logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 30 | biological parents

TW: mentioned of cases and different crimes
Ciara's pov
Bumagsak na lang ang balikat ko dahil sa binitawang salita ni Jennifer.
Hindi 'yon totoo, hindi ako naniniwalang patay na siya!
"Bawiin mo ang sinabi mo, Jennifer. Hindi pa siya patay," seryosong saad ko. Nanlulumo habang mabigat na bawat paghinga ang inilalabas sa kawalan. Sobrang bigat sa dibdib at parang kahit anong oras ay hindi ko na kakayanin pang damdamin.
"Bawiin mo!"
"Hindi pa patay ang asawa ko. Paano mo nasasabi ang bagay na 'yan?!" Bulyaw ko at muling sinanggi ang mga nakapatong sa lamesa, dahilan para mabasag 'yon. Parang may kung anong nakaharang sa lalamunan ko dahil hindi ako makahinga ng maayos, ang bigat bigat sa pakiramdam. Parang paulit-ulit at walang tigil na sinusuntok ang dibdib ko.
"Ilabas niyo ang asawa ko!"
"Ciara, please. Huminahon ka!"
"Bitawan mo ako. Bitawan niyo ako! Ilabas niyo ang asawa ko! Hindi pa siya patay, mga sinungaling kayo!"
"Ija, huminahon ka. Baka matanggal ang tahi mo." Suway nang nurse na pilit akong pinipigilan, ngunit lumayo ako rito ay pare-parehong ipinukol sa kanila ang sama ng tingin ko.
"Hindi, ayoko! Ibalik niyo si Tyron. Ibalik niyo siya! Sinungaling kayong lahat! Buhay pa siya! Buhay siya!" Galit na sigaw ko at pinagtatapon lahat nang nakikita ko. Halos lahat na sila ay nag-aalala at hindi na malaman ang gagawin kung paano pa ako mapipigilan.
Kaya naman kusang bumagsak na lang ang katawan ko sa kama at doon humagulgol nang humagulgol. Hindi matanggap ng tainga ang lahat nang sinabi nila.
"Ija, please calm down-"
"Pinatay niyo siya.. pinatay niyo ang asawa ko! Magsilayas kayo! Hindi ko kayo kailangan, mga wala kayong kwenta! Kayo ang pumatay sa kanya. Umalis kayo dito!" Buong lakas na bulyaw ko, galit na galit at punong-puno nang sama ng loob.
"Ara, please tama na." Humihikbing pagpigil sa akin ni Jennifer habang pilit na ikinukulong ako sa mga bisig niya habang nakabalot ang buong katawan niya sa akin, pinapakalma ang buong sistema ko, pero hindi no'n nabawasan ang sakit sa dibdib dahil mas lalo lang iyun bumibigat.
"Ano pang hinihintay niyo?! Magsilayas na kayo! Hindi ko kayo kailangan." Umiiyak na pagpapalayas ko sa kanila, wala naman silang ginawa kung hindi ang bumuntong hininga at hayaan ako.
"Jennifer, sabihin mo, babalik siya, hindi ba? Buhay siya, hindi ba?" Umaasang tanong ko sa kanya, hindi siya sumagot ay niyakap lang ako ng mahigpit, dahilan para mas lalo pang bumigat ang dibdib ko.
Sabi niya gisingin ko siya kapag nakauwi na kami, 'diba? Gigisingin ko pa siya, kaya imposible ang sinasabi nila.
"G-gusto ko siyang makita." Nanginginig na sambit ko.
"S-sigurado ka?" Tanong niya, agad akong tumango kahit hindi ko alam kung anong masasaksihan ko. Dumadagundong ang kaba sa dibdib ko pero naroon ang kagustuhan kong makita siya. Makitang buhay.
"Please.." saad ko, tumango siya at inalalayan akong tumayo.
"Be brave.. Ara, please.." hindi ko pinakinggan ang sinabi niya dahil mas lalo lang nasisira ang ulo ko kakaisip kung anong ibig niyang sabihin doon.
Buhay naman siya, hindi ba?
Naglakad na kami palabas ng kwarto at para yatang unti-onting naninigas ang dalawang tuhod ko nang mapagtanto ko kung saan kami patungo ngayon.
H-hindi.. bakit dito? Bakit kami nasa sementeryo?
Naikuyom ko ang dalawang kamao ko nang maramdaman ko ang matinding panginginig no'n. Kumilibot ang labing pinigilan kong humagulgol nang nag dire-diretso kami sa loob ng sementeryo.
"B-bakit tayo nandito? Nandito ba siya?" Naiiyak kong tanong, umaasang hindi ang isasagot ni Jennifer. Ngunit mabilis akong binalot ng kadiliman ng dahan-dahan siyang tumayo bilang tugon sa tanong ko. Tuluyan nang bumagsak ang dalawang balikat ko nang huminto kami sa harap ng isang lapida.
Narinig ko pa ang pagpipigil ni Jennifer sa hikbi niya nang wala sa wisyo akong napaluhod sa damuhan nang makita ko kung kaninong pangalan ang nakaukit sa lapida na iyon.
H-hindi!
In loving memory of Tyron Collins.
Born: September 26, 1997
Died: April 2, 2020
"Hindi.. hindi! Tyron, hindi! B-bakit?! Bakit mo ako iniwan?!" Nanginginig ang buong katawan kong hinawakan ang lapida nito kasabay ng isang napakalakas na sigaw at hagulgol. Nilalabas ang lahat ng hinanakit na naipon sa dibdib ko. Ngunit sa bawat pagpatak ng luha ko ay mas lalo pang bumibigat ang dibdib ko at nababasag ang puso ko.
B-bakit hindi ka lumaban..
"Hindi 'to pwede, hindi.. Jennifer, hindi 'to pwede!" Bumaling ako kay Jennifer, nanlulumo at nagmamakaawa.
"A-ang sabi niya sa akin gisingin ko raw siya k-kapag nakauwi na k-kami. S-sabay dapat kaming uuwi sa bahay. P-pero bakit ganito.. paano ko siya gigisingin kung buong buhay na siyang natulog? P-paano kami uuwing sabay kung iniwan niya na akong mag-isa?" Garalgal ang boses kong pilit na sabihin ang lahat nang 'yun. Punong puno ng galit ang dibdib ko ngayon dahil ang huli niyang sinabi sa akin ay gisingin ko siya! P-pero bakit naman dito siya natulog?
"Sa dami nang pwede mong higaan, bakit dito pa?" Nanghihinang sambit ko.
"N-nakakainis ka. Ang sabi mo ay babawi ka, pero bakit sinaktan mo na naman ako?" Napayuko na lamang ako dahil hindi ko na kinakaya pa ang lahat. Hindi ko talaga matanggap. Ayaw tanggapin ng utak at puso ko na ganon niya na lang ako kadaling iniwan.
Naramdaman ko naman na lumuhod si Jennifer at tumabi sa akin para yakapin ako at hagudin ang likod ko.
"He did it.." ramdam ko ang pait sa boses ni Jennifer nang sabihin niya 'yun.
"When he said that, I didn't know he really mean it." Hindi ko siya nilingon dahil mas lalo lang nasasaktan ang puso ko.
"Hindi ko akalaing sa sobrang pagsisisi niya sa lahat nang ginawa niya sayo ay magagawa niyang itaya ang buhay niya maibalik lang ang buhay mo nung araw na 'yun." Pagtukoy niya noong araw na na-hospital ako. Narinig ko ang paghikbi ni Jennifer, dahilan para haplusin ko ang kamay niya.
"He's brave. I salute to him."
"Pero hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ng hustisya ang magulang ni Tyron sa pagkamatay niya dahil hindi nila iyun matanggap. Nag-file sila ng kaso sa mga Soriano. 'Yung tatay ni Tyron, galit na galit, hindi makapaniwala na nagawa 'yun ni Hannah kay Tyron, kaya hanggang ngayon hindi sila tumitigil na hanapin si Hannah." Pagkukwento niya.
"Nasa France siya," sagot ko, dahilan para magulat siya.
"What do you mean?" Takhang tanong niya.
"Ngayon ko lang naintindihan lahat. 'Yung biglaan ng pag-alis niya. Nung araw ng birthday ko, nalaman ko na pupunta siyang France, nagulat ako kasi sobrang biglaan. Ngayon ko lang napagtanto na pati pala 'yun ay kasama sa plano niya. Matapos ng ekwentro natin sa kanila, malamang ay tumakas na siya para sa flight niya papuntang france. Alam kong iyun ang purpose niya kaya ang aga ng flight niya, dahil gusto niyang tumakas."
"Sure ka ba? Ang alam ko kasi ay itinakbo rin siya no'n sa hospital, eh. Ewan ko lang kung nasaan na ngayon, tumakas raw, e," sambit niya pa.
"Bakit nga pala april 2 ang nakalagay dito?" Takhang tanong ko, dahil isang pagitan lang ang agwat mula sa birthday ko. Kung baga kahapon ginanap 'yung birthday ko, pero namatay siya kinabukasan? Ibig sabihin ba no'n..
"Oo. Dead on arrival siya, Ara," sagot nito na ikaawang ng labi ko.
That only means.. iyun na talaga 'yung huli? Nung oras na bumagsak ang katawan niya sa bisig ko ay wala na talaga?
Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko dahil sa panlulumo na sa huling pagkakataon ay mahahawakan ko ang malamig at walang buhay niyang katawan.
"Masyado nang nanghihina ang katawan niya nung oras na 'yun, kaya hindi niya na kinaya pang lumaban at binawian agad siya ng buhay."
"Pero bakit ganon? Nabaril din naman ako, ah? Bakit buhay pa ako? Sana hinayaan na lang din nila akong mamatay, kung ganito lang din naman ang kahahantungan ko," punong-puno ng sama ng loob na sambit ko.
"Huwag mo ngang sabihin 'yan. Andito pa ako, Ara! Nag-aalala ako sa'yo, kaya huwag mong sabihin ang mga bagay na 'yan, dahil nasasaktan ako!" Kumirot ang puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Jennifer.
"Hindi mo ako naging kaibigan, para maging kaibigan lang talaga, Ara. Mahal kita, mahalaga ang buhay at kalagayan mo sa akin. Hindi mo alam kung gaano kahirap sa akin ang paulit-ulit kang nakikitang nakahiga sa loob ng hospital. Masakit sa'kin 'yon, Ara." Umiiyak na sambit nito, dahilan para mas higpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.
I'm sorry..
"I'm sorry.. I'm really sorry for being selfish, hindi ko iniisip ang nararamdaman mo. I'm sorry.." paghingi ko ng tawad. Sa mga lumipas na araw, simula nang dumating siya ay hindi ko siya nabibigyan masiyado ng atensyon, dahil masiyado akong nag-focus sa nararamdaman ko. Kung paano akong makakaahon sa problema ko noon, hindi ko alam na nadito siya para tulungan ako.
"Just please.. promise me, hindi mo na ulit ilalagay ang buhay mo sa piligro, ayoko nang nakikita ka pang nahihirapan." Sambit nito napatango naman ako.
"I'm really sorry."
AFTER TWO MONTHS
"Ara, dito ka muna titira. Don't worry, may mga kasama ka namang katulong at mababait sila." Pagpapaliwanag ni Jeniffer sa akin, habang hila-hila ang dalawa ko pang maleta.
"Asan pala si Mom and Dad? Hindi ko pa sila nakikita." Takhang tanong ko, simula nang makalabas ako ng hospital. Hindi ko man lang sila nakita. Hindi ko naman matanong sa kanya dahil parang iwas din siya sa tanong ko na 'yun, kaya hindi ko na lang pinilit, pero nalulungkot ako dahil inaasahan kong nasa tabi ko sila sa mga panahong 'yun, pero wala.
Bumuntong hininga pa muna siya bago humarap sa akin at ngumiti ng mapait sa akin. "Oras na rin naman siguro para malaman mo," sambit niya na ikinakunot ng noo ko.
"Nakakulong na sila ngayon, Ara," saad niya, dahilan para mabigla ako at hindi agad makapagsalita. Ilang saglit pa akong napakurap at pilit na iniintindi ang sinabi niya dahil parang hindi agad 'yun pumasok sa utak ko
"A-ano? Bakit? Anong kasalanan nila?" Takhang tanong ko, hindi mapakali. Gulat na gulat at parang gusto ko na agad umalis para puntahan sila. Pero agad na hinawakan ni Jennifer ang balikat ko.
Bakit ngayon niya lang sinabi sa akin? Karapatan kong malaman 'yun!
"Ngayon ko lang sinabi sayo dahil ngayon ka lang rin nakaka-recover, hindi ko magawang sabihin sayo noon dahil napakarami mo nang problemang dinadala, Ara. Kay Tyron pa lang ay hindi mo na kinaya, kaya naman itinago ko muna sa'yo." Pagpapaliwanag niya, pero hindi ko pa rin maintindihan. Anong dahilan kung bakit sila nasa kulungan??
Hindi ko siya sinagot ay binigyan lang ng tingin na gulong-gulo at walang maintindihan.
"Ara, hindi sila ang tunay mong magulang," seryosong saad niya na lalong ikinasalubong ng dalawang kilay ko. Mas lalo yatang nagrambulan ang ugat sa utak ko dahil sa sinabi niya
Ano?? Nabingi na ba ako o ano?
"Anong ibig mong sabihin? Ampon lang ako?" Naguguluhang tanong ko na ikinatango niya naman. Mabilis na umawang ang labi ko nang dahil sa gulat.
What?!
"Actually, you're stolen. Nalaman nila Raiza na ninakaw ka lang pala nila sa mga totoo mong magulang," pagpapaliwanag niya at para na yatang sasabog na talaga ang ulo ko dahil hindi no'n ma-process lahat sa utak ko.
Wth?! Ampon?? Ako?? Kaya ba parang gano'n na lang kadali para sa kanila na hindi ako paniwalaan at mawalan ng pake sa sitwasyon ko noon? Pero, bakit nila ako ninakaw? At sino ang tunay kong mga magulang?
Para akong nanlumo at gustong bumagsak ng buong katawan ko dahil nangangatog ang mga tuhod ko. Nangingilabot sa katotohanang mga nalaman ko.
"T-teka, kung gano'n. Sino ang totoo kong mga magulang?" Gulong-gulo na tanong ko, pero nginitian lang ako ni Jennifer na para bang ayos lang ang lahat. Pero sa akin ay hindi!
"Mga kriminal ang tinuring mong magulang, Ara. Hindi sila mabuting tao, marami na silang napatay na tao at iba't-ibang nakakatakot na kaso ang hawak nila."
Sa pagkakataon na 'to at mas sumeryoso na ang mukha niya. Para namang nangilabot ako at nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko.
"A-anong nangyari sa kanila?"
"Marami silang dinaanan na trial, hindi rin naman tumagal kasi marami rin ang nag-file ng kaso sa kanila. Iba't-ibang tao at iba't-ibang kaso. At kung hindi ako nagkakamali, nung nasa court ako, grabe yung tindig ng balahibo ko Nung malaman ko lahat ng kaso nila. Kidnapping, Assault, Bribery, Homicide. Tapos leader pa pala sila ng mga nagbebenta ng drugs dito sa lungsod natin? Gosh! Nakakakilabot sila! Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko no'n, kung nandoon ka lang talaga.. hays." Nanginginig na sambit niya habang inaalala ang lahat nang 'yun, habang ako ay parang pinako na sa kinatatayuan ko. Tila naging baton ang buong katawan ko dahil hindi ako makapaniwala sa lahat nang sinabi ni Jennifer.
N-nagawa nila ang lahat nang 'yun?
Para namang natakot ako sa sarili ko at nangilabot dahil sa isip-isip ko na matagal ko silang nakasama at sila ang tinuring kong magulang na hindi ko alam ay mga.. kriminal pala.
All my life, I was living in a whole lie! Ang akala ko ang mga tinuturing kong magulang ay kalahi at kadugo ko. But turns out I'm wrong, dahil hindi ko sila kilala!
"Dont worry, Ara. Ginagawa na nila Raiza ang lahat, para mahanap nila ang mga magulang mo. Hindi ka na rin magagalaw ng mga pekeng magulang mo, dahil may mga taong nakabantay sa paligid mo. Hindi mo lang sila makikita, pero sinisigurado kong nandiyan lang sila sa paligid mo nakabantay, huwag ka lang mapahamak. Ginawa namin ang lahat ng paraan para lang maprotektahan ka. Huwag kang mag-alala dahil si mommy ang nagbayad sa mga taong 'yun, at huwag kang matakot dahil kasamahan ni Raiza sa pagiging agent ang lahat ng 'yun." Nakangiting sagot niya, bahagya akong nagulat pero agad din na hinaplos non ang puso ko.
Hindi ko alam ang ire-react ko dahil pakiramdam ko ay napaka-importante kong tao dahil may mga taong nakabantay sa paligid ko na hindi ko man alam kung sino ay nagpapasalamat ako, dahil alam ko na sa sarili kong hindi ko kailangan mag-alala at makakagalaw ako ng malaya nang hindi inaalala kung may taong babaril sa likuran ko.
"Huwag mo nga akong tignan ng ganyan, Ara. Kadiri ka, alam kong gusto mong magpasalamat pero huwag na. Kasi obligasyon kong alagaan at proteksyunan ka, hangga't hindi pa bumabalik 'yung taong dapat ang siyang gumagawa nito," sambit niya. Dahan-dahan namang kumunot ang noo ko.
"Bumalik?" Takhang tanong ko, para pa siyang bahagyang nagulat sa tanong ko, pero agad din siyang naka-recover.
"Oo, 'yung mga totoong magulang mo. Kapag nahanap na natin sila, hindi ko na kailangan mag-alala sayo dahil alam kong magiging listas ka na sa piling nila." She gave me an assurance smile, kaya natawa na lang ako.
"Kinilig ka 'no?" Pang-aasar niya na ikinatango ko naman. Natutuwa at nagpapasalamat ako dahil mayroon akong Jennifer Jeon sa buhay.
"Pero nila? Sino namang kasama ni Raiza maghanap sa magulang ko?" Tanong ko nang maalala ko.
"Si Altair."
"Altair?" Sino 'yon?
"Oo, Si kupido." Bahagyang kumunot ang noo ko.
Ah, 'yung kupido na kasama ni Raiza din noong iniligtas nila kami?
"So, paano? Maiwan na muna kita."
"Ano, bakit naman? Hindi mo manlang ba ako sasamahan muna dito?" Tanong ko.
"Kailangan ko na rin kasing umalis!" Sabi niya, habang nakamot pa sa batok.
"Osige na, alis na 'ko! Bye espren!" Paalam niya at nakipag-beso, kumaway naman ako. Hindi ko alam kung saan siya pupunta, pero bahala siya.
"Ingat!" Sigaw ko, kumaway naman ito pabalik.
"Good Afternoon, Ma'am Ciara!" Bati nang mga maid sa akin nang lumapit ito. Binigyan ko naman sila ng isang ngiti.
"Good Afternoon din po," bati ko pabalik sa kanila at ngumiti. Inalalayan naman nila ako sa mga gamit ko paakyat sa kuwarto.
"Wow.." manghang sambit ko, habang pinagmamasdan ang kwarto ko nang makapasok ako rito.
"Ma'am, ito na po 'yung iba niyong maleta," saad nito nang isalansan niya ang mga 'yun sa gilid ng kama kom
"Salamat po," sambit ko. Bahagya pa itong yumuko at lumabas na. Habang ako ay nakangiting pinagmasdan muli ang paligid ko.
"Haaaay!!" Ibinagsak ko ang katawan ko sa napakalambot na kama at niyakap ang unan.
Ilang saglit pa akong nanatiling nasa ganoong pwesto, hinahayaang lamunin ng antok. Pero agad din akong napadilat nang marinig kong sunod-sunod na yumunog ang notification ng phone kom
Agad ko namang hinablot ang phone ko mula sa bulsa ko at kunot noong tinignan kung ano 'yun.
Axel Cipriano sent you a friend request.
"Sino naman 'to?" Takhang tanong ko sa sarili. Hindi ko alam kung paano niya nahanap ang account ko dahil wala naman kaming mutual friends, at isa pa, naka-private at locked ang account ko, paano siyang naka-send ng friend request sa akin? Spy kaya 'to?
Pero nagulat ako nang tumunog na naman ang notification ko.
Axel sent you a message.
"Ang bilis naman nito?" Sa sobrang curious kung sino rin ang taong ito ay agad kong binuksan ang message niya.
Axel Cipriano
Active now
Axel: Hi, Miss.
Ciara: hey.
Axel: how old are you?
Ciara: why'd u want to know?
Axel: 'coz I want to.
Hey?
Hello?
Seen 5:50 pm
Axel: Aw seen zone.
hey.
Ciara: What?
Axel: I'm asking kung ilan taon kana.
Ah, filipino pala. Akala ko arabo dahil nag e-english.
Ciara: And why would I answer you?
Axel: Because, I want you?
Ciara: Ano?
Axel: kidding aside.
Just answer my question.
Seen 5:56 pm.
Axel: hey, don't just seen me.
Ciara: I'm 21. okay na?
Axel: Oh, I thought you're 18. 18nadhana sakin.
Ciara: ang corny mo.
Axel: hahahaha, don't be so serious!
Ciara: Tigilan mo nga ako.
Don't talk to me.
Axel: hmmm, fine.
but answer my question first.
Ciara: Ano na naman?
Axel: 9x−7i>9x−21u
Ciara: Seriously?!
Axel: Yes.
Ciara: lol.
Seen 5:59 pm
Ciara: i < 3 u
Axel: really? that's too fast.
but, well yeah.
i < 3 u 2.
Ciara: What?
Axel: I love you too.
Wtf?
Ciara: 345241254
Axel: huh?
*you can't reply to tis conversation. Learn more ...*
Well, I just blocked him. dahil napaka-CORNY niya. Pero muling kumunot ang noo ko nang tumunog na naman ang notif ko. Anak ng, ano na naman ba?
Axel Cipriano tagged you in a post.

Komentar Buku (356)

  • avatar
    Karen

    this is so cute, i love how tyron did anything to make ciara's back and the ending was good.

    19/08/2022

      0
  • avatar
    JimenezDesiree

    This is a good novel. The plot is interesting and I love every character's personality.

    20/01/2022

      1
  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda ng story. Love really conquers all. akala ko Hindi magiging happy Ang ending. grabe Yung twist NG story. unexpected. I really recommended this story. Sana basahin nyo Rin. may moral lesson kayong matututunan dito. great job for the author. I'm looking forward for more stories/novels. babasahin ko Rin Yun. God bless you. 😊❤️

    15/12/2021

      1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru