logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 28 | fight scene

TW: manipulation, gunshots, bloods and death
Ciara's pov
"Wala kang amnesia?" Tila ba hindi siya makapaniwala sa narinig. Mukha siya ngayong pinagsakluban ng langit at lupa. Kitang-kita sa mukha niya na para siyang pinagtulungan ng mundo.
Nakaramdam naman ako ng kaonting-kaonting guilt dahil naalala ko na sa ngayong araw din na ito ay nalaman niyang tinraydor at ginamit lang siya ng dating mahal niya. Habang ako naman dito ay pinalabas sa kanyang hindi ko siya kilala habang pilit siyang bumabawi sa akin at pinapakita na totoo na ang ikinikilos niya at malinis talaga ang intensyon niya.
Naiiwas ko ang paningin ko dahil hindi ko alam kung anong nararamdaman niya ngayon, pero ang mukha niya ay talagang nakakaawa. Bagsak na bagsak ang balikat niya matapos niyang ngumiti ng pilit. Nahuli ko pa na parang may namuong luha sa gilid ng mata niya, ngunit agad siyang umiwas ng tingin kaya hindi ko na nakita.
Nasasaktan siya? Bakit? Dahil nagsinungaling ako sa kanya? Nasasaktan siya dahil sa kagustuhan kong kalimutan siya ay pinalabas kong hindi na siya kilala?
"Wala.." parang hindi makapaniwalang sambit niya pa at saglit pang tumingala.
"Oo, wala. Bakit? Quits lang tayo, huwag kang mag-alala. Tignan mo nga, oh? Sa sobrang bait mo, ikaw pa ang bumili ng kadena para sa akin. Dapat ba akong magpasalamat sayo?" Sarkastikong sambit ko, bakas ang pait sa tono ng pananalita.
"Naniwala ka naman sa kanya?" Kinunutan ko siya ng noo.
"Tss, sa tingin mo ay kakasya sayo 'yan? Para naman talaga sa aso 'yan. Ang laki laki ng bilog na tali niyan kaya imposibleng kumasya sa maliit mong kamay 'yan. Kahit pa i-try mo sa paa mo 'yan, matatanggal lang din 'yan, tss. Uto-uto," seryosong sambit niya. Hindi ko naman siya sinagot at masama lang ang tingin na binalingan ng tingin ang mga kamay ko at pinagkumpara ang tali nung kadena.
Walang adjust-an 'yung kadena at talagang malaki nga ang puwang no'n sa kamay ko kung sa akin niya nga gagamitin. Pero hindi no'n natanggal ang sama ng loob ko, dahil hindi no'n mababago ang lahat ng pananakit niya sa akin. Kahit pa sa aso 'to, tinuring niya rin naman ako na parang aso noon, ah? Sunod-sunuran sa utos niya. Tss.
"Aish. Pwede ba, ha? Mamaya na nga kayo magsisihan? Ang problemahin natin dito ay kung paano tayo makaalis dahil inip na inip na ako!" Pagrereklamo ni Jennifer na ikinabuntong hininga ko naman. Saglit ko pang sinamaan ng tingin si Tyron, dahilan para taasan niya ako ng kilay na ikaawang ng labi ko.
Wow.
"Oh! Oh! Oh! Mamaya na sabi-"
"Wala kaming sinasabi." Kunot ang noo na sabay kaming nagkatinginan sa isa't-isa nang sabay naming sambitin 'yun. Inis naman akong napasinghal sa kawalan dahil naiirita akong nagtama ang tingin namin.
"Naku! Tigil-tigilan niyo ang pagsasamaan ng tingin, diyan nag-umpisa ang mommy at daddy ko. Asan na ba kasi 'yung lighter, ha!" Bulyaw ni Jen.
"Sige, isigaw mo pa!" Inis na sabi ko sa kanya, ngumuso naman ito.
"Ito, ito. Kunin niyo dali!" Utos ko, habang inaabot sa kanila 'yung bag ko.
"Come here, lumapit ka pa!" Kunot noong utos nito, kaya naman ginalaw ko ang upuan ko kung saan ako nakagapos. Kaya naman gano'n din ang ginawa nila, umurong kami nang umurong papalapit sa isa't-isa, hanggang sa magkumpulan na kami.
"Open it," utos ni Tyron.
"Mukha bang mahahawakan ko 'yung zipper niyan?"
"Kumalma nga kayo, tatalikod ako. Ilapit mo sa akin 'yung zipper ng bag mo," suhestiyon ni Jen na agad namang tumalikod. Medyo napapapikit pa ako dahil nag c-cause ng maliit na ingay ang ngitngit ng upuan sa tuwing gagalaw kami.
"Asan na?" Agad naman akong nag-lean papalapit kay Jen para maabot ng kamay niya ang zipper. Hindi naman kami nahirapan dahil agad niyang nakapa at nabuksan 'yun.
"Ayan na, 'yung nakabungad. Buksan mo, Ty!" Nagmamadaling utos ko nang sa kanya ko naman ilapit 'yung bag ko. Mabilis naman siyang yumuko para makuha 'yung lighter gamit ang bibig niya sa loob ng bag ko. Matapos niyang makuha 'yun ay agad niya 'yun ipinasa kay Jen.
"Ang laki naman ng lighter mo espren, nagsunog ka ba ng bahay?" Takhang tanong nito, dahilan para mapangisi ako. Balak magsunog, oo. Susunugin ko 'yung bahay namin ni Tyron kapag naiwan siyang mag-isa sa loob.
"Huwag ka nang maraming tanong. Dalian niyo na lang dahil baka maabutan na tayo dito." Hindi naman na nila ako pinakinggan dahil agad na inalalayan ni Jen si Tyron na sunugin ang tali nito. Nang ilang saglit lang ay naputol agad 'yun, agad naman kinuha ni Tyron ang lighter kay Jen at saka niya pinutol ang gapos dito.
Nang matapos sila ay saka inagaw ni Jen ang lighter kay Tyron at lumapit sa akin.
"Teka.. 'yung kay Ara, Tyron! Kadena 'yung kanya, may padlock pa! Paanong gagawin natin nito?!" Natatarantang tanong niya kay Tyron na may mga kinuhang kahoy sa gilid.
Para naman kaming namroblema nang maalala naming hindi lang basta tali ang nakagapos sa akin at hindi 'yun agad agad matutunaw kapag ginamitan ng apoy. Napaisip naman ako bigla ng paraan.
Noong panahong nakakandado ako sa loob ng kulungan, dumating no'n si Hannah para tulungan akong makalabas. Naalala kong may kinuha siya no'n sa buhok niya at saka niya sinuksok sa kandado nung pinto.
Ano 'yun? Hindi kaya, hairpin? Iyun lang naman ang nakita kong hawak niya nung mabuksan niya 'yung pinto.
Saglit akong napalunok at agad na nilingon sina Jennifer na naghahanap nang pwedeng ipangsira sa padlock sa paligid namin.
"Yung hairpin ko sa buhok, kunin niyo dali!" Hindi ko sigurado kung gagana 'to, pero bahala na! Wala namang mawawala kung susubukan, 'di ba?
"Ano namang gagawin mo diyan? Hoy, Ara! Tumatakas tayo, mamaya ka na magpaganda!" Agad kong sininghalan ng tingin si Jennifer nang sabihin niya 'yun. The fuck is she saying, hindi ko kailangan gawin 'yun, dahil natural na sa akin ang ganda.
"Hindi ko kailangan non! Pwede ba?! Kunin mo na lang, dalian mo!" Pagmamadali ko, wala na kaming oras at ilang sandali na lang ay malamang babalik na ang mga hudlom na 'yun rito.
"Oh, anong gagawin dito?" Taanong niya nang makuha niya 'yung dalawang hairpin sa buhok ko.
"Oh, I know. Give it to me," sambit ni Tyron na mabilis namang ibinigay ni Jen sa kanya. Lumapit ito sa likuran ko at may kung anong kinalikot doon. Hindi ko alam kung anong ginawa niya pero tumalon sa tuwa ang puso ko nang marinig ko ang pag-unlock nung padlock.
"Ayan, ang galing naman no'n! Teka, ano nang gagawin natin?" Tanong ni Jennifer nang sa wakas ay matanggal na namin ang lahat ng gapos sa amin.
"Here. Hold these," ibinigay ni Tyron sa amin ang tag-isang kahoy.
"Keep that for your protection. Then we need to PRETEND na nakatali pa rin tayo kapag dating nila. We will just attack to them kapag nakakuha tayo ng tyempo na lumaban. Got it?" Pagpapaliwanag ni Tyron at hindi ko alam kung anong problema niya't kailangan niya pang lumingon sa akin matapos niyang diinan ang salitang pretend.
May problema ba siya do'n? Huwag siyang magreklamo dahil deserve niyang makalimutan. Well, deserve niya ring traydurin ni Hannah. Lol.
Ang character development ko dito ay maging masama at mawalan ng pakialam sa kanilang lahat.
"Okay, got it!" Tugon ni Jennifer at bumalik sa dati niyang pwesto, habang muli ipinupulupot ang tali sa katawan niya para magmukhang nakagapos pa rin siya
"Ciara, naintindihan mo ba?" Baling sa akin ni Tyron, diretso at seryoso lang ang mukha nito kaya kinunutan ko lang siya ng noo at hindi sinagot.
Lakas ng loob kausapin ako. 'Yan ba ang character development niya ngayon? Mag-transform bilang isang anghel ni Lord? Hindi bagay sa kanya. Bakit hindi niya subukang ipakita 'yang ganyan pagiging mabait niya kay Hannah, malay niya patakasin pa siya. Baka nga samahan pa siya, eh.
Oh, 'diba. They live happily ever after. Tss.
Diretso lang akong bumalik sa pwesto ko kanina at sinabit lang ang kadena sa katawan ko. Hindi ko na pinulupot dahil baka mahirapan lang ako mamayang makaalis.
"Paparating na sila," rinig kong bulong ni Tyron. Pinakiramdaman ko naman ang paligid at ramdam ko na nga ang pagbigat ng atmosphere dahil sa mga yabag at boses nilang rinig na rinig namin mula sa hindi kalayuan.
Andiyan na nga sila.
Nagsimula na naman uminit ang dugo ko at ang pagkuyom ng kamao ko nang dahil sa galit.
"Oh, ano? Masakit na ba ang mga kamay niyo?" Natutuwang tanong ni Hannah nang unti-onti silang magsilabasan magkakasama. Napangiwi naman ako nang tuwang-tuwa itong pagmasdan kaming tatlo.
Sige lang, ngitian mo lang ako para mas lalo akong mairita sa mukha mo. Baka hindi ako makatiis dito, ihambalos ko sa katawan mo 'tong kadena.
"Sobra! Kaya pwede ba, pakawalan mo na kaming bruha ka!" Pag-iinarte ni Jennifer at gusto kong matawa dahil nag-inakto pa siya na kunyaring nagpupumiglas, kahit hindi naman na talaga siya nakatali pa.
"Ha! Anong pakawalan? Kulang pa 'yan! Dahan-dahan namin kayong pahihirapan at papatayin tulad ng ginawa ng mga demonyong magulang ng babaeng 'yan sa magulang namin!" Galit na duro sa akin ni Hannah. Hindi ko naman tinanggal ang tingin ko sa kanya at hinayaang maramdaman niya ang sama ng loob ko sa kanya habang nakapukol ang malalamig kong mga mata sa kanya.
Ang dami mong sinasabi, malayong-malayo sa Hannah na nakilala ko.
"Ilabas ang latigo!" Rinig kong utos ni Shaira sa isa sa mga tauhan nila. Mabilis naman itong gumalaw at inabot ang latigong hawak nito kay Shaira.
"Ano, Ciara. Baka may gusto kang sabihin, mag makaawa na pakawalan ka namin?" Natatawang tanong sa akin ni Hannah.
Magkamatayan na tayo dito, hinding hindi ako luluhod sa harapan ng isang demonyong katulad mo, Hannah, magmakaawa lang sa buhay ko.
"Handa ka na bang magdusa at MAMATAY?" Nakangising pagdidiin nito sa huling sinabi. Walang gana ko naman siyang pinasadahan lang ng tingin. Hindi niya na ako masisindak sa mga ganyang banat, dahil matagal na akong handa sa kamatayan. Ilang beses ko nang na-meet si kamatayan, hindi naman ako sinusundo. Baka nga siya ang natatakot sa akin kaya hindi pa ako kinukuha, eh.
"Ang tanong, handa na ba kayong dumanak ang mga maruruming dugo niyo?" Lahat kami ay nalipat ang atensyon sa taong nagsalita mula sa likuran.
Agad naman akong napangiti nang makita kung sino ito.
"Nice one." Nakangising bulong ni Tyron, ganun din si Jennifer na mukhang tuwang tuwa na nang makita niya ang taong pareho naming hindi inaasahang makikita rito.
"Wow, nagsama ang dalawang traydor!" Natutuwang saad ni Shaira matapos niyang harapin si Raiza na maangas kung tumayo mula sa likuran. Saglit pa nitong itinagilid ang ulo niya para silipin kami, bahagya ko naman siyang tinanguan, binigyan ng senyales na ayos lang kami at walang nasaktan.
"Kumusta, Shaira? Long time no see!" Natutuwang bati ni Raiza, halatang nakikipaglaro sa kanila. Hindi ko kilala kung sino ang kasama niyang lalaki ngayon. Ngunit na sa akin lang ang tingin nito kahit pa medyo malayo ang pwesto nito mula sa amin.
Hindi ko na siya pinansin kahit pa mukhang kakampi ito, dahil hindi ko naman siya kilala at hindi ko alam kung bakit siya nakangiti sa akin na para bang tuwang-tuwa ito na makita akong buhay.
Does he know me?
"Nagsama ka pa talaga ng isang duwag? Ha, kupido?" Pag-baling ng atensyon nito sa lalaki.
Kupido?
"Huwag na nating patagalin 'to, nauubos ang oras ko sa mga walang kwentang katulad niyo." Naiinip na sambit ni Shaira at pumameywang pa na para bang wala siyang interes sa mga pinagsasabi ng nasa harapan niya.
"Talaga ba? Sige, kung kaya niyo. Kailangan niyo munang dumaan sa amin, bago niyo sila makuha." Maangas na hamon noong lalaking kapatid nila Hannah. Iyung lalaking nakakatakot ang mukha dahil mukhang adik sa kanto na humihithit ng benteng rugby sa isang araw.
"Baka nga hindi pa kayo nakakarating sa kanila, patay na agad kayo." komento pa ni Hannah na ikinatawa naming tatlo mula rito sa likuran nila.
"Hey." Napatingin kami kay Tyron at tumango ito, nagbibigay senyales na oras na para kumilos kami. Lahat sila ay nakatalikod sa direksyon naming tatlo, kaya hindi nila napapansin ang mga kilos namin. Maliban na lang kila Raiza na nakaharap sa amin.
Nakita ko pa kung paanong bumalatay ang ngisi sa labi ni Raiza at ang mahina niyang pagtawa nang makita niya kaming isa-isang nagsitayuan at hinablot ang mga kahoy na kaninang nasa tabi namin.
"Mukhang kayo ata ang mauunang sumunod kay hudas, ah?" Natutuwang sabi nung kupido nang masaksihan rin nito ang sitwasyon namin ngayon.
"Talaga kupido? Ha! Tignan natin!" Singhal ni Shaira.
"Early condolences to the both of you. Pakibati na lang ako kay kamatayan, for sure he's already waiting to all of you." Hannah.
"Bakit naman kami hihintayin ni kamatayan, kung kami mismo ang kakampi niya?" Mahinahon kong sambit, sapat lang para marinig nilang lahat.
Agad silang napaharap sa amin at bakas na bakas sa mga mukha nila ang gulat nang makitang wala nang mga nakagapos sa amin. Mabilis na nagsi-kunutan ang noo nila nang i-angat pa namin ang mga hawak naming kahoy.
"T-teka, p-panong?!"
"Masyado kasi kayong busy sa pagpaplano kung paano kami tatapusin, habang kami rito ay hindi niyo alam, gumagawa na rin ng paraan para unahin kayong patumbahin." Nakangising sagot ni Jennifer, dahilan para mas lumawak ang ngiti ko. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya kaya naman mas natutuwa ako.
Akma pa sanang susugod na sa amin ang mga tauhan nila nang mabilis na umalingawngaw ang nakakabinging putok ng baril na iyon sa buong paligid. Dahilan para mawala ang mga atensyon nito sa amin at malipat kila Raiza na ngayon ay nagsikilos na.
Mabilis na tumakbo pasugod si Raiza kay Shaira, habang ang lalaking kapatid ni Hannah ay dumiretso roon sa kupido. Naramdaman ko namang gumalaw na rin sina Jennifer at Tyron na nasa tabi ko para sugurin ang mga tauhan na papunta sa direksyon namin.
Habang ako ay nanatiling nakatayo sa pwesto ko, pinapanood ang paglapit sa akin ni Hannah. Diretso lang ang mukha ko at bakas na bakas sa akin ang galit at pagsisisi nang makita ko ang mukha niyang ngising-ngisi.
"Ano, Ciara? Tatayo ka na lang ba diyan?" Natatawang tanong ni Hannah nang makalapit ito sa akin. Nakatayo siya sa tapat ko nang ilang hakbang.
"Tss! Ang isang Ciara na duwag at iyakin ay makakalaban ko? Myghad! Isang suntok ko lang sayo, tumba ka na!" Natatawang panlalait niya pa. Gumuhit naman ang maliit na ngiti sa labi ko, isang tunay na ngiti. Ngiti na nagpapasalamat at ngiti na nagpapaalam.
Nagpapasalamat dahil siya ang dahil kung bakit natuto na akong lumaban. Nagpapaalam dahil ito na ang huling pagkakataon na hahayaan ko siyang makatayo sa harapan ko.
"Kung 'yan ang iniisip mo sa akin, bakit hindi mo patunayan? Patunayan mong isang suntok mo nga lang ako," mahinahong sagot ko. Tinignan ko naman ang kahoy na hawak ko at agad iyung inihagis sa kung saan at saka ko itinaas ang dalawang kamay ko.
"Sumugod ka sa akin, hindi ako lalaban," malumanay na sambit ko nang ipakita ko sa kanya ang dalawang kamay ko na walang hawak miski ano. Habang siya ay may hawak na baril sa kanang kamay. Napanood ko naman kung paanong unti-onting nawala ang ngiti sa labi niya nang marinig ang sinabi ko. Ilang saglit pa siyang napakurap at parang biglang nagdalawang isip sa kung anong gagawin niya.
Gusto kong matawa dahil hindi niya alam na pinaglalaruan ko lang ang isip niya. Minamanipula ko ang isip niya sa paraan nang pagpapakita na wala akong laban sa kanya at hahayaan ko siyang gawin ang gusto niya.
I do know how to do mind games, Hannah. Malas mo lang kung magpapa-manipula ka nga sa mga sinasabi ko.
"Come on, Hannah. I know you really wanted to do this simula pa noon. And now that you're free to do it, I'll just let you do it. Hindi ako lalaban, handa kong saluhin ano man ang gusto mong ibigay sa akin. Your parents deserve a justice, Hannah. And I'm at fault to it. Kasalanan ko 'yun, kaya sige na." Ibinuka ko ang mga kamay ko, pinapakita sa kanya na handa kong tanggapin ang balang ipuputok niya, habang pinipilit na mag-mukhang malungkot ang boses at reaksyon ko. Malamlam ang mga mata kong inilapat sa kanya. Nakita ko ang paglunok niya, kaya naman..
"Kill me," walang pag-aalinlangan kong sambit. Dahan-dahan pang nalipat ang tingin ko sa kamay niyang may hawak na baril nang mapansin ko ang panginginig no'n, kaya naman pinanatili ko ang lungkot sa mukha ko.
Come on, Hannah. Ride on me. Hindi naman masamang maniwala sa inaakto ko.
"Stop."
"Stop doing mind games on me! Hindi mo ako maloloko!" Gusto kong matawa nang makita ko ang kaba at kaonting guilt sa mata niya, ngunit ang reaksyon niya na pilit iyung nilalabanan ay mas nagmumukhang katawa-katawa siya sa harap ko.
She looks like a fool.
"Think whatever you want to think, Hannah. I'm just telling you that I'm willing to accept every bullets you will shoot on me. I'm willing to accept my death kung 'yan ang ikapapanatag ng loob mo, mabigyan lang ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang mo. Just.. kill me.." sambit ko sa sobrang lungkot na tono at nagawa pang humakbang papalapit sa kanya na ikinaatras niya naman.
I want to laugh. Laugh like a fucking crazy nang makita kong may pumatak na isang luha mula sa mata niya. Patago akong napangisi nang nakayuko siyang umiling-iling, ngunit agad ding nabalik ang pagiging malungkot ko nang i-angat niya sa akin ang tingin niya.
"Stop making me look stupid!" Singhal niya at inaangat ang baril niya patutok sa akin.
"I know you're just fooling around, Ciara. Huwag mo akong paglaruan dahil hindi ako tanga!" And with that, ang kanina niyang mata na may kaonting guilt ay napalitan ng galit at pagkamuhi.
"Hindi mo ako madadala sa pagma-manipula mo!" Singhal niya, dahilan para unti-onti ay bumakas ang ngiti sa mukha ko.
"Didn't know you're not that innocent." Natatawang sambit ko na lalong ikinasama ng tingin niya.
"Ano pang hinihintay mo? I said kill me, Hannah. Kill me. Bakit ayaw mong gawin? Natatakot ka ba?" Natatawang tanong ko, nang-iinsulto. Namula naman sa galit ang mukha niya at walang pagdadalawang-isip ay sa wakas, sumugod na siya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit hindi niya ginamit ang baril niya. She can just pull the trigger para matumba na ako, bakit kailangan niya pang pagurin ang katawan niya para lang patumbahin ako.
Walang gana ko namang inilagan ang bawat suntok, sipa na ibinabato niya sa akin. Kahit ako naman at hindi ko akalaing magagawa ko 'to. I'm just a weak and a fragile woman na hindi kayang lumaban. But because of a will na gusto kong makaganti ay mas lumalakas ang loob kong lumaban at umiwas sa kamatayan.
If only she uses her gun, malamang ay kanina pa akong bulagta rito. I know I can avoid her punches and kick, but the bullets.. I can't afford to avoid that.
"Akala ko ba isa lang? Nakakabente ka na ata, eh?" Natatawang pang-aasar ko nang muli ko na namang maiwasan ang sipa niya. Para naman siyang sasabog na sa galit sa sobrang pagkapula ng mukha niya nang dahil sa sobrang pikon.
She even glared at me.
"Argh! Die bitch!!" Sigaw nito at aktong sisipain niya na naman ako nang saluhin ko na 'yun, saglit pa siyang nagulat nang ma-stuck ang paa nito sa kamay ko.
"Tapos ka na? Ako naman," seryosong saad ko at walang pag-aalinlangang pinilipit ang hita niya, dahilan para mapahiyaw siya sa sakit.
Agad siyang bumagsak sa lupa at dinaing ang sakit no'n. Pinagpag ko naman ang kamay ko at pumameywang sa harapan niya.
"Nakakapagod pa lang umiwas sa sipa mo, gamitin mo na kaya 'yang baril mo? Para isahan na lang, pagod na ako," reklamo ko. Hindi ko alam pero natawa na lang ako sa sarili kong sinabi sa kagustuhan ko nang sumuko agad.
I mean, close na kami ni kamatayan. Baka pwede niya na akong sunduin ngayon? Nag-meet na nga kami dati nung mawala ako ng malay, eh. Tapos hindi ko alam kung sino ang nagdala sa akin sa hospital.
"Ah!" Daing ko nang madaplisan ako sa tagiliran ng bala dahil hindi ko napansin na ipinutok sa akin ni Hannah ang baril niya. Tang- talagang tinotoo niya 'yung sinabi ko na gamitin na talaga 'yung baril niya amp.
Mabilis naman siyang tumayo nang indain ko ang tama ko sa tagiliran. Nakaawang ang labi at kunot noo ko siyang sininghalan ng tingin.
"Huwag ka masiyadong pakakampate, Ciara. Dahil kahit anong oras, kayang kaya kitang patumbahin," seryosong sambit nito at muling itinutok sa akin ang baril niya.
Sandali, wala akong laban diyan. Nagbibiro lang naman ako na suko na ako.
Bahagya akong napangiwi nang maramdaman ko ang hapdi sa tagiliran ko, hindi ko binitawan iyun dahil walang tigil ang pag-agos ng dugo roon.
Masama ko siyang pinukulan ng tingin at agad na ibinaling ang atensyon sa baril na nakatutok pa rin sa akin. Madiin kong kinagat ang ibabang labi ko.
"Sumuko ka na, Ciara. Alam naman nating mahina at wala kang laban- AH!!" Hiyaw nito matapos kong hablutin ang baril mula sa kamay niya nang umikot ako at mabilis siyang binigyan ng flying kick dahilan para humagis siya sa mga upuan.
Hawak-hawak ang tagiliran ko ay agad kong itinutok sa kanya ang baril na hawak ko, pero agad na kumunot ang noo ko nang mabilis siyang tumayo at may hinugot sa likuran niya na panibagong baril at itinutok rin iyun sa akin 'yun.
"Matalino ka, ha?" Nakangising sambit nito nang makita niyang naagaw ko ang isa niyang baril, tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Tatalino ka pa kaya pagdating sa kanya?" Mas lalong nagkasalubong ang dalawang kilay ko nang sabihin niya 'yun, hindi ko alam kung bakit pero mabilis na dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang ilihis niya sa akin ang baril at itinutok sa kung saan.
"Matalino rin ako, Ciara. Kaya, sige! Iputok mo! Iputok mo at sisiguraduhin kong paglalamayan 'yang asawa mo!" Singhal nito na ikinaawang ng labi ko. Doon ko lang napagtanto na kay Tyron niya itinutok ang baril na hawak niya.
Bigla akong natigilan at napalunok.
"See, napakahina mo!" Sigaw nito sa akin nang makita niya na bahagyang nanginig ang kamay ko at hindi na mahawakan nang maayos ang baril. Muling bumaling ang tingin ko kay Tyron at parang saglit na piniga ang puso ko sa kirot nang makita kong nanghihina na rin ito habang pilit na lumalaban pa rin.
*Bang!"
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang masaksihan ko kung paano siyang patamaan ng bala sa hita ng isa sa mga tauhan nila Hannah. Tila nanghina ang tuhod ko nang kitang-kita ko sa mukha nito ang sakit at paghihirap habang pilit na iniiwasan pa rin ang sipa at suntok ng kalaban niya.
Fuck it, Tyron!
"Tss. Ano?" Namuo ang galit sa dibdib ko nang marinig ko ang mapaglarong tawa ni Hannah sa harapan ko. Para bang tuwang-tuwa siya sa nasaksihan niya.
"Bakit natutuwa ka?" Pilit kong tinatago ang galit sa boses ko.
"Hindi ba't ikaw ang unang nagmahal diyan? Bakit para yatang ine-expect mo na maaapektuhan ako sa kung ano mang mangyari sa kanya? Kung may dapat mang masaktan dito sa nangyayari sa kanya ay ikaw 'yun, Hannah," seryosong sambit ko. Pero sa loob loob ko ay gusto nang bumagsak nang buong katawan ko dahil tangina.. oo, galit ako sa kanya! Galit ako kay Tyron at gusto kong gumanti, pero hindi ko gustong makita siyang ganito!
Tangina naman, Tyron! Bumangon ka diyan! Lumaban ka!
Ramdam ko na ang pag-iinit ng mata ko at ng dugo ko nang makita kong natumba na ito sa lupa.
"Bakit naman? Ginamit ko lang naman siya para magantihan ka, Ciara. Hindi ko siya minahal kailannan, dahil ang lahat nang 'to ay planado! Simula pa lang ay ginamit ko lang siya dahil alam kong baliw na baliw ka sa kanya at dahil mayaman ka, alam ko namang gagawa at gagawa ka ng paraan makuha lang siya. And for me, being the best actress. Sinagot ko siya dahil alam kong mas may chance na mapalapit ako sayo oras na magkaroon kayo ng connection, habang may connection kami sa isa't-isa. Kaya kung inaakala mong maaawa ako sa kanya, nagkakamali ka. Dahil wala akong pakialam diyan sa asawa mo! Pareho ko lang naman kayong ililibing sa kamatayan!"
Ang mga mata nitong galit na galit at nagsasabi ng totoo ay mas lalong nagpainit sa dugo ko, pero ang lahat nang galit na iyun ay napalitan ng luha. Ramdam ko ang pagtulo ng luha sa pisngi ko at natagpuan na lang ang sariling dahan-dahang ibinababa ang baril kasabay ng pagluhod sa harapan niya.
"May pinagsamahan kayo, Hannah. Hindi ba 'yun sapat para hindi siya idamay dito? Wala siyang kasalanan sayo, wala siyang kinalaman dito. A-ako lang, a-ako na lang, Hannah."
"Huwag mong idadamay si Tyron." Tuluyan nang bumagsak ang lahat ng luha ko nang sambitin ang linya na iyon. Nakaluhod at nagmamakaawa. Hindi ko nakita ang sariling gagawin ko ito, pero nang makita kong hinang-hina at wala na siyang laban ay para akong pinagsakluban ng kadiliman.
Para akong ikinulong na naman sa masikip at madilim na kulungan. Hindi ako makahinga dahil nakikita ko siyang nanghihina.
Bumangon ka, Tyron. Hindi ito ang inaasahan ko sayo! Kailangan mo pang bumawi sa akin kaya tumayo ka riyan at lumaban ka!
*BANG*
"AH!" Gulat kong naiangat ang tingin ko kay Hannah nang tumumba ito sa harapan ko at kitang-kita ko ang sakit sa mukha niya habang nakahawak sa dibdib.
"Ara!" Nanlalaki ang mga mata kong nilingon si Jennifer sa likuran ko.
"Tangina, Ara! Si Tyron!" Rinig kong sigaw nito at para yatang otomatiko nang gumalaw ang kamay ko para kuhain ang baril ko nang marinig ko ang sinabi ni Jennifer. Akto ko na sanang itututok kay Hannah ang baril nang matigilan ako sa ginawa niya.
Tila hindi ako nakagalaw at bumagal ang ikot ng mundo ko nang sa huling pagkakataon ay itinutok nito ang baril kay Tyron at sinimulan itong paulanan ng bala.
Rinig na rinig at kitang-kita ko kung paano nito sunod-sunod na ipinutok ang tatlong bala sa direksyon ni Tyron. Para akong nanigas nang muli kong ibaling kay Tyron ang tingin ko ay dahan-dahan itong tuluyan nang bumagsak sa lupa.
H-hindi..

Komentar Buku (356)

  • avatar
    Karen

    this is so cute, i love how tyron did anything to make ciara's back and the ending was good.

    19/08/2022

      0
  • avatar
    JimenezDesiree

    This is a good novel. The plot is interesting and I love every character's personality.

    20/01/2022

      1
  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda ng story. Love really conquers all. akala ko Hindi magiging happy Ang ending. grabe Yung twist NG story. unexpected. I really recommended this story. Sana basahin nyo Rin. may moral lesson kayong matututunan dito. great job for the author. I'm looking forward for more stories/novels. babasahin ko Rin Yun. God bless you. 😊❤️

    15/12/2021

      1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru