logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 23 | death note

TW: gunshot, death warning
Ciara's pov
Habang prenteng nakaupo at pinagmamasdan ang mga sumasayaw sa gitna, ay hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga nang maalala ko na naman ang pag-sayaw namin kanina ni Tyron.
'Hindi naman sa gwapo siya kaya ko iniisip 'yun, ang iniisip ko ay 'yung mga sinabi niya sa'kin kanina habang sumasayaw kami.
He wanted me to come back to him even just for tonight?
Bakit kaya hindi niya naisip 'yung ilang taon akong nasa kanya, pero wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ang saktan ako?
Hindi ako pwedeng magpadala sa mga galawan niya, kaya nga ako nagpanggangap na may amnesia, dahil gusto ko siyang kalimutan para makaganti, hindi 'yung ganito na ipamumukha niya sa aking nagsisisi na siya kung kailan huli na at nangyari na ang lahat?
Kung sana, noon pa siya bumawi noong mga panahong tanga pa ako at mahal ko siya, edi nagpa-uto ako sa kanya? Hindi ko na siya  ahal dahil natauhan na ako, pero hindi matatanggal sa akin 'yung pagiging marupok.
Nakakatanga pala talaga maging marupok, 'no? Ako dapat 'yung gumagawa sa kanya nito eh, pero ako ngayon 'yung naguguluhan.
Napabuntong-hininga na lang ako sa hangin.
"Bakit ba kasi ang rupok ko pagdating sa'yo." Nasusuya kong bulong sa sarili. Naiinis ako sa sarili ko, dahil hindi ko maiwasang makaramdam ng kaonting saya nang makita ko kanina sa mga mata niya kung gaano siya katotoo sa lahat ng sinasabi at ikinikilos niya. Pero hindi nga ako pwedeng magpadala, dahil ang trabaho ko rito ay gumanti sa kanya, wala nang iba.
Binalingan ko naman ng tingin si Hannah na hanggang ngayon ay kumakain pa rin.
Teka, hindi ko pa nga pala natatanong sa kanya kung ano 'yung pinakadahilan kung bakit siya biglang aalis? Biglaan naman kasi, kahapon lang sila nag-usap at tinapos ang meron sa kanila ni Tyron, pero aalis na agad siya?
Sabihin ko na rin kaya ngayon sa kanya 'yung totoo na wala talaga akong amnesia? Tutal, aalis naman siya, hindi ba?
Bumuntong hininga muna ako bago siya tawagin. Agad naman itong tumingin sa akin.
"Yes, why?" Tugon niya.
"Bakit pala biglaan 'yung pag-alis mo? Sure ka na ba diyan?"
"Tungkol diyan, oo. Matagal ko na talagang plano ang umalis, naghahanap lang ako ng tyempo kung paano ko sasabihin." Alam kong kay Tyron niya gustong magpaalam. Napatango naman ako, hindi ko na kailangang tanungin kung bakit dahil mukhang alam ko na ang sagot.
Gusto niyang mag-paubaya.
"May aaminin pala ako."
"Hmm?"
"Nadisgrasya ako, hindi ba?" Tanong ko sa kanya, tumango naman ito.
"Ang alam nila ay may amnesia ako." Kumunot naman ang noo nito.
"Ang totoo kase niyan, wala-"
'bang!'
Agad akong napatayo mula sa kinauupuan ko dahil sa gulat nang makarinig ako nang putok ng baril.
'Shit, saan nanggaling 'yon?!'
Napansin kong nagpapanik na rin ang ibang bisita, kaya sunod-sunod akong napalunok at hindi maiwasang mataranta.
'What's happening? Saan ba galing ang putok ng baril na 'yon?!'
Nakita ko namang may umuusok na sa harapan, kaya lalong nagkagulo ang mga tao.
Nilingon ko si Hannah, pero..
"Asan na 'yon?" Takhang tanong ko, napansin ko namang may tao sa ilalim ng lamesa, kaya sinilip ko 'yon.
'Naknamputcha, nagtatago lang pala!'
"Ano ka ba naman, Hannah! Anong ginagawa mo diyan?" Takhang tanong ko sa kanya.
"May pumutok na baril eh!" Sagot nito, habang nakatakip pa sa tainga.
Napansin ko na natahimik ang lahat ng tao nang may umalingawngaw na napakalakas na mala-demonyong tawa. At sa tingin ko ay nanggaling 'yon mula sa harapan, kaya napalingon ako roon at pilit na inaaninag ang nag-iisang taong nakatayo sa harapan.
'Sino siya?'
Takha kong tinignan ang taong naka-all black sa harapan, ngunit agad akong nagilabot at bahagya pa akong napaatras ng hakbang nang lumapat ang tingin nito sa akin at magtama ang tingin namin. Mukhang balak pa ako nitong lapitan, kaya naman ramdam ko ang pagkibot ng labi ko nang dahil sa kaba.
'A-anong kailangan niya sa akin?'
"Hanggang diyan ka lang!" Sigaw ni Hannah nang pumunta ito sa harapan ko para harangan ako, gano'n din naman ang ginawa ni Tyron na sumulpot sa harapan ko, pero hindi no'n naalis ang takot sa buong sistema ko, dahil hindi pa rin naaalis ang tingin at nakakalokong ngisi sa akin ng babae.
"Don't you dare." Pagbabanta pa ni Tyron rito.
'Kinakabahan ako, sino ba siya? Bakit siya nanggugulo sa party ko?'
"How sweet, may mga guardian demon ka pala? Hahahahahaha! Akalain mo 'yon?" Natatawang pang-insulto nito, dahilan para makaramdam ako ng inis. Bakit ba hindi niya na lang sabihin kung anong kailangan niya?! Tinatakot niya ang mga tao rito!
Pero isa lang ang nakapukaw ng atensyon ko, ang boses nito ay pang-babae, kaya agad ko siyang pinakatitigan at inaalam kung sino ito base sa postura niya
May kilala ba ako na ganitong klase ng babae?
"Relax, my dear. Ibibigay ko lang naman ang aking napaka-gandang munting regalo!" Nakangisi nitong saad, habang pinaiikot sa kamay niya ang isang maliit na kahon. Dumapo doon ang tingin ko at kunot noo kong pinagmasdan 'yun.
Regalo? Hindi pa ba sapat na regalo na ginulo niya ang party ko?
"Sino ka ba, ha!" Sigaw ni Hannah.
"Anong kailangan mo, bakit ka nanggugulo?" Mahinahong tanong ni Tyron.
"Dont worry, I won't hurt your lovely friend, Ciara. Basta ba ay hayaan niyo lang akong ibigay ang regalo ko sa kanya." Nakangising saad nito at binalingan ng tingin ang hawak niya.
Ano bang laman no'n? Hindi naman siguro bomba 'yun, hindi ba? Bakit naman siya magdadala ng bomba rito? Kung may kasalanan ako sa kanya ay sana ako na lang ang hinarap niya, hindi 'yung mandadamay pa siya ng ibang tao.
"Paano naman namin masisigurado na wala kang gagawing masama?" Tanong ni Hannah.
"Okay, fine. Kung gusto niyo, kayo na lang ang magbigay. Nasasayang ang oras ko dahil sa inyong mga pa-kontrabida, hindi naman kayo ang kailangan ko." Muling tawa na naman nito na mala-demonyo.
"Sino ka ba? Anong kailangan mo sa akin? Bakit hindi mo na lang ako diretsuhin? Aware ka ba na mukha kang pabida diyan?" Singhal ko sa kanya at hindi maiwasang mag-tunog sarkastiko, dahil naiinis ako sa kanya. Pananalita at tawa niya pa lang ay sumasakit na ang tainga ko.
"Oh, akalain mo 'yon? Marunong ka pa lang magsalita?" Mapang-insultong sambit nito habang natatawa pa, sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Bakit hindi mo masabi kung sino ka? May pa-custome ka pang itim, si lastikman ka ba? O sadyang duwag ka lang kaya ayaw mong makita naming 'yang pagmumukha mo?" Kunot noong tanong ko sa kanya, nauubos na ang pasensya, pero nginisian lang ako nito.
"Makikilala mo rin ako, my dear." Seryosong saad nito, bago muling tumawa ng pagkalakas-lakas.
'Baliw ata ang babaeng 'to e.'
Nasa ganoon making posisyon lahat nang mabigla kami nang may kung ano na lang itong ibinato sa harap namin, dahilan para mag-usok na naman ang paligid.
'Damn it!'
Tinakpan ko ang ilong ko bago hinawi hawi ang usok na nanggaling roon sa kung anong sumabog.
'Ano bang kabaliwan 'to!'
"Asan na siya?!" Narinig kong tanong ni Hannah.
Pilit ko namang iminulat ang mata ko kahit napakarami pang usok. Sinuyod ko ang buong paligid at mukhang wala na nga ang baliw na babaeng 'yon.
'Paano niya naman nagawang makaalis sa ganong kabilis na paraan?
Tinignan ko si Hannah na ngayon ay may hawak-hawak ng kahon.
'Hindi ba't ayan 'yong dala-dala nung babae kanina? Ano naman kayang laman niyan?'
"Mag-ingat ka sa pagbukas." Saad ni Tyron nang dapat ay bubuksan na ito ni Hannah.
"Ano naman kayang laman nito?" Takhang tanong niya habang pinagmamasdan ito ng mabuti at inalog pa para malaman kung anong laman.
Dahan-dahan niya naman itong binuksan at sinilip ang laman sa loob.
"Papel?" Takhang tanong nito nang makuha niya ang nasa loob ng kahon. Agad niya naman itong binuklat at binasa, pero nakakapag-taka nang mag-bago ang reaksyon niya.
Bakit siya nagulat? Anong nakasulat sa papel?
Inagaw ko naman sa kanya 'yun at binasa din ang nakasulat sa mismong papel.
"Be ready, my dear! your death is coming!"
Pagbasa ko rito na punong puno ng dugo, kaya agad ko 'yong nabitawan.
'A-anong binabalak niya? Para saan 'yon?!'
Nakita ko namang pinulot 'yon ni Tyron at kunot noong tinignan.
"Anong nakasulat, Tyron?" Nagtatakhang tanong ni Raiza.
Inibot niya naman 'yon sa kanila.
"Ano 'yan! Ang dugyot naman, bakit puro dugo, ew!" Nandidiring saad ni Jennifer.
"It's a Death Note." Saad ni Raiza habang nakatitig sa papel.
"Anong kailangan niya sa akin." Kinakabahang tanong ko.
Napaupo na lang ako sa upuan, dahil nakaramdam ako ng panghihina sa tuhod.
"Anak, what's going on?! Anong nangyari dito sa labas?!" Napalingon ako kay mommy nang lumapit ito sa kinaroroonan ko. Halatang natataranta at alalang-alala ito.
"I'm sorry, hindi ko alam kung paano kami nakulong kanina sa loob ng bahay. Basta, bigla na lang nag-lock lahat ng pwede naming malabasan. Pero, ano ba talagang nangyari dito?!" Naguguluhang tanong ni mommy.
Napailing na lang ako, "someone just sended me a death note," naiiyak na tugon ko.
"A-ano?!" Hindi makapaniwalang tanong nito. Iniabot naman ni Raiza ang papel kay mommy.
"Sino ba ang taong 'yon at saan siya kumuha ng lakas ng loob na manggulo sa party mo, at magpadala ng ganitong kalokohan?! Aish! I'm sorry, everyone sa kung ano man ang nangyari dito. Hayaan niyo, aayusin ko. Pasensya na talaga. Tyron, please, pakibantayan muna sila. Aayusin ko lang ang mga bisita." Nag-aalalang saad ni mommy.
"Ako na pong bahala, Tita." Tugon nito.
Naikuyom ko na lang ang mga kamao ko, dahil nanginginig na ako sa kaba at takot.
Ano bang gusto niya! Hindi ko maintindihan! May kasalanan ba akong ginawa sa kanya?!
'Bakit kailangan niya 'tong gawin?! Ano bang binabalak ng babaeng 'yon?!'
"Espren, tahan na. Huminahon ka, h'wag mong intindihin 'yun masyado, malay mo ine-april fools kalang niya!" Pagpapa-kalma sa akin ni Jennifer, habang hinahagod ang likod ko.
"April fools?" Sabay-sabay nilang tanong.
"Oo, April fools. Hindi niyo ba alam 'yon? Ang ignorante niyo naman, april ngayon, hindi ba? Duh!"
"Oo, april nga ngayon, pero hindi naman natin pwedeng sabihin na isang kalokohan lang ang ginawa niya. We can't say that this is just an April fools. Look, sinira niya ang party ni Ciara, tapos nang ea-april fools lang siya? Kung kalokohan lang 'to, bakit kailangan niya pang manggulo sa party ni Ciara? Ang dami niyang natakot at nasira." Mahabang linatana ni Tyron, habang hawak ang kamay ko at pinapatahan ako.
"Yeah, Tyron has a point. Baka talagang totoo 'yun at pinagbabantaan si Ciara. Teka, may ginawan ka bang masama or anything na magpapasama sa kalooban niya?" Napaisip ako sa tanong ni Raiza, agad naman akong napailing.
"Wala, wala akong maalalang ginawan ko ng masama, ni hindi ko nga kilala kung sino ang babaeng 'yon." Umiiyak na sagot ko.
"Raiza, nakilala mo ba 'yung babae?" Tanong ni Jennifer kay Raiza, na mukhang malalim na ang iniisip ngayon, dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya.
Nagtatakha ako, dahil nakatitig lamang ito sa aming dalawa ni Tyron, tila ba ay nag-aalala siya.
'Anong iniisip niya?'
"Raiza, kilala mo ba?" Tanong muli ni Tyron.
"Hindi ko na alam, nalilito na 'ko!" Saad nito at yumuko, ano bang ibig niyang sabihin?
"Hindi ko alam kung sino ba talaga sainyong dalawa ang pupuntiryahin nila." Saad nito, dahilan para magtakha ako.
'Ano? Pupuntiryahin? Nino naman? May nalalaman ba siya?'
"What do you mean, Raiza?" Tanong ni Hannah.
"Teka, bakit nadamay si Tyron dito?" Naguguluhang tanong ko, anong kinalaman niya dito?
Tumingin naman sa'kin si Tyron.
"Dahil sa tingin ko, siya ang tinutukoy ng mga taong 'yon nang marinig ko ang usapan nila."
"Nila? Usapan? Nino? Sino?" Napatingin kami kay Hannah na gulong gulo na rin.
"Oo nga, sinong nila, Raiza? Anong pinaguusapan nila nun?" Kunot ang noong tanong ni Jennifer.
"Si Shaira, Shaira Soriano."
"Soriano?!" Gulat na tanong naming lahat.
"Kilala mo ba siya, Hannah?" Tanong ni Raiza, napatingin naman ako sa kanya.
'Kilala niya ba ang taong 'yon?'
"Hindi ko alam, hindi ko sure, pero narinig ko na ang pangalan na 'yan, pamilyar siya sa'kin." Sambit niya na tila ba'y sobrang lalim ng iniisip niya.
"Teka, Raiza. Sino ba 'yung kasama niya noon? Saan mo sila narinig na magkausap?" Naguguluhang tanong ko.
"Sa Gordon's building. Oo, tama doon nga, yun 'yung natatatandaan ko nung sinundan ko 'yung lalaking sumagasa sa'yo nung gabing nadisgrasya ka." Sagot ni Raiza na ikinataka ko.
'Nakita niya kung sino ang taong 'yon?'
"Kilala mo? Sino? Sino siya?" Tanong ko.
"Ang alam ko ay lahat ng suot niya ay puro itim." Sagot ni Raiza.
"Men in black?" Si espren.
"Nakita ko rin siya, pero hindi ko namukhaan. Siya rin 'yung minsan kong nahuli na pumasok sa bahay natin noon." Sagot naman ni Tyron.
'Kailan 'yon? Bakit hindi ko alam?'
"Lahat ng suot ay itim? Nakasukot rin ba ng mask ang taong 'yon?" Takhang tanong ni Hannah.
Tyron's pov
Napatingin kaming lahat kay Hannah dahil sa tanong niya.
Muli ko na namang naalala nung araw na pumunta ako sa bahay niya at nakita kong magkausap sila ng lalaki na 'yun.
Sino ba siya? Kaano-ano niya ang lalaking 'yon? Bakit kilala niya? May alam ba siya dito?
'Kinakabahan ako sa'yo, Hannah.'
"Oo, Hannah. Nakasuot nga siya ng mask. Kilala mo ba?" Tanong ni Raiza. Nakita kong tumikhim ito at ikinuyom ang mga kamao.
Mariin itong pumikit, "Hannah, kilala mo ba?" Paguulit ko sa tanong.
"Oo, kilala ko." Seryosong sagot niya at tinignan ako ng diretso sa mata.
Kinakabahan ako nang tignan ako nito.
'H-hindi kaya.. nakita niya ako no'n?'
'Sino ba ang lalaking 'yon, bakit kilala niya?'
'Kasabwat ka ba, Hannah?'

Komentar Buku (356)

  • avatar
    Karen

    this is so cute, i love how tyron did anything to make ciara's back and the ending was good.

    19/08/2022

      0
  • avatar
    JimenezDesiree

    This is a good novel. The plot is interesting and I love every character's personality.

    20/01/2022

      1
  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda ng story. Love really conquers all. akala ko Hindi magiging happy Ang ending. grabe Yung twist NG story. unexpected. I really recommended this story. Sana basahin nyo Rin. may moral lesson kayong matututunan dito. great job for the author. I'm looking forward for more stories/novels. babasahin ko Rin Yun. God bless you. 😊❤️

    15/12/2021

      1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru