tanong sakin ni Thyke. "Ilabas mo ang iyong tapang! Laban, Gideon! Laban!"
Mas bumilis pa sa pagkilos si Thyke. Ang aking bawat hakbang ay nagagawa na niyang sundan. Nang makakita siya ng pagkakataon, ay muli niya akong inatake. Hindi ko na nagawa pang umiwas. Kaya ginamit ko ang espada kong mayroong lamat, para salagin ang kaniyang espada. Habang magkalapat ang kanilang mga talim ay pinipilit naming itinutulak papalayo ang isa't isa. Doon ko mas naramdaman ang lakas ni Thyke. Subalit ang napakalakas na pwersang nagtutulak sa akin kanina ay dahan-dahang humina. Pinagmasdan ko ang mukha ni Thyke. Doon ko napunang hindi siya nakatingin sa akin. Ang kaniyang mga mata ay nakatuon sa talim ng aking espada. Nakatitiyak akong nakita na nito ang lamat na nasa gitnang bahagi ng aking sandata.
"Malaki pala ang problema mo, Heneral Gideon," saad ni Thyke.
Buong lakas kong itinulak si Thyke. Muli kaming nagkalayo. Ngayong alam na niya ang aking sikreto ay siguradong mas magiging agresibo pa ito. Ang aking espada na ang una niyang pupuntiryahin at hindi na ang aking leeg.
"Isang patas na laban pa din ang ibibigay ko sa'yo," wika ni Thyke. Itinusok niya ang kaniyang espada sa lupa at hinubad ang kaniyang baluti. Lumantad sa lahat ang matipuno niyang katawan. Bagay na hindi nagustuhan ng kanilang hari.
"Tapusin mo na si Gideon! Huwag kang inutil!" sigaw ng hari.
"Salamat sa ibinigay mong partida," saad ko.
Sa pagkakataong ito ay ako naman ang sumugod. Puro pasaksak lamang ang aking pag-atake. At ang kaniyang leeg ang gusto kong butasin. Si Thyke naman, ay puro lamang depensa. Alam kong naghihintay lamang siya ng tamang pagkakataon. Kaya kailangan ko pa ding mag-ingat. Sa ngayon ay kakayanin pa ng aking espada ang mahinang pagtatama ng aming mga sandata. Sapat pa ang tibay nito para sa isang pag-atakeng tatapos kay Thyke. Pareho lang kaming naghihintay ng tamang pagkakataon. At sa aming laban ay siya ang unang nagpabaya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kaniyang espada gamit ang dalawa niyang kamay. Tuwid na tuwid ito at nakaturo sa kalangitan. Bumukas ang kaniyang depensa. Ang matipuno niyang katawan na walang anumang baluti ang aking pinuntirya. Sinubukan kong muli na patagusin dito ang aking espada. Pero bago ko pa siya magawang patayin, ay nakahakbang na siya ng isang beses, pakanan. Tanging hangin lamang ang aking natamaan. Pagkakataon 'yun para kay Thyke. Tinangka niyang tagpasin ang aking leeg. Mabilis ko namang iniliko ang isa kong tuhod. Bumaba ang aking posisyon, at ang kaniyang espada ay dumaan sa ibabaw ng aking ulo. Mas lalo kong ibinaba ang aking tuhod. Pinatama ko ang aking balikat sa lupa at gumulong ng isang beses. At nang tumingin ako sa aking harapan ay nariyan na naman si Thyke. Wala na akong nagawa pa kundi salagin ang kaniyang pag-atake gamit ang aking espada. At kagaya nga ng aking inaasahan, nahati ang espadang ipinagkaloob sa akin ng hari, sa dalawang bahagi.
Matalino si Thyke. Ang butas na nakita ko sa kaniyang depensa ay hindi pagpapabaya, kundi isang patibong. Ginawa niya 'yon para mapilitan akong gamitin ang aking espada. Una niyang tinangkang tapusin ang aking buhay. Nang mabigo siya'y sinamantala naman niya ang masamang posisyon na mayroon ako, na sumira sa aking espada.
Malakas na sigawan ang aking naririnig mula sa mga kawal ng Hamporo. Punong-puno ito ng kagalakan. Dehadong-dehado na ako sa aming laban. Nang maputol ni Thyke, ang aking espada ay nagpatuloy siya sa pag-atake. Sa mga sandaling 'yon ay wala na akong ibang inaalala. Lumaban na ako nang sabayan gamit ang espadang ibinigay sa akin ng aming hari.
"Tapusin mo na ang isang 'yan, Thyke!" sigaw ng hari.
"Tapusin! Tapusin! Tapusin! Tapusin! Tapusin!"
Sa bawat pagwasiwas ni Thyke, ng kaniyang espada, ay sinasabayan ko ito gamit ang dalawang dangkal na natitirang talim ng aking espada. Hindi dahil naputol na ang aking espada ay susuko na ako. Mas naging komportable pa akong lumaban, dahil wala na akong inaalala. Nakalalaamang man sa mahaba ang kaniyang sandata ay hindi ito nangangahulugang panalo na siya. Hindi ko isinuko ang laban. At sa patuloy na pagtatama ng aming mga sandata ay humiwalay na din ang natitirang dalawang dangkal na talim ng naputol kong sandata. Tanging ang hawakan na lamang nito ang naiwan sa aking mga kamay.
"Paalam, Gideon!" saad ni Thyke.
Napatalon ang Hari ng Hamporo, nang makita niyang nasira na nang tuluyan ang aking sandata. Sinabayan siya ng kaniyang mga kawal sa kaniyang pagdiriwang.
"Huwag mo na siyang pagbigyan pa Thyke! Pugutan mo na siya ng ulo!" sigaw ng hari.
Walang humpay sa kaniyang pag-atake si Thyke, at wala akong magawa kundi ang umiwas. Napansin kong nanlulumo na ang aking mga tauhan. Para silang pinagbagsakan ng langit at lupa. Hindi ko sila masisisi kung nawawalan na sila ng pag-asa. Lalo pa at napakalaki ng nakataya sa aming dwelo. Halos mahati na ni Thyke, ang hangin, sa lakas ng pagwasiwas niya sa kaniyang espada. Ang aking leeg ang kaniyang pinupuntirya. Gusto niya itong pagulungin sa lupa. Nang hindi niya ito magawang tamaan ay ang mga binti ko naman ang tinangka niyang putulin. Wala itong anumang proteksyon, sa matalim niyang espada. Kaya kung tatamaan niya ito'y tiyak ang aking pagkapilay. Wala akong ginawa noon kundi ang tumakbo. Pinagtatawanan na din ako ng hari at mga kawal ng Hamporo. Ang mga sumunod niyang atake ay tumama sa aking baluti. Malalakas at sunod-sunod na taginting ang narinig ng lahat. Ngunit sa huli ay nanatiling matatag ang aking baluti. Nagalusan ito, subalit hindi nagawang sirain ni Thyke.
"Kasing kapal pala ng mukha mo ang baluting gamit mo," wika ni Thyke.
"At kasing purol naman ng espada mo ang utak mo," saad ko. "Walang kahit na anong patalim ang magagawang tumagos sa mga baluti ng Wington."
Napansin kong napikon si Thyke, sa aking mga sinabi. Nagngalit ang kaniyang ngipin at gigil na gigil na siyang ako'y patayin. Nang hindi niya masira ang aking baluti ay ang leeg ko na naman ang kaniyang pinag-initan. Puro pasaksak ang ginawa niyang pag-atake, na mabilis ko namang naiiwasan. Hanggang sa makaramdam ako ng hapdi sa kanan kong pisngi, nang madaplisan ito ng espada ni Thyke.

Komentar Buku (87)

  • avatar
    Randy Garbida

    thank you🙏

    23d

      0
  • avatar
    Zean Belda

    Nice story

    24/07

      0
  • avatar
    Rey Batiancila

    very nice the stretch

    21/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru