logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 27 | traitor

Ciara's pov
Kapatid niya si Shaira Soriano?
Bakit ba napaka-tanga ko, malamang kapatid niya ang babaeng 'yan, dahil pareho sila ng apelyido!
Ano bang pumasok sa isip ko at pinaniwalaan ko si Hannah na hindi niya kilala ang babaeng 'to.
All this time, sobrang halata na ng sagot. Sadyang ang kitid lang ng utak ko, dahil naniwala ako sa mga palabas ni Hannah.
Nakakainis!
"Muli tayong nagkita, My dear." Nakangising baling nito sa akin.
"Ngayon, nasagot na ba ang katanungan mo, kung sino ako?" Tanong pa nito, pero sinamaan ko lang siya ng tingin, dahilan para umalingawngaw ang tawa nitong nakakabingi sa tainga.
"Sige, itali niyo 'yan!" Pag-uutos ni Hannah sa mga tauhan nila na akala ko ay kalaban namin pareho, but turns out na pati pala siya ay kalahi ng mga ito. Binigyan muna ako nito ng isang ngisi bago lumisan sa harapan namin.
Traydor ka.
Hanep sa pagpapanggap ah, paniwalang-paniwala kami. Mas napaniwala niya nga lang si Tyron, psh. Sila ang mas matagal na magkasama at hindi ko alam kung paanong pagpapanggap ang ginawa noon ni Hannah sa harap ni Tyron.
Ano 'yun, binalikan niya si Tyron para lang gantihan ako? Haha, lakas ah. Sana pala hinayaan ko na lang silang magsama. Damay-damay pa tuloy kami rito, pati ang best friend ko na nananahimik, dito na nag-iingay.
Naipikit ko na lang ang mata ko nang halos marindi na ako sa tindi ng tinis ng boses ni Jennifer na panay ang hiyaw. Open ang lugar na 'to, kaya naman kada sigaw niya ay nag e-echo sa buong lugar.
Naramdaman ko namang hinawakan ako nung dalawang lalaki sa braso ko at inalalayan akong makatayo para lang itali.
"Ano ba! Bitawan niyo nga ako!" Kunot noong pagpupumiglas ko mula sa mga hawak nila. Nagsisimula nang mag-init ang dugo ko, dahil sa tuwing mas hihigpitan nila ang hawak sa akin ay galit ang nararamdaman ko dahil sa mga alaalang sumasagi sa isipan ko, ang mga sakit, takot at paghihirap na sinapit ko noon kay Tyron.
Tila bumabalik lahat nang tinakasan ko, kaya parang nawawala ako sa sariling pinagtatadyakan sila. Naiinis ako dahil nauulit na naman ang mga naranasan ko at pakiramdam ko ay wala na naman akong lakas lumaban.
"Tss, tss, tss!" Napalingon naman ako kay Shaira nang umiling uling ito dahil nakita niya kung paano kong sinipa ang dalawang tauhan niya palayo sa akin. Nagawa niya pang suyudin ang buong katawan ko.
"Kawawang Ciara. Walang kaalam-alam na mamamatay tao ang magulang niya," sabi pa nito, ang reaksyon sa mukha niya na para bang sinasabi niyang nakaka-disappoint na nabuhay ako sa mundong ibabaw. Saglit siyang humakbang papalapit sa akin, at saka ako nito hinawakan sa panga.
Pwersa ko namang hinampas ang kamay niya para maalis iyun sa mukha ko, saka siya masamang pinukulan ng tingin.
"Ha!" Inismiran niya ako matapos bumagsak ng kamay niya. Kasunod niyon ay ang paghawak na naman sa akin ng dalawang lalaki at pwersahan akong pinigilang makakilos. Hindi na rin ako nanlaban dahil alam ko namang mauubos lang ang lakas ko kung ipagsasapilitan ko pang magpumiglas kahit wala naman na talaga akong laban, mabuti na rin 'to dahil baka igapos lang nila ako kung nanlaban pa ako. Iipunin ko na lang ang lakas ko para mamaya.
"Yung mga magulang mo kasi, masyadong nabulag sa pera. Kapag hindi nakuha ang gusto, hindi na magda-dalawang isip pang patayin 'yung tao. Wala silang ibang inisip kung hindi ay pera, wala silang pakialam kung anong problemang dinadala nung mga pinatay nila, para lang sa pera! Masiyado kasing mukhang pera ang mga magulang mo! Alam mo ba ang ginawa nila, nung hindi nila nakuha ang utang ng mga magulang namin? Ayon! Buhay ang siningil ng mga pesteng magulang mo!" Galit na bulyaw nito at sinuklian ng galit rin ang titig ko, nagsukatan kami ng tingin at wala ni isa sa amin ang nagpapatinag.
"Kinuha nila ang buhay ng magulang namin, kaya kukunin ko din ang buhay mo!" Sigaw nito at inilapat ang palad niya sa pagmumukha ko. Bahagya kong naitikom ang bibig ko nang maramdaman kong tila namanhid ang mukha ko sa lakas ng sampal niya.
"Walang hiya ka! Kapag ako nakawala dito, sisiguraduhin kong pupulutin ka sa impyerno!" Rinig kong sigaw ni Tyron, habang pinagpupumilitan na kumawala sa pagkakagapos.
Pwede bang huwag na lang siyang galaw nang galaw? Kung makakilos parang walang saksak na iniinda.
"Aw, look, how sweet you are! Dati rati lang, ikaw pa ang nananakit sa kanya, ah? Oh, ngayong ako naman ang gumagawa sa gawain mo, bakit parang nagagalit ka? Dapat nga ay matuwa ka, dahil sinasaktan ko siya, hindi ba?" Natatawang tanong nito habang humahakbang palapit sa pwesto ni Tyron na ngayon ay parang tigreng galit na galit sa sobrang sama ng tingin.
Nakita ko na siyang magalit, pero ang galit niya ngayon ay kakaiba ang dating. Hindi ang galit na nakasanayan kong makita, kung hindi galit na ngayon ko lang nagustuhan.
"Shit!" Mura nito nang duraan siya ni Tyron, pero kasunod rin niyon ay ang napakalakas niyang sampal sa mukha ni Tyron na mukhang ako lang ang nakaramdam ng sakit dahil bahagya akong napangiwi nang marinig ko ang lutong at lagapak no'n sa mukha niya.
Ngunit ang mukha ni Tyron at nanatiling diretso at ang mga mata niyang nanlilisik.
"Did you see that?" Baling nito sa akin. "You should be happy, naiganti kita." Natatawang sabi nito, tinutukoy ang pagsampal niya kay Tyron, dahilan para mapaismid ako at mapairap sa kawalan.
Kulang pa 'yan. Pero mas sasaya ako kung pareho kayong masasaktan.
"Kung sa tingin mo ay kina-cool at kinaganda mo 'yang ginagawa mo. Pwes, ako na ang nagsasabi sa'yo. Maputi ka lang, pero hindi mo 'yan ikinaganda. Mukhang nilunod ka lang naman sa gluta," sarkastikong saad ko, dahilan para ako naman ang balingan niya ng atensyon.
"Talaga? Bakit tila parang lumalakas na yata ang fighting spirit mo ngayon? Nakakalimutan mo yatang nakagapos ka diyan at wala kang laban oras na ginalaw kita. Huwag kang masiyadong nagyayabang, Ciara, dahil baka maubos ang pasensya ko sayo, ikaw ang ilunod ko sa sarili mong dugo." Maangas na sambit nito, dahilan para matahimik ako.
"Mainipin akong tao, baka hindi ako makatiis at mapaaga ang pag-panaw mo," seryosong saad nito habang pinaglalaruan ang baril niya sa kamay.
"Hey, sis!" Napalingon kaming lahat sa direksyon nang nagsalitang 'yon, si Hannahudas pala.
Muli akong napairap. Buong akala ko talaga, mapagkakatiwalaan siya. Demonyo rin pala. Nakakapanghinayang dahil ang taong naging comfort place ko ay siya ring pala ang magpaparamdam sa akin ng pangalawang trauma sa buhay ko. Mas lalong lumalala ang trust issue ko sa mga taong nasa paligid ko, hindi ko na alam kung sino ang mga dapat kong pagkatiwalaan.
"Ciara, can you see this? Guess who kung kanino galing 'tong kadena." Nakangisi niyang tanong habang iwinawagayway pa iyon sa kawalan. Bahagya namang napataas ng isang kilay ko.
Pakialam ko naman kung kanino galing 'yan, baka itali ko pa sa leeg niya 'yan.
"Hindi ko alam pero tingin ko bagay sa leeg mo 'yan, try mo kayang ipilipit sa leeg mo? Tignan lang natin kung makahinga ka pa," suggestion ko, pero kinunutan lang ako nito ng noo.
"Excuse me?!" Singhal niya na ikinairap ko. Arte mo, kinanginang 'yan.
"Gusto mong malaman ang sagot ko?" Taas kilay na tanong ko sa kanya.
"Yes, please!"
"Diyan sa mga madidilim na singit niyo na sing-iitim ng budhi niyo na pang demonyo, hanapin niyo ang pakialam ko sa pesteng kadena na 'yan at baka sakaling makita niyo." Walang ganang pang-aasar ko sa kanila. Naiinip na ako, ganito na lang ba kami? Nangangalay na ako.
Hindi na ako nagulat nang sugudin ako ni Hannah para sabunutan, dahilan para mabitawan ako nung dalawang lalaking may hawak sa akin.
Nagkaroon naman ako ng pagkakataon para gantihan ito.
"How dare you!" Sigaw nito sa akin habang sinasabunutan ako. Hindi naman ako nagpatalo at buong lakas kong hinablot ang buhok niya na mabilis niya naman ikinadaing.
Pasensayahan na lang tayo dahil isa kang dakilang tanga na nagturo sa akin na kailan man ay huwag nang magpaapi sa kahit kaninong magtatangkang manakit sa akin.
Mas pwersa ko pang hinila ang buhok nito na parang lahat ng sama ng loob kong inipon buong buhay ko ay binuhos ko sa paraan ng paghila sa buhok niya at kagustuhang matanggal ang lahat nang iyon mula sa anit niya. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili mo nang dahil sa galit.
Resentment, shame, anger. Ang halos lahat nang iyan ay ramdam ko at hindi ko na maramdaman pa ang sarili ko dahil nandidilim na ang mga mata ko habang patuloy pa rin na sumusugod ang katawan ko. Ramdam kong halos matanggal na ang mga buhok niya at ang lakas ng daing niya, kaya agad itong napabitaw sa akin. Kinuha ko namang pagkakataon 'yon, para buong pwersa siyang tadyakan sa sikmura.
"Ah!" Daing nito matapos ko siyang panooring tumalsik at lumagapak sa lupa. Matatalim ang mga tingin, nakakuyom ang mga kamao, mabibigat at mabilis na paghinga. Wala akong maramdaman kung hindi puros galit at pagsisisi na nagawa ko siyang pagkatiwalaan.
Traydor! Isa kang traydor, Hannah! Ikaw ang hindi na natarapat mabuhay sa mundo! Lahat nang ginawa kong kasamaan at pagiging makasarili noon sayo ay nararapat lamang saiyo dahil wala kang puso! Manggagamit! Pare-pareho kayo!
*bang*
Natinag ako at bahagyang napaatras ng hakbang, naalis ang masasamang tingin kay Hannah dahil sa sindak nang umalingawngaw ang putok na baril sa buong paligid at sa tainga ko. Pakiramdam ko ay biglang pinompyang ang buong pagkatao ko nang dahil sa sobrang lakas niyon.
"Itali niyo na nga ang babaeng 'yan!" Rinig kong sigaw ni Shaira, lumapit naman muli sa akin ang dalawang lalaki, para muli akong hawakan at itali na gamit ang kadenang hawak-hawak kanina ni Hannah. Hindi na ako nanlaban pang muli dahil alam kong mas lalo akong manghihina. Sapat nang nabuhos ko kay Hannah lahat ng sama ng loob ko, kaya naman muli akong mag-iipon para may dahilan akong labanan silang muli mamaya oras na makatakas ako rito.
Pagbabayaran nilang lahat ang mga paghihirap na ibinibigay nila sa akin.
Tss, malaman ko lang rin kung kaninong tarantado nanggaling ang kadena na 'to, talagang ipipilipit ko sa leeg niya 'to oras na makita ko ang pagmumukha niya.
Agad namang lumapit sa akin si Hannah matapos akong igapos gamit ang kadena, hirap maglakad habang nakahawak sa sikmura siyang lumapit at iduro ako.
Ha, deserve!
"Ang asawa mo lang naman ang bumili niyang kadena na nakatali sa'yo! How sweet, hindi ba? Siya pa talaga ang bumili ng kadena pantali sa'yo, halatang pinaghandaan 'tong mangyayari sa'yo HAHAHAHA!" Natatawang saad nito.
"Pwede ba? Kung tatawa ka, lumayo layo ka. Dahil 'yang pesteng laway mo, tumatalsik na sa akin!" Naiiritang reklamo ko sa kanya.
*pak*
Napangisi ako at mahinang napasinghal sa kawalan na tila ba natatawa nang nagawa niya akong sampalin ng walang pag-aalinlangan.
Yun na ba 'yun? Ang hina naman, sampolan ko kaya siya?
Bahagya pa siyang napaatras nang marinig niya ang mahinang tawa ko na para bang saglit siyang natakot na agad kong ikinangiwi. Kinginang 'yan, tumawa lang ako, natakot na? Anlakas nga ng loob niyang sampalin ako, porke naka-kadena ako rito.
"Tss, duwag." Pang-iinsulto ko dito na nagpakunot ng noo niya.
"Anong sinabi mo?!" Inis na tanong nito at hinila ang buhok ko. Hindi ko naman ininda iyon dahil nakaganti na rin ako sa kanya kanina, kaya wala akong pakialam kung anong gawin niya sa akin ngayon.
"Sige lang, lubus-lubusin mo na 'yang pananakit sa kanya."
Pareho kaming napalingon sa direksyon ni Tyron nang magsalita ito. Agad namang binitawan ni Hannah ang buhok ko at natatawa akong tinignan na para bang nang-iinsulto. Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa na para bang sinasabi sa kanya na nababaliw na siya. Hindi pa ba siya sanay?
Ngayon niya lang ba narinig ang lalaking 'yan na sabihin sa akin 'yan? Tss, tanga amp. Nakakalimutan niya yatang ang lalaking 'yan ang unang nanakit sa akin.
"See? pati asawa mo, gustong saktan kita!" Insulto nito na ikinairap ko. Napaka-engot talaga. Matagal na akong sinaktan niyan, ungas. At ngayon ay oras ko naman para kayong dalawa ang gantihan ko.
"Dahil mamaya, sisiguraduhin naming ikaw naman ang masasaktan." Mabilis at gulat akong napalingon sa pwesto ni Jennifer nang marinig kong sabihin niya iyon. Bumungad sa akin ang mukha niyang nang-aasar habang nakabalatay ang isang ngisi sa labi, kumunot pa ang noo ko dahil pareho sila ni Tyron ng itsura ngayon.
Mga nakangisi na tila tinatakot si Hannah dahil mag-isa lang itong nakatayo sa harapan namin. Ang mga kasamahan at kapatid niyang kanina pang umalis ay wala na sa tabi niya. Hindi naman sila nabigo, dahil bigla na lang napaatras si Hannah nang hakbang.
"Mahina ka pa, Hannah. Matapang ka lang kapag andyan ang mga kapatid mo," seryosong sambit ko nang mapansin ko ang reaksyon at kilos niya. Masiyado siyang kinabahan kahit nakatali lang naman 'yung dalawa at ang layo pa ng pwesto sa kanya.
"M-mga baliw kayo!" Sigaw niya sa amin at hindi nagdalawang-isip na tumakbo na paalis, malamang sa malamang ay sumunod roon sa mga kapatid niyang mukhang hudlom katulad niya.
Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ko nang nawala na silang lahat sa paningin ko. Ngayon ay wala nanv nagbabantay sa amin dahil lahat sila ay nilayasan kami.
Mga tanga talaga.
Binalingan ko ng tingin si Jennifer na ngayon ay sinusubukang kumawala sa pagkakagapos niya, habang si Tyron ay may kung anong inaabot sa gilid niya gamit ang paa niya. Mga sinusubukang tumakas sa pagkakatali nila. Hindi ko naman maiwasang mapabuntong hininga.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon para kay Tyron. Masiyadong halo-halo at naguguluhan ako sa paiba-ibang reaksyong lumalabas sa akin.
Kung kanina ay gulat at awa ang naramdaman ko sa kanya nang malaman kong tinraydor siya ni Hannah, ngayon naman ay galit at panlulumo. The fact na siya ang bumili nitong kadena para sa akin ay hindi ko maiwasang makaramdam ng dismaya at pagkagalit. Talagang hindi siya nagda-dalawang isip noon na saktan ako, 'no?
Pare-pareho sila na walang awa.
Tuluyan na talaga ako nawalan ng tiwala sa mga taong nakapaligid sa akin. Hindi ko na alam kung sino pa ang dapat kong paniwalaan at pagkatiwalaan. Ang tanging taong inaasahan ko na lang sa ngayon ay si Jennifer.
"Paano ka ba nahuli ni Hannah, Jennifer? Bakit napunta ka rito?" Takhang tanong ko sa kanya, dahilan para tumigil siya sa kagagalaw, bagsak naman ang balikat niyang sumuko na kumawala sa pagkakatali sa kanya.
Bahagya pa siyang bumuntong hininga at hindi makapaniwalang lumingon sa akin at saka niya sinimulang ikinuwento ang lahat ng pangyayari. Mula sa pagsunod niya sa akin hanggang sa malaman niya ang totoo.
"Aish, nakakainis talaga ang impaktang 'yon! Ganito kasi ang nangyari. Papunta pa lang dapat ako sa San Roque, para sundan ka. Ang totoo ay tumakas lang ako kila mommy dahil nga may lakas kami at hindi ako pwedeng mawala roon, pero hindi ako makapante knowing na nasa panganib ang buhay mo dahil mag-isa ka lang pumunta rito, kaya ayon! Sinundan kita," pag-uumpisa niya
"Ang kaso, nakita ko rin 'tong si Tyron doon," pagbaling niya kay Tyron na agad nilingon si Jennifer at sa akin, pero nanatili akong kunot noong pinakikinggan ang lahat nang sinasabi ni Jennifer.
"Pero hindi na ako nagpakita sa kanya, dahil alam ko namang pauwiin niya lang ako. Tapos ayun, naabutan kong hawak-hawak ka na nung dalawang tao. Tutulungan sana kita, kaso nakita ko si Hannah. Ando'n lang siya nagtatago, pinapanood lang kayo. Nagtaka pa nga ako kung bakit nakangiti pa siya habang pinahihirapan ka. Kaya naisip ko na baka kasabwat siya, una pa lang talaga ay nanghihinala na ako sa babaeng 'yan, eh. Mukha niya pa lang ay wala na akong tiwala."
"Kaya ayon, hinampas ko siya ng kahoy sa likuran niya nang hindi ka manlang talaga niya tulungan. Kesyo may pasabi sabi pa siya sayo kagabi na hindi ka niya pababayaan?! Eh, kingina! Pinanonood ka nga lang bugbugin, tarantado pala siya, eh! Sinong niloko niya!" Paghehesterika niya at ramdam na ramdam ko talaga ang galit niya kay Hannah. Hindi ko rin naman maiwasang makaramdam ng dismaya at galit, dismaya dahil talagang pinagkatiwalaan at pinaniwalaan ko lahat ng sinabi at inakto niya kagabi sa harapan naming lahat. Galit dahil palabas niya lang pala ang lahat.
"Ang problema, nung nahampas ko siya ng kahoy sa likuran, hindi ko alam na may kasama pala siyang mga alagad niya. Kaya ayon, nakatanggap ako ng sikmura. Tapos, paggising ko, andito na ako nakatali, kasama si Tyron." Paglingon niyang muli kay Tyron na hindi ko naman nilingon.
Napatango naman ako nang marinig ko na ang side niya. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang dugo ko. Mas lalo pang bumibigat ang bawat paghinga ko habang pilit kong pinipigilan ang sarili kong magwala sa galit.
"Kailangan nating makatakas dito," mahinang sambit ko.
"Is that even possible?" Napatingin ako kay Tyron nang itanong niya 'yun. Napako ang tingin ko sa kanya habang kunot ang noo ko. Alam ko at nakikita ko sa mga mata niya na gustong-gusto niya kaming tulungan ni Jennifer na makaalis dito at makatakas, pero wala rin siyang magawa dahil pare-pareho kaming nakagapos.
"Kung gusto may paraan," malamig na tugon ko at iniwas na sa kanya ang paningin ko. Alam kong hindi ito ang tamang oras para iparamdam sa kanya ang galit ko dahil alam kong nagsusumamo rin ang puso niya ngayon. Ikaw ba naman traydurin ng taong minahal mo ng lubos?
Haha gago, deserve.
"Sungit nito. Hoy! Kailangan natin tumakas dito, huwag mong sungitan si Tyron at baka iwan tayo niyan dito, siya lang tumakas mag-isa, aba!" Suway sa akin ni Hannah.
"Then umalis siyang mag-isa? Who cares? Kung kaya niya, mas lalong kaya natin." Matagal na akong iniwan niyan mag-isa, kaya hindi ko kailangan ng umasa sa kanya. Para namang hindi niya sa akin pinaramdam noon na wala siyang pakialam sa akin gaano pa ako magdusa buong buhay ko. So bakit ako aasa sa kanya ngayon? Kung makatakas man kami rito, ay siya ang iiwan namin mag-isa at tatakas kami ni Jennifer ng magkasama.
Harapin niya 'yang traydor niyang wife kuno. Lol. Pinaglaban mo, 'di ba? Mahal mo, eh. Oh, depensahan mo ngayon. Tignan natin kung hindi ka sunduin ni satanas at ikaw ang gawing hari sa impyerno.
Speaking of apoy.
"Sandali." Nanlaki ang mata ko nang may maalala ako.
"Bakit?" Takhang tanong ni Jennifer.
"May paparating ba? Hala, kailangan nating makaalis dito bago tayo nila maabutan ulit dito!" Natatarantang sambit niya.
"Hindi! Ano ka ba?! Yung lighter, nasa bag ko, kunin mo!" Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makakita ako ng pag-asang makaalis kami rito.
"Paano ka naman nagka-lighter, naninigarilyo ka ba?" Gulat na tanong ni Jen.
"Hindi! Ginamit ko 'yan kanina sa bahay, nakalimutan ko lang ibalik," sagot ko.
"Nakalimutan, puro ka nakalimutan! Baka mamaya nakalimutan mo na rin na wala ka naman talagang amnesia! Pero, in fairness naman sa'yo espren, ha? May dulot 'yang pagiging makakalimutin mo!" Natatawang saad nito, dahilan para onti-onting mawala ang kunot ng noo ko at tuluyan nang matigilan. Isang beses pa akong napalunok nang maramdaman ko ang mabilis na paglingon ni Tyron sa pwesto ko kahit wala sa kanya ang tingin ko.
B-bakit mo sinabi?!
"What?" Rinig kong tanong nito.
"Paki-ulit nga 'yong sinabi mo," kunot noong saad ni Tyron, dahilan para matigilan din si Jennifer nang ma-realized ang sinabi niya. Nakagat pa nito ang pang-ibabang labi niya at tumingin sa akin na para bang sising-sisi sa sinabi.
"Wala naman talagang ano?"
"Ha? M-may sinabi ba ako? Wala naman, ah? H-hindi ba espren, w-wala? Hehe." Palusot niya, at pilit na tumawa. Pinagmumukhang nagbibiro lang siya. Napapikit na lang ako sa inis.
WALA NA. BUKING NA!
"Wala kang amnesia?" Takhang tanong ni Tyron habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Nagpakawala pa muna ako ng isang buntong hininga bago ko siya harapin, seryoso lang ang mukha. Pinapakitang hindi ako naapektuhan sa pagsasabi ni Jennifer ng totoo.
"Wala."

Komentar Buku (356)

  • avatar
    Karen

    this is so cute, i love how tyron did anything to make ciara's back and the ending was good.

    19/08/2022

      0
  • avatar
    JimenezDesiree

    This is a good novel. The plot is interesting and I love every character's personality.

    20/01/2022

      1
  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda ng story. Love really conquers all. akala ko Hindi magiging happy Ang ending. grabe Yung twist NG story. unexpected. I really recommended this story. Sana basahin nyo Rin. may moral lesson kayong matututunan dito. great job for the author. I'm looking forward for more stories/novels. babasahin ko Rin Yun. God bless you. 😊❤️

    15/12/2021

      1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru