logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 22 | binitawan na kita

Ciara's pov
Agad akong napatayo nang nakapalibot na pala sa'min ang mga tao. Saglit pa kaming nagkatinginan ni Tyron, ngunit sabay din kaming nag-iwas ng tingin sa isa't-isa.
"Omg, they've kissed!"
"S-sorry. Ah.. s-sige suotin mo muna 'yang coat ko," naiilang na saad ni Tyron at tumakbo paalis. Ilang beses naman akong napakurap at hindi alam kung saan puounta.
"E-excuse me." Nahihiyang paalam ko rin sa mga tao at tinalikuran silang lahat. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko, dahil sobrang kahihiyan 'yung nangyari! Bakit kasi ang tanga-tanga niya?!
Masaya na sana akong natisod siya, pero the fuck. Sa dami nang pwedeng pagbagsakan, sa labi ko pa?! Hindi ba pwedeng sa lupa na lang bumagsak 'yung lupa niya para kahit papaano ay nakaganti ako sa kanya nang indirect?
Damn it. Gusto ko lang naman siyang pagtripan, bakit nadawit pa ang labi ko.
What did you do again, Ciara! Wala na. Wala! You failed.
"Aaaaaah! Mababaliw na ako! Kasalanan mo 'tong coat ka, e! Bakit naman kasi hindi ka pa bumalik do'n sa amo mo? Hindi naman kita kailangan." Paninisi ko sa coat, habang hinahampas pa ito sa gate. Nakakainis.
Ang plano ko lang naman ay asarin siya, dahil gusto kong gumanti sa kanya. Yun bang ganti na matutuwa ako, birthday ko ngayon kaya ang pangit naman kung magiging cold ako sa kanya. Yun bang ipaparamdam ko sa kanya na ayos kami, tapos oras na dumating na 'yung pagkakataon na humingi na naman siya ng chance, saka ko siya idu-dump.
Well, hindi ko man siya saktan ng physical, dahil hindi ako ganon. At least, matapakan ko manlang 'yung ego niya. Kahit simpleng ganti lang ay ayos na ako.
Pero hindi ko naman alam na may kapalit pa lang halik 'yun, ano ba 'yan. Paano ba kasi nangyari 'yun? Napakatanga niya naman. Nawawala 'yung angas niya.
"Kung hindi ba naman kasi siya tatanga -tanga na tinapakan ang gown ko, edi sana hindi niya ako.. aish! Nakakainis talaga!" Pagdadabog ko nang maalala ang senaryo namin kanina, wala naman sa plano 'yun. Nasira tuloy lahat. Pati mood ko ay nawala na. Nawawalan ako ng gana sa tuwing sumasagi sa isip ko kung paano- aaaaak! Ayoko nang alalahanin pa!
Saglit naman akong napalingon sa labas nang mapansin kong may huminto na kotseng itim sa harap ng bahay namin.
'Teka, sino naman 'to?'
"Omg, Ciara!" Nagulat ako nang lumingon ito at nagmadaling tumakbo papunta sa akin, agad ko namang binuksan ang gate para salubungin siya.
"Hannah!!" Masayang bati ko sa kanya at agad na sinugod ng yakap. Akala ko hindi na siya darating, siya pa naman ang hinahanap ko kanina. Kailangan ko siya ngayon dahil gusto kong makita ngayon ang itsura no Tyron kapag nakita niya kaming magkasama ni Hannah.
Galit na galit siya dati kapag nalalaman niyang magkasama kami, hindi ba? Well, then. Tignan natin ngayon. Ngayon pa na nagbabago na 'yung paraan ng pag-treat niya sa akin? Tignan na lang natin ngayong andito na 'yung so-called niyang asawa.
Kakampi ko si Hannah, pero hindi naman masamang gamitin siya para malaman kung anong magiging reaksyon ni Tyron, 'di ba? Nakakatanga kasi 'yung mga kilos niya. Nanghihingi siya sa akin ng chance na bumalik ako sa kanya nang hindi niya naiisip si Hannah?
He's so impulsive and insensitive and it makes me hated him even more. Napakagulo niya at hindi ko siya maintindihan.
"Am I late na ba, Cia? I'm sorry, may inasikaso pa kasi ako sa bahay, ayan tuloy na-late ako." Nakasimangot niyang sambit, dahilan para ngitian ko siya.
"Hindi kaya, sakto lang ang dating mo, 'no. Kakaumpisa pa lang naman ng party." Nakangiting sagot ko.
Hindi pa nga pala niya alam na may amnesia ako na hindi naman totoo, hindi ko rin alam kung alam niyang nadisgrasya ako nang dahil kay Tyron. Sa totoo lang ay naaawa ako kay Hannah, siguro kung tumuloy lang siyang sumama sa akin papasok no'n sa bahay ay nakita niya rin 'yung nag-iisang taong mahal niya na may kasamang ibang babae.
Kung sa akin ay tanggap ko na dahil alam ko namang wala siyang pakialam sa akin, pero kay Hannah? Nagawa niya 'yun kahit meron siyang Hannah? Kahit pa lasing siya nung oras na 'yun, dapat alam niya 'yung ginagawa niya.
"Really? Ay, buti naman kung gano'n! Ah, teka! Happy birthday!! Here's my gift and also the cake. Actually, kahapon ko pa binili 'yan, excited kasi ako masyado e, kaya ayan." Natatawang sambit niya, kaya natawa na lang din ako, pero agad ko din namang tinanggap 'yun.
"Thank you, tara na!" Pag-aya ko sa kanya.
"You looked so gorgeous tonight, Ciara! Inggit ako huhu!" Nakasimangot na sabi nito, natawa naman ako.
"Ikaw rin naman, ano ka ba!"
"Enebe! Anyway, ano pa lang ginagawa mo do'n sa gate kanina? Nakita kasi kita, parang hinahampas mo 'yang coat na hawak mo." Agad naman akong napatingin sa coat na hawak ko.
"Ah, 'yon ba? Wala 'yon! May langgam lang hehe," pagsisinungaling ko.
"Anyway, kumusta ka? Nabalitaan ko 'yung nangyari sayo. I'm sorry kung wala ako sa tabi mo nung nga oras na 'yun, ha? Alam ko na 'yung nangyari, kinuwento at inamin sa akin lahat ni Ty, kung bakit nangyari sayo 'yun. Well, let's not talk about it 'yung sa mismong nangyari dahil sobrang traumatic non." she sighed.
"But he admitted na kasalanan niya 'yun, dahil nga sa dahilan na 'yun. Actually, Nagalit ako sa kanya dahil nagawa niya 'yun sayo. He cheated on you, of course, you're his wife. He also told me you got an amnesia and you forgot about him, but surprisingly, you still remember me. And I feel so thankful about it, Cia. Alam kong hindi mo na maaalala kung sino si Ty sa buhay mo, but I want you to know that he's your husband." Nakangiting sambit niya.
"And ikaw?" Tanong ko.
"Oh, so you just remember me but you don't know why you know me?" Takhang tanong niya, dahan-dahan naman akong tumango. Umawang naman ang labi niya na para bang naiintidihan niya.
Of course, I know you, Hannah. I really know you. You're the person who he loves the most. And you're my comfort person who taught me how to fight and let me out of the dark.
"Well.." hinintay kong magsalita siya. Saglit niya pa akong tinignan at nginitian.
"I'm his friend," diretsong sagot niya na ikinatigil ko.
"Yeah, I'm his friend," sagot niya at lumingon sa akin nang nakangiti. Hindi naman agad akong nakapagsalita at napatitig lang sa kanya.
"Well, aaminin ko. I'm his ex, pero we're just friend na lang ngayon."
"H-ha?!" Nagugulat kong tanong. Nakakagulat naman kasi talaga dahil bakit iyun 'yung sinabi niya? Where infact, siya 'yung taong kini-claim ni Tyron na asawa niya and not me..
"We already talked about it. Alam kong hindi mo maaalala, pero ang sabi ko sa kanya, he needs to focus sayo. Kailangan niyang bumawi sa'yo, marami siyang nagawang kasalanan sa'yo noon and I think this is the right time para bumawi sa'yo," saad niya.
"What?? Eh, kayo?? Paano kayo?" Gulong-gulo na tanong ko.
"I'm just his ex, Ciara. Kung ano man 'yung sa amin, wala na 'yun. Tapos na lahat. Ikaw 'yung priority niya. We have talked about it yesterday nung pinuntahan ko siya, sinabi ko sa kanya na hindi pwedeng sukuan ka na lang niya basta dahil asawa ka niya. And he agreed, mukha rin namang iyun talaga ang plano niya, ang bumawi sa'yo at itama ang lahat," sambit niya, pero bakas na bakas ang lungkot sa mata niya. Parang binambo naman ang puso ko.
Ibig sabihin ay sinuko na niya si Tyron at pinaubaya sa akin kahit labag sa loob niya? It's all visible in her eyes na hindi niya gustong bitawan si Tyron, pero kailangan para sa akin. Pakiramdam ko ay nanghina ang mga tuhod ko nang malaman ko ang totoo.
Nasira ko na naman sila..
Kaya pala ganoon na lang kadali sa kanya na manghingi sa akin kanina ng chance? Dahil binitawan niya na si Hannah? Why so sudden? Akala ko ba si Hannah ang mahal niya? Then, what happened? Kaya niya nga ako tinatrato ng ganoon noon dahil gusto niya akong mawala sa buhay niya at magkasama ulit sila ni Hannah, hindi ba?
Then bakit ngayong nangyari na, ako na mismo ang lumalayo ay siya naman 'tong naghahabol sa akin? Ano pang sense nang mga ginawa niya sa akin kung sa akin rin naman siya babalik?!
Tangina, Tyron. Ano bang nangyayari sayo?! Kinain ka na ba ng guilt kaya bigla kang bumalik sa akin, imbis na kay Hannah? 'Yun naman talaga ang plano niya, hindi ba? Bakit niya binitawan si Hannah kung gano'n?!
Mabigat akong napabuntong-hininga dahil sumasakit ang ulo ko.
Binitawan na kita, pero binitawan mo naman si Hannah.
Handa na akong umalis sa buhay mo at kalimutan ka para magkabalikan kayo ni Hannah, dahil 'yun ang deserve niya, pero bakit mo naman sinayang 'yung pagkakataon, Tyron? Bakit kung kailan handa na akong bitawan ka ay saka ka naman maghahabol at binitawan si Hannah? Fuck, bahala ka! Napakatanga mo kahit kailan.
Nakakainis ka.
"Don't think about it masiyado. I'm happy for him dahil sa wakas ay natauhan na siya. That finally, nagsisi na si Tyron sa mga ginawa niya sa'yo noon, after ng nangyari sa'yo." Nakangiting saad niya, alam kong totoong ngiti 'yun at ramdam kong totoong masaya na siya, dahil in the first place ay iyun talaga ang gusto niya, ang matauhan si Tyron na mali lahat nang ginagawa niya.
Pero huli na lahat, Hannah. Bumitaw na ako..
Kaya wala nang saysay ang lahat kung maghahabol pa siya sa akin, dahil wala na akong balak pang balikan at patawarin siya. He became my greatest trauma at ayoko nang mangyari uli 'yun. Nakatakas na ako, I'm starting to heal myself at wala na akong balak magpanakit uli sa parehong tao.
Ayoko na..
"Kumusta na nga ba kayo? Chika naman!" Natutuwang saad nito. Gusto kong malungkot dahil ang totoo ay hindi ko alam ang tunay na nararamdaman ngayon ni Hannah. Hindi ko nga alam kung nagkukunwari lang siyang masaya ngayon at talagang tanggap niya itong nangyayari ngayon.
But knowing her, she really wants the best for me. She wants to see me happy and finally be treated right by him. Pero kasi para saan pa nga kung wala naman na sa akin ang lahat nang 'yun at hindi ko na kaya pang bigyan ng halaga?
"Hindi ko alam, naguguluhan pa ako sa mga ikinikilos niya. Anyway, let's not talk about it. Hindi ko rin naman maintindihan hahaha. Tara, pasok na tayo?" Pag-aaya ko sa kanya.
Ayoko nang pag-usapan pa ang tungkol doon. Nasasaktan lang ako para kay Hannah.
Sumuko nga ako, pati naman siya ay sinukuan 'yung taong mahal niya.
Pagka-pasok namin sa loob ng bahay ay sakto namang nakasalubong namin si mommy sa may sala na may dala pang wine. Nasa likod nito ang mga kumare niya na mukhang palabas sila ngayon, pero pare-pareho silang napatigil nang makita kami.
"Ciara, ija. Happy birthday!" Bati nila, nginitian ko naman ang mga ito, bago bumaling kay mommy.
"Ciara, where have you- oh! Is that a cake?" Tanong ni mommy sa hawak kong kahon.
"Yes, mommy. Oo nga po pala, this is Hannah, my friend and sa kanya po galing 'tong cake." Tinignan ko naman si Hannah, pero tahimik lang siya. Eh? Nahihiya ata kay mommy, biglang nanahimik, eh. She's not like this naman.
Tinignan ko rin si mom at naging seryoso rin ang mukha niya.
"M-may problema po ba?" Takhang tanong ko, pakiramdam ko ay biglang nagbago ang atmosphere. Parang bumigat? O ako lang ang nakakaramdam no'n? Weird.
"H-ha? Ah, no, no! Wala, may kamukha lang kasi siya," sagot ni mommy.
"Nice to meet you, ija." Nakangiting bati nito kay Hannah na agad din namang nakipag-beso kay mommy.
"Nice to meet you din po, Tita." 
"Sige na, mag-enjoy na kayo. Pakainin mo na si Hannah, Ciara. Baka nagugutom na siya, enjoy ija!" Nakangiting saad ni mommy, nagpaalam naman na sila sa amin at lumabas na ng bahay. Habang pumunta naman na kami sa food section ni Hannah at kumuha ng pagkain at saka naghanap ng table.
"Ano na nga ulit ang balita sa inyo?" Tanong ni Hannah habang kumakain kami. Binitawan ko naman muna 'yung hawak kong kutsara at tinidor, bago pinunasan ang bibig ko.
"Hannah. Secret lang natin 'to, ha?" Bulong ko sa kanya. Balak kong sabihin sa kanya na hindi naman talaga totoong may amnesia ako at nagpapanggap lang talaga ako. Pakiramdam ko kasi ay mas mahihirapan ako kapag tinago ko kay Hannah ang totoo.
"Edi hindi na secret 'yan pag sinabi mo." Natatawang sambit niya, naningkit naman ang mata ko.
Baliw talaga! Magsasalita pa sana ako nang biglang may sumulpot sa harapan kong lalaki na hindi naman sa akin familiar ang mukha.
"Hi. If you don't mind, may I have this dance?" Nakangiting tanong nito, dahilan para agad akong mapangiwi.
Can't he see? Kumakain ako. Tapos aayain niya kong sumayaw. At saka, kakatapos ko lang sumayaw, nagugutom na ako. Wala akong oras makipag-sayaw.
"Alam mo, kuya. Mas masarap ang kumain, tara kain!" Rinig kong sabi ni Hannah sa lalaking nag-aaya rin pala sa kanya. Pft! This girl is really one of a kind.
"Ikaw, kuya? Gusto mo din ba kumain?" Panggaya ko kay Hannah, nagbabaka-sakaling hindi na rin niya ako isayaw, pero mukhang mali 'yung tinanong ko, dahil sinakyan niya naman ito.
"Sure." Saad nito at naupo sa tabi ko. Anak ng!
"I'm Lucas," pagpapakilala niya, sa totoo lang, gwapo naman siya. Pwede na-
'Ay, ano ba naman 'tong iniisip ko!'
"You're the birthday celebrant, right?" Tanong niya pa sa akin, tumango naman ako bilang tugon.
"Ciara Hilvano." pagpapakilala ko at makikipag kamay din sana, pero may nauna nang humawak ng kamay ni Lucas, pareho kaming napatingin kung kaninong kamay 'yun.
"Tyron Collins." -Tyron?! 
Nagulat pa ako nang agad napatayo 'yung lalaki sa kinauupuan niya.
"Ah, sorry tol. Sige, mauuna na 'ko. Nice to meet you, Ciara and Hannah." Pagpaalam nito at agad na umalis. Nakaawang naman ang labi kong sinundan ng tingin ang pag-alis non, nagulat sa nangyari. Bakit biglang umalis??
"Bye!" Paalam din ni Hannah at kumaway pa.
Naramdaman ko namang umupo na si Tyron sa tabi ko, kaya kunot noo ko siyang binalingan ng tignin. Anong problema nito?! Nawala tuloy si Lucas.
"Asan na 'yong coat ko na pinahiram ko sa'yo? Tss. Gustong gusto mo talagang ineexpose 'yan? How many times should I remind you na ako lang ang may karapatang makakita ng mga 'yan?" Masungit na sermon na naman nito sa'kin, dahilan para mapairap ako.
See? He's acting weird!
Nilingon ko naman si Hannah dahil gusto kong makita ang reaksyon niya, pero nandon lang siya kumakain at may kung anong hinihiwalay sa pagkain na mukhang hindi niya kinakain, habang kunot pa ang noo.
"Ito na nga, isusuot na. Napaka sungit." Naiinis kong sambit, habang padabog na sinusuot yung coat niya. Kung wala lang akong balak bigyan siya ng mixed signals para umasa, hindi ko na gagawin 'to.
Makaganti lang, bakit ba?
"Oi, oi! Kung maglalambingan kayo sa harap ko, e, umalis alis kayo sa harap ko, ha! Baka mamaya mainggit ako, agawin ko 'yang asawa mo! Chos! Hahahaha!" saad ni Hannah, dahilan para gulat na mapatingin doon si Tyron.
Mabilis ko namang naitikom ang bibig ko. Ito na 'yung plano ko.
"Hannah, you're here—"
"Hindi ah! Wala ako dito. Picture ko lang 'to." Natatawang sabi pa nito, dahilan para kumunot ang noo ko.
What?? Ano raw?
"Hannah, party 'to, hindi mental," seryosong saad ni Tyron kay Hannah.
So, they're okay? They seemed fine. Talagang nag-usap na sila tungkol sa kanila? At sa tingin ko.. wala na talagang sila?
Nakita ko pa kung paanong irapan lang ni Hannah si Tyron.
"Anyway, how are you? Kailan ang flight mo papuntang France?" Pangangamusta niya kay Hannah, pero agad akong napatingin kay Tyron.
"Ha?! Pupunta kang france?" Gulat na tanong ko kay Hannah. Bakit hindi ko alam?! Saka, biglaan naman yata?!
"Yeah, kailangan kong mag-unwind. Isa pa ay natanggap ako sa trabaho na ina-apply-an ko ro'n. So, why not i-pursue ko, 'di ba? Malay natin, ando'n na pala 'yung magandang future ko." Nakangiting saad niya, pero hindi matanggal tanggal ang kunot sa noo ko.
She's going to france? Kaya pala parang gano'n na lang kadali para sa kanya na bumitaw na lang din kay Tyron, kahit mahal niya pa? P-pero, I thought.. hahanapin niya pa 'yung mga taong pumatay sa mga magulang niya para mabigyan ng hustisya? How about that?
"So when's your flight nga?" Tanong muli ni Tyron.
"Sa monday," sagot ni Hannah.
"Will you be fine there, Hannah?" Nag-aalalang tanong ko.
"Oo naman, 'no! At saka, trabaho at peace naman ang ipupunta ko do'n. Hindi ako maghahanap ng boyfriend. Fbg muna ako ngayon." Parehong nangunot ang noo naming dalawa ni Tyron dahil sa sinagot ni Hannah.
'Huh, ano raw?'
"FBG?" Sabay na tanong namin ni Tyron, natawa naman si Hannah.
"Food Before Guys!" Sagot niya na natatawa pa, napakamot naman ng batok si Tyron.
"Good luck to your flight, then. Doon muna ako, ah? Para makapagusap kayo ni Ciara. You should talk about it to her first."
"Sige, huwag ka ng bumalik, istorbo ka. Chos! Hahahaha!" Saad ni Hannah, naiiling namang umalis si Tyron sa table namin.
I didn't know na may ganitong side si Hannah, she's crazy.
"Hoy, wala tayong iniinom na alak , pero parang lasing ka na diyan?" 
"I'm just enjoying the night. Hindi ba, ang sabi ni Tita, Enjoy the night, ija! Ginagawa ko lang naman, bakit ka nagagalit!" Nakangusong saad nito, dahilan para mapailing ako.
"Oo na, sige na!" Natatawang saad ko.

Komentar Buku (356)

  • avatar
    Karen

    this is so cute, i love how tyron did anything to make ciara's back and the ending was good.

    19/08/2022

      0
  • avatar
    JimenezDesiree

    This is a good novel. The plot is interesting and I love every character's personality.

    20/01/2022

      1
  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda ng story. Love really conquers all. akala ko Hindi magiging happy Ang ending. grabe Yung twist NG story. unexpected. I really recommended this story. Sana basahin nyo Rin. may moral lesson kayong matututunan dito. great job for the author. I'm looking forward for more stories/novels. babasahin ko Rin Yun. God bless you. 😊❤️

    15/12/2021

      1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru