logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 29 | wake me up

TW; mention about death
Ciara's pov
Hindi. HINDI!
Bumagal ang lahat at para akong nabingi nang mabalot ng malalakas na putok ng baril ang lugar na ito.
Agad kong dinampot ang baril at hindi na nagdalawang isip pa na itinapat ito kay Hannah.
"WALANGHIYA KA!!!"
Buong lakas at walang pag-aalinlangan ay sinimulan ko itong pinaputukan ng bala, kahit pa wala na itong laban pa. Hinabol ko ang hininga matapos mawalan ng bala ang baril na hawak ko.  Agad ko na iyung itinapon sa kung saan at kahit hinang-hina na ako ay agad akong tumakbo sa kinaroroonan ni Tyron, hindi ko muna ininda ang bawat tama ng bala sa katawan ko.
Fuck it, I need to see him! Hindi pwede.. tangina naman, Tyron. Hindi ka pwedeng mamatay!
Nang makalapit ako sa pwesto niya ay agad akong natigilan at hindi napansin na bumagsak ang katawan ko sa lupa nang makita ko ito. Nakaawang ang labi at hindi mapigil na pag-agos ng luha akong gumapang papalapit sa kanya. Nanginginig ang mga kamay kong dahan-dahan siyang hinawakan nang balutin na ang katawan nito ng dugo.
"Ty.. dumilat ka," pagyugyog ko sa katawan nito nang maabutan ko siyang hindi na gumagalaw at halos maligo na siya sa sarili niyang dugo.
"T-tyron, ano ba! Hindi ako nakikipagbiruan sayo, dumilat ka diyan!" Pilit na paggising ko rito at hindi na maramdaman ang sariling luha na nagsisibagsakan.
"Tyron naman, eh. Lumaban ka, parang awa mo na.."
"C-ciara.." nahihirapang sambit nito, dahilan para natataranta kong alalayan ito. Nakagat ko pa ang labi ko nang magsuka ito ng dugo.
"T-ty.. k-kaya pa ba? Kaya mo naman, hindi ba? Kayanin mo, please? Kayanin mo para sakin. Padating na sila, susunduin nila tayo. K-kapit ka lang ha? Huwag kang bibitaw, Ty. L-laban pa, huwag mo akong iwan. Malapit na sila.." Umiiyak na pagsusumamo ko habang inaalo ito. Hindi malaman kung saan siya hahawakan dahil nanginginig na ang buong katawan ko nang dahil sa panghihina. Natataranta na ako dahil hindi ko na alam kung anong susunod na mangyayari.
"Shh, stop crying.." nanghihinang sambit nito at pinilit ang sariling abutin ang mukha ko para haplusin iyun.
"Ty, laban pa ha?" Basag ang boses na nakikiusap sa kanya matapos kong hawakan ang kamay niya, pero agad na bumagsak ang balikat ko nang ilingan niya ako.
"Huwag na.." malumanay na sambit niya, dahilan para mas bumigat ang dibdib ko.
"Ano bang sinasabi mo, kaya pa, Ty. Lalaban pa tayo, ha? H-huwag kang pipikit, sakin ka lang tumingin. Tignan mo lang ako," pakiusap ko habang pilit siyang inaaninag dahil nanlalabo na ang patingin ko nang dahil sa mga luhang nag-uunahang lumabas sa mga mata ko.
But once again, umiling lang siya.
"H-hindi na pwede.."
"I need to surrender my life now, hindi ko na pwedeng bawiin 'yung hiniling ko."
"A-ano bang sinasabi mo. Ty, naman eh!" He smiled at me, nanginginig ang kamay niyang pinunasan ang mga luha ko.
"I'm sorry.." he whispered.
"I'm sorry if I failed to be your husband, I'm sorry if I loved you this late.." mas lalong bumigat ang paghinga ko nang sambitin niya ang mga linyang iyun.
Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya nang maramdaman kong nanlalamig na iyun.
"I-im sorry if I can't prove myself to you.. I'm sorry kung ngayon lang ako natauhan. I.. I d-dont deserve you, Ciara. You deserve to be alive and be love by everyone.. you deserve the world, mahal."
"Sa dami kong kasalanan sa'yo, isang paraan lang ang naisip ko para bumawi sa'yo.." he smiled at me bitterly.
"W-why didn't you tell me back then you had a cancer, mahal?" My heart aches nang makita ko ang sakit at pagsisisi sa mata niya.
"I-its not important anymore, Ty.. please, I'm willing to give you another chance, j-just don't leave me.. don't leave me here alone.. please?" hindi na matigil tigil ang paghagulgol ko, ang pagbigat ng dibdib ko ay mas lalong lumalala. Gusto ko nang tumigil at magpahinga, pero natatakot ako, gusto ko siyang makita at marinig pa. Dahil natatakot ako na oras na imulat ko ang mga mata ko ay hindi na kami magkita.
"I'm willing to prove myself even more to you, wife. But how much I wanted too.. hindi na talaga pwede. I regretted all the things I did to you, believe me or not it's always hard for me to hurt you everyday, pinagsisisihan ko 'yun araw-araw. But I'm still selfish dahil gusto kong ikaw mismo 'yung lumayo sa akin kaya ko nagagawa 'yun and I hated myself so much dahil muntik ka nang bawiin sa akin ni Lord nang dahil sa pagiging pabaya ko sa'yo. Sa kagustuhan kong pagbayaran lahat nang ginawa ko sa'yo.." my lips loosen.
"I've made a deal with him that day.." natakpan ko ang bibig ko dahil alam ko ang tinutukoy niya. Alam ko ang ibig niyang sabihin and it hurts me. It hurts me a lot. Dahil kapalit ng buhay ko ay hiniling niya na..
"I wish to him that magising ka lang nang walang kahit anong sakit o anong paghihirap, ibibigay ko ang sarili ko kapalit ng buhay mo." He smiled at me na lalong ikinakirot ng puso ko.
"Hindi ko hinihiling na patawarin mo ako because I don't deserve that, wife. I've done too much to you, and I know sorry won't change the trauma I've caused to your life. I was supposed to be your safe place but became your biggest trauma."
"I.." umawang ang labi ko nang muli itong sumuka ng dugo. Sobrang putla na ng mukha niya at ang lamig lamig na ng kamay niya, kaya naman hindi ko maiwasang matakot ng sobra dahil bakas na rin ang pagod sa mukha niya.
"I.. l-love.. you. I really.. do. D-don't doubt i-it, h-hmm?" Sunod-sunod na tango ang isinagot ko habang pilit na pinupunasan ang mga dugo sa mukha niya.
"Pinapatawad na kita, Ty. P-please, d-don't close your eyes.." nanginginig ang kamay kong dahan-dahang tinatapak ang pisngi niya, pinipilit na gisingin ang diwa niya. He can't sleep, he can't rest.. hindi niya ako pwedeng iwan.
"T-ty.. tumingin ka s-sakin.. y-you can see me, right?"
"I'm tired, mahal. I'll just take a nap, wake me up when we're home, hmm?" He whispered in a super low and weak voice.
His voice were not that even clear anymore, it's cracking, it's weakening. It's.. f-fading..
"Tyron.." I cried out loud nang tuluyan na itong pumikit. My body were trembling nang maramdaman kong bumagsak na nang tuluyan ang malamig nitong katawan sa bisig ko.
N-no.. no. He's not.. dead.
"TYRON!!"
And just a moment all my tears shredded. Heart is shattered.
Kasabay ng malakas na hagulgol at sigaw ko ay ang sunod-sunod na sirena ng sasakyan ng mga police at ambulasya. I even felt Jennifer supported on my back when my body was about to fall.
And with that I can't even feel my body fighting anymore and just surrender everything.
He hurts me.. and now he leave me.. all alone.
I hate you, Tyron. I hate you.. I hate you for sacrifing your life for me to survive. I hate you..
I hate you for not coming home ever again.
WEEKS PASSED..
@Hospital
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at pinagmasdan ang paligid ko, kahit napakalabo ng paningin ko.
Asan ako? Bakit puro liwanag ang nakikita ko?
"Omayghad, Ara? Thanks God at nagising ka na!" Rinig kong saad ng taong nasa tabi ko, naramdaman kong yumakap ito sa akin, kaya tkha kong tinignan ang babaeng nasa harapan ko, hindi ko siya masyadong makita.
Ang labo ng paningin ko at sumasakit ang ulo ko.
"Sino ka?" Nanghihinang tanong ko sa kanya.
"A-ara. Ako 'to, si Jennifer! Hindi mo ba ako nakikilala?" Tanong nito, pero imbis na masagot siya ay naramdaman kong bumigat ang talukap ng mata ko.
"Ara!"
Jennifer's pov
Naramdaman ko na lang na pumatak ang luha ko nang muling mawalan ng malay si Ciara.
Mag iisang linggo na ang lumilipas, pero hindi pa rin siya gumigising ng tuluyan.
Nagaalala na ako, "bakit hindi mo ako nakilala," naiiyak kong sambit.
Siguro ay nabigla lang ang katawan at isip niya, kaya hindi niya ako nakilala nung gumising siya.
Ayokong isipin na nagkatotoo nang nagka-amnesia siya.
Hinaplos ko ang buhok nito, "Magpahinga ka lang, Ara. Kailangan mo ng lakas dahil alam kong hindi mo kakayanin ang mga malalaman mo pagka-gising mo." Nag-aalala ang tinig ko.
Ang sabi ng doctor, posibilidad daw na marinig niya ang mga sinasabi ko kahit tulog siya, kaya mas mabuti raw na kausapin ko siya.
"Kumusta na siya?" Tanong ni Raiza nang pumasok ito sa pintuan, habang may hawak-hawak na mga prutas.
"Nagising siya kanina," sagot ko na ikinabigla niya.
"Talaga? Anong nangyari? Ayos lang ba siya?" Tanong nito at agad na nilapitan si Ciara para i-check ito.
"Nagising siya, pero hindi niya ako nakilala." Malungkot na tugon ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Takhang tanong nito.
"Pagkagising niya, tinanong ko siya kung kumusta na ang pakiramdam niya, pero tinanong niya lang ako kung sino ako. Tapos, ayon nawalan ulit siya ng malay," sagot ko, habang malungkot na pinagmamasdan si Ara. Sumasakit ang dibdib ko.
Kawawa naman ang bestfriend ko, bakit ba nararanasan niya ang mga ganitong problema? Dati naman ay masaya kami, ah? Walang ganitong problema.
"Hindi kaya, may amnesia siya? Hindi ba't gano'n ang mga nangyayari sa mga taong comatose, pwede silang mawalan ng memorya?" Tanong ni Raiza.
"Hindi siya comatose! At mas lalong wala siyang amnesia! Ano ka ba, huwag mo ngang sabihin ang mga 'yan! Sadyang natutulog lang ang diwa niya, dahil masyadong napagod ang katawan niya at kailangan niya ng mahabang pahinga!" Kunot noong sambit ko.
"Hindi tayo nakakasigurado, Jen. Kapag hindi pa siya nagising at lalong tumagal na mawalan siya ng malay. Comatose na ang kahihinatnan niya at hindi natin alam kung kailan siya ulit magigising," saad nito, napayuko na lang ako.
Tama siya, kaya kailangan mo nang gumising, Ara.
Nakakainis ka na! Lagi mo na lang nilalagay ang sarili mo sa piligro! Kung hindi lang kita kakilala ay iisipin kong nag-aala adarna ka. Baka nakakalimutan mong hindi katulad ng mga pusa na may siyam na buhay. Kung sila ay madisgrasya man, ayos lang dahil mabubuhay naman ulit sila. Pero ikaw, tao ka, eh. Kapag binaril ka, malamang patay ka.
"Sige na, kailangan ko na ulit umalis. Hahanapin ko pa ang totoo niyang mga magulang." Paalam nito at muling sinulyapan si Ciara, bago lumisan.
Oo, tama. Hindi sila Tita Kylie at Tito Azer ang totoong magulang ni Ara, dahil ninakaw lang pala siya sa totoong mga magulang niya.
Muli kong tinignan si Ara at hinampas ito, naiinis kasi ako sa kanya!
"Hindi ka ba nagsasawang humiga dito sa loob ng hospital, Ara?! Gumising ka na nga diyan! Nakakainis ka, ang takaw takaw mo sa disgrasya, hindi mo naman kayang panatalihing ligtas ang sarili mo!" Sermon ko dito, kahit tulog siya.
"Gumising ka na diyan, Ara!" Pagpupumilit ko pa, pero hindi talaga siya nagigising.
Ilang araw pa ang lumipas, pero gano'n pa din ang senaryo, pabalik-balik ako sa hospital para bisitahin siya.
Sa ngayon ay naglalakad ako sa hallway ng hospital patungo sa kwarto ni Ciara.
Sana naman ay gising na siya.
Nang makarating ako sa kwarto niya ay agad kong pinihit ang doorknob para buksan ang pinto, pero nakakapagtakha dahil wala akong naabutang kahit sino.
Asan na si Ara?!
"Sino ka?" Napako ako sa kinatatayuan ko nang may maramdaman ako na matulis na bagay mula sa leeg ko, dahilan para mapalunok ako.
"Sino ka sabi!" Muling sigaw nito, alam kong si Ara ang nasa likuran ko, kilala ko ang boses niya.
Itinaas ko naman ang mga kamay ko at dahan-dahang humarap sa kanya.
"A-ara.." kinakabahang saad ko nang nakatutok pa rin ang hawak niyang patalim sa akin.
"Sinabi nang sino ka!" Malakas na sigaw nito, dahilan para mapaatras ako.
Naramdaman kong nanginginig na ang tuhod ko at namumugto na ang mata ko, dahil sa inaasta niya.
Bakit hindi niya na naman ako kilala? Ang talim ng tingin niya at nakikita ko ang galit sa mga mata niya.
Anong nangyayari sa kanya at bakit ganito ang kilos niya? Parang hindi siya ang Ara na kilala ko!
Sa dami kong katanungan ay hindi ko napansin na nasa likuran ko na pala siya, habang nakapulupot ang braso niya sa leeg ko at nakatutok ang kutsilyo.
Konting maling kilos ko lang ay alam kong malalagutan na ako ng hininga.
"Sabihin mo sa akin kung sino ka at bakit ako nandito!" Galit na sigaw nito.
"A-ara, huminahon ka. Ako 'to si Jennifer, bakit ba ganyan ang kinikilos mo! Bakit hindi mo ako nakikilala!" Saad ko, agad naman ako nitong itinulak palayo, dahilan para masalampak ako sa sahig.
"Ara!" Hiyaw ko nang matumba din ito sa sahig at muling nawalan ng malay.
"Tulong! Tulungan niyo kami!"  Natatarantang sigaw ko. Napatayo naman ako nang may pumasok na doctor at nurse.
"What happened to her?" Takhang tanong ni doc at pinulot ang kutsilyo sa sahig.
"Ano 'to? Bakit may kutsilyo dito sa sahig?" Tanong ng doctor, pero patuloy lang ako sa pag-iyak.
"H-hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya, naabutan ko siyang wala kanina, tapos.. tapos bigla niya na lang akong tinutukan ng kutsilyo! Tapos iba pa 'yung kinilos niya, parang wala siya sa katinuan, parang hindi siya ang kaibigan ko! Nagawa niya akong pagtangkaan kanina! Ano bang nangyayari sa kaibigan ko, doc!" Umiiyak na tanong ko. Hindi na maintindihan ang nangyayari.
"Tulog pa rin hanggang ngayon ang diwa niya, paano niya nagawang tumayo kanina?" Rinig kong takhang tanong ng isang nurse.
"I think someone possesses to her body. May isang babae sa kabilang kwarto ang comatose na for almost 8 months. Alam kong gumagala-gala lang ang kaluluwa niya sa loob ng hospital na ito, and I think siya 'yung nakausap mo kanina." Sabi ng doctor sa akin.
Hindi ko alam, pero kinilabutan ako, dahil muntik niya na akong mapatay!
"Don't worry, ayos lang ang kalagayan niya. Nagpapahinga lang siya, pero malapit na siyang magising." Nakangiting saad ng doctor at tinapik ako sa balikat bago nila lisanin ang kwarto.
Agad kong nilapitan si Ara. "Natakot ako, akala ko papatayin mo na ako kanina," saad ko rito at pinunasan ang luha ko.
"Miss na kita, Ara."
Muling lumipas ang isang linggo pero gano'n pa rin, hindi pa rin siya nagigising. Halos mag iisang buwan na.
Hinigop ko ang mainit na kape habang pinagmamasdan ang view sa labas mula sa glass na bintana.
"Jen?" Agad akong napalingon nang may tumawag sa akin mula sa likuran.
Hindi ko alam ang irereak ko nang makita itong papikit-pikit at sinusubukang aninagin ako.
Ciara's pov
Inaninag ko ang babaeng nakatayo mula sa bintana nang maimulat ko ang mga mata ko.
Sino 'to? Si Jennifer ba 'to?
"Jen?" Tawag ko rito, agad naman siyang humarap, pero hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya, dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintana.
"A-ara!" Hiyaw nito at dali-daling tumakbo sa akin.
"Ara? Espren? Ikaw na ba 'yan? Totoo na ba 'to? Gising ka na ba talaga? Ikaw ba talaga si Ara na bestfriend ko?" Sunod-sunod na tanong nito, hindi ko naman maintindihan ang ikinikilos niya, kaya nahampas ko ito dahil andami niyang tanong.
"Aray!" Daing nito at tumayo, nagtakha pa ako nanh kinuha nito ang kutsilyo sa lamesa at nanginginig na itinutok sa akin 'yun.
"Sino ka! Anong ginagawa mo sa katawan ng kaibigan ko! Kung sino ka mang ispiritu ka, umalis ka na dahil hindi ako natutuwa sa iyo! Nakakailan ka na, ah!" Sigaw nito sa akin, kunot noo ko ko naman siyang tinignan lang.
Ano bang pinagsasabi niya?
"Ano bang ginagawa mo! Anong pinagsasabi mo diyan na spiritu spiritu! Nababaliw ka na ba?! Ibaba mo nga 'yang kutsilyong hawak mo!" Kunot noong sigaw ko dito.
Ano bang nangyayari sa kanya?
"Ha! Hindi mo 'ko maloloko, minsan mo na 'kong pinagtangkaan, kaya paano ako maniniwalang ikaw nga ang kaibigan ko, ha!" Saad niya at mas lalo pang itinutok sa akin ang kutsilong hawak nito, napahawak na lang ako sa sintido, dahil sumasakit ang ulo ko sa kanya.
"Kung ikaw talaga ang kaibigan ko. Sige nga! Sino ako?!" Napanganga na lang ako sa naging tanong niya, seriously? Ano bang kahibangan ang ginagawa niya?!
"Anong klaseng tanong 'yan, Jennifer Jeon, ha?! Kapag hindi ka pa tumigil sa kabaliwan mo, ipagkakalat ko na may balat ka sa pwet kaya umulan noong field trip natin nung high school tayo, kaya tayo na-stuck sa kagubatan!" Nakangiwing sigaw ko dito, dahilan para manlaki naman ang mata niya at tumakbo muli papalapit sa akin nang bitawan niya na ang patalim.
"Wah! Ara, ikaw nga! Akala ko talaga sinaniban ka na naman ng ibang kaluluwa! Oo, may dumayo sa katawan mo! Muntikan niya pa akong mapatay. Paano kasi, ang tagal tagal mong gumising! Halos isang buwan ka nang nandito sa hospital." Saad nito, dahilan para mabigla ako.
"A-ano?! Ganon na ako katagal nandito?!" Gulat na tanong ko.
Paanong nangyari?!
"Oo. Buti nga hindi ka na-comatose, natutulog lang 'yung kaluluwa mo." Malungkot na saad nito, hindi naman agad ako nakakibo.
Anong bang nangyari sa akin?
"Teka, kumusta naman pala ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo, ha?" Sunod-sunod na tanong niya sa'kin, habang tinitignan ang katawan ko, kaya natawa ako.
"Ayos lang ako," sagot ko.
Bakit hindi ko matandaan ang huling nangyari, kung bakit ako nandito?
Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari noon, pero sumakit lang ang ulo ko.
"Ano bang huling nangyari?" Takhang tanong ko.
"Hindi mo maalala? 'Yung kaibigan mong si Hannah na traydor," pagpapa-alala nito, dahilan para mapaisip ako.
Oo, tama! Naalala ko na, tinraydor kami ni Hannah. Tapos binaril ko siya, kasi binaril niya si Tyron...
T-teka..
"S-si Tyron? Asan? Kumusta na siya, magaling na ba siya? kumusta ang kalagayan niya? Nandito rin ba siya?" Nag-aalalang tanong ko, pero umiwas lang siya ng tingin, dahilan para ikataka ko.
B-bakit?
"A-ahm, ano espren, Ah! gusto mo kumain? Teka, ito, may prutas dito! May kanin din, gusto mo bang kumain? Teka lang, paghahandaan kita." Saad nito.
Bakit hindi niya sinasagot ang tanong ko?
"Ayokong kumain, hindi ako nagugutom. Ang tanong ko ang sagutin mo. Si Tyron, tinatanong ko, asan siya?" Tanong ko muli rito, pero umiwas na naman 'to ng tingin.
Ano bang problema niya?
"A-ah, w-wait lang espren, ha? naiihi kasi ako! Banyo mun—"
"ASAN NGA SI TYRON?!" Sigaw ko, nakita kong may pumatak na isang luha sa pisngi niya kaya mas lalo akong naguluhan.
"Asan siya, Jennifer? Bakit ayaw mo akong sagutin? May nangyari bang masama sa kanya? Asan ba siya?" Tanong ko muli, umupo naman siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.
"Ara. K-kasi.."
"Kasi ano?"
"A-ano.."
"Jennifer, ano?!"
"Sabihin mo na!" Naguguluhang sabi ko, yumuko siya at nagsimulang umiyak.
"Jennifer, please! Sabihin mo na!" Naiiyak na pagpilit ko. Ayokong paniwalaan ang naiisip ko dahil sa huling pag-uusap namin nang huli kaming magkasama.
Hindi pwede.
"Ara, h-he's dead.." pahina nang pahina ang boses niya pero sobrang linaw sa pandinig ko nang sinabi. At hindi lang isang beses umulit sa pandinig ko. Paulit-ulit! Paulit-ulit na halos ikawasak ng puso ko.
"Hindi.." kunot noong saad ko pero pinasadahan niya lang ako ng tingin habang humihikbi.
"Bawiin mo ang sinabi mo, hindi 'yan magandang biro." Nakangiti ngunit naroon ang seryosong tinig ko.
"A-ara.."
"Bawiin mo!"
"Patay na-"
*Pak!*
Tuluyang bumagsak ang mga balikat niya at nanlulumo akong tinignan nang dumapo ang palad ko sa mukha niya. Hindi ko sinasadya.
Mapait siyang ngumiti sa akin.
"Sige. Paniwalain mo ang sarili mo.. pero totoo ang mga sinasabi ko.." direkta niya akong tinitigan sa mata habang lumuluha na muling nagbigay kurot sa puso ko.
"Maraming bala ang tumama sa kanya, at hindi niya na nakayanang labanan pa 'yun, Ara. Masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya kaya-"
"Tama na. Hindi totoo 'yan." Iniiwas ko ang paningin ko at pilit hindi pinaniniwalaan ang sinasabi niya.
Pasok sa kanang tainga, labas sa kaliwang tainga.
"Asan siya? Pupuntahan ko siya." Tinulungan kong itayo ang sarili ko.
"Asan siya?" Tanong ko pero tinignan niya lang ako. Nakikiusap.
Nang maramdaman kong wala siyang balak akong sagutin ay ako na mismo ang nag-iwas tingin at nanguna sa paglabas ng kwarto, pero agad akong napahinto nang pumasok ang iilang nurse.
"Ma'am, huwag po muna kayong tumayo, kailangan niyo po munang-"
"Asan ang asawa ko?" Walang alinlangang tanong ko.
"Po?"
"Ang asawa ko. Nasaan siya?!" Ilang beses pa itong napakurap dahil sa pag-bulyaw ko.
"M-ma'am.."
"Asan siya!"
"S-si Tyron Collins po ba-"
"Sino pa ba!"
"M-ma'am, wala na po-"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang basagin ko ang vase na nakapatong sa lamesa.
"Ara!" Nagsimula ng bumagsak ang mga luha ko dahil hindi matanggap ng pandinig ko ang mga sinasabi nila!
"HINDI 'YAN TOTOO! BAWIIN NIYO ANG SINABI NIYO! SABIHIN NIYO SA AKIN! BUHAY SIYA! BUHAY SIYA! NAGSISINUNGALING LANG KAYO!!" Sigaw ko habang patuloy na bumabagsak ang mga luha ko.
Pilit nila akong pinapakalma pero lalo lang akong nagsisilab sa galit at sakit.
"BUHAY SIYA! SABIHIN MO!" Duro ko kay Jennifer, pero hindi niya ako sinagot, bagkus tinakpan niya lang ang bibig niya at nagsimula na namang humagulgol.
"A-ara.. please! He's gone!"
H-hindi.. tangina, Tyron. Bakit?!

Komentar Buku (356)

  • avatar
    Karen

    this is so cute, i love how tyron did anything to make ciara's back and the ending was good.

    19/08/2022

      0
  • avatar
    JimenezDesiree

    This is a good novel. The plot is interesting and I love every character's personality.

    20/01/2022

      1
  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda ng story. Love really conquers all. akala ko Hindi magiging happy Ang ending. grabe Yung twist NG story. unexpected. I really recommended this story. Sana basahin nyo Rin. may moral lesson kayong matututunan dito. great job for the author. I'm looking forward for more stories/novels. babasahin ko Rin Yun. God bless you. 😊❤️

    15/12/2021

      1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru