logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 15 | The truth

TW: mentioning illness, death
Tyron's pov 
Hindi ako mapakali, kinakabahan at natatakot ako. Ikot nang ikot habang hawak ang cellphone ko. Iniisip kung anong unang sasabihin ko kay Jennifer kapag tinawagan siya.
Huminga ako nang malalim habang nanginginig na pinindot ang call. Napa-kagat na lang ako sa labi ko habang hinihintay na sagutin niya ang tawag.
"Hello? Sino 'to?" Tanong nito, kaya agad kong nakagat ang pang-ibabang labi.
"Jennifer.." 
"Tyron? Ikaw pala! Oh, himala at napatawag ka? Anyway, kumusta na si Ciara? Nakauwi ba ng ayos 'yon? Alagaan mo 'yan Tyron, naku! Pinilit lang ako niyan na umuwi sa inyo dahil mas gusto ka niyang kasama. Kapag nabalitaan kong sinaktan mo na naman 'yan, ay naku talaga! Ipapa-salvage na kita. Teka, bakit ka nga ulit napatawag?" Mahabang lintana nito, sa mga sinabi niya pa lang ay hindi na agad ako makapag-salita at natahimik na lang.
I don't know how should I tell her.
"Hoy! Ano na? Natahimik ka diyan?" Tanong pa nito.
"J-jennifer, kasi.." tumikhim muna ako at huminga ng malalim.
"Kasi? Teka nga, ayos ka lang ba? May nangyari ba? Hindi ba nakauwi si Ciara diyan?!"  Napalunok ako dahil sa tono ng boses niya. I didn't even know Ciara will go home, if only you just told me. S-sana.. sana hindi 'yun nangyari.
Tangina, kasalanan ko naman talaga, bakit ba sinisisi ko na naman sa iba?!
"May nangyari ba, Tyron?"
"Jennifer, I have something to tell you," sambit ko, habang nanginginig pa ang kamay ko, alam kong kapag sinabi ko na ang totoo, hindi malabong sugurin niya ako dito sa hospital.
"Ano nga?!" Bulyaw nito.
"Si Ciara.."
"Alam kong si Ciara! Ano ngang meron kay Cia-"
"She's in hospital," napapikit ako nang sambitin 'yun, hinintay ko ang pagsigaw niyang gagawin, pero wala akong narinig.
"Asan kayo?" Malamig na tanong niya.
"Manila Hospital." Nauutal na sagot ko, narinig ko na lang na pinatay niya na ang tawag.
Napaupo na lang ako at yumuko.
Face your problem, Tyron. It's your fault.
Ilang minuto pa akong naghintay nang may narinig akong sigaw.
"Asan ang bestfriend ko!" Narinig kong bulyaw nito.
"Ciara Hilvano?!"
"Emergency room, Miss." 
Nakita ko nang lumiko si Jennifer kung na saan ako, nakita ko rin kung paano manlisik ang mga mata niya habang nakatingin at naglalakad papunta sa direksyon ko.
Nang makalapit na siya ay agad akong napalunok.
"Jennifer, let me-"
'Pak!'
Napayuko ako nang sampalin niya ako nang pagkalakas lakas sa magkabilaan kong pisngi.
"Ano, Tyron? Masaya ka na ba, ha? Masaya ka na?! Masaya ka na bang nag-aagaw buhay ang kaibigan ko?! Ano! Magsalita ka! Tangina mo! Ano bang ginawa niyang kasalanan sa'yo para tratuhin mo siya na parang hayop at humantong pa sa ganito?!" Sigaw niya sa akin habang tinutulak tulak ako.
Pinigilan naman siya ng ibang nurse na nakakakita sa amin.
"Bitawan niyo ako! Ano, Tyron?! Bakit hindi ka magsalita? Ah, siguro ay nagsasaya ka na sa kaloob looban mo kaya hindi mo ako masagot, ano?! Anong pakiramdam ang makitang nakahiga ang kaibigan ko sa loob habang nag-aagaw buhay? Masaya ba, ha? Masaya ba?! Bakit hindi ka nagtatalon sa tuwa?! Ang akala ko ba ito ang gusto mo, ang mawala siya? Ang mamatay siya kasi 'yun naman ang nababagay sa kanya? Ang gago mo, Tyron! Napaka laki mong inutil! Pinagkatiwala ko sa'yo 'yung tao, dahil ang akala ko ay tuluyan na siyang sasaya sa'yo, pero nagkamali ako, dahil kinuha mo ang pagkakataon na 'yun para saktan siya. Ano bang ginawa niya sa'yo, para gawin mo 'to?!" Sigaw nito sakin at pinaghahampas ako sa dibdib. Nakikita ko ang galit nito sa kanyang mata, kahit punong puno na ng luha.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong luha. Napaupo na lang ako at napahawak sa ulo ko.
'Alam kong kasalanan ko ang lahat, kaya wala akong karapatang magreklamo.'
'I'm sorry, Ciara.'
Ilang minuto lang din ay dumating na ang mga magulang ni Ciara.
"Tyron, Jennifer! Asan si Ciara?!" Galit na tanong ni Tito.
"Napaka-tigas talaga ng ulo ng batang iyan! Tignan mo kung anong nangyari! My God! Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin sa batang 'yan!" Nawawalan ng pasensyang ani Tita habang nakahawak sa sintindo.
Nakita kong napatayo si Jennifer sa kinauupuan niya.
"Tita, ano pong sinabi ninyo? Si Ciara po ba ang sinisisi niyo?" Mukhang pinipigilan lang ni Jennifer na masigawan si Tita.
"Of course! Dapat lang, dahil kasalanan niya iyan! Kung hindi naging matigas ang ulo niya, hindi iyan sa kanya mangyayari!" Sigaw ni Tita.
"What? Seriously, Tita? 'Yung anak niyo po, nag-aagaw buhay sa loob ng kwarto na 'yan. Tapos kung sisihin niyo siya ay parang anlaki-laki ng kasalanan niya sa inyo, parang hindi niyo siya anak ah? Anong klaseng mga magulang kayo?!" Sigaw ni Jennifer, nagulat na lang ako nang makatanggap ito ng sampal mula kay Tita.
"You better shut your mouth Jennifer, dahil wala kang alam!" Sigaw ni Tita.
"Kayo ang mga walang alam! 'Yung anak niyo, buong taong naghihirap! Tapos ngayong mamatay na lang si Ciara ay wala pa rin kayong mga pakialam?! Wala kayong kwentang magulang!" Saad ni Jennifer.
Bago pa man may magawa si Tita kay Jennifer ay hinila ko na agad ito palayo.
"T-Tita, tama na po. Ako po ang may kasalanan dito." Nakayukong sambit ko.
"Ayan. Siya ang tanungin niyo! Dahil naniwala kayo sa mga kasinungalingan niyan, ni hindi niyo manlang tanungin 'yung sarili niyong anak, kung totoo ba ang pinagsasabi ng lalaki na 'yan sa inyo!" Napakunot naman ang noo nila Tita dahil sa mga binitawang salita ni Jennifer, pati na rin ako ay nagtaka, dahil hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol don.
"Oh, ano? Akala mo hindi ko malalaman ang mga ginagawa mong katarantaduhan kay Ciara? Ha! Asa ka! Demonyo!" Singhal nito, dahilan para sunod-sunod akong mapalunok.
"What are you saying, Jennifer?" Tanong ni Tito, pero hindi siya sinagot ni Jennifer, kaya naglakas loob na akong sumagot.
"I-I'm sorry, it's all my fault. Hindi po totoo 'yung mga sinabi ko sa inyo noon. Nagawa ko lang po siyang siraan sa inyo dahil sa laki po ng galit ko sa kanya, totoo rin po na.. s-sinasaktan ko siya lagi. I-I'm sorry Tita, Tito. I'm sorry." Humahagulhol na pagmamakaawa ko.
Nakatingin lang silang pareho sa akin na tila ba'y hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.
"What did you just say?" 
"T-tita, I'm sorry.."
Napasalampak na lang ako sa sahig ng sunggaban ako ng napaka-lakas na suntok ni Tito.
"Anong klaseng tao ka? Siniraan mo ang anak namin nang dahil lang sa galit mo sa kanya? Pinagkatiwalaan ka namin, pero pinasakay mo lang pala kami sa kasinungalingan mo?!" Sigaw ni Tito.
"I-I'm so sorry po, Tito. Patawarin niyo po ako.. Tita.."
"Wag mo akong matawag tawag na Tito! Hindi kita kaano-ano! Demonyo ka!" Sigaw nito sa akin.
"Patawad po." Lumuhod ako sa harap nila at nagmakaawa.
"Patawarin niyo po ako, Tito.. Tita, nagmamakaawa po ako."
"Lumayo ka! Anong maawa? Bakit? Naawa ka ba sa anak namin nung mga panahong wala kang ibang ginawa kundi saktan at siraan ang buong pagkatao niya saamin, ha! Anong nagawa sa'yo ng anak ko na mali para tratuhin siya ng ganito!"
"P-patawad po, patawad," patuloy na paghingi ko ng tawad.
"Huli na ang lahat, Tyron. Nagawa mo na lahat ng gusto mo. Maari ka nang umalis, hindi ka namin kailangan rito." Saad pa nito, kaya tumayo na lang ako.
"I'm really sorry, Tito, Tita, Jennifer, please. Parang awa niyo na po.. kahit ngayon lang po sana, hihintayin ko si Ciara na magising, gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Huwag po kayong mag-alala, kapag katapos po nito ay aalis na ako at hindi na magpapakita pa. Pagbigyan niyo lang po sana ako ngayon. Nagmamakaawa po ako, Tito, Tita.." paghingi ko ng isa pang pagkakataon.
I need to do this. I can't bare leaving her nang hindi humihingi ng tawad sa mga ginawa ko.
"Sige. I will give you another chance, pero pagkatapos nito ay ayoko nang makita pa 'yang pagmumukha mo!" Matigas na sambit nito.
"M-masusunod po."
"Relatives ni Ciara Hilvano?" Napatingin kaming lahat sa doctor na lumabas mula sa kwarto na kinalulugaran ni Ciara.
"Best friend po." 
"Magulang kami," nagaalalang saad nila Tito.
"And, who's Tyron?" Napatingin silang lahat saakin.
"A-ako po," sambit ko.
"Kaano-ano?"
"Asawa po," sagot ko, napatango naman ito.
"D-doc, kumusta na po ang anak namin?" Tanong ni Tita, pero imbis na sagutin siya ay tumingin lamang ito sa amin ng may pagaalala.
"Doc.. Sabihin mo saamin, anong kalagayan ng anak ko ngayon?" Saad ni tita.
"Hindi ko alam kung paano ko uumpisang sabihin sainyo, pero napaka-sama talaga ng lagay ng pasyente."
'Anong ibig niyang sabihin?'
"A-ano? Paano pong masama, doc?" Tanong ni Tito.
"Malakas ang pagkakatama sa ulo niya nung nasagasaan siya, kaya nadamay ang utak nito na ngayon ay umiikot at namimilipit sa sarili niyang axis o tinatawag natin na brain stem, dahilan para maabala nito ang normal na daloy ng nerve pathways, kaya siya ngayon nawalan ng malay." Pagpapaliwanag nito.
"Kung mananatili ang kawalan ng malay ng pasyente ng mahabang panahon, maari siyang malagay sa pagka-comatose. Maari din siyang mawalan ng memorya o alaala. Ang kaso, mukhang hindi gano'n ang mangyayari. Hindi na siya makakaabot pa sa stage ng pagka-comatose, dahil mayroon na lang siyang nalalabing na sampung oras para mailigtas. Hindi ko alam kung pano ito nangyari, pero sa tingin ko ay epekto rin ito ng malubhang sakit niya ngayon, kaya lalong humihina ang katawan nito. As soon as possible ay kinakailangan niyang magising, kung hindi natin magagawan ng paraan ito ay maari niya itong ikamatay." Dagdag nito, dahilan para matulala ako.
'A-ano?! Bakit sampung oras na lang?! Hindi ko maintindihan! At saka, malubhang sakit? Anong sakit niya?'
Narinig ko naman ang paghikbi ni Tita, "D-doc, anong pwedeng gawin para maligtas siya? Hindi pwedeng mamatay ang anak ko, doc! Please, gawin niyo ang lahat. Kahit magkano ay babayaran ko kayo, iligtas niyo lang ang anak ko!"
Umiiyak na pagmamakaawa ni Tita, hindi ko na napigilan pa muli ang sarili ko sa pag-iyak.
"Hindi ako sigurado, kung maililigtas pa namin siya. Masyadong delikado ang kalagayan niya ngayon, hindi ko alam kung magagawa niyang magising sa loob ng sampung oras. Machine na lang ang nagbibigay pag-asa sa buhay niya ngayon."
"Anong ibig mong sabihin, doc? Bakit mahihirapang siyang magising sa ganon kaikling oras? S-saka ano po 'yong sinasabi mo kaninang sakit? Anong sakit?" Kinakabahang tanong ko.
"She has a cancer in heart,"
'M-may sakit siya sa pso?!'
"Ano?!"
"Hindi niya pa ba nasabi sainyo? Noong nakaraan pa ito sinabi ng naka-assign na doctor sakanya, nakakapagtaka kasi na lagi na lamang siya dinadala ng isang lalaki rito sa hospital namin, kaya pinacheck na namin ang kalagayan niya. At doon namin nalaman na mayroon pala itong sakit sa puso, kaya madalas rin siyang mawalan ng malay at itakbo sa hospital na ito "
Tila ay naestatwa ako sa lahat ng narinig ko mula sa sinabi ng doctor.
Madalas siyang nandito? K-kung ganoon, kaya ba siya parating nawawala ay dahil sa tuwing sinasaktan ko siya ay pumupunta siya rito? Pero lalaki? Sino namang lalaki ang nagdadala sakanya dito?
"Omygash.. hindi namin alam, wala kaming alam sa nangyayari sakanya. God! I'm sorry, Ciara. We're sorry."" Umiiyak na saad ni Tita.
"Siguro ay natatakot siya na mag-alala kayo kaya hindi niya nagawang sabihin, kung hindi naman ay wala kayong sapat na oras sa kanya, kaya hindi niya nasasabi ang mga ganoong ka-importanteng bagay. Hindi na kataka-taka kung ganion na lamang kadali ang gagawing pagsuko ng pasyente."
H-hindi!
"Pasensya na, kailangan ko ng umalis dahil maraming pasyente sa loob ng hospital na ito ang nag-aagaw buhay." Pagpapaalam nito at iniwan kaming lahat na tulala.
Agad kong pinasok ang kwarto ni Ciara na ngayon ay napakaraming aparatos sa katawan ang nakakabit.
Hindi ko pinansin ang mga luha kong sunod-sunod na nagsibagsakan. Ang alam ko lang ay natagpuan ko ang sarili kong nakayakap ngayon sa katawan ni Ciara na walang malay.
Bakit hindi mo sinabi..

Komentar Buku (356)

  • avatar
    Karen

    this is so cute, i love how tyron did anything to make ciara's back and the ending was good.

    19/08/2022

      0
  • avatar
    JimenezDesiree

    This is a good novel. The plot is interesting and I love every character's personality.

    20/01/2022

      1
  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda ng story. Love really conquers all. akala ko Hindi magiging happy Ang ending. grabe Yung twist NG story. unexpected. I really recommended this story. Sana basahin nyo Rin. may moral lesson kayong matututunan dito. great job for the author. I'm looking forward for more stories/novels. babasahin ko Rin Yun. God bless you. 😊❤️

    15/12/2021

      1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru